Chapter 7
Nakakapagtaka pa rin talagang sumama si Octavious at yung mga alipores niya kanina sa Ospital. Pwede namang iwan nalang nila ako kay Nova saka kay Matt.
"How are you, honey?" Binitawan kaagad ni papa ang suitcase niya at nagtuloy tuloy sa paglapit saakin.
Nasa salas lang kasi ako at nagrereview, hindi ako pinayagan ni Matt na magkulong muna sa kwarto dahil baka may kung anong mangyaring masama raw saakin. Hindi na lang rin ako umangal.
"I'm fine, Dad. Don't worry. It's just a bruise." Sabi ko habang nginitian naman sila para hindi na mag-alala.
"I'll make sure na makukulong talaga yang Frank na yan. Sumosobra na siya. It doesn't mean na anak siya ng Biggest Company dito sa Makati ay hindi na siya makukulong?" Mom said, makikita mo talaga sa sarili niya ang galit.
"Napag-usapan na natin ito 'di ba, ma?" Pagsabi naman ni papa kay mama habang pinakakalma siya.
"Yeah. We should bring that company down." Mom replied.
Gulat ko naman silang tinignan at tinanong ang mga mata kung anong ibig nilang sabihin.
"What? It's dangerous." Pagsingit ni Matt mula sa taas kaya tinignan na rin namin siya. "You know the consequences when you'll try to bring their company down. It's dangerous and yet ipagpapatuloy niyo ang plano na 'yan?" Matt asked.
Tumango tango naman ako bago sumagot sana pero naunahan niya na ako.
"Then, let me help you." Matthias added.
Grabe bahala kayo sa mga buhay niyo dyan. Dapat nga lang kayo maghiganti eh kung nategi ako. Hindi naman. May pa bring down bring down company pa kayong nalalaman.
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa pagrereview habang umiinom ng kape. Dapat pala hindi na dextrose ang tinusok sakin. Dapat kape nalang pala, para energy back.
Pero nakakapagtaka pa rin talaga na siya lang ang nagpaiwan doon. Pwede namang si Chase o lalo na si Blaize. Alam naman na ni Nova na hindi ako kumportable na kasama sa iisang room si Octavious. Hell no!
"You're drinking coffee again. Maghahapunan na tayo anak." Pagsingit ni mama habang sinimsim ko ang coffee ko habang nagrereview.
"Yes ma. Don't worry about me. Coffee won't kill me." I replied. Tumayo na rin ako para pumunta sa dining table. Kumpleto na rin kaming lahat ngayon kaya wala nang dapat hintayin.
"Okay ka lang ba talaga anak? Do you want us to bring you to hospital after all of your exams?" Mom asked. Umiling lang ako bilang pagtugon sa kanya.
"I'm okay mom. Hindi na rin ako pwedeng magsayang ng oras after exam. I have my figure skating competition at the same time my television broadcasting. That's why time is really important for me these days." I answered.
"Just don't forget to rest honey. Hindi ka magkakaron ng another day if you wouldn't rest." Dad said while looking at me.
Tumango lang naman ako saka sinimulan na kumain. Gaya nga ng sinabi kanina ni papa, rest. Kaya ginawa ko naman.
Pagkatapos ko kumain ay naligo na muna ako bago humiga sa kama at magpahinga. Natapos ko naman na lahat ireview kaya wala ng problema kung magpahinga na ako ngayon para rin makabawi ng lakas.
"Ysla anak, gusto mo ba ng gatas para makatulog agad?" Tanong ni mamay sa labas ng pinto.
"Hindi na po may, inaantok na rin kasi ako kaya baka makatulog na ako agad." I answered, nagsige lang naman ito kaya pinatuloy ko na ang pagpapahinga ko.
Nakatulog na rin ako habang nakatulala lang sa kisame buong tatlumpong minuto.
"Ysla, anak. Gumising ka na, may exam ka pa. Ano tanghali na." Sigaw ni mamay sa labas ng pinto. Bigla naman akong napabangon at iginilid ang kurtina ng kwarto ko nang makitang madilim pa naman.
"Ayan nagkadapa dapa ka dyan. Kape pa more." Dagdag ni mamay. Natawa naman ako at lumabas na muna sa veranda para magpalamig kahit na malamig naman na ang kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit napaka comforting ng dilim pati ang lamig ng madaling araw. Nakatitig lang ako sa paligid ng ilang minuto bago bumaba.
"Good morning may, coffee po sana." Pagbati at pagngiti ko kay mamay nang makita siya sa kusina. Alas kwatro pa lang naman kaya hindi ako masyado nagmamadali. Kakain na rin muna ako dito bago umalis.
