Chapter 9
"Goodluck Lauren." Pagbati sakin ni Strike.
Tumango lang ako saka bumalik na sa parking lot. Halos lahat ay na congrats ako pero hindi ko pa rin magawang ngumiti. Nakakainis at kasali pa ako sa line up.
Debate, Regionals ng Skating pati Journalism tapos dadagdag 'to. Nakakainis naman.
Tumanggi naman na ako sa gusto nilang mangyari pero wala, yun yung gusto nila. Okay lang naman sakin pero bakit ngayon pa 'di ba.
Pumasok nako sa kotse saka nagmaneho ulit papuntang Roedean. Hindi ko na nakausap si Blackstone dahil nagmamadali na rin ako. 12:30 na nang umalis ako sa head quarters.
From: Nova EnglisherangFrog
Where are you? Makakaabot ka ba sa exam? Kumain ka na ba ng tanghalian? I have extra bento here.
Tinigil ko muna ang kotse malapit sa isang coffee shop, kakain na rin sana ako ng lunch pero sinabi naman na ni Nova na may extra bento siya kaya hindi na ako bumili ng lunch.
To: Nova EnglisherangFrog
Hindi pa. Malapit na rin ako, akin nalang yung extra bento mo.
From: Nova EnglisherangFrog
Okay, drive safely! :)
Hindi ko na siya nireplyan at nagmaneho na ulit pabalik, ewan ko ba pero badtrip ako. Iisipin ko pa lang lahat ng gagawin naiistress na ako.
"What's with the face?" Tanong sakin ni Nova nang makita akong palabas sa sasakyan. Nasa parking lot lang pala sila habang hinihintay ako.
Kasama niya na naman yung tatlo, parang naging barkada bigla sila ah.
"Kasama ako sa line up." nakapanlumo kong sagot.
"Oh, congrats! Omg!"
Tuwang tuwa pa niya akong niyakap pero hindi pa rin ako natutuwa. Naiinis ako.
"Hoy anong line up 'yan, Ysla?" Blaize asked.
Hindi ko naman siya sinagot at nginitian lang. 10 minutes nalang kasi at magsisimula na ang susunod na exam. Binigay naman sakin ni Nova ang seat number ko kaya tinanggap ko lang 'to saka tinignan.
Seat 67. Sana naman hindi siya 66 or 68. Napakamalas ko na talaga kung ganon.
Pumasok na kami sa loob ng court at nilagay ang gamit namin sa bleachers bago pumunta sa kani-kaniyang seat number namin.
"Woi Ysla magkatabi pala tayo. Swerte." Ani Blaize.
Okay na yang si Blaize kesa naman si Octavious.
"So, anong line up 'yun?" he asked.
Binigyan ko nalang siya ng card kung saan nakasaad ang address ng sinasabi kong line up. Nabigla naman siya nang makita ang pangalan ko don at magsasalita na sana.
"Shh. Tatlo lang tayong nakakaalam niyan. H'wag ka maingay ket don sa mga kaibigan mo." i casually said.
Nagsalute naman siya bago nagsalita ng 'yes ma'am' kaya natawa na rin ako.
This is our second to the last exam for this day, history. I love history. I'm aiming to be a historian but there are so much opportunities waiting for me aside from being a historian.
My mom and dad wanted me to become a business woman while matt wants me to pursue psychology, Nova wants me to be a model, but i want to be a historian. Funny, isn't it?
"We'll start out 100 item exam in a minute, please ilagay niyo na sa bleachers ang mga hindi kailangan sa desk niyo. Thank you. You may start once you receive your exam paper, good luck and Godbless examinees."
Pagkatapos mag announce ni Mr David ay maya-maya natanggap ko na ang papel ko kaya nagsimula na rin ako.
Since ginaganahan naman akong magsagot dahil nga history, natapos ko na kaagad 'to ng 20 minutes.
Tumayo ako at gulat naman akong tinignan ni Blaize, kinindatan ko lang siya bago tumawa at pumunta sa harap para magpasa ng exam paper ko.
Kinuha ko na ang gamit ko at tinignan si Nova, abala pa naman siya sa pagsasagot kaya itetext ko nalang siya mamaya.
Gusto ko sana magpractice para sa television broad namin kaso naalala kong 4th year nga rin pala si Darren.
