Chapter 6
"Let's go to starbucks." Pag aya samin ni Chase.
All our professors said we didn't have a class so we could review and so they could fix our grades. Chase, Blaize and me decided to just review later at my Condo. Mas peaceful.
"Sa tingin niyo ba narinig tayo kanina ni Ysla sa Garden?" Blaize asked, he's still opening this topic. Hindi siya maka move on na baka daw narinig ni Gossom and hindi siya mapatawad.
"She said she had her airpods earlier." I answered. He just shrugged his shoulders before entering the car. "I'll drive." I added.
Chase handed me his key, siya nag-aya so we should use his car instead of ours.
"Mabait naman si Ysla, kaya baka kung narinig niya naman edi mapapatawad niya ako." Blaize still talking about Gossom. I don't want to hear anything from her.
Hindi ko nalang sila pinakinggan at nagpatuloy na sa pagmamaneho, and entered the Starbucks parking lot. Well, look who's here.
Chase and Blaize got out of the car and walked inwards inside the starbucks. I just followed them. As soon as we entered, Blaize's eyes saw Gossom. Sabi ko na nga ba.
"Grabe naman Ysla, pati sa pagkain nagrereview. Natatakot na akong baka malamangan mo na sa top si Eli." Blaize said.
Gossom's really competitive, but i'm competitive too.
She really loves coffee. Parang si Chase pero hindi naman nakaka apat na baso si Chase sa isang araw.
"Coffee na naman." I whispered or maybe not?
"What do you mean by 'na naman'?" She asked while raising her right brow.
"Wala. Let's go find table." I said.
Tumango lang si Chase at Blaize. We're at table 14 but we still can see Gossom from here.
"Blaize, ikaw na pumunta sa counter." Chase said. Tumango lang naman si Blaize at pumunta na sa counter.
"Why isn't she with Nova?" Tanong ni Chase. I just shrugged my shoulders while looking at him. How would i know?
Dumating na rin naman si Blaize sa table kaya nakay Gossom na naman ang topic.
"Bakit kaya hindi kasama ni Ysla si Nova no? Saka grabe siya magreview man, parang walang bukas." Blaize said. Yeah, maybe because she doesn't know how Roedean exam works.
"Tinanong ko nga rin si Eli niyan, hindi naman siya sumagot." Chase said while looking at me.
"Just ask her later after we finish eating." I said. Nalapag na rin naman yung mga pagkain namin kaya nagsimula na kami kumain.
"Ano nga ba meaning ng 'na naman' mo kanina, Eli?" Blaize asked.
"Ah yeah. When i went here to starbucks one time, my car broke down. She bought two coffees here at starbucks at that time, and when we were going to school, she stopped on 7/11 to buy a third again because she had run out of her two coffees." I explained.
"Grabe hindi ba siya mamamatay sa kakakape niya?" Blaize asked. Tinignan ko naman si Chase na tahimik lang kaya tinaasan ako nito ng kilay.
"Ay oo nga pala, hindi pa pala patay si Chase." Blaize added.
Patuloy na kami sa pagkain hanggang sa natapos, sinabi naman kaagad ni Blaize na lalapitan niya na raw muna si Gossom at kakausapin baka at nabuburyo na.
"Is Ysla that friendly?" Chase asked looking at the two talking.
"I don't know. Maybe yes, maybe no. Who knows. Try to go out with her some other time." I answered. He just shrugged his shoulders and continued sipping his coffee.
If you're really that friendly, why didn't i have the chance to be friend with you?
"Well bro, i'm the one asking you now. Is it really possible that you'll fall for Ysla?" He asked in a serious tone.
"Maybe." I shrugged my shoulders. "She's my type but i feel like she's so far away from me kahit abot kamay ko lang naman siya."
"Damn. She gives korean actor vibes." Chase added.
After 20 minutes, bumalik na si Blaize sa table at nagsimulang magkwento.
"Kaya naman pala man wala si Nova kasi daw nandun sa kuya niya, nagkakamabutihan raw." Panimula niya.
"Eh 'diba may gusto si Nova kay Eli?" Chase asked.
Nakikinig lang ako habang nagkwentuhan sila.