"Natapos ka na ba magreview?" Tanong ni mamay sakin habang nagtitimpla ng kape.
"Opo, matagal ko naman na natapos yun lahat pero kailangan ko pa rin ulit ulitin para mas lalo ko pong maalala."
"Hindi ba sumasakit ang ulo mo habang nagrereview? Parang buong linggo at pagrereview lang ang ginawa mo at hindi pa masyado nagpapahinga."
"Hindi naman po may, nagkakape naman ako kaya mas ginaganahan ako magreview. Hindi rin naman po boring pero minsan nakakatamad." Sagot ko. Hindi naman na nagsalita si mamay at nilagay nalang sa lamesa ang kape bago magpaalam na magluluto raw muna siya.
Papunta ako sa salas ngayon para simsimin muna ang kape ko nang bigla magvibrate ang phone ko kaya tinignan ko muna 'to.
From: iam_eli
Are you okay? Do you want me to pick you up?
Eww. Wtf? Ano iniisip nito.
To: iam_eli
Guess you're still dreaming. Wake up.
From: iam_eli
I'm wide awake. What do you mean by 'dreaming'? You're not even a dream to me. A nightmare, maybe.
Wow. Nightmare, huh. Ang kapal naman ng mukha nito, kala mo talaga kung sino. Aga aga sinisira ang araw ko eh.
Sumimsim muna ako sa kape ko bago siya nireplyan dahil medyo naiinis na ako.
To: iam_eli
And what do you mean by "you're"? So, it means ako ang napapanaginipan mo?
From: iam_eli
Shut up.
Hahahahaha. Hindi na siya nakarebat. Buti nga sa'yo. Kala mo ha.
Nang maubos na ang kape ko ay nagshower na muna ko. Hindi ko naman alam na ubos na pala yung shampoo ko.
"May, unlock na po ba yung gate?" Tanong ko kay mamay kasi alas kwatro pa lang naman baka hindi pa niya binubuksan.
Tumango lang naman ito kaya nagdere-deretso na ako sa mercury drugs at bumili ng shampoo.
Parang gusto ko nalang na everyday maglakad ng gantong kaaga. Parang proud ako na nakatulog ng maaga.
Nang makauwi ay dumeretso nako sa shower at nagbihis na rin ng uniform ko pagkatapos. Hinanap ko muna yung card ng seat number ko, it's 28 kaya madali lang rin mahanap.
Hindi kasi kami sa classroom mismo mag eexam. Lahat ng 4th year ay sa court mag t-take ng exam at bibigyan ng seat number the day before the exam.
"Bumaba ka na Ysla. Baka malate ka pa." Matthias shouted downstairs. Ang aga pa naman kaka 6am pa lang and 8am pa ang start ng exam namin.
"Ok." Sagot ko nalang rin bago inayos ang mga kailangan ko at nilagay sa bag bago bumaba.
Sabay na kaming lima na kumain pagkatapos ay nagpaalam na rin ako, gusto ko magreview sa starbucks. Pero hindi na dun sa starbucks kung nasan ako kahapon.
"Where's my car?" Tanong ko kay Matt nang pagkapunta ko sa garage ay tatlong sasakyan lang nandon. Wala yung akin.
"Nasa starbucks pa rin. You can use mine." Sagot niya at hinagis sakin ang susi, nasalo ko naman at nilabas ko nalang rin sa garage.
Nagmaneho nako papunta sa ikalawang branch ng starbucks hindi kalayuan sa Park Central towers, isa sa mga luxurious na condominium dito sa Makati.
"Good morning, 2 8oz extra hot choco hazelnut macchiato please. Thank you." Pagorder ko sa counter nang makapasok sa loob ng starbucks.
"2 8oz extra hot choco hazelnut macchiato for Miss?"
"Lauren, thank you." Pagsagot ko, umupo na muna ako sa table malapit sa counter, hindi pa naman masyadong crowded kaya maya maya tinawag na rin ang pangalan ko. Bumalik na muna ako sa sasakyan at binuksan ang front door glass.
Dito na muna ako sa loob ng sasakyan magrereview ng konti, baka may makakita na naman sakin sa loob.
Nilabas ko na muna ang laptop ko at nagsimula magreview habang sumisimsim sa kape ko, pang fresh start lang tutal 6:20 pa naman.
Inabot na rin ako ng 30 minutes sa loob ng sasakyan pero hindi pa naman ubos ang isang kape ko kaya tinigil ko muna ang pagrereview at nagscroll sa feed.
"Oy! Hi Ysla! Good morning. Tama lang ang ginawa mong hindi bumalik sa branch ng starbucks na yon." Gulat ko namang tinignan si Blaize na nakasilip na sa loob ng bintana ng sasakyan ni Matt.
