Chapter 4

What the fuck? Octavious!?

"Ano na naman ginagawa mo dito?" I asked. Kanina pa tong isang to, sarap lunurin.

"I'm not here for you. I'm here for Nova." He said saka binalingan ng tingin si Nova.

"Hindi daw nandito pero sinabihan akong maganda. Ulol. Sinong niloko mo." Bulong ko habang tumatalikod sa kanila.

"Stop blabbering Ysla." Bulong sakin ni Nova kaya tumigil naman ako at niligpit na ang mga gamit ko. Sinabihan ko na rin si Nova na mauuna nako at tumango lang naman ito.

Papunta akong 3rd floor ngayon para hanapin ang room ni Kate, gusto ko kasing makita ang ice skating rink ng Roedean.

"Hello, uh excuse me. San yung room ni Kate Fansler?" I asked the random person i saw.

"Dyan po sa ikalawa mula dito." Pagsagot niya naman. Nagpasalamat ako saka pumunta na sa room na tinuro ng pinagtanungan ko kanina.

"Excuse me, i'm looking for Kate Fansler. Is she here?" Tanong ko sa tapat ng room na tinuro sakin kanina.

"Opo, wait tawagin ko lang po. Ano po name niyo?" Tanong niya.

"Ysla, thank you." Tumango naman siya bago sumigaw.

"KATE MAY NAGHAHANAP SAYO! YSLA DAW-" napahinto siya sa pagsigaw at bigla napatingin sakin. Tinignan ko naman siyang nagtataka.

"Why?" I asked.

"Ysla, as in. Ysabel Lauren Gossom!?" Tanong niya ulit at tumango lang naman ako. Napasinghap siya nang kumpirmahin ko nga na ako ang taong tinutukoy niya.

"Hi ate, bakit po? Napapunta pa kayo dito. " Tanong ni Kate. Nabaling naman ang atensyon ko sa kanya kaya sinagot ko kung ano talaga ang pakay ko dito.

"Pwede mo bako samahan sa ice skating rink dito sa Roedean? Hindi ko kasi alam saka hindi ko rin alam kung sino pwede kong mapagtanungan." I explained. Tumango tango naman siya at tinignan ang relo niya.

"Sige ate. May 25 minutes pa naman before ang afternoon class, tara." Aalis na sana kami nang bigla kami pinigilan nung kaklase niya na natauhan nalang bigla.

"Sama akoo." Saad niya at tumango lang naman ako.

"Hello po ate Ysla. Mag p-practice ka po?" Tanong sakin nung kaklase ni Kate, umiling lang ako habang nakangiti.

"Hindi pa pwede eh, yung kaibigan ko si Nova, magagalit kapag nagpractice ako ngayon. Siya lang kasi nakakaalam kung pano ako magpractice." Sagot ko sa kaniya.

"Secret po ba yan na bawal ipagsabi?"

"Hindi naman sa secret, kung may magtatanong pwede ko naman sagutin."

"Pano nga po ba ate? Secret lang natin 'to nina Zara." Tanong ni Kate.

"Ay Zara Mahasoa po, kaibigan ni Kate. Fan na fan mo po kami ate. Lagi kami nanonood sa mga competition mo. May isang beses kasi yung first nood namin performance mo ata yun sa MOA kaso hindi yun competition." Pag k-kwento niya.

"Binayaran ako non para magperform. Sakto rin kasi na nasa bahay lang ako non at walang ginagawa." Pagkwento ko rin.

"Saka hindi muna ako makakapagpractice ngayon. Hindi pa talaga pwede kasi may isang beses na nagpractice ako hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako sobrang napagod." Pagsimula kong magkwento. Nakikinig lang rin sila.

"Private ice rink yung pinagpractisan ko kasi mas nakaka concentrate ako at wala masyadong iniisip na maraming nakatingin sa paligid. Yung last move ko sa last competition ko, anim na buwan ko yun inensayo." Pagkwento ko habang inaalala ang nangyari nung gabing yun.