Nagtungo na lang ako sa kotse ko at magmamaneho na sana paalis ngunit bigla ko namang narinig si Blaize.
"Ysla! Saan ka? Sama ako!" he shouted.
Talaga naman. Wala akong magagawa rin, alam niya na naman yung sinabi kong line up kaya paninindigan ko nalang.
"Tara. Pasay ako punta, balik lang tayo mamaya."
Nangningning naman ang mga mata niya kaya dali-dali siyang pumasok sa kotse at naupo sa shotgun seat.
Hindi naman siguro magagalit si Blackstone saka Strike dito, ako lang 'to.
"Nga pala Ysla, bakit ayaw mong sabihin ko kina Eli at Chase yung tungkol dito?" he asked.
Nag-isip naman ako kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit eh.
"Kasi si Nova lang naman nakaalam nito maliban sa pamilya ko, basta h'wag mo nalang ipagsabi." i answered.
Tumango tango lang naman siya kaya pinaharurot ko na ang sasakyan, nagulat naman siya sa ginawa ko at takot na takot akong sinigawan.
"Ysla! maghunos-dili ka! Kung may problema ka man pag-usapan natin 'to! Ayoko pang mamatay, may pamilya pa ako, gusto ko pa makita ang pamangkin ko, gusto ko pa maging doktor pakiusap, itigil mo dyan bababa na ako!"
Hahahaha. Itinigil ko naman na ang kotse sa parking lot ng hq namin habang natatawa pa rin. Muntik na magka heart attack si Blaize.
"Oh Lauren, nandon na sa garage yung gagamitin mo. Tignan mo nalang kung okay ba yung kulay, kung hindi ikaw na bahala magpapalit." sabi ni Strike nang makita ako sa parking lot.
Lumabas naman ng kotse si Blaize at tinignan si strike na nakasuot ng uniform niya kasi kasali rin siya sa line up.
"Ok, kumain ka na ba? San si Blackstone?" i asked.
"Nandun sa loob, nagtatampo nga bakit raw hindi ka nagpaalam sa kanya. Saka.. sino siya?" he asked.
"Kaibigan ko, since nauna naman kaming matapos sa exam, sinama ko na siya dito. Kakausapin ko rin si Blackstone na bigyan siya ng VIP pass." i explained.
Tumango naman siya at nagpaalam na umalis, may gagawin raw muna.
"Tara. Blaize, kawawa ka naman dyan ayoko naman kasi mag aksaya ng oras kaya minadali ko na."
"Pati ata buhay ko mamadaliin mo eh." he murmured.
Natawa naman ako at naglakad na papasok sa hq, sinundan lang naman ako ni Blaize habang nagpapalinga linga sa paligid.
"Calling for Blade Blackstone, Blade J4 Ysla's here."
Lumabas naman kaagad si Blackstone sa office niya at pumunta kaagad sakin habang nag abot ng card.
"Gagawin ko dito?" i asked.
Binigyan niya kasi ako ng card, hindi ko naman alam ang gagawin ko dito kaya kunot noo ko lang 'tong tinitigan.
"That's VIP Pass. Good for 10 person. I heard you talking to Strike earlier." Blackstone said.
Meh. Ang seryoso.
"Okay." I replied.
"Ganyan ka na ba talaga makipag-usap sa isang blackstone? Kanina ka pa ah nakakasama ka ng loob."
Luh boang amp.
"Inaano kita? Sinabi ko kay Strike na hindi na'ko nakapagpaalam sa'yo kanina since may exam pa ako. Sapakin kita." I said.
Inirapan niya lang naman ako at sinenyasan na sumunod sa kaniya, papunta ata sa gagamitin ko next month.
"Holy shet.."
Rinig ko pang singhap ni Blaize nang makarating kami sa garage, lahat kasi ng gagamitin ng org namin ay diti nakatambak sa garage.
Nakita ko naman yung akin na nasa may gitna kay pinuntahan ko naman 'to saka sinilip kung okay ba yung kulay.
Dodge viper. Not bad.
"Shet Ysla, sa'yo 'yan!?" Blaize asked.
Tumango naman ako bago tinuro ang pangalang nakalagay sa likod 'Blade J4 Ysla/ Lauren'.
Napasinghap na naman siya habang tinititigan ang gagamitin ko, hinawakan niya pa at tinignan ito na parang nakakita ng diyamante.
"Can I try?" Tanong ko kay blackstone.
