Chapter 31
Third Person's POV
Gabi na at nakatulog na si Elzid sa kama. Pinayagan siya ni Aser matulog sa kama pero may harang. Nasa alas onse y media na ng gabi. Lumabas si Aser at kinuha ang shawarma na hindi niya naubos kanina.
"Shit... ang sarap!" Takam niyang sabi. Hingal na hingal siya dahil wala siyang tigil sa pagsubo. Napatigil lang siya dahil nabilaukan siya. Agad naman siyang tumayo at kumuha ng isang basong tubig.
"Tang ina... muntik na 'yon," sabi niya habang ang isang kamay nasa dibdib. Tumingin siya kay Skud na natutulog sa ibabaw ng box. Lalapitan niya sana ito ng nagutom uli siya. Umupo siya ulit at kinain LAAAHAAAT na nando’n. Pagkatapos ng ilang minuto natapos din agad.
"Busog na busog ba, baby?" tanong niya sa anak niya habang hinihimas ang tiyan.
Gusto niya sanang tumayo kaso busog pa siya. So, nag-iisip siya ng isang gawain kung saan mawawala ang stress niya. Nang pwede na siyang makatayo, tumayo siya at kinuha si Skud papunta sa bisig niya. Inilagay niya muna si Skud sa gilid at kumuha ng isang deck ng card.
Ginising niya si Skud at pumunta sila sa balcony. Naisip niya na paliparin si Skud dahil hindi na ‘to masyadong nakakalipad baka maging pilay pa ‘to. Wala na siyang mata. Bago pa man niya pinalipad si Skud in-on niya muna ang phone niya at kinonek kay Skud.
"My own drone," halakhak niya. Lumipad si Skud sa himpapawid habang siya ay nakatingin lang sa phone. Inilagay niya ang phone niya sa ibaba at kinuha ang mga baraha. Tinitingnan niya isa't-isa.
It’s a deadly card. Kapag nasinagan ng araw o buwan makikita mo talaga na ito ay may lason. Silver ang kulay nito. T-in-ry niyang hiwain ang railings at kahit isang hiwa ang ginawa niya lumaki at lumaki ito.
"Cool," wika niya at pinaikot-ikot ito sa kamay niya.
Kinuha niya ang tsinelas sa labas lang ng balcony at tinapon niya sa baba tiningnan niya ito ng maigi na parang isang agila at inihagis niya ang card paibaba at biglang nahati ang tsinelas.
"Nicee," wika niya. Gagawin niya ulit sana ‘to nang biglang nag alarm ang phone niya. Agad niya ‘tong kinuha at nakita niya ang mga grupo ng tao. Itim ang kanilang suot at may dala-dala silang mga armas.
"Sino naman ang mga ‘to? Tsk! Hindi ‘to madedetect ni Skud kung may nakita si Skud na mali," saad niya sa sarili nang biglang tumingin si Skud sa likod ng mga tao. Z-in-oom ito ni Aser at nakilala niya ang mga ito.
"Cursed Mafia," she said under her breathe, "Akala ko naka move-on na sila, hindi pa pala," tuloy niyang sabi. Ibaba na niya sana ang phone niya nang biglang tumingin ito sa kaniya.
"Shit," she cussed nang biglang itutuk papunta sa kaniya ang mga baril nila.
Agad niya namang kinuha ang mga cards at inipit sa mga daliri niya. Naghintay siya ng ilang segundo upang tumira ang mga ito.
Tumira nga sila at pagtira nila do’n din inihagis ni Aser ang mga baraha. Each of the bullets split into two. Tumagos lang ito sa bala at tumagos din sa mga tao.
"Four down," wika niya. Mabuti naman at kita niya ang anggulo ng mga ito kaya agad niyang nakalkyula lahat kaya success ang pagtira niya.
Agad naman sunod-sunod na tumira ang mga ito kaya napaatras siya. Sa nakita niya isang van lang ang nando’n. Apat patay. Apat din ang lumabas. Kaya kumuha siya ng walong baraha at inipit sa kamay niya. Agad siyang nagpakita at bago pa man nila makalabit ang gatilyo naunahan na sila ni Aser. Kahit gaano kalayo ang mga ito mapapatay pa rin sila dahil may halong magnet ito na mabilis pa sa kidlat makadikit sa metal.
"This is driving me crazy!" sigaw niya.
Pero agad siyang napatigil nang may lumusot sa gilid niya at tumama sa dingding na nasa likod niya.
"Muntikan na iyon! Fak!"
Agad niyang kinuha ang mga baraha at ihahagis na sana nang biglang may tumama sa braso niya. Pagkakita niya ro’n agad niyang pinatamaan ang salarin na walang iba ang nag-iisang naiwan sa van. Ang driver. Napagtanto niya ‘yon nang nakita niya ito sa phone niya dahil hinay-hinay na lumapit si Skud patungo doon. Namatay naman agad ito dahil sa sobrang lakas ng pagkahagis niya.
Agad niyang kinuha ang bagay na iyon sa braso niya at napagtanto niyang kagaya ito sa nangyari sa kaniya no’n limang buwan ang lumipas.
Agad siyang nakaramdam ng hilo at dahan-dahan siyang napasubsub sa baba. Humawak siya sa railings pero na bitawan niya ‘yon.
Nahiga na siya at dahan-dahang itinaas ang kamay sabay sambit ng, "El... zid."
Tumigil ang kaniyang alaga sa tapat niya at biglang lumipad patungo sa loob at tinutuka ang pinto ng kuwarto. Walang tigil ito sa pagtuka basta magising lang ang hampaslupang natutulog sa loob.