"Hindi ako natulog ng dalawang araw para maperfect ko yun, may isang beses pa na habang pahiga ako sa yelo ay nauna ang ulo ko at kinailangan ako dalhin sa ospital dahil sa lakas ng pagkatama sa yelo."

"Kaya pala ganun nalang ang paghihigpit sayo ni ate Nova, worth it naman po ang resulta pero sana po eh 'wag niyo na ulitin yun." Pagsagot ni Zara. Tumango lang naman ako at sinasabayan naman sila maglakad.

"Dito na po ate." Sabi ni Kate. Huminto kami sa malaking pinto, binuksan naman 'to ni Zara at pumasok na kami sa loob.

Ang lawak at ang ganda..

"Ang ganda at ang lawak dito, parang excited na tuloy ako matapos ang exam." Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at namamangha.

"Hihintayin namin yan ate, gusto ka namin makitang magpractice." Nginitian niya ako at nginitian ko naman silang dalawa bago ko sila inayang lumabas na para bumalik na kami sa mga room namin.

"Slaamat sa pagsama. Zara, Kate!" Pagpapasalamat ko sa dalawa nang makarating kami sa third floor. Sa kabilang floor pa ang room ko kaya nauna na sila sakin.

"Hmm." Nilingon ko naman ang lalaking lumikha ng tunog sa tabi ko.

"Ano na naman ba?" I asked looking at Octavious, emotionless.

"My room's upstairs too." He said. Edi wow.

Binilisan ko nalang ang paglalakad para mauna sa kaniya at nagtagumpay naman ako. Nasa pinakadulo ang room namin at sakto namang tumunog na ang alarm para sa afternoon class pagkapasok ko.

"I didn't saw you here earlier pagkapasok ko, where did you go?" Nova asked as i sit on my chair beside her.

"I went to see the ice skating rink here. Ang lawak at ang ganda, pero hindi naman ako nagpractice. Tinignan ko lang kasama si Kate pati yung friend niyang si Zara." I explained.

"I don't really feel good about that Kate when you're with her. I also don't know why, basta there's something talaga eh. I just can't figure out." She said, nagtataka ko naman siyang tinignan habang iniisip kung anong bad yung sinasabi niya.

"Tama na nga kakaoverthink mo."

"Well, whatever." She said then sighed. Hindi na rin kami nagsalita nang pumasok na ang prof namin at nagsimula na sa class niya. We're having a English Class.

Sinusulatan ko nalang ng kung ano ang binder ko, wala kasi akong magawa at puro lecture lang ang ginagawa ni prof. Ayoko naman matulog. Mayayari pako.

"Miss Gossom. Are you listening there?"

Prof asked, napatingin naman ako sa kaniya bago ko siya sinagot.

"Okay then, if you really are listening. Let me ask you 5 questions. Answer me directly."

He said, tumango lang naman ako.

"Where is the original Starry Night by Van Gogh located?"

"Museum of Modern Art, New York."

"When is the World Literacy Day celebrated?"

"September 8."

"Who was the first President to live in the white house?"

"John Adams."

"When was the right to vote for women, as per the nineteenth amendment, ratified?"

"1920."

"In which year was Joan of Arc burnt at stake?

"1431."

Sunod sunod na tanong ni Prof, at sinagot ko naman ayon sa gusto niya.

"Wow. Hmm Prof pinapatawag po si Miss Gossom ni Head Coach." Pagsingit naman ni Octavious.

Nakakailang singit na to sa pagmumukha ko naiinis nako.

"Gossom, you may go." Prof said, tumayo naman ako at tinignan muna si Nova bago pumunta sa pinto at yumuko muna bago lumabas.

"Bakit ikaw pa pumunta sa room ko? Wala bang ibang pwede mautusan?" Tanong ko sa kaniya na naiirita na naman.

"I'm the head broadcaster so you're my responsibility."