Nag-iisip muna siya bago ako binigyan ng sagot. Ngumisi naman muna siya saka tumango.
"Let's race."
Exciting!
"Blaize, you want to come?" I asked. Nagulat niya naman akong tinignan saka umiling ng ilang beses.
"Ayoko 'no! Ayoko pa mamatay! Ayoko lumabas ang utak ko! Manono-"
"Oo na oo na, dun ka sa may gitna sa taas, para makita mo kami ni Blackstone habang nagkakarera." I said while pointing at the chair i was referring to.
"Hoy anong kayo lang! Sama ako!" Strike shouted.
Mahigit isang taon na rin nang magawa naming magrace na tatlo, hindi ko alam kung sino sa amin ngayon ang mas magaling nang magkontrol ng pagmamaneho.
"Let's go!" I shouted before getting in the car at umupo sa driver's seat.
"Where's Xavier? He would have been the one to start us." Strike said.
"Since wala naman si Xavier, nandyan naman si Blaize, 'di ba? Blaize?" I asked then looked at him.
Nagulat at natakot naman siya pero may halong excitement, hindi na rin siya tumanggi kaya nagsipasok na kami sa mga drift cars namin.
"Wait lang kinakabahan ako." Ani Blaize habang nakahawak sa dibdib.
Handang handa na ako itapak ang paa ko sa accelerator, cue nalang ni Blaize ang inaantay ko.
Tinignan ko naman si Strike saka Blackstone na seryoso lang na nakatingin sa harapan habang hinihintay rin ang cue ni Blaize.
Maya-maya ay binaba na ni Blaize ang racing flag ay tinapak ko na 'tos a accelerator, hindi ako bumibitiw habang ang kaliwang paa ko naman ay nakapatong sa clutch at brake.
Ang kaliwang kamay ko ay nasa steering wheel at ang kanan ay nasa gear lever.
"Ano na Strike! Bonak ka parin pala!" Sigaw ni Blackstone.
May mga earpiece at mic kasi kami baka mamaya ay may magkaproblema sa mga drift cars na ginagamit.
"Tangina mo! Bonak ka rin nauunahan ka ni Lauren!"
Ngumisi lang ako habang nakikinig sa kanila, inikot ko ang kotse bago pinaharurot na naman, mas mabilis kaysa sa kanina.
Nangunguna ako habang nakasunod si Blackstone at si Strike. Ang bobonak ng mga 'to.
Inapak ko ang paa ko sa brake dahil paliko na bago pinaharurot ulit. May balak pa ata akong banggain ni Blackstone gago ah.
"Inamo Blackstone, asa ka!" Sigaw ko naman. Natawa silang dalawa ni Strike habang mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko hanggang sa ginawa ko ang sideways ay nauna sa finish line.
Sumunod naman si Blackstone at Strike. Hindi pa rin talaga nagbago ang line up namin.
"Ano na? Ako pa rin nangunguna oh." Saad ko pagkalabas ng kotse.
"Grabe, ang galing Ysla!" Sigaw naman ni Blaize habang tumatakbo papalapit samin. Tuwang tuwa ang mokong.
"Grabe Lauren, hindi ka nagpractice ng mahigit isang taon pero ganyan ka parin kagaling? Nasaan ang hustisya!?" Pagreklamo ni Strike.
"Hoy Strike pano tayo mananalo niyan kung ganyan ka kabonak?" Tanong ko sa kaniya.
Tinaasan lang naman niya ako ng middle finger saka natawa. Nagpaalam naman siya na babalik na raw siya sa garage.
"Gusto ko tong kotse na 'to, black. Ikaw ba hindi kasali sa line up?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, i don't want too. I want to focus on coaching, i'm better at thay but maybe next year, i'll join." He said and winked at me.
Nagpaalam naman na rin siya na may gagawin pa siyang papers kaya nagpunta na rin siyang garage sabay ang kotse niya.
May 30 minutes nalang rin kami ni Blaize baho ang susunod na exam kaya pinasakay ko na siya sa kotse at nagpunta na rin sa garage.
"Ang angas mo, Ysla. Sana all." Saas naman ni Blaize habang nililibot ang tingin sa loob ng sasakyan.
"Syempre. Basta 'wag mo ipagsabi ah. Atin atin lang 'to." I said.
