Chapter 5
"Blaize." Munting sagot niya.
Oo nga pala nakalimutan kong magkaibigan sila, nagpunta na kasi isang beses dito si Blaize para imbitahin ako sa birthday party ng kapatid niya pero tinanggihan ko kasi marami akong gagawin at naintindihan niya naman.
"What brings you here?" I asked and crossed my arms.
"This." Tinaas niya ang kamay niya at hawak ang ID ko. Inagaw ko naman yung ID mula sa kaniya. Bat napunta sa kaniya to? "You left that in your seat at the conference room." He added. Hindi ko maalala na naiwan ko pala to.
"Okay, thanks." Sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan at nagmaneho paalis.
Napapansin kong nakasunod lang sakin ang sasakyan ni Octavious hanggang sa makarating ako sa malapit na breakfast resto. Pinarking ko muna ang sasakyan bago bumaba.
Grabe hanggang dito ba naman.
Pumasok nako sa resto saka umupo sa malapit na table. Maaga pa naman kaya hindi masyadong marami ang tao. Nilabas ko na muna ang reviewer ko saka nagreview.
"Can i-"
"No." Pagsagot ko kaagad. Uupo na naman.
"Can i-"
"I said no." Pagsagot ko bago binalingan ng tingin ang nagsasalita.
Hala..?
"Can i take your order ma'am?" Pagsabi ng waiter saka nginitian ako na nahihiya.
Lupa, lamunin mo nako pakiusap.
"Hala kuya sorry po badtrip lang. Extra hot caramel macchiato ho saka tosilog po." Paghingi ko ng tawad sa waiter. Tangina nakakahiya naman.
"Extra hot caramel macchiato at tosilog. May idadagdag ka pa po?" He asked.
"Wala na po, 'yan lang. Thank you." Pagpapasalamat ko saka binalingan ng tingin ang reviewer ko.
Bukas na nga pala ang exam kaya busy ang lahat mamaya. Wala ring practice ng journalism pati sports na kabilang ang fourth year dahil rin sa gaganaping exam.
Kahit naman ako ngayon ay hindi pa rin alam ang patakaran ng Roedean pagdating sa exams kaya babad rin ako sa reviewers ko ngayon.
Tinigil ko muna ang pagrereview ko nang ilapag ng waiter ang inorder ko, nagsimula na rin akong kumain habang nagrereview parin.
Binuksan ko ang phone ko nang tumunog ito. Nakita ko naman ang message ni Nova.
From: Nova EnglisherangFrog
Hi beb, where are you? Dumaan ako sa bahay niyo kanina lang pero hindi kita naabutan. I went to starbucks too but you weren't there. :(
To: Nova Englisherang Frog
I'm at Marriott Cafè kakakain ko lang ng agahan. Come here.
Hindi pa siya nagreply sa text ko ng ilang minuto kaya hindi ko nalang siya hinintay at hiningi na ang bill. Tumunog naman ulit ang phone ko kaya tinignan ko.
From: Nova EnglisherangFrog
I'm here at school already. Punta ka nalang dito after mo kumain. Good morning :)
To: Nova EnglisherangFrog
Ok. Good morning.
Hindi na siya nagreply ulit kaya pagkatapos ko mabayaran ang kinain ko ay pumasok na ako sa kotse at nagsimula magmaneho. May mahigit 1 hour pa naman ako bago magsimula ang klase.
"Hi, Ysla!" Pagsigaw ni Blaize nang makita niya ako sa parking lot ng Roedean. Naghello naman ako at sabi niya at sabay na kami pumasok.
"Blaize bakit mo binigay kay Octavious yung address ko?" I asked nang maalala yung ID ko na hawak niya kanina.
"Huh? Hindi ah. Hindi ko naman binigay sa kaniya yung address mo. Baka si Nova, kay Nova ko lang rin nakuha address ng bahay niyo eh." Sabi niya. Akala ko ba kay Blaize?
"Bakit sabi sakin ni Octavious kanina sayo niya raw nakuha yung address ko?"
"Ngek. Tarantado yun ah." Sabi niya habang natawa.
"Nga pala Ysla, kilala mo ba si Daphne?" Tanong niya. Marami akong kilalang Daphne kaya diko alam kung sino sa kanila ang tinutukoy niya.