"Responsibility eme." Pagbulong ko kaya natawa naman siya. Ano nakakatawa?

"Ano nakakatawa?" I asked.

"Nothing. I'm not laughing." Sabi niya saka binuksan ang door ng conference room at pinauna ako pumasok. Inirapan ko lang naman siya.

"Ate Ysla welcome to the family!" Sigaw naman ni Kate kaya nginitian ko lang siya. Oo nga pala at journalist rin siya dito.

"Eh? Am i broadcaster now? Akala ko 1 week from now pa?" I asked looking Coach.

"Yeah, but the broadcaster you replaced withdrew when she found out that you were the one to replace her." Coach explained.

"Eh? Why?" I asked. Sayang naman.

"Maybe she's a fan of yours." Sabi niya, napailing naman si Octavious. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na sa swivel chair na may pangalan ko. Ang angas.

"Again, don't worry about your classes this afternoon. I chose fast learners as journalists so that you can quickly cope up when you're late for lesson but I have talked to your advisers and you are exempted because journalism is important in this school." Pagpapaliwanag ni Coach kaya tumango tango lan kami.

Namamangha pa rin ako na may sarili akong upuan sa loob ng conference room. Sana naman hindi nakakastress ang trabaho ko dito.

Sinimulan na naming ireview ang ibang articles ng iba't ibang school na makakalaban namin sa regionals, anraming errors kaya inisa isa ko silang suriin lahat.

Anong ginawa ng judges bakit nakakalusot tong mga ganito?

"Eli, what do you think?" Tanong ni Coach kay Octavious. Napatingin naman sial dito pero nanatili ang mga mata ko sa projector.

"Errors. From grammar and words used. May ibang hindi pa appropriate." He said.

Kaya nga, nakakapagtaka naman.

"How about you, Miss Gossom? May napansin ka ba?" Coach asked. Tumango naman ako bago magsalita.

"Opo, yung headline ng news sa Filipino hindi tumugma sa word count na binigay. Trump card ng sports writing na 'mala kabayong sipa' which in turn is prohibited in sports writing." I said.

"The television broadcasters are still confused as to who will speak to them first, and.. the weather forecaster of others does not know where to point their hand based on what they say." I added. Napatango naman si Coach at umiiling iling.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Ang galing mo mag observe ate." Saad naman sakin ni Kate, tinanguan ko lang naman siya.

"Guys, narinig niyo naman yung sinabi ni Miss Gossom and Eli. Take note to what they said." Sabi naman ni Coach habang pinapatay ang projector. "You may all go now, Eli and Miss Gossom, maiwan muna kayo. I have something to discuss to the both of you." Dagdag pa ni Coach.

Nagsialisan naman sila at kaming tatlo nalang ang natira dito sa conference room.

"What is it Sir?" Octavious asked. Nilalaro ko lang naman ang mga kuko ko habang hinihintay magsalita si Coach.

"Next week will be our regionals after the third quarter exam of 4th year but before that.. kayong dalawa ang maglalaban sa debate 'di ba?" Coach asked.

"Yeah." Pagsagot naman ni Octavious.

"Good. I want you two to do your best. Ilalaban ko kayo sa Division Festival of talents next quarter." Coach added.

"Wala na po bang iba coach?" I asked. Ayokong nakikita ang mukhang awit na yan araw-araw.

"No one dared to compete with Eli so yeah. Walang iba kundi ikaw Miss Gossom."

"Ysla nalang po, and sige wala naman pong problema." I casually said. May problema po talaga coach.

"Aysus Ysla." Sabi ni Coach saka mapang-asar akong tinignan.

"Bakit Coach?" I asked.

"Ayaw mo lang mahulog kay Eli eh."

Eh? Coach!?!?!?!?!?

Natapos na lahat ng afternoon class kaya pauwi na sana ako nang maalala na pupunta pa pala ako sa journalist building para magtraining kasama si Darren, yung kasama ko sa tv broad.

