Chapter 8
"What? Hello! Wake up. Are you out of your mind?"
"No, I'm not."
Hindi raw nababaliw pero kung ano ano pinagsasabi.
"Siguro kulang ka sa tulog." Saad ko saka sumimsim ulit sa kape ko. Hindi ko kineri yung sinabi niya.
"Hey. I'm uh serious." Ayan kabado pa siya habang nagsasalita.
"If you want to be with me, pwes ako hindi." Sabi ko saka niligpit ang gamit ko. Tatayo na sana ako pero bigla naman dumating yung tatlo.
Chase, Blaize, Nova. Bad timing pa.
"Hala.." tinignan ko naman kaagad si Blaize dahil nilagay niya yung kamay niya sa bibig at sa dibdib. Kahit kailan malas talaga ako.
"Ano yung narinig kong 'if you want to be with me, pwes ako hindi' ha? Bro.. iiwan mo na kami!?" Dagdag niya naman.
"No. We're just practicing for our theater play. Before the 4th quarter ends 'di ba we're having a theater play? I asked Ms Sanchez if we can let Gossom play the leading lady role." Pagpapaliwanag naman ni Octavious.
Wow. Hindi ako informed, ang galing nga naman magsinungaling oh.
"Ay oo nga pala nakalimutan ko, infairness Ysla. Ang galing mo don na part huh." Sabi naman ni Blaize habang pinapalakpakan ako.
Napahawak nalang ako sa noo ko nang maniwala naman ito. Hindi ko alam kung uto uto ba siya o masiyadong mataas yung trust niya kay Octavious.
"We have 30 minutes pa naman before our next exam, so let's kain? My treat." Pag-aaya naman ni Nova.
Bakit naman biglang naging Conyo 'to?
Silang tatlo lang ang pumila doon habang kami na naman ni Octavious ang naiwan sa table kaya kinausap ko na ulit siya.
"What do you mean by theater play? I don't remember someone offered me to be a leading lady role." Panimula ko.
"Yeah, palusot ko lang. As if naman i'll let those two know that i want to be with you-"
"Itigil mo nga 'yan! Nakakakilabot ka hindi ka ba nandidiri?" Sabi ko habang niyayakap ang sarili.
Bakit ang dali niyang sabihin na words na 'i want you' ano ako laruan?
"No."
"And why?" I asked and crossed my arms.
"Cause, it's the truth?" Patanong naman na sagot niya.
"Ang eme mo. Kung makapagsabi ka naman ng 'i want you' ano ako laruan? Ang angas mo naman."
"Sorry, i don't know, i mean hindi kasi ako marunong manligaw."
"Hoy! Anong manligaw! Iba na 'yan Eli magsabi ka nga samin ng totoo!" Sigaw ni Blaize nang makalapit silang tatlo sa table namin.
Jusmiyo. As if naman hahayaan ko siyang ligawan ako. Hindi ba siya kinikilabutan?
"I told you. It's the play." Pagdadahilan naman ni Octavious.
"Ay oo nga pala, kumain na kayo. Eto sa'yo Ysla. Sabi ni Nova gusto mo daw ng ube halaya, masarap yung ube halaya dito." Pag-abot ni Blaize sakin ng pagkain.
Nagpasalamat na rin ako bago kunin at simulang kainin yun. Habang ang sakanila naman ay halo-halo, sa'kin lang ang naiba.
"Oh, by the way guys. I got my seat number for the next exam. I'm in 72. Masyadong malayo, kayo?"
"Hindi ko alam kay Eli pero 35 yung akin tapos kay Chase 56." Pagsagot ni Blaize.
Tinignan naman ni Nova si Octavious, natunugan naman niya ang tingin ni Novs kaya sumagot na rin ito.
"17." He said.
Ang malas ko naman talaga, kailan bako magiging swerte ha?
"Ikaw, Ysla?" Tanong ni Blaize sakin kaya napatingin na rin silang apat sa gawi ko.
"16." Pagsagot ko habang kain parin ang ube halaya ko.