"Daphne? Anong apliyedo? Marami akong kakilala eh."
"Daphne Hayles. Sa school mo dati." Pagpapaliwanag niya.
"Ay oo, bakit? Naging kaibigan ko yun si Daphne." Ang layo naman ng sakop ng pangangaibigan nito. Umabot pa sa school ko dati.
"Wala lang naman natanong ko lang, una nako!" Pagpapaalam niya nang dumaan na kami sa room niya, tumango lang naman ako at pumunta na rin sa room ko.
"Hoy bakit hindi mo hawak ang phone mo kagabi? Alalang alala kami ni Matthias sa'yo. Alam mo ba yon?" Tanong ko kay Nova nang makaupo sa upuan namin.
"Sorry, I met a lot of people there at the party of Blaize's sister who was studying at another school so I didn't notice your call much because my phone was also turned off." Pagpapaliwanag niya.
"Yeah yeah. I understand, okay lang yun buti naman at hindi ka nagka hang over?" Tanong ko ulit.
"No, hindi ako uminom. Bukas na rin kasi ang exam at baka makalimutan ko yung mga nireview ko." She said. Tumango nalang ako dahil tumunog na ang bell ng morning class, pumasok na rin si prof.
"Good Morning, Corinthians. I've discussed all our lesson yesterday, all you need to do now is review on where you are comfortable. I will pick this time to fix all your grades."
Garden.
"Novs, let's- eh? Where did she go?"
Paglingon ko kasi ay wala na si Nova sa tabi ko, tinanong ko naman yung nasa kabilang desk at tinanong kung nakita niya bang lumabas si Nova and she said yes.
Nagtataka man, hinayaan ko nalang si Nova. Well, she has her own life too.
To: Nova EnglisherangFrog
Novs, i'm just in the garden when you look for me later. Ingat.
Pagtapos kong mag iwan ng message sa kaniya ay kinuha ko na ang tote bag ko at lumabas na para pumunta sa garden, wala naman akong kasama kaya baka puro lang review ang gagawin ko.
Bumili muna ako ng milkshake bago naghanap ng bakante sa garden. Nakahanap naman kagad ako kaya sinimulan ko na mag review. Babalik rin ako mamayang mga 1hr sa room para sa susunod na subject.
"Matt. Nasa bahay ka ba?" Tanong ko sa kabilang linya.
:Yeah, why?
"Pakitingin nga if nandyan ba sa kwarto ko sa higaan yung ibang kulay ng highlighters ko."
:Wait a second.
Habang hinihintay ko ang sagot niya narinig ko naman ang boses ni Blaize sa likod ko, kasama si Octavious at isang boses na hindi pamilyar sakin.
"Totoo man? Hindi ka ba talaga magkakagusto kay Ysla?" Blaize asked. Hindi ko alam kung kanino niya tinatanong pero bakit ako yung pinag-uusapan nila?
"Well, she's beautiful and intelligent but i'm not interested to her." Octavious casually said.
"Who exactly that Ysla is?" Some unfamiliar voice asked at them.
"That one, third quarter transferee, yung friend ni Nova na figure skater? Nasa section Corinthian siya." Blaize answered. "Ipapakilala sana kita sa kaniya the last day kaso bigla dumating si Eli, nainis ata sa mukha niya." Blaize added.
Tama yan Blaize. Tama.
"Hindi nga ba talaga posible man? Na you'll fall for that woman named Ysla?" Tanong ulit nung lalaking hindi ko marecogmize yung boses.
"I don't think so. I can't see my self in that kind of situation that i would fall and invest myself too much in a woman. Especially her." Octavious casually said.
Yeah right. That's the right answer. I don't want to invest my time for a man too. Especially being with me is just temporary.
I don't want anyone to attach feelings with me. I don't want to hurt them at the end of the day.
:Ysla? Are you still there?
"Oh, yeah i am." Bulong na sagot ko kay Matt.
:Why the hell are you whispering? And yeah don't worry i heared everything. So yeah i understand why you're whispering.
"Yeah. So, nandyan ba?" I asked, bumubulong pa rin.
:Yeah. Go buy yourself a highlighter there. Alangan namang ito lang ang ipupunta ko dyan.
"Yeah, i will. Thanks btw." Sabi ko saka pinatay na ang tawag. Dahan-dahan akong tumayo na hindi mapapansin ng tatlo. I just don't want them to feel my presence.