"What's with the face Ysla?" Tanong sakin ni Darren pagkapasok ko ng tv broad studio.

"Wala. Tinatamad lang ako gusto ko matulog muna." Saad ko saka umupo. Dinikit ko naman ang pisngi ko sa desk at nakapalumbaba kong tinignan si Darren.

"Rest first. We can practice 30 minutes from now."

"Totoo ba yan? Matutulog muna ako ah." Saad ko, tinanguan lang naman ako nito kaya pumikit na rin ako at umidlip.

"Hoy gumising!" Rinig kong sigaw ni Octavious sa Megaphone. Panira na naman naiiyak nako.

"Inamo." Bulong ko habang nag-aayos ng sarili. I looked at Darren and he just gave me an apologetic smile, i also smiled at him.

Kinuha ko na ang script ko saka binasa 'to. May mga pangalan na naman namin kaya hindi na ako mahihirapan. May prompter rin naman sa gilid ng camera kaya walang problema.

"Dar, bat may camera? San yan malalabas?" Tanong ko. Kung may camera, edi may screen na paglalabasan?

"May limang big screens dito sa Roedean. Sa bawat building makakakita ka ng screen at may apat na building in totak ang school na 'to. Ang panlima naman ay ang conference room." Octavious answered.

"Wow, iba na pala ang pangalan mo ngayon, Octavious? Akala ko ELIAS ang pangalan mo?" I sarcastically asked. Lumabas namna na siya sa studio kaya nakapagfocus na rin ako sa ginagawa ko.

"Let's start?" Darren said and give me a smile. Tumango lang naman ako.

7pm na nang matapos kami magpractice since bago pa lang naman ako, nagkakamali rin pero bago kami matapos ay naging smooth naman ang pagdeliver ko ng words kaya ipagpapabukas nalang daw ulit.

Aabutin pa ata ako ng 8 ngayon, traffic pa naman.

"Si Nova? Umuwi na?" Tanong ko nang makita sa parking lot ang kaklase ko.

"Oo Ysla, kanina pa ata bago mag 6pm." She replied. Nagpasalamat na ako saka pumasok sa kotse ko.

Nakakapagtaka, hindi man lang nagtext o tumawag man lang.

Nakailang tawag na ako pero hindi parin siya sumasagot kaya napagdesisyonan kong sa bahay nila muna ako pupunta bago umuwi.

Pinaandar ko na ang sasakyan habang sinusubukan siyang tawagan sa gitna ng traffic pero hindi pa rin siya sumasagot. Ano ba nangyare kay Nova.

"Nova sumagot ka." Hindi ako mapakali kung ano man ang nangyayare ngayon.

"Matt. Si Nova ba kasama mo?" I asked. Si Matthias nlanag ang tinawagan ko baka magkasama sila.

:Hindi, kaninang 6pm tinawagan ko siya sabi niya kasama ka raw niya.

"Hindi, nasa studio ako 5pm pa lang. Bakit naman magsisinungaling sayo si Nova?" Tanong ko kay Matt mula sa kabilang linya.

:I don't know. I'll update you nalang kapag natawagan ko na siya.

"Sige." Pagsagot ko bago pinatay ang linya. Tinawagan ko na ulit ang number ni Nova and this time sinagot niya na ang tawag.

"Nova! Where are you!? Kanina pa ako tumatawag hindi mo sinasagot. Nasan ka ba bakit nakapatay yang phone mo? Ano ginagawa mo? Hindi ka naman nagpapatay ng phone and one call awa-

:Hey, chill.

"Anong Chill? At bakit ikaw ang sumagot ng tawag ha!? Octavious?"

:Nova is currently entertaining visitors here in Skye's birthday party. Blaize's sister, pinahawak niya ang phone niya sakin that's why hindi niya nasagot and naka power off kanina.

Buti nalang. Akala ko kung ano na nangyare kay Nova. Hindi man lang ako tinext o tinawagan man lang bago umalis, kinabahan tuloy ako.