"Ang galing, dalawang magkasunod na subject tas magkatabi rin kayo. Witwiw destiny." Pagsingit naman ni Blaize.
"Eww Blaize mandiri ka nga, pano mo pa masisikmura kainin yang ice cream sa halo-halo mo kung 'yan lumalabas sa bibig mo." Sabi ko bago inirapan si Blaize.
Natawa naman sila at pinagpatuloy ang pagkain, natawa rin si Octavious pero tumikhim rin agad nang mapansing masama ang tingin ko sa kaniya.
Hindi ba sila kinikilabutan?
"Let's go. Our next exam will start in a minute now." Saad naman ni Chase bago tumayo. Sumunod na rin kami.
Kung bakit naman kasi pati ngayong subject siya na naman ang katabi ko, hindi ba pwedeng makipagpalit ng upuan? Since marami namang may gusto tumabi sa kaniya.
"Can i borrow your pen again?"
"No. Binigay ko na ito sa'yo kanina pero nag insist ka pa rin na ibalik dahil bibili ka ng bago, tas ngayon hihiramin mo na naman. Yung totoo, nakasinghot ka ba?"
"I was just joking, ang haba naman ng sinabi mo." Saad niya naman habang natawa.
"Anong nakakatawa?"
"Nothing."
Binigyan na kami ng exam papers para sa Science subject, nag announce naman muna si Mr David bago namin simulan lahat.
"We will start the 100 item Science Subject which will be followed by history later today. Good luck and Godbless, examinees."
Pagkatapos ng announcement ay sinimulan ko na rin ang exam at kagaya kanina ay hindi rin ako nahirapan dahil lahat ng nireview ko ay lumabas dito.
Hindi lahat ng nakikita dito sa exam ay nasa reviewer, hindi na nakakapagtaka kaya buti nalang at nakapagresearch ako dahil kung hindi baka hindi ko mapasa at baka sumakit pa ang ulo ko kakaisip ng mga 'to.
10 minutes na ang nakalipas at nangangalahati na ako, hindi kagaya kanina sa English na ginagamitan ko ng mata. Kailangan rin kasi magsolve dito kaya kailangan ko pa ng formulas.
30 minutes rin mahigit nang matapos ko lahat, hindi ako medyo nahirapan, hindi rin medyo nadalian. Katamtaman lang.
Hindi ko rin alam kung bakit halos patayin na naman ako ng mga tingin nila nang makatayo ako upang magpasa, hindi na dapat nakakapagtaka yun kasi lahat naman kami ay nagreview, mas nauna nga lang akk matapos.
"Thank you Ms Gossom, you can take your lunch now, just be back 5 minutes before 1pm." Saad ni Mr David, tinanguan ko lang naman ito at pumunta na sa bleachers.
Sinenyasan ko naman si Nova na lalabas na ako, tumango lang naman siya at nagoatuloy na sa pagsagot.
Nakita ko namang tumayo na rin si Octavious bago ako makalabas ng court.
"Hello po ate Ysla! Kasama ko si Kate kanina lang. Gusto niya daw po ipatanong if magrereview ka pa ngayon." Paglapit naman sakin ni Zara.
"Hi. Hindi na, ayoko rin masyadong mapressure. Bakit?" Tanong ko naman kay Zara.
May nakatago palang skates sa kamay niya na nakalagay sa likod, naisip ko rin naman na pwede na ako magpractice since wala naman na akong gagawin kaya nginitian ko na siya saka kinuha sa kamay niya ang skates.
"Let's go. Puntahan muna natin si Kate."
Tumango lang naman siya saka sinabayan ako maglakad. Nauna siya kasi hindi ko naman kung nasaang lupalop ng mundi naroroon si Kate.
"Hindi ba sarado ang rink ngayon, Zara?" I asked.
"Hindi po, saka never naman po yun sinasarado." Sagot niya naman kaya napatango na lang rin ako.
"Ate Ysla! Mag p-practice ka po!?" Tanong namna ni Kate nang malapitan namin siya. Tumango lang ako sa ngumiti sa kaniya bago siya tumayo at samahan na kami ni Zara papunta sa rink.