"Ysla! Kala ko nasa ice skating rink ka. Nabasa ko text mo andito ka lang pala sa garden, oh hi Blaize, Eli, Chase!"
Mahal ko naman ang kaibigan ko, pero pwede ko ba siya patayin Lord?
"Ay hala.. Hi Ysla!" Pagbati rin ni Blaize. Hindi niya akalain na nandito lang ako malapit sa kaniya. "This is Chase, yung gusto ko ipakilala sa'yo." Pagturo niya kay Chase.
"So you're Ysla, nice meeting you. I'm Chase Valdivieso." Paglahad niya ng kamay, inabot ko naman 'to saka nagpakilala.
"Yeah. Ysabel Lauren Gossom. Nice meeting you too." I said before shaking his hand.
"Uh, Ysla. Narinig mo ba pinag-uusapan namin kanina?" Blaize asked. Kinunot ko naman ang noo ko at nagpretend na wala akong alam.
"Probably no. I had my airpods earlier." Pinakita ko naman sa kaniya ang airpods ko, kaya nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti lang naman ito.
"What usapan? Binabackstab niyo ba ang bestfriend ko?" Nova asked while raising her right brow and crossing her arms.
"No. We're just talking about a secret that we wouldn't let anyone know." Chase said. Grabe ang gagaling magsinungaling ng mga 'to.
Tumango lang naman si Nova at nakipag-usap sa kanila. Hinayaan ko nalang siya at bored na pinaglalaro ang kuko ko. Gusto ko na umalis.
"So yeah, gusto niyo ba maglunch mamaya?" Chase asked. "Libre ko." He added.
"Sur-"
"No, thank you." Pinutol ko na ang pagsasalita ni Nova. Alam niya naman na siguro kung bakit kaya nagsalita na siya ulit.
"Sure, some other time. Kakain kasi kami sa bahay nila since namiss ko ang luto ni Mamay." She added. Ang galing beb, palakpakan!
"Woah. Okay then, we'll see you." Chase said again, binalingan naman ako ni Blaize at Chase ng tingin kaya tinanguan ko lang silang dalawa.
"Why? Ysla? They're kind." Panimula ni Nova.
"Well, maybe. Except for Octavious." I said then shrugged my shoulders.
"Octavious ka nang Octavious. Haler! You can call him Eli, everyone calls him Eli." She said.
"Hindi ako kasali sa everyone." I said saka inirapan siya.
"Mabait kaya si Eli, naiinis ka lang talaga sa kaniya that's why you don't want his presence, bakit ka nga ba naiinis ka kaniya?" Tanong niya naman.
"I don't know. His face really irritates me. Tara na nga, 5 minutes nalang magsisimula na yung next subject natin baka malate pa tayo." Saad ko. Nagkibit-balikat lang naman siya at sumunod na sakin paalis.
"San ka nga pala galing? Bigla ka nalang nawala, kakausapin pa sana kita." Tanong ko sa kaniya nang maalalang hindi ko na siya nakita kaagad pagkatapos ng announcement.
"Pumunta si Matt sa labas, sinabihan ko kasi siya na walang pasok sa morning kaya inaya niya ako mag breakfast hehe." Ay lumalandi. Hindi ako sinasama, tas yung sa highlighter ko pa. Wow. Ang galing.
"Edi wow." Sabi ko at natawa naman siya. Pumasok na si prof kaya nagsiayos naman kami saming upo.
"Good morning, so today i'm giving you all my time to review my subject. Kahit san niyo gusto magreview. Ang importante relax your mind for a bit para sa exam natin tomorrow." Sabi rin ni Prof bago magpaalam.
Nagpaiwan naman ako dito sa classroom at nagrereview habang nagpapatugtog. Umalis naman si Nova para bumili daw ng snack naming dalawa.
Ayok na lumabas baka mamaya makita ko na naman yung tatlong mokong. Kung ano na naman marinig ko.
"Ysla, can i borrow your reviewer for biology? I forgot to bring mine. Don't worry ibabalik ko kagad. Magpapa photo copy lang ako, pero since may pointers ka naman dyan, okay lang rin kung hindi." She said bago ngumiti.
