Chapter 30

Third Person's POV

"Ma'am! No pets are allowed here," pigil no’ng guard kay Aser na walang paki at diretso lang ang lakad.

"Ma'am... please," he pleaded dahil ayaw pa ring sumunod ni Aser.

Lakad lang ang ginawa ni Aser habang si Skud ay nakatingin sa likod—sa guard. Nang nahawakan siya ng guard ay tumigil ito at binalingan ng masamang tingin ang guard na kanina pa kulit ng kulit sa kaniya.

"Ma'am, hindi po pwede ang mga hayop dito," pakiusap ng guard. Kumunot naman ang noo ni Aser.

"Oh? Then let the head changed the rules," sabi ni Aser.

"Ma-" Hindi na siya pinatapos ni Aser dahil bigla itong nagsalita.

"I can do whatever I want. Besides, sa amin na ang condo namin if you still insist let me talk with the head," malamig na wika ni Aser at agad na tinalikuran ang guard.

Pagkasakay ni Aser sa elevator, ngumuwa si Skud. She tapped its head at nagpalambing naman itong si Skud. When she got out, her luscious lips were perfectly form like a crescent moon. Iba na talaga ‘pag may mahal ka na. When she turned left... napahinto siya. Who woudn't be? When her man was talking with someone.

"So, you're saying na you're looking for someone?" malanding wika ng isang daga na may pa kurot-kurot pa sa balikat ni Elzid. Agad naman nag-apoy ang dugo ni Aser.

"’Pag pumatol ka! Patay ka sa'kin!" wika ni Aser sa isip niya. Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

"Yes, and please! Take your filthy dirty hands off of me," sabi ni Elzid habang tinanggal ang malikot na kamay nang babaeng daga. "Baka mahawa pa ang anak ko," nakangiwing saad ni Elzid habang pinapahid niya ang panyo sa kaniyang balikat.

Aser's smile peeks out of nowhere.

Nanlaki naman ang mga mata ng malanding daga. Madami pang sinasabi si Elzid na talagang insulto sa loob ng babae. Lumapit na siya at nakita niyang napatingin si Elzid sa kaniya na may ngiti.

"Babyy," masiglang wika kuno ni Elzid.

Tumingin ang dagang malandi sa mukha ni Aser at tiningnan siya mula ulo hanggang sa paa. Tumawa ito ng mapakla.

"Is she... the one you're waitin' for?" Tumawa ito ng sobrang landi! Napangiwi naman si Aser nang bigla siyang may na isip.

"Go," malamig na wika niya at lumipad si Skud patungo sa dagang malandi at tinuka-tuka ito.

"Arghhh! Get... off! Of me!" sigaw ng babae habang hirap na hirap pa rin sa pagpaalis kay Skud. Tumakbo ito pero sinundan pa rin siya ni Skud. Nang nakapasok na ang babae at hindi na matuloy ni Skud ang binabalak niya, Aser whistled and bumalik na si Skud sa balikat ni Aser.

"E-Eagle?"

Nagkibit-balikat lang si Aser at tinanong si Elzid.

"Ba't ka nandito?" taas kilay na tanong ni Aser habang tinuturo ang kinatatayuan niya.

"I'm waiting for you," may bahid na pag-alala ang sagot ni Elzid. Tinalikuran na siya ni Aser nang pumasok ito pero may ngiti sa labi ang kumawala. Hindi naman ‘ yon nakita ni Elzid.

Sumandal si Elzid sa counter ng kusina habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa habang tinitingnan si Aser na umiinom ng chuckie. He smiled. He misses this. Nagpalinga-linga si Elzid nang nakita niya ang alaga ni Aser na nakapatong sa isang box.

Lumapit siya roon at akmang ibababa na sana niya si Skud nang biglang siya nitong tinuka.

"Argh! Fuck!" sigaw niya habang hinimas-himas ang kamay niyang tinuka ni Skud.

Lumapit si Aser kay Skud at kinuha niya ito at dinala sa mga bisig niya. Tumingin si Aser kay Elzid.

"By the way, this is Skud. S-K-U-D," pakilala ni Aser kay Skud ni Elzid. Tumango nalang si Elzid baka ano pa naman ang magawa ng ibon na ito sa kaniya.

"She or He?" tanong nito habang tinuturo si Skud.

"It's a He, that's why be careful," may bantang wika ni Aser at inilapag si Skud sa kahon na ang laman ay walang iba kundi mga baraha lamang.

Naglakad patungo si Aser sa sala nang pinigilan siya ni Elzid.

"A-Are you... still mad at me?" tanong nito na may pakapakapa sa likod ng leeg niya. Mataman lang siyang tiningnan ni Aser. Bagot ang mukha at walang ka emosyon-emosyon pero sa loob gusto na sanang sabihin ni Aser na hindi na.

"Guess it," malamig na wika ni Aser at pumasok na sa sala at umupo sa sofa. Nanunuod siya ng pambatang pelikula.

Umupo naman din si Elzid sa tabi niya pero magkalayo sila. Ilang oras ang lumipas at nakatulog si Aser. Nagising nalang siya na wala na si Elzid sa gilid niya.

"Asan na 'yon?" tanong ni Aser sa kaniyang sarili. Tumingin siya kay Skud at may naisip na tingnan niya ang phone niya. Remember konektado ang mata ni Skud sa phone niya. Pero dahil dakilang tamad siya ‘wag nalang. "Babalik din naman 'yon."