Tumango naman siya at nag cross heart promise. Pinalinisan ko muna ang kotse bago ipinapasok sa loob ng garage. Nagmamadali na rin kami ni Blaize na magtungo sa parking lot.
"Una na kami, Strike! Black!" Sigaw ni Blaize, tinanguan naman siya ng mga 'to at pumasok na sa kotse. Sumunod na rin ako at nagmaneho na.
"Sana naman Ysla mag hinay-hinay ka ngayon. Alam ko namang professional ka pero nakakakaba. Hindi ako sanay." Reklamo ni Blaize.
"Grabe, si Nova nga kasabay ko ganoong kabilis na pagpapatakbo. Hindi naman umaangal, naglalaro pa nga ng candy crush eh."
"Iba si Nova saka iba ako, okay? Hindi ko magawang maglaro ng candy crush sa ganoong klase ng pagpapatakbo. Baka himatayin naman ako." He said.
Tumango tango na lang ako at nagdrive na pabalik sa Roedean. Actually pagod nako pero keri pa naman.
"Oy Ysla, someone's calling." Blaize said while pointing at my phone.
Naka connect na naman ang phone ko sa speaker ng kotse nato kaya sinagot ko nalang ang tawag.
:Hey! Where are you? Are you with Blaize? Mababaliw na si Eli and Chase kakafind kay Blaize.
"Yeah, i'm with him. Pabalik na kamo dyan sa school." Sagot ko naman kay Nova mula sa kabilang linya.
:San kayo galing? Hindi ka pa nagtext saakin kung saan kayo pupunta. Nag-aalala ako dito oh.
"Oh sorry. Malayo ako sa phone ko kanina kaya siguro hindi ko masagot kaagad ang tawag mo, Blaize magsalita ka nga dyan baka akalain nila kinidnap kita."
:Oh you're in the same car? I thought nasa ibang sasakyan siya.
"Hi Nova! Okay lang ako dito, siguro kung pinagpatuloy lang ng kaibigan mo yung pagpapatakbo niya kanina ng mabilis baka wala na ako ngayon." Blaize said.
Hahaha.
:Yeah. That's literally her.
"What did you say? Octavious?" I asked. Narinig ko kasi si Octavious sa kabilang linya kaya nainis na naman ako.
"Bakit ba Octavious ka nang Octavious ha? Ysla? Pwede namang Eli nalang ah or 'di kaya, Love. ayiiiiieeeeeee kilig betlog ko."
"Tangina mo Blaize."
Binilisan ko naman ang pagpapatakbo ng sasakyan, nilalagpasan ko pa ang mga sasakyang nasa unahan lang namin kanina.
"Teka naman Ysla! Nagbibiro lang ako ano ka ba! H'wag mo nga sabi akong patayin makiusap ka naman hindi pa ako nagkaka girlfriend, hindi ako yung nagsalita baka yung other personality ko 'yon. Maawa ka naman oh."
Hahaha. Ayan kasi, napaka eme kasi ng isang 'to.
:Ayan kasi Blaize. Don't tease her when she's driving tapos nakasakay ka pa. Hindi ka pa sanay edi malalagutan ka talaga ng hininga niyan lmao.
"Nova tulungan mo naman ako oh.."
Naaawa nako sa mukha niya pero ilang minuto lang ay nasa parking lot na kami ng Roedean kaya nakahinga na siya ng maluwag at tinignan ako ng masama.
Sobrang sama.
"What's with the look, Blaize? Pagtapos kitang dalhin sa head quarters namin 'yan isusukli mo? Wala na sa susunod ah." I said.
Lalabas na sana ako ng sasakyan nang bigla siyang magsalita.
"Ano ka ba syempre joke lang, sa susunod ako na ang mag d-drive. Ayokong napapagod ka eh." Sabi niya naman bago bumaba ng kotse.
Ayan kasi eh kala mo maasar mo 'ko ah.
Sumunod na rin ako at sabay na kami ni Blaize na pumunta kina Nova sa Cafeteria. Sabi niya nandon raw sila para magsnack.
"Eli! Chase!" Sigaw agad ni Blaize nang makapasok kami sa Cafeteria. Mukhang batang nagsusumbong amp.
"Why? What happened?" Chase asked looking at Blaize worriedly.
"Hi Ysla, is it good to be back?" She asked handing me a coffee and ube halaya.
"Yeah. Manghang mangha nga si Blaize pero natatakot pa rin." I said.