"Yes, sure it's okay. Don't mind my pointers, you can have them too." Sagot ko naman bago inabot sa kaniya ang reviewer ko. Nagpasalamat siya kaya tinanguan ko nalang at nginitian.
I'm tired. I don't know why. Siguro mamayang hapon nalang ako magrereview.
From: unknown number
Ysla. Punta ka muna dito sa studio, need namin ang presence mo.
To: Unknown number
Who is this?
From: unknown number
It's Darren.
Hindi na ako nagreply at inayos na ang mga gamit ko, sinabihan ko nalang ang kaibigan nung kaklase kong humiran ng biology reviewer ko na after break time niya nalang ibigay.
Nagmamadali akong bumaba kasi baka may emergency sa studio at pinapatawag ako. Maya-maya naman ay nakarating nako sa studio at nagdadalawang isip pa na buksan ang pinto, pero ang ending binuksan ko pa rin talaga.
"Why? What happened?" Tanong ko kay Darren. Nakatutok lang naman sila sa laptop kaya nakitingin na rin ako.
"Marunong ka ba mag type ng Ñ sa laptop?" Tanong ni Darren habang seryoso pa ring nakatingin sa laptop. Natawa naman ako ng mahina bago sinagot.
"Lol, yeah. I know how to, ako na dyan." Akala ko naman kung anong nangyare sa studio. Tinuruan ko naman na sila bago magpaalam at umalis na.
Napagdesisyonan ko munang dumaan ng cafeteria at bumili ng kape kaso parang hindi ko type ang coffee dito kaya lumabas na muna ako at pumunta sa parking lot. Babalik nalang ako mamaya after 1 hour.
Nagdrive na ako papunta sa starbucks para bumili ng coffee. The best pa rin talaga dito pati doon sa Marriott. Nagvibrate naman ang phone ko kaya tinignan ko muna 'to.
From: Nova EnglisherangFrog
Where are you? :(
To: Nova EnglisherangFrog
I'm at starbucks right now. Just drive here if you want to come.
From: Nova EnglisherangFrog
Nope, i'll wait you here at school. Tinanong lang kita baka kasi need mo ng snack. Nevermind. Take care! :)
To: Nova EnglisherangFrog
I will, you too.
Hindi na nagreply pa si Novs kaya bumaba nako ng sasakyan at pumunta sa counter.
"Good morning. Cake pops, New York Cheesecake and Hot white chocolate mocha. Add Java chips and chocolate chips please, for here. Thank you."
"Cake pops, New York Cheesecake and hot white chocolate mocha with java chips and chocolate chips, for here. Table 6 nalang po. Thank you." She said. Same staff pa rin last order ko kahapon.
Tinanguan ko naman siya ay naupo na sa table 6, nagsimula na rin akong magreview. Wala rin naman akong magawa habang naghihintay kaya nagreview nako. Bigla naman nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ulit.
From: Nova EnglisherangFrog
Take your time there. All our professors said that today's our free day to review and relax our minds. Don't rush to go here or you can go home if you're tired. Take care! :)
To: Nova EnglisherangFrog
Thank you for updating. Take care too, drive safely if you'll go to our house.
From: Nova Englisherang Frog
Eh? Why would i go to your house?
To: Nova Englisherang Frog
Because of my brother, eme.
From: Nova EnglisherangFrog
Shh.
Hindi ko na siya nireplyan dahil dumating na rin ang inorder ko kaya nagsimula na akong kumain habang nagrereview.
"Grabe naman Ysla, pati sa pagkain nagrereview. Natatakot na akong baka malamangan mo na sa top si Eli." Pagsingit naman ni Blaize habang nagrereview ako.
Pumunta nga ako dito para hindi sila makita. Nakakaiyak naman.
"Coffee na naman." Rinig kong bulong ni Octavious kaya pinanliitan ko 'to ng mata at tinaasan ng kilay.
"What do mean by 'na naman'?" I asked looking at him, naiinis.
"Wala, let's go find table." Octavious said. Umupo naman na sila doon kasama si Chase at si Blaize naman ang nag-order para sa kanila.
Hindi ko nalang sila pinansin at nilabas ang laptop ko. Nakalimutan ko namang kunin ulit ang reviewer ko kaya tinext ko na muna si Nova para manghingi ng copy.