"Okay, i understand. Take care of her." Sagot ko bago pinatay ang linya.

Hindi pa naman ako nakakapunta sa bahay nila kaya dumeretso nalang ako pauwi sa bahay namin.

"Okay na Matt. Nasa birthday party daw pala siya ng kapatid ng kaibigan niya. Kala ko kung ano na." Sabi ko nang makita si Matt sa front door karga si storm. Inabot ko naman siya at hinaplos.

"Hi storm, ang cute mo talaga." I pinched his cheeks habang pinanggigigilan.

"It's good to know that she's safe. I was also nervous when you said you weren't with her. Come on, let's have dinner first." He said. Sus kinabahan rin pala eh.

Tumango lang ako saka sumunod na sa kaniya, nakita ko naman si mamay na naghahanda na ng mga plato at nakita ko rin na nakaupo na si mama saka papa sa hapag kainan.

"Hi mom, dad." Paglapit ko sa kanina saka hinalikan ang pisngi nila.

"How's your day, honey? Tired?" Tanong ni papa at tumango lang ako bago sumagot.

"It's tiring dad but I enjoyed it." I replied.

Sinisira lang po talaga ni Octavious ang araw ko.

Tumango lang ito saka nagsimula kami kumain.

"Next week before your regionals in figure skating, Ysla." Panimula ni mama kaya pinakinggan ko lang siya habang ngumunguya. "We're going to have a dinner with your dad's business partner." She added.

"Okay mom, with whom?" I asked.

"With the Octavious." Dad answered.

Nabulunan naman ako nang marinig ang apliyedo ni Elias. No way!

"Ysla why? Eto tubig." Inabot ko kagad ang tubig na binigay ni Matt saka ininom 'to ng tuloy tuloy. Kala ko naman mamamatay nako.

"Hindi ako sasama ma."

"Why? It's just a dinner, honey." Dad said. Umiling lang ako.

"Mag p-practice po ako ng skating since it's regionals kailangan ko matuto ng ibang moves." I explained.

Tinignan naman ako ni Matthias habang ngumunguya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay kaya umiling iling nalang siya. Ano problema neto?

"Let's talk about that the other time." Sabi naman ni mama kaya tumango nalang kami ni Matt.

Kinausap naman ni mama saka papa si Matt kaya nakikinig nalang ako habang kumakain.

"Ma, pa. I'm going to rest na, kayo rin po." I said, tinignan ko naman si Matt at tumango lang dito.

Hindi talaga ako tinitigilan ng tadhana ah, pati dito sa bahay si Octavious na naman. Tsk.

Naglinis na muna ako ng buong kwarto bago maligo at umupo sa study chair para magreview na naman at gawin ang homeworks ko. Hindi ko pa alam kung anong course ang kukunin ko sa college pero yung mga magulang ko ay nay business, baka related lang rin sa business ang kunin ko.

Gusto ko sana maging artista noong bata pako, lagi akong nakaharap sa salamin at umiiyak mayamaya ay matatawa sa itsura ko kaya napagtanto kong hindi ako pwede mag artista.

"Ang weird. Napapagod nako pero gusto ko pa magpatuloy." Pagsasalita ko mag-isa.

12 midnight na pero hindi pa rin ako natapos magreview kaya napagdesisyonan kong bumaba at uminom ng gatas para mas mabilis makatulog.

Bigla nagvibrate ang phone ko kaya kunot noo ko 'tong tinignan. Sino pang magmemessage sakin ng gantong oras maliban kay Nova?

From: iam_eli

I'll see you tomorrow.

Pati ba naman bago matulog, Lord?

Hindi ko nalang siya nireplyan at pumasok na ulit sa kwarto. Nakakaiyak na ang presence niya.

Nakatulog nako nang mahiga sa kama, hindi ko alam kung may ginamit ba akong magic o ano. Basta nakatulog lang ako agad.