"Bakit kayo nandito? 'di ba doon sa starbucks na kinainan ko kahapon kayo tumatambay?" Tanong ko naman kay Blaize habang naka kunot noo.
"Dyan lang kasi sa Park Central towers ang condo ni Eli saka gusto rin ni Chase sa kape kaya bumaba nako para bumili. Sakto naman nakita kita kaya ayun lumapit ako."
"Ahh. Sige pumasok ka na don baka mamaya rumami na ang tao baka late pa kayo matawag." Sabi ko sa kaniya kaya tumango lang siya at nagpaalam na papasok na raw.
Isasarado ko na sana ang front door glass para umalis pero may kamay naman na bigla ito pinigilan kaya tinignan ko na muna.
"Are you okay?"
"Kaninang 4am ka pa nagtanong niyan. Hindi ka ba nagsasawa? Mandiri ka huy!" Saad ko at lumapit kay Octavious para alisin ang kamay niya sa glass pero hindi pa rin siya bumibitaw.
"Yeah I don't. Why?" He asked, I just raised my right brow at matalim siyang tinignan.
"Yeah, I'm okay. So pwede mo na bang alisin ang kamay mo dyan?" I asked.
Inalis niya naman na ang kamay niya kaya sinara ko na at umalis. Konti na lang mababadtrip na ako eh, buti nalang talaga may kape pa akong natira.
"Oh, you're using Matt's car. Hindi niya ba nauwi yung car mo sa house niyo?" Tanong ni Nova nang makita ako sa parking lot ng Roedean.
"Yeah, kukunin niya daw ngayon kaya yung kotse niya muna ang pinagamit niya sakin." I said bago lumapit sa kaniya.
Nakapag breakfast naman na daw siya kaya pumunta muna kami sa garden para magreview.
"Isn't it a bit confusing?" Nova asked in the middle of silence.
"What?" Tanong ko habang naka kunot noo.
"Why would Eli cares you? Like base on your kwento, he asks you if you're okay and sa pagkakaalam ko yung mga friends lang ni Eli ang kinakamusta niya."
"I don't know Octavious that much and i just don't care about him." I casually said.
"Why? It's Elias Blake Octavious. Everybody wants him." She said.
"Hindi ako kasama sa everybody. Magreview ka na lang dyan." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya 'di ko nalang siya pinansin.
"Ay nga pala Novs, ano seat number mo?" I asked.
"Uh, 12." Sagot niya naman.
Ang lapit naman. Samantalang ako 28.
Nakakatamad na magreview. Paulit ulit na yung binabasa ko at namemorya ko na lahat, hindi naman sa nagrereklamo ako pero sana naman nasa exam lahat ng binigay na reviewer samin.
Minsan pa naman yung nasa reviewer hindi lumalabas sa exam. Gaya nalang nung math na simple equation ang nasa reviewer tapos yung lalabas sa exam napakahaba tas hihingan ka pa ng solution.
Yung totoo? Nakasinghot ba sila?
"Let's go Ysla. 10 minutes nalang magsisimula na yung exam." Pagtayo ni Nova mula sa pagkakaupo.
Isang oras na rin kasi kaming nakaupo dito sa garden, nagrereview lang siya habang ako naman nag s-scroll sa facebook ko.
Papunta na rin kami sa court ngayon, medyo marami na yung tao habang nagkani-kaniyang review.
"Good luck to us beb!" Nginitian ko lang si Nova bago kami umupo sa mga upuan namin.
Medyo kinakabahan rin ako dahil sa last school na pinasukan ko sa room lang naman kami nag eexam pero iba dito sa Roedean.
"Good morning examinees. I am David Cheriton, 4th year head for examinations.
I will just repeat our rules and regulations for this 3day exam.
Rule no. 1, Students are required to bring their own writing and mathematical instruments. No borrowing, lending or exchange of any materials is allowed during the Exam.
Rule no. 2, No mobile phones or electronic gadgets that can store, transmit, receive data or information are allowed."
Nagsimula na mag announce si Mr. David pero wala pa rin yung katabi ko. Bawal pa naman ma late.
"Rule no. 3, A student will be given "0" if he or she is caught cheating in the Exam.
Rule no. 4, Students must not talk, whisper, do hand signal or any other form of verbal or non-verbal communication during the Exam. Such actions will be considered as having the intention to cheat.
Rule no. 5, Only essential writing materials are allowed on the student's table. All bags, books and any unauthorised materials should be left at the bleachers."
May nagmamadaling umupo sa tabi ng desk ko pero hindi ko na rin pinakialaman dahil nakikinig rin ako sa announcement.