Chapter 11: Heartbeat?
Mariane POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko tinatapos ko yung project namin ni nathan.
Sina- summarize ko kasi yung interview namin ni nathan tungkol sa trabaho ni tita anne bilang journalist.
Nag hati lang kami ni Nathan ng gagawin, siya muna ang gumawa ng kalahati tapos ako naman sa mga kulang.
Umunat ako at saktong tumunog ang buto ko sa likod dahil na rin siguro sa pangangalay.
Sunday ngayon kaya tinatapos ko na yung project dahil bukas na ang deadline nito.
nandito rin yung mga kaibigan ni Camille, dito rin sila gumagawa ng projects nila. Rinig ko nga yung ingay nila sa baba eh. Hindi kasi sound proof yung kwarto ko kaya rinig ko talaga yung ingay nila.
kumunot ang noo ko, mayroon bang ganon? imbes na gumawa ng project eh nagiingay sila
hindi ba nila alam ang salitang manners. kanina kasi hindi ako makapag concentrate at hindi makapag isip ng maayos dahil ang iingay nila, nananadya ba sila?
kung mag iingay lang sila edi sana hindi na lang sila dito gumawa. bahala sila diyan mag ingay lang sila ng mag ingay dahil kapag ako hindi nakapagtimpi bubusalan ko ng tae ang mga bunganga nila. As if naman na magagawa ko yun lalo na nandito si Luxurious.
hindi pa naman ako tapos sa gawain ko.
ako pa naman yung tipo ng tao na ayaw maingay kapag gumagawa ako ng mga assignments o projects ko, kahit sa dati kong buhay ayaw ko ng maingay lalo na kapag may importante akong ginagawa alam iyon ni kuya at ni mama kahit ang mga kaklase ko dati na feeling close.
pero ano pa ba ang magagawa ko, edi ang makiusap sa kanila na wag magiingay.
napabuntong hininga na lang ako at niligpit ang mga nagkalat na papel sa study table, mamaya ko na lang tatapusin kapag hindi na sila maingay.
anong oras na ba?
napatingin naman ako sa orasan, 3:48 pm na at saktong namang kumulo ang tiyan ko.
napasimangot ako dahil nakakaramdam na ako ng gutom, doon na lang siguro ako sa labas ng sub division kakain dahil mayroong seven eleven doon, ayaw kung kumain sa baba.
breakfast lang kasi ang kinain ko kanina, hindi na ako nag lunch dahil nasa baba sila.
Ayoko naman silang makita.
hindi na ako nag abala na mag palit ng damit dahil mukha naman akong disente sa suot ko.
naka oversize tshirt ako at jogging pants, okay na toh.
kinuha ko na lang ang wallet at cellphone at lumabas na ng kwarto.
nandito pa lang ako hagdanan rinig na rinig ko na ang ingay na nila, maliban na lang kay Luxurious at Skyler na tahimik.
bumaba na ako ng hagdan at mukhang naramdaman nila ang presensya ko, napatingin ako sa kanila na nakatingin din pala sa akin.
"Pwede bang huwag kayong maingay camille may ginagawa kasi ako at hindi ako makapag concentrate." mahinahon kong sabi. hindi ko na napigilang hindi mainis dahil sa ingay nila, tinaasan naman ako ng kilay ni Jamie. hindi rin nadala ang isang toh sa pag sakal ko sa kanya eh. Magsasalita na sana si Camille ng maunahan siya ni Jamie.
"Eh ano naman sayo kung magingay kami, alam ko namang naiinggit ka lang kay camille and as far as i know you just want to get our attention." napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya, tang ina oh, ang layo ng sinabi ko sa sinabi niya, hindi ko alam kung bobo o tanga tong babaeng toh eh, gusto kong sabihin sa kanya na ' kainin mo kaya yang atensyon mo noh' pero wag na lang baka magkaroon pa ng gulo... tumingin ako sa kanya ng mariin. Ako na nga yung nakikiusap ng maayos tapos sasagutin lang ako niyan.
sinasagad ng babaeng toh yung pasensya ko eh.
"Gumagawa kasi ako ng project kaya hindi ako makapagisip ng maayos, dahil sa ingay niyo ." malumanay kong sabi.
"bakit gumagawa rin naman kami ah." sabi ni jamie
inis akong napakamot ng leeg na ikinagulat nila pero wala akong pakielam
"basta wag na lang kayong maingay, dahil kung mag iingay lang din naman kayo, bukas naman ang pinto, ligpitin niyo na lang ang mga gamit niyo, at pwede na kayong lumayas ." walang emosyon kung sabi. Tahimik lang sila lahat ng mag sasalita na sana si jamie ng tinalikuran ko ito at naglakad palabas ng pinto.