"Peste!" sigaw ni Elzid sabay tabon ng kaniyang tainga gamit ang unan.
Sinisipa niya ang higaan dahil hindi pa rin tumitigil ang pagkatok sa pinto.
"ANO BA YAN!" sigaw niya.
Kinapa niya ang gilid at bigla siyang napatayo ng walang tao ro’n.
"Nasaan ba siya?" tanong niya sa kaniyang sarili. Agad-agad siyang pumunta sa pinto dahil baka raw si Aser ‘yon na malapit ng manganak. He imagined a lot.
Pagbukas niya agad siyang napatakip sa kaniyang mukha ng tinutukha na naman siya ni Skud.
"Hutangina mo! Ano na naman ba!" sigaw niya rito. Akmang isisirado niya ang pinto nang biglang ngumuwa ng malakas si Skud.
"Fuck! Ano ba!"
Tinuka siya ulit ni Skud at mabilis na umalis ito sa harapan niya at lumabas sa balcony.
"Nagpapaalam ba 'yon? Mabuti na rin," sabi niya. Isasara niya sana ang pinto ng napagtanto niya na isinirado niya ang slide sa balcony. Hindi naman din puwede na si Skud ang magbubukas no’n. Gago lang ang mag-iisip no’n. Agad siyang pumunta do’n upang isara ‘yon.
Bigla siyang napatigil. Biglang tumigil ang takbo ng oras. Walang tunog siyang naririnig maliban sa tunog ng kaniyang puso na naghaharumintado sa kaba. Mabilis pa sa baraha nakadikit na siya ni Aser na nasa sahig.
"B-Baby! BABYY!" sigaw niya. Agad niyang inilagay ang ulo ni Aser sa hita niya upang may unan ito at agad niyang kinuha ang nasa kamay ni Aser.
"BULLSHIT!" sigaw niya. Agad niya itong inilahad kay Skud para ito na ang magdala. Tinuka naman ‘yon ni Skud. Pagkatapos no’n agad niyang binuhat si Aser ng dahan-dahan at mabilis na lumakad. Nakasunod sa kaniya si Skud na may iniksyon sa tuka nito.
Sobrang lakas ng pagkapatid ni Elzid sa pinto ng kaniyang condo kaya nawasak ito. Wala siyang paki kung may mawawala man sa mga bagay doon basta ang importante mailigtas niya ang mag-iina niya.
Agad silang pumunta sa elevator at mabuti na rin na walang tao. Pumatong si Skud sa balikat niya habang ngumunguwa.
"B-Baby," he sniffs. He stomped his feet from irritation dahil sa tagal ng pagbukas ng elevator.
Pagkabukas ng elevator agad siyang pumunta sa parking lot at pumunta sa kotse niya. Inilagay niya si Aser sa shotgun seat at pumasok na siya. Naiwan naman sa labas si Skud.
"Follow me, Skud," sabi niya kay Skud bago pumasok. Dumaan sila sa likod ng condo kaya hindi niya natignan ang mga bangkay sa harap. Pinalipad niya ang kaniyang kotse ng dahan-dahan at patungo sila sa mansion ng Zoroa kung saan ligtas sila.
Alam niya kasing madami ro’n ang magliligtas ng mag-iina niya.
Ilang oras lang at nakarating sila sa mansion ng Zoroa. Pinagbuksan siya agad ng mga bantay at hindi nagdadalawang-isip na basagin ang pinto na yari sa salamin.
Pagkabasag no’n agad siyang lumabas at binuhat si Aser. Nakasunod pa rin sa kaniya si Skud. Mabilis naman na bumaba ang kaniyang ama na galing lang sa opisina nito.
"Son!" sigaw ng ama niya.
"MAMAYA NA! UUNAHIN KO LANG ANG MAG-IINA KO!" sigaw niya habang tumatakbo patungo sa clinic.
Agad niyang inihiga si Aser sa kama at mabilis na tinawag ang mga doktor. Sinabi niya ang dahilan at kinuha sa tuka ni Skud ang iniksyon.
Agad nilang pinagtutulungan si Aser dahil baka magwala pa si Elzid. Ilang minuto lang agad na ibinigay sa kaniya pabalik ang iniksiyon.
"Pampatulog po 'yan, Sir Elzid," saad noong doktora na ang dahilan kung bakit buntis ngayon si Aser.
"Kailan siya gigising?" nagpapanic niyang tanong.
"I don't know pero sa tingin ko hindi aabot ng isang buwan," sagot nito. Tumango siya at tumango naman ang doktora bago umalis at pumunta sa loob ng room ni Aser.
Tiningnan ni Elzid ang bagay na nasa kamay niya ng may nakita siyang INSIGNIA.
"Putang ina!" sigaw niya kaya napaiktad si Skud na nasa balikat niya.
Sinipa niya ang upuan hanggang sa masira ito. Nagwala siya at binubugbug ang dingding kaya lumipat nalang si Skud sa isang stand.
"PISTE KAYO!" he said as he gritted his teeth.
"Ginagalit niyo ako," sabi niya at malaking aura ang pumapalibot sa kaniya. Hindi ito normal na aura niya. Ito ay ang aura na kung saan kinikilala siya. Kinikilalang tao na walang awang pumapatay. No mercy-ika nga.
"Humanda kayo... Cursed Mafia," saad niya at humakbang patungo sa kawalan.
Naiwan lamang si Skud na nakatingin sa kaniyang hugis na papawala na.