"Yun nga rin ang akala ko eh. Ang sabi ni Ysla nagkagusto naman daw si Nova dito kay Eli ang kaso natigil na rin daw last week kasi umamin na yung kuya ni Ysla kay Nova."
"Edi ang meaning lang nyan hindi na natin aasarin si Eli kay Nova, sayang naman. Sino na maasar natin sa kanya ngayon?" Blaize asked while looking at me.
"Edi si Ysla." Chase said.
Lumiwanag naman ang mukha ni Blaize, tinignan ako at nginisian ng nakakaasar. Yung mukha niya pa nga lang nakakaasar na pano nalang kaya kung nakangisi.
"Tama! Si Ysla. Wahahaha." He said. "Ay nga pala, tinanong ko kanina si Ysla kung magkakagusto ba siya sa'yo." Sabi niya at tinuro ako.
"What did she say?" I asked. Nang-aasar naman akong tinignan ni Blaize nang itanong ko 'yun. Napukaw bigla yung atensyon ko ah.
"Okay, ganto sinabi niya."
Kinuha niya muna ang coffee saka sumimsim doon, bago nilapag sa lamesa and started talking.
"'I don't think so' yan sabi niya tapos nagtanong ako kung bakit. Tapos sagot niya naman ganto. 'well he had that handsome face and intelligent brain, but i can't saw my future with him. Or maybe.. i don't want to.' ayan sabi niya. Nakakapagtaka lang." Pagkwento niya.
"Why?" Chase asked.
"Kasi later i asked why, nginitian niya lang ako and yung mata niya. Mahahalata mo talaga dun na may sakit." He added.
Pain. Why? What is it that you're keeping?
"Baka may tinatago siyang ayaw niya sabihin kasi hindi siya kumportable, nasa sa kanya na rin yun. It's her privacy." Chase said.
"Yeah, it's her privacy. Let her." I said before sipping my coffee.
"Mamayang gabi ha Eli, dun kami matutulog sa condo mo. Maggrocery na muna tayo. Nagsasawa nako kumain sa labas." Sabi naman ni Blaize habang kumakain.
"Yeah, me too." Chase agreed.
I just nodded. Tama rin naman, kahit ako ay nagsasawa na kumain ng fast food. I want lutong condo.
"Bring your own toothbrush. Mamaya toothbrush ko na naman gamitin niyong mga ulol." I said.
Nagtaka kasi ako isang gabi kung bakit ambabango na ng mga bibig nila, wala naman silang dalang toothbrush, yun pla sipilyo ko na ang ginamit. Mga gago talaga.
"Hindi ko naman alam na gagamit rin si Chase eh." Blaize said.
"Ulol. Hindi ko rin alam na gagamit ka non, secret ko nga lang sana yun eh kaso epal ka." Sagot naman ni Chase at binatukan si Blaize.
"Dudugyot niyo talaga." Sabi ko naman habang tinignan sila na nandidiri.
"Wow sorry naman sir na naka cross feet." Rebat ni Blaize.
"Bobo! Anong cross feet? Cross legs kasi. Nagtataka na tuloy ako kung bakit ka kasali sa top." Sabi naman ni Chase kay Blaize.
Umiling nalang ako at binaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Nakita ko naman si Gossom na may kausap na lalaki, nagliligpit na siya ng gamit kaya mukhang aalis na.
Paalis na sana siya nang biglang hawakan ng mahigpit ng lalaki ang braso niya kaya nakakunot noo ko silang tinignan. Malayo naman ako mula sa kanila kaya hindi nila mapapansin na tinititigan ko na sila?
"Huy! Bakit nakakunot na yang noo mo?" Tanong sakin ni Blaize. Tinignan ko naman siya bago nagsalita.
"May kausap kasi si Gossom and she seems uncomfortable." I said and looked at her direction again.
"Is it her boyfriend?" Chase asked. Napatingin naman ako sa kanya.
"No, sabi kasi ni Ysla wala daw siya natitipuhan kahit doon pa sa dating school na pinasukan niya, nakakapagtaka naman?" Patanong na sabi ni Blaize.
Then, who's that man?
Tatayo na sana si Blaize pero pinigilan kaagad siya ni Chase. Saka umiling.