==============================
Cloud POV
Natahimik si Jamie ng tinalikuran kami ni Mariane at naglakad palabas ng Mansyon nila.
Ang laki na talaga ng pinagbago niya, hindi ko alam kung bakit.
Dati ang clingy niya kapag kasama kami, lagi siyang nagpapapansin at laging nakayapos kay Luxurious.
pero ngayon naging ilag na siya sa amin, parang takot na siyang lumapit sa amin, hindi na siya lumalapit sa amin na lagi niya kinagawian.
Sa halip lagi na niyang kasama yung nerd na lalaki.
hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago. Noong una akala namin nagpapapansin lang siya sa amin, Pero ganon pa rin siya sa loob ng isang linggo pero naniniwala pa rin kami na nag papanggap siya.
"Umm, guys pasensya na kung naging ganun si Mariane, ayaw niya siguro ng maingay kaya pasensya na ulit." sabi ni camille.
"wag munang pansinin yun camille, sigurado naman akong nagpapapansin lang iyon." sabat naman ni Addison.
"Pero kasi, kanina pa tayo dito diba dapat ginagawa na natin yung project natin dahil bukas na ang deadline." nakayuko niyang sabi.
Napatango naman kami, tama siya tsk.
That's why i like her because she's purely kind.
napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Napatingin naman ako kay Luxurious dahil nararamdaman ko yung sama ng tingin niya sa akin kaya napangiwi ako.
Napaka- possessive niya kaya hindi ako makaporma kay Camille, matagal ko nang gusto si camille pero alam kung walang pag asa kaya palihim na lang akong nag kakagusto sa kanya.
Alam ko naman na hindi lang ako ang nag kakagusto sa kanya eh, alam kung mayroon din ditong nagkakagusto sa kaniya.
"Mag simula na lang tayo." sabi ni Klein kaya tumango kami.
two hour passed............
"Argh! ang sakit ng kamay ko kakasulat, hindi ba pwedeng i-print na lang toh?" reklamo ni Jamie
napailing na lang ako, napaka reklamador talaga niya.
" HIndi pwede sabi ni Ma'am, kapag printed ang pinasa mo wala kang grades." sabi ko sa kanya habang nag susulat kaya napasimangot ito sa sinabi ko.
"Bakit ang tagal naman ni Mariane?" nagaalalang sabi ni Camille kaya napatingin kami kay camille ng sinabi niya yon.
"Ano kaba camiile wag ka ngang mag alala don, kaya na niya ang sarili niya noh." naiiritang sabi ni camille.
"Pero-----." naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Mariane.
pawis na pawis ito at mukhang nagmamadali. Kita din ang pagkabalisa sa mukha nito.
nagtatakang tumingin kami sa kanya na nakatingin na rin pala sa amin.
nagtama ang mata namin, pero kaagad siyang umiwas.
"M-mariane nandito kana anong nangyari sa iyo?" nag aalalang sabi ni Camille, at naglakad ito palapit kay Mariane
pero nilagpasan siya nito at dire- diretsong umakyat ng hagdan. Sinundan naman namin ng tingin si Mariane Paakyat.
Napatingin naman ako kay Camille na nakatingin din sa taas at may bahid pa rin nag pagaalala amg mukha.
"Bakit parang balisa siya, ano kayang nangyari?" nagtatakang sabi ni Abby
" Ewan, tsk. Umandar nanaman ang pagka tsismosa mo Abby." sabi ni Addison.
sinamaan naman ng tingin ni Abby si Addison sa sinabi nito. " Hiyang hiya naman ako sayo teh isa ka rin naman." sabi niya at inirapan ito.
"Ayos lang kaya siya?" tanong ni Camille.
"Ewan namin, baka isa yun sa mga teknik niya para lang magpapansin." sabi ni Jamie.
Napatingin naman ako kela Skyler at Luxurious na nakakunot ang noo at nakatingin parin sa taas ng hagdan.
kumunot ang noo ko sa dalawa pero, nagkibit balikat na lang ako, marahil nagtataka din sila.
Muli akong napatingin sa taas ng kwarto nito,
ewan ko pero nung nagtama ang mata namin ni Mariane bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit.
Pero nakakapagtaka dahil sa tuwing nag tatama ang mata namin ni Camille hindi bumibilis ang tibok ng puso ko, kahit sa ibang babae na kafling ko.
Napahawak ako sa aking dibdib kung saan ang aking puso, my heart is still beating so fast.
Fvck! Anong nangyayari sa akin?