"Grabe Ysla si Strike saka Black, akala ako talaga mangungulelat ka. Pinagdasal ko pa naman kay bathala na sana manalo ka. Grabe ikaw nga nanalo!" Blaize said.
Para siyang batang nagk-kwento sa nanay niya.
"Nanalo saan?" Chase asked. Napatakio naman agad ng bibig si Blaize saka umiling.
Hais.
10 minutes nalang rin mag s-start na ang next exam namin, final exam for today. Nakalimutan ko kung anong subject.
"May seat number ako sa'yo, Nova?" I asked. Naalala ko kasi hindi pala ako nakakuha kanina bago kami umalis ni Blaize.
"Yes i have yours. Here." Inabot niya anman sakin ang seat number ko at kinuha ko naman 'to. Ang swerte naman?
Seat no. 1
Binilisan ko na ang pagkain at nagsabay na kaming kima na magtungo sa court, dumeretso agad sa bleachers para ilagay ang mga gamit namin at kani-kaniyang punta sa mga seat number namin.
Pagod na'ko pero kaya 'to!
"Ikaw na naman?" I asked looking at my right side.
Katabi ko na naman kasi si Octavious.
"Nananadya ka ba ha? Octavious?"
"What? Did i do something wrong? Hello? I'm just sitting here waiting for Mr David's announcement." He replied.
Oo nga naman.
"What? Ano tingitingin tingin mo?" Tanong ko at tinaas ang kanang kilay.
"Nothing. You're so jsjsjakjaka."
Ano daw? Nakasinghot na naman ata 'to eh.
"Ano? Ginagawa mo dyan? Nagiging alien ka na naman." I said.
"None of your business." He said then face the front.
Kung minalas ka nga naman, badtrip na naman ako buong buwan. Wala bang pahinga? Lord?
"We will start the 100 item ICT exam, please distribute the papers. You may start once you receive your exam paper. Good luck and Godbless, examinees."
Mr David announced, since i'm in the first seat, ako ang unang nabigyan ng exam paper.
I'm not into computers that's why it takes a while bago ko matapos lahat.
What's this? I really can't understand some parts like functions of this, functions of that although i have my own laptop but not pc.
Naunang tumayo si Chase saming lahat, nagulat naman nilang tinignan si Chase at lumipat ang tingin saakin.
Hindi sila makapaniwala na naunahan ako ni Chase sa pagsagot. Akala siguro nila ako na naman ang unang tatayo.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot ko, I find ICT hard because of it's coding eme. Inabot rin ako ng mahigit 40 minutes before i stand up. Halos sabay lang kaming tumayo ni Octavious at naglakad papunta sa bleachers.
Aakyat na sana ako sa taaa na parte ng bleachers when he stopped me. Binigyan niya ako ng signal na h'wag na umakyat.
Bobo ba siya? Kukunin ko lang yung gamit ko tapos kailangan pa kung sino mauna?
Umakyat na ako pero hindi ko magawang maakyat ang isang binti ko dahil sa sakit, kanina wala 'to tapos ngayon andito na?
Ngayon lang ata nag effect yung pagkabagsak ko sa skating rink. Nakalimutan ko dampian ng yelo.
Bumaba naman na si Octavious dala ang gamit ko sa kanang kamay niya, sa kaliwa naman ang sa kanya.
"Thanks." Pagpapasalamat ko bago maglakad papunta sa court door.
Tinignan at tinanguan niya lang ako habang nakasunod sa likuran ko. Palabas na rin kasi siya.
Wait. Pwede ko kaya itanong sa kanya yung hindi ko naintindihan sinabi niya kanina? Wala naman sigurong bawal don?
Nakalabas na kami ng court at nasa waiting chairm hinihintay ko si Nova habang hinijintay niya naman si Blaize. Si Chase kasi ay may pinuntahan daw sa Baseball nila.
"Can i ask?"
"You're already asking."
Sungit, weh.
"I mean, can i ask you." I said. There's no question mark or raising any voice. Just calm.
"What is it." He replied and looked at me in the eyes.
"Ano yung sinabi mo kanina? Kadugtong nung 'you're so..' yon?" I asked.
Binabasa niya naman ang iniisip ko sa pamamagitan ng mga mata ko. Bago tignana ng mukha ko at magsalita.
"You're so beautiful."
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