"Ate, mahirap po ba yung exam?" Zara asked.
"Medyo, since 100 items. Yung iba rin wala sa reviewer kaya kailangan talaga nakapag research ka."
"Pero kung 100 item exam.. bakit 30 minutes pa lang po nakalabas ka na? Kasi 30 minutes simula nang marinig namin ni Kate yung announcement ni Mr Cheriton eh." Tanong ulit ni Zara.
"Hindi naman na ako nahirapan, pagtingin ko pa lang sa tanong alam ko na agad ang sagot kaya mabilis rin ako nakatapos." I answered.
"So tama po pala yung sinabi nilang matalino ka talaga plus mabait plus talented pa!" Saad ni Zara.
"Tama!" Pag sang-ayon naman ni Kate.
Pumasok na kami sa skating rink at walang katao tao dito sa loob, kaming tatlo lang.
"Sana ganto palagi no? Sobrang tahimik, malawak, saka hindi crowded. Masarap mag practice kung ganito eh." Saad ko habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Wala po masyadong tao ate since may classes pa ngayon." Sabi naman ni Zara.
"Kayo ba, wala? Bakit niyo ako sinamahan? Baka mamaya naabala ko yung class niyo." Kunot noo ko silang tinignan dahil totoo nga naman na may pasok ngayon.
"Ay wala po kaming pasok, dahil P. E namin ngayon pero ginagamit niyo po yung court kaya bukas nalang daw po ulit." Kate said. I just nodded in response.
Umupo na muna ako at sinuot ang skates na binigay sakin ni Zara, sumakto naman sakin kaya tuwang tuwa ako.
"Hindi ba niyo ba 'ko sasamahan?" Kunot noo ko silang tinignan nang maupo lang sila sa bleachers at tinitignan akong naglalakad na papunta sa rink.
"Hindi po, manonood lang po kami sa'yo saka dito na rin kami mag l-lunch habang nanonood. May dala na nga pong lunch boxes si Kate oh." Pagturo ni Zara sa paper bag na dala ni Kate.
Tinanguan ko na sila saka nagpatuloy na nagpapadulas sa rink, ikot, talon, sayaw. Paulit-ulit ko lang ginagawa yun. Hindi rin naman ako napagod.
Ilang linggo na rin akong tutok sa pagrereview kaya nakalimutan kong may laban pa pala akong figure skating sa regionals. Namiss ko ring sumayaw sa ibabaw ng rink.
May gusto akong subukan na move para sa regionals, kung sa division ay natagumpay kong gawin ang halos humiga sa sahig, kailangan ko ring makayang ipractice sa loob ng isang buwan ang susunod na move ko.
Quadruple Axel (4A). This is one of the hardest moves of figure skaters, kadalasan ng mga gumagawa nito ay mga lalaki dahil mas malaki ang matatamong injury kapag babae ang gumawa.
Ilang beses muna akong huminga ng malalim, alam kong pwede akong magtamo ng injury dito pero hinanda ko na ang sarili ko. Nagstretch na rin muna ako para hindi mabigla ang muscles ko.
Hinayaan kong dumulas ang sarili ko sa ibabaw ng rink habang naghahandang tumalon, maya-maya ay tumalon ako at umikot ng apat na beses sa ere bago lumanding, ngunit maling paa ang natapak ko sa rink kaya nawalan ako ng balanse at natumba.
"Aww. That hurts." Daing ko.
"Ate Ysla! Okay ka lang ba!?" Sigaw ni Kate at Zara habang nagmamadaling magsuot ng skates.
"Okay lang ako ano ba kayo, madalas na nangyayare sa'kin to kaya h'wag kayo mag alala." Saad ko naman saka tumayo.
Medyo masakit nga siya pero nakasanayan ko na rin ang ganito kaya wala naman 'to. Kaysa naman ma injured pa ako kung saan malapit na ang competition.
"Sure ka po ah?" Tanong ulit nilang dalawa. Tumango lang naman ako saka nginitian sila.