"Ysla, hija. Bumangon na at malelate ka pa. Bukas na ang exam niyo, iwan mo nalang dyan sa lamesa mo ang ipapabili mo ha." Sigaw ni mamay sa labas ng pinto.

"Opo may, mag aayos lang po saka bababa na ako."

Ang aga naman manggising ni mamay, 4am pa lang naman at 8am pa ang klase ko. May 4 hours pa ako para makapaghanda. Hidni siguro Pilipino si Mamay kasi kung 8am ang klase dapat naghahanda pa ako ng 9am.

Nasanay na rin naman ako na 4am pa lang ako ginigising kaya kailanman ay hindi ako nalate kasi may 4 hours ako maghanda. Alam naman na ni mamay na ang bagal ko gumalaw pag umaga kaya siguro ganitong oras niya ako ginigising.

Mamayang 5am na ako maghahanda, mas okay siguro na magkape muna ako sa veranda habang mag fresh interview.

"Mamay coffee po sana."

"Sige hija, maupo ka muan dyan habang tinitimpla ko ha."

"Opo, good morning rin po may. Nakapagpahinga po kayo ng maayos?" Para kasing walang tulog to si mamay sa ayos niya ngayon.

"Ayun na nga at alas dose na ako nakatulog, Ysla dahil dumasakit itong mga likod ko at hindi ako nakatulog agad." Sagot niya naman.

May katandaan na rin kasi si mamay, sinabihan na siya ni papa na magretire nalang kung hindi niya na kaya at maghahanap na kami ng ibang kasambahay ngunit gusto niya pa rin naman daw na pagsilbihan kamo dahil itinuring na niyang anak sina mama at kami naman ni Matt ang apo niya.

Matandanag dalaga rin si mamay kaya wala siyang mauuwian kaya hindi na rin kami nag insist na paalisin siya dahil itinuring na rin namin siyang pamilya.

"Dapat may magpatingin na po kayo sa doktor, hayaan niyo eh kapag natapos na ang exam ko ay sasamahan ko kayo sa doktor para magpatingin." Sabi ko naman habang kinuha na ang kapeng inabot niya.

"Sige ba, at tayo ay magpahilot na rin ah hija." Saad naman ni mamay, nginitian ko nalang siya bago magpaalam na akyat ulit ako para doon na magkape.

Sinisimsim ko na ang kape ko habang nagrereview. Gusto ko bumalik sa Tagaytay pero mukhang matatagalan pa dahil rin maraming binigay na opportunities ang Roedean sakin.

Mahigit isang oras rin akong nagreview sa veranda bago pumasok ulit at ayusin ang kama ko bago naligo, isang oras rin ang hinigit bago ko matapos ang pagligo ko.

"Ysla, hija bilisan mo na dyan at may naghahanap sayo sa labas." Pagkatok naman ni mamay sa pinto. Sumigaw lang ako ng opo bago inayos ang sarili ko.

Sinuot ko na ang uniform ko pati ang black mary jane shoes ko bago bumaba.

"May? Kala ko si Nova po ying nandito. Bakit hindi niyo pinapasok?" I asked. Kask dumederetso lang naman si Nova sa kwarto ko hindi ko alam kung bakit hindi ngayon.

"Ysla anak, hindi si Nova eh. Saka sa labas lang daw siya maghihintay." Sabi ni mamay habang naghahanda ng pancake.

"May sa resto nalang po ako mag aagahan, mauna na po ako. Pakisabi nalang po kina mama."

"Sige hija, mag ingat ha." Sabi ni mamay at sumigaw lang naman ako ng opo bago lumabas at halikan si storm.

Binuksan ko muna ang gate ng garage saka pinaandar palabas ng bahay ang sasakyan, pinark ko muna sa gilid at lumabas para isarado ang gate.

"Morning." A male voice greeted behind me.

"Aga aga naman Octavious, sino nagbigay sayo ng address ko!?" I asked. Bago siya hinarap.

Literal nga talaga na 'i'll see you tomorrow'.