To: Nova EnglisherangFrog
Novs, can you take a picture of your biology reviewer? Or do you have a pdf? Just send me, nakalimutan ko kasing kunin ulit yung hiniram sakin ni Xia.
From: Nova EnglisherangFrog
Uh yeah, i have pdf. I'll send you right now nalang. Wait a second.
Hinintay ko nalang muna ang pdf na isesend niya kaya habang naghihintay ay nagreview nalang ako ng ibang subject at nagresearch ng ibang hindi ko maintindihan.
Nova Kaiser sent you a message.
Nagpop naman ang chathead at sinend na ni Nova ang pdf kaya nagpasalamat muna ako dito bago binuksan.
Nagsimula na ulit ako magreview ng biology at math, kailangan ko pang magmemorize ng formulas sa science at math, common grammar errors naman sa english.
Naubos naman na ang kape ko at ang cheesecake na binili ko kaya tumayo muna ako at pumunta sa counter para magorder ulit ng coffee. Maganda Iced coffee.
"Hello po ate, GR iced coffee po. 3 pumps white mocha, 2 pumps vanilla with cream in a venti cup, extra ice, caramel drizzle. Table 6 po. Thank you." I said.
Bumalik na ako sa table ko at nagpatuloy sa pagrereview. Nirereview ko naman ngayon ang Filipino at history. Iniisa isa ko ang mga tao na nasa history kaya medyo natagalan na rin ako.
Dumating na ulit ang coffee ko kaya sumimsim muna ako dito habang nagbabasa. Medyo sumasakit na ang mata ko kaya sinuot ko na rin ang anti-rad glasses ko.
Hindi pa rin ako huminto sa pagrereview, maaga pa naman 10:00 am at puro kape lang ako kaya hindi ako inaantok.
"Ysla, hindi ka ba uuwi?" Blaize asked. Nasa table lang ang kaibigan niya at siya lang ang lumapit sakin.
"Hindi pa, bakit? Wala rin kayong pasok?" Pagtanong ko sa kaniya. Umiling naman siya bago sumagot.
"Free time rin namin para mag review and magrelax, kayo rin ba?" Tanong niya.
"Oo kaya rin ako nandito eh." I answered.
"Si Nova? Bakit 'di mo kasama?" Tanong niya ulit. Habang nakaupo na sa tabi ko at nakatingin sa mga nireview ko na nasa screen ng laptop ko.
"Wala eh. Busy sa love life niya kasama kuya ko kaya hinayaan ko nalang rin, saka matalino naman si Nova kaya irereview rin yun ni kuya sa bahay."
"May gusto siya sa kuya mo?" Gulat na tanong ni Blaize. Tumango naman ako at nilagay niya pa ang kamay niya sa bibig niya kaya natawa ako.
Sumisimsim pa rin ako sa kape ko habang nagsasalitan kami ng tanong, medyo hindi na rin ako nabuburyo.
"Akala namin ay may gusto siya kay Eli, inaasar asar pa nga namin siya kay Eli eh." Pagpapaliwanag naman ni Blaize. Tumango tango naman ako bago magsalita ulit.
"Oo nung nasa Tagaytay tayo para sa competition ko, nung lunch tinanong siya nung kuya ko kung may gusto ba siya kay Octavious, hindi siya sumagot pero namula ang pisngi niya habang tinanong ni Matt yun." Pagkwento ko naman.
"Pero ngayon hindi na? Kasi nagkagusto yung kuya mo kay Nova?"
"Oo, matagal naman na pero nahihiya siya umamin. Siguro ngayon umamin na siya kaya nagkakamabutihan na rin sila." I added. Tumango tango naman siya.
"Ikaw ba Ysla, may natitipuhan ka bang lalaki ngayon? Or kahit nahahangaan man lang."
"Wala eh. Sa dati kong school masyadong mataas tingin nila sakin kaya hindi na rin ako nagiging kumportable, may nagbibigay nga ng love letters pati bulaklak at chocolates pero hindi ko naman natitipuhan." I said.
"Saka ngayon naman sa Roedean wala rin ako masyadong mahanap and hindi rin naman ako naghahanap since next year magc-college na rin ako kaya baka masyado lang rin akong maging busy." I added.