Tumayo na si Aser at nagpunta sa kusina upang mag mumog. Bigla siya nakarinig ng pag bukas ng pinto. Pumunta siya ro’n at nakita si Elzid na may dalang dalawang supot.

"Hi, for you," sabi ni Elzid at inilahad niya kay Aser and supot na naglalaman ng Shawarma! Sa isang supot apat ang laman.

Naningkit naman ang mata ni Aser.

"Really, it's yours," pagkaklaro ni Elzid sa kaniya. At dahil dakilang patay-gutom si Aser kinuha niya ‘yon at mabilis na bumalik sa lamesa at nilantakan na.

Ngumisi nang abot tenga si Elzid.

"Mission Success," humahalakhak siya. Pumunta na rin siya sa kusina at umupo ro’n.

Pero muntik na siyang mapatalon nang andoon si Skud na matamang nakatingin sa kaniya. May kinuha siya sa bulsa niya at inilahad iyon kay Skud. Lansones.

"Mabuti at may natira pa," he murmured.

Tinitingnan niya ng maigi si Aser na nakadalawa na ng kain. NOTE! Spicy lahat.

Bigla naman nabilaukan si Aser. Agad nasakal ni Aser si Skud kaya dali-daling kumuha ng tubig si Elzid at agad na ibinigay kay Aser iyon. Habang umiinom ng tubig si Aser hinihimas niya ang likod nito. Napatingin siya kay Skud na nakahingal. Lol.

"Poor guy," saad niya.

"Hoh," Aser sighed.

"Dahan-dahan kasi," he tsk-ed.

"Masarap, e," umirap si Aser sa kaniya.

Tumayo na si Aser at inilagay niya sa kaniyang mga bisig ang shawarma. Mukha siyang bata na ayaw maagawan.

"Don't worry para sa inyong dalawa 'yan," ngiting saad ni Elzid. Napakunot naman ang noo ni Aser.

"Dalawa? You mean ang isa nito sa malanding daga? Yung babaeng kalandi mo kanina?" malditang tanong ni Aser na nagpalunok naman kay Elzid.

"NO. It's for you and my—our baby," ngumiti siya pagkasabi ng huling salita.

Sininghalan lang siya ni Aser at pumunta na sa kwarto. Naiwan naman si Elzid na nakangiti. Itinaas niya ang kaniyang kamay na nagpapahiwatig na—success.

Natigil lang siya ng mataman na naman siyang tiningnan ni Skud.

"Akala mo ikaw lang ang makatsansing? Puwes! Kaya ko din ‘yan," sabi niya habang tinuturo-turo si Skud at humalakhak.

Sa panig ni Aser....

"Gago... Tch!" saad niya habang nakangiti na nakatingin sa phone niya.

Tumayo na siya at pumasok sa loob ng banyo.

She takes off her mask and as well her dress. She's naked. You can see the art of good. Magandang pagkaukit ang makikita mo. Tumagilid siya at malaki na ang tiyan na.

"It's almost six months. Ano ka ba? lalaki o babae?" tanong niya dito at hinihimas ‘to. "Don't worry, kahit ano ka pa mahal na mahal kita. Kahit na nanggaling ka sa kamalian," bumungisngis naman si Aser. "Kamalian na gusto ko," nakangising tuloy niya as she traced her bump down low.

Tumingin siya sa kaniyang sarili sa salamin at nakita niya na pumula ang kaniyang mata. Shit! Hindi na naman nakayanan ng Eye-Tech. Pumula ang mata niya dahil sa saya hindi lang dahil kilig na kilig siya o galit.

"Hmm... I bet you will have my eyes," excited niyang sabi.

Pagkatapos ay binasa na niya ang kaniyang sarili.

Galit na galit si Elzid dahil tinuka siya ni Skud.

"Hutangina mo!" galit niyang saad habang pinapalayo si Skud gamit ang dustpan.

Ngumuwa si Skud.

"Boset ka! Tinuka mo pisngi ko! Wala akong ginawa sayo!" sigaw nito na may pahampas-hampas pa sa hangin para hindi makalapit si Skud sa kaniya.

Matalim na lumipad si Skud patungo kay Elzid mabuti nalang at nakatago si Elzid.

Ngumuwa si Skud.

"Peste na," hingal niyang saad. Napataas naman ang kaniyang kilay nang wala na siyang narinig na ingay ni Skud. Lumabas siya at nakita niya ang hutanginang nagpalambing kay Aser. Kinagat niya ang kaniyang labi para mawala ang inis niya.

Bumaling si Aser sa kaniya at nilapitan siya nito.

"What the heck happened to your face?" taas kilay na tanong ni Aser habang karga-karga pa rin si Skud.

Hindi sumagot si Elzid at mataman niya lang tiningnan ang buwisit na agila.

Nakita niyang ibinaba ni Aser si Skud at nilapitan siya nito.

"Did Skud did this to you?" Natatawang saad ni Aser. Tumango na lamang siya.

"Let's clean it up," sabi ni Aser at hinila niya si Elzid.

Nag middle-finger-up si Elzid kay Skud.

Nakita naman ‘yon ni Aser sa repleksyon sa harap niya at tumawa nalang siya.

"Gago talaga," sabi niya ng mahina.