"Don't. Baka may pinag-uusapan lang sila and that's their life. We don't know what's their problem kaya h'wag ka na makialam at baka madamay ka pa." Pagpipigil ni Chase kay Blaize kaya napabuntong hininga nalang ito at inayos ang upo.
"Baka kung may mangyari kay Ysla man, parang hindi pa naman mabait tignan yun." Blaize said.
"Bakit naman hahayaan ni Ysla makalapit sa kaniya yun hindi ba?" Chase replied.
"Just let them, Blaize. Maybe they have problems and hindi na dapat tayo makialam pa." I said. Tumango naman siya at tinignan rin ako.
Lumabas na si Gossom pati yung lalaki kaya hindi na kami nag abala pang sundan sila ng tingin at nag-uusap nalang.
"Ano lulutuin natin mamaya?" Blaize asked. "Para malista ko yung ingredients tutal ako naman masarap magluto sating tatlo eh."
Hindi na kami umangal kasi totoo naman. Magaling magluto si Blaize kaya wala problema samin kung naubusan na kami ng pera pangkain sa labas.
"Caldereta." Chase said. Nakakasawa na yung caldereta.
"Adobo." I said, nagliwanag naman ang mga mukha nila. Tumango saka nag thumbs up kaya nagsimula na si Blaize maglista ng mga bibilhin.
"Ano ba yung gusto niyong adobo? Maalat alat o manamis namis?" Blaize asked. Mas masarap yung manamis namis na may alat.
"Manamis namis na may alat." Sabay naming sabi ni Chase kaya natawa na rin kaming tatlo.
"Okay copy mga sir." Blaize said bago niya binalik ang tingin niya sa phone niya para ilagay sa notes yung mga nalista niya.
"Balik na tayo maya maya sa school o dumeretso na tayo mag grocery?" Tanong ni Blaize kaya napaisip rin naman ako. Wala naman na akong naiwan na reviewer sa Roedean kaya hindi na ako babalik. Ewan ko lang sa dalawang 'to.
"Nasa sasakyan na ba mga reviewer niyo? Grocery na tayo kung nasa sasakyan na mga gamit niyo." I said. Tumango naman silang dalawa kaya tumango na lang rin ako.
"Kotse ba ni Nova 'yun?" Blaize asked while looking at the parking lot.
"No, but Nova's inside." I said.
May kasama siyang lalaki sa loob ng kotse at nagmamadali pang lumabas habang papunta dito.
"Nova! Hi!" Sigaw ni Blaize pagkapasok ni Nova pero mukhang hindi masaya ang mukha niya kaya nagtatakang tinignan siya ni Blaize.
"Where's Ysla?" Kinakabahang tanong niya saming tatlo. Kakalabas lang ni Gossom ah.
"Lumabas na siya Novs, kanina may kasama siyang lalaki. Pipigilan nga sana siya ni Blaize pero pinigilan na rin namin si Blaize baka may problema lang sila." Chase explained.
"Shit. Where are they going?" Nova asked.
"Sa parking lot, I guess?" I answered.
Nagmamadali naman siyang pumunta sa parking lot kaya nagtinginan kaming tatlo nina Blaize at Chase bago sinundan si Nova at yung lalaking kasama niya.
"Fuck you!" Nanghihinang sigaw ni Gossom habang nakahilata sa sahig sa gilid ng kotse niya. Namimilipit sa sakit bago siya mawalan ng malay.
Shit.
"Matt, your sister.." Nova said and was about to cry but Gossom's brother stopped her.
Shit. What happened here?
Binuhat ko nalang si Gossom at pinasok sa sasakyan ko, hindi kasi makagalaw si Matt at Nova kaya ako na ang kumilos para dalhin siya sa ospital.
"What happened earlier?" Matt asked nang masettle na si Gossom dito sa loob ng hospital room niya.
"May lumapit na lalaki kay Ysla kanina habang nagliligpit siya ng table, akala namin ay boyfriend niya kaya hindi na rin kami nakialam. I would have stood up because she didn't seem comfortable when the man touched her arm but Chase and Eli stopped me." Blaize answered.
"We don't know what's happening. Hindi namin alam kung sino ang lalaking 'yun at baka kaibigan niya. Ayaw naman naming makialam sa kanilang dalawa." Chase added.