"Hindi ba nakakatamad na puro acads ka lang?" He asked. Umiling naman ako saka nagtanong pa siya ulit. "Sa tingin mo ba posibleng magkagusto ka kay Eli?" He asked kaya nagulat naman ako.
"I don't think so." I answered. Nagtanong naman siya kung bakit sinagot ko lang rin.
"Well he had that handsome face and intelligent brain but i can't saw my future with him. Or maybe.. i don't want to."
"Why?" He asked.
I just sadly smiled at him.
"Syempre kung ganyan kasungit magiging boyfriend mo, gugustuhin mo ba?" I sarcastically said to him.
"Grabe ka naman dyan, Ysla. Pero may point ka hahaha."
"Sige na bumalik ka na don, marami pa ako nirereview eh." Sagot ko habang tinutulak tulak siya. Umalis naman siya kaya nagpatuloy lang ako sa pagrereview ko.
Kung tinanong pa ni Blaize kung posible ba akong magkagusto sa kaniya, baka sabihin ko pang oo. Pero kay Octavious? Hell no!
Filipino, Math, Science, History, English. Meh, I'm tired.
Niligpit ko na ang mga gamit ko dahil inaantok na rin ako. Nakailang kape nako pero dinadapuan pa rin ng antok.
Nilagay ko nalang sa tote bag lahat ng reviewers ko at nilagay ko na rin sa lalagyan ang laptop ko.
"Who would've thought na makikita kita ulit dito, Ysabel."
Nilingon ko naman ang nagsasalita at nabosesan 'to.
"Why are you here, Frank?"
I don't him to ruin my life again. Malapit akong ma drop out sa last school na pinasukan ko because of him and his manyak barkada.
"Because this is starbucks and i want to buy coffee?" Patanong na sabi niya saka ako binigyan ng manyak na ngiti.
"Ok." Sagot ko nalang saka nagmadaling kunin lahat ng gamit para lumabas.
Hinawakan niya naman ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Nasasaktan ako.
"I'm still talking to you. Ang bastos mo naman para talikuran ako?" Bulong na tanong niya sa kanang tainga ko.
"Don't make a scene here inside, kung gusto mo akong kausapin, then let's talk outside." Bulong ko naman sa kaniya at padabog na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Nauna na akong lumabas, natatakot ako sa pwede niyang gawin kaya tinext ko an si Nova baka kung may anong mangyari sakin.
To: Nova EnglisherangFrog
Nova.. i need your help. Frank's here, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin. I'm not with anyone. Please hurry.
"So lumipat ka na pala ng school, so sad. Hindi pa talaga sa school na pinapasukan ko." Panimula niya. Natatakot man pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kaniya.
"Sino rin namang tanga ang susundan ka hanggang sa paglipat mo ng school? Yung mga dugyot mo lang namang alipores." I said.
Hinawak niya naman ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay, nasasaktan ako.
"What did you say? Dugyot? Sino nga bang dugyot sating dalawa?" He asked. Padabog niya namang binitawan ang pisngi ko kaya malapit akong matumba pero nabalanse ko ang katawan ko.
"Ikaw. Alangan namang ako?" Hahawakan niya pa sana ako pero lumayo na ako sa kaniya. Papasok na sana sa sasakyan ko nang hawakan niya na naman ng mahigpit ang braso ko.
"Kinakausap pa kita kaya h'wag mo akong matalikuran." Sabi niya saka pinaharap ako, sinampal niya naman ako kaya sinampal ko rin siya.
"Sino ka ba para pagsabihan ako ng kung anong gusto mo? Are you my father?" I asked. Nakangisi niya naman akong tinignan.
Ugly bastard.
"I'm your ex boyfriend." He casually said while locking his eyes unto mine.
"I don't have a ex boyfriend named Frank." I said while looking at him. Sinampal na naman niya ako kaya sasampalin ko rin siya ngunit bigla niyang napigilan ang kamay ko.
Sinuntok niya ako sa tiyan kaya napaaray ako sa sakit. Fuck.
"Fuck. Stop!" Hindi siya tumigil at sinuntok pa rin ako ng ikalawang beses at sinampal ng dalawang beses bago ako mapahiga sa sahig at umalis.
"Fuck you!" Sigaw ko, hindi na ako makagalaw, nandidilim na rin ang paligid bago ko marinig ang boses ni Nova at Matt kasama ang tatlo.