"Oo, sure na sure." Saad ko at nag thumbs up, nakampante naman sila kaya kumain na lang ulit.
Susubukan ko ulit ngunit sa pagkakatapong ito ay ginawa ko muna ang cantilever, ito yung ginawa ko noong nakaraan. Yung halos mahiga na ako sa sahig.
Matapos kong gawin ang cantilever ay ginawa ko naman ang hydroblade, ang porma nito ay parang si spiderman ngunit ang naiiba lang ay gumagalaw ka sa ibabaw ng rink.
Nang matapos ko ang dalawa ay napagdesisyonan ko na namang subukan ang ang triple axel, nagawa ko na 'to noon sa MOA at naging malinis naman ang landing ko kaya sinubukan ko ulit gawin ngayon.
Umikot na muna ako sa buong rink bago tumalin at umikot ng tatlong beses sa ere at naglanding gamit ang kanang paa ko. Malinis ang landing ko kaya kahit papano ay naging masaya ako.
"Ang galing ate! Professional na professional talaga!" Sigaw ni Zara sa bleachers kaya binigyan ko lang siya ng thumbs up at ngiti.
I decided to try the quad axel again, i know it'll be hard but i'll try my best in order to land sucessfully.
Umikot ulit ako sa buong ice rink bago tumalon at umikot ng apat na beses sa ere, i was about to land when Nova shouted my name. Nagulat ako kaya hindi ko napagtuonan ng pansin ang pagland ko kaya bumagsak lang ulit ako sa rink.
"Damn. It hurts again." Daing ko ulit.
"I'm sorry. I'm.. i'm just worried to the point that i shouted to confirm if you're really here." Pagpapaliwanang niya nang makita ang sakit sa mukha ko.
Malapit na sana, pero sige may susunod pa naman.
"It's okay. Don't worry about it. Sanay na ako kaya h'wag ka mag-alala. Do you want to join me?" I asked. Umiling naman siya bago magsalita.
"No, i'll just watch here. What move are you practicing? That seems difficult." She said.
Nabaling naman ang tingin ko sa likod niya, kasama na naman pala niya ang tatlong mokong.
"Yeah, it is. I landed on the wrong foot a second time so i calculated first how i could land cleanly." I explained. Tumango tango naman siya bago ako pinabalik sa pagpapractice ko.
"Ingat lodi!" Sigaw ni Blaize kaya napailing nalang ako.
Sinubukan ko naman munang umikot habang ginagawa ang Y spin, kung saan ang isang paa ko ay nakataas habang umiikot sa buong rink.
"Ang galing mo lods!" Sigaw na naman ulit ni Blaize. Sinamaan ko na siya ng tingin kaya tumahimik na rin siya.
Tinignan ko naman ulit si Kate at Zara, nag thumbs up lang sila kaya napagdesisyonan ko na ulit na gawin ang quad axel.
"Okay. Let's do this." I whispered. Huminga muna ako ng malalim.
Binilisan ko ng konti ang pag ikot ko sa buong rink bago tumalon at umikot ng apat na beses sa ere, gamit ang kanang paa ko ginamit ko iyon para ibalanse ang bigat ko at ang kaliwang paa naman ay inestretch ko bago ko ulit gawin ang hydrobalde.
"Not bad. But after you do the quad axel, do the hydrobalde smoothly." Pagsigaw ni Nova mula sa bleachers. "Quad axel 4A is a bit hard, i don't know that you'll use that for regionals. That's a olympic card." Dagdag niya naman.
"Yeah. I want to make sure i reach the nationals." I replied.
"Isn't it hard? I find skating difficult but when i see your moves it seems like it's easy." Sabi naman ni Chase.
"I find skating hard first, pero nang masanay ako hindi na naman ako nahihirapanan." I answered.
Lumapit na ako kina Kate at Zara nang makita silang nakangiti sakin.
"Ate Ysla, yung move na 'yun ang galing mo dun!" Kate said. "Pero mauuna na po kami ah may gagawin pa po kasi kaming research. We'll see you po!" Dagdag niya naman.