Bakit parang kasalanan pa namin na hindi namin pinigilan yung mokong na 'yun? Who is that man really?
"Yeah." Tanging sagot nalang ni Matt bago lumabas ng hospital room at sumagot ng tawag.
"Novs, sino ba talaga yung nanakit kay Ysla?" Tanong ni Blaize habang nandito pa kami sa hospital room ni Ysla. I don't know why but i'm getting worried. Is it possible?
"That was his ex manipulative boyfriend." Nova answered. "She texted me a while ago that Frank's with her. Hindi ko kaagad nabasa ang text niya kaya hindi ko siya napuntahan agad." She added.
"Is that Frank really dangerous?" Chase asked.
"I don't know but he's a really big threat to Ysla since she got abused by him, mentally and physically abuse." She answered again.
Nagpaalam naman si Nova para bumili ng pagkain nila ni Matthias, while si Chase at Blaize naman ay nagpaalam na para sila nalang daw ang mag grocery for later. I just nodded kahit labag sa loob ko ang maiwan mag-isa dito at nagbabantay sa babaeng 'to.
Kinuha ko nalang ang reviewer ni Gossom at nagsimula na magreview dahil ayoko namang maburyo dito at titigan lang ang mukha niya hanggang sa magising siya. Hell no!
"Call the nurse, ipatanggal mo ang suwero ko." She said. Hindi ko namalayang nakaupo na pala siya at nakaharap na sakin.
"No. Don't waste your energy begging me to call nurse." I casually said.
"Ok, ako nalang gagawa."
Isang salita talaga 'tong babaeng to. Hindi man lang talaga nakiusap at tumayo pa talaga.
"Hindi nga pwed-
"I'm not begging you, tumayo ako para ako na mismo magpatanggal. Any problems with that?" She said while raising her right brow.
"Yeah, i do."
Yes Father I do. Joke lang.
Tinignan niya lang ako at patuloy na nakataas ang isang kilay niya. Okay, i will not insist. Siya nagsabi, katawan niya yan. Edi bahala siya.
Lumabas na ako para pumunta sa nurse station at tumawag ng nurse. Hindi ko na sinabi ang dahilan at hahayaan kong siya na ang mag explain. Malaki naman na siya.
"Hello Ysabel. How are you?" Tanong ng nurse nang makapasok sa room niya. Nakinig lang naman ako sa gilid habang tinitignan sila mag-usap.
"Uh nurse, i want to get rid of this dextrose." She casually said while looking at the nurse's eyes.
"Why?" The nurse asked her.
"I have my exam tomorrow morning ma'am. And i can't stay here for too long. I have so much subjects to review in order to pass the exam, is that okay? I'll take care of myself. I'm a redcross volunteer. Don't worry. It's just a bruise. This won't kill me." She explained.
JUST a bruise huh.
"Okay, maghintay ka lang dyan at kukunin ko na muna ang mga gamit sa station ha." Umalis naman ito at binalingan naman ako ng tingin ni Gossom.
"Nakita ko si Matthias kanina at Nova, pati yung dalawa mong kaibigan. Bakit ikaw nalang mag-isa natira dito?"
Matthias? Really? Tinatawag niya lang sa pangalan ang older brother niya?
"Umalis si Nova saka kuya mo, bumili ng pagkain while Chase and Blaize went to the grocery and pupuntahan lang ako dito pagkatapos." I answered.
"Ok." She just replied. Ok? Really? How cold is this woman?
"Ysla, wait. Bakit mo ipapatanggal ang suwero mo?" Tanong ni Matt pagpasok niya sa loob ng Room.
"I have to review. I don't want to waste my time here." She said, kahit alam naman niyang nasaktan siya sa ginawa ng Frank na 'yun.
"Okay, i understand." Matthias replied.
Really? What's with this family!?
"Ah yeah. I'll go too. Chase and Blaize's waiting me downstairs." I said bago magpaalam sa dalawa. Hindi na ako magpapaalam kay Gossom kasi isang sagot lang rin naman ang maririnig ko.
Ok.
Nasa second floor lang naman ang room at punuan rin ang elevator kaya naghagdan nalang ako pababa.