Tumango lang ako at kinawayan sila hanggang sa makalabas, nahihiya siguro sila kay Nova kasi nasabi ko rin sa kanila na hindi ako pinapayagan ni Nova magskate during exam, pero ako naman ang may gusto.
"I thought you're just outside the court. Pero wala akong nakitang Gossom sa labas." Pagsalita ni Octavious habang tinatanggal ko ang skates ko.
Busy kasi sa pag-uusap yung tatlo kaya lumapit ang isang 'to sakin para na naman kausapin ako ng walang kwentang dahilan.
"What? Kailangan ba lagi kang updated sa ginagawa ko?" Tinignan ko siya habang tinataasan ng kilay. Napaka eme.
"No, i just want to talk to you." He said.
"About what?" I asked, still untying ng skates.
"About us."
"About YOU and ME, walang us. Ew."
"No, i mean our relationshi-"
"Hoy! Anong relationship ha!? Grabe kayo! Kung ano ano na ang tinatago niyo saamin!" Pagsingit namna ni Blaize kaya napahinto rin si Octavious sa pagsasalita.
"I told you, it's a play Blaize." Octavious said.
Maniniwala na naman yang si Blaize. Tamo.
"Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Tara na nga kumain na tayo ng lunch. Nagugutom na ako eh."
See? Ewan ko nalang.
Nauna naman nang naglakad yung tatlo sa harapan namin habang nag-uusap at kami namang dalawa ang naiwan sa pwetan, hindi ako naiilang. Naiirita oo.
"Hindi ba masakit?" Octavious asked. Nasa harap lang siya nakatingin habang nagtatanong.
"What?" Tanong ko naman.
I don't know if he's just acting or really getting worried. Weird.
"Hindi ba masakit?" Pag-uulit niya.
"No." Sagot ko naman bago inunahan na siya maglakad. Alam kong pupunta sila sa cafeteria pero nagpaalam na ako agad na may pupuntahan.
"Saan?" Nova asked. "Sama ako." Dagdag niya.
"No, no. Babalik rin ako before 1pm, don't worry."
Naglalakad na ako papuntang parking lot at pumasok na agad sa loob ng kotse nang makarating.
Nakatanggap ako ng text message galing kay Blackstone at masyadong importante 'to.
"This is Blade J4 Ysla, calling for Blade Blackstone." Pagsagot ko sa kabilang linya.
:This is Blade Blackstone. Bilisan mo Lauren na l-late ka na.
"Sinong hindi ma l-late kung pabigla bigla kayo magpapatawag ng meeting 'di ba?"
:Bilisan mo na.
Pinatay niya na ang tawag kaya binilisan ko nalang ang pagmamaneho papunta sa Pasay.
Hindi rin ako inabot ng 20 minutes nang makarating sa exact location. Bagong location 'to ng Blade's HQ ngunit hindi naman ako naligaw.
Pinark ko na ang sasakyan ko sa parking lot saka nagnamadaling bumaba, may meeting daw tapos ngayon ba nagsabi. Magagalit pa kung bakit ako late. Bangag ba sila?
"Oh, Lauren. Bakit ka nandito?" Tanong sakin ni Strike.
Pati ba naman mga tao dito nakasinghot?
"Bobo. May meeting daw." Sabi ko saka binatukan siya.
"Hala totoo?" Binuksan niya ang phone niya at nakakita ng message doon kaya nagmamadali itong maglakad papasok sa HQ.
"Hoy Strike hintayin mo 'ko!"
Hindi nakinig eh, hayop na 'yan.
Pagkapasok ko sa loob ng HQ nakita ko na silang nagmemeeting. Late kaming dakawa ni Strike kaya pinagtinginan nila kaming lahat.
Rerebat na sana ako para hindi mapagalitan pero nagsalita na si Blade at pinatuloy ang meeting. Buti na lang talaga.
Binalingan ko naman ang nasa harap, ilaw mula sa projector nang makita ang ikakadagdag stress ng buhay ko.
Na naman!?