"Eli, let's go! Kumusta na si Ysla?" Blaize asked.
"Magpapa discharge na daw siya. Kasi magrereview pa siya for tomorrow." I said and shrugged my shoulders.
"Grabe Eli, kabahan ka na. Mukang makukuha na yung top sa'yo ah. Hahaha." Blaize laughed, binatukan ko naman siya kaya napaaray rin ito.
Pumasok na ako sa kotse at nagseat belt bago paandarin ni Chase ang kotse papunta sa condo ko.
"Ay nga pala Eli, pagkatapos ng exam natin mga after a month. May Bagong-Purpose Built Arena for formula drift sa Pasay. Nood tayo." Pagkwento ni Blaize.
Alam niya naman kung paano kami kahilig manood ng formula drifts kaya syempre sinong hindi papayag?
"Sure. Is it weekend?" I asked. Baka kasi weekdays, hindi pwede.
"Yeah. It's Sunday, i think." Sagot naman ni Chase.
"May bagong tatlo raw doon ha. Saka kung wala daw makakadalo, may pwede raw i call kaagad na isa."
"Sure ka ba Blaize? 'di ba kapag mga ganiyan opportunity na 'yan kaya hindi na nila pinalalagpas?" Tanong ni Chase kay Blaize.
"There are also others, because they over-practiced the day before the drift so they get a serious injury and can't go. So there is a stand by for just one call away." I explained. Blaize just nodded at tinuon na ulit ang mata sa harapan.
Excited na ako, i really love cars and her. Joke. I will never like a woman i gamble my life with.
Nasa parking lot na kami kaya kinuha ko na rin ang mga grocery bags bago bumaba at pumasok sa elevator. Grabe namna adobo lang yung lulutuin tapos may dalawang tatlong grocery bags.
"Too many ingredients for adobo. Inaabot ba talaga ng tatlong bags ang masarap na adobo?" I sked bago iabot kay Chase ang susi ng condo ko.
"Yeah ulol. Hanggang bukas na 'yan. Walang kakain sa labas ng agahan dahil magluluto ako. Sayang sa oras yung dapat ay nirereview na lang." Blaize said.
Hinugasan ko naman ang mga dapat na gamitin niya para sa adobo, si Chase naman ang naghiwa kaya nagsimula na rin si Blaize na magluto. I just went to shower after i wash those ingredients.
"Chase anlalaki naman ng slice mo." Rinig kong reklamo ni Blaize mula dito sa banyo.
"Tayo lang naman tatlo. Bakit ka magtitipid? Wala namang aso o pusa si Eli ulol." Rebat naman ni Chase. Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula na magshower.
"Eli, bilisan mo na dyan. Patapos na ako." Blaize said. Binilisan ko nalang rin at lumabas na ng banyo.
"Ayan, tikman tikman ang luto ni lastikman."
"Oo na nga Blaize. Pinagmumukha mo pa samin na hindi kami masarap magluto, inamo." Chase said. Natawa naman kami sa sinabi niya.
Hindi kami kumakain hanggat hindi nagdadasal, nakagawin na rin namin 'yan dahil sa pasaway na Chase. Ayaw niya kumakain kami ng hindi nagdadasal.
"Nga pala, Eli. Anong seat number ka?" Tanong ni Blaize habang ngumunguya pa.
"Uh, 27. Kayo ba?" I asked them back.
"14 ako, 35 si Chase. Ang lalayo naman natin." Blaize said.
"Yeah. That's why we need to review all of that this night." Sabi ko habang turo ang lahat ng reviewer ay mga laptop namin na nakasaksak. Walang mag o-online games ngayon.
Tinapos na kaagad namin ang pagkain. Nauna na akong magreview sa kanilang dalawa dahil naligo pa sila.
"Make sure may toothbrush kayong dalawa ha." I said. Nag oo lang naman sila at nagpatuloy na sa pagligo.
Habang nagrereview naman ako, hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan ni Gossom. I don't know if she's okay by now. Baka may iniisip rin siyang kung ano or maybe she's in trauma.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang 'tong naisip pero wala, 'yun talaga ang iniisip ko eh.
I want to protect her.