Chapter 32
Elzid's POV
Lumipas ang isang araw na hindi pa rin nagigising si Aser at ngayong madaling araw gagawin ko ang pinaplano ko.
Ang plano kong maghasik ng kasamaan sa Cursed Mafia. Akala ko binabalewala na nila ang nangyari noong nasa resort kami. Pero tsk! Masyadong bitter ayaw mag move on ng mga punyeta.
Palabas na ako, suot ko ang itim na itim na damit. Hindi nila ako agad makikilala dahil na rin tinakpan ko lahat pati na rin ang mukha ko. Makilala lang nila ako dahil sa mga moves ko kapag alam naman nila ang mga moves ko.
Palabas na ako ng may nagsalita sa likod ko.
“Where are you going, son?”
Hindi na ako tumingin sa nagsalita at sinagot siya.
“Cursed Mafia,” pagkasabi ko no’n agad akong pumunta sa kuwarto kung nasaan naka-confine si Aser.
Nagising si Skud na nasa gilid lang. Lumapit ako kay Aser at hinalikan ang noo niya.
“Babalikan kita,” sabi ko at hinaplos ang tiyan niya “Ikaw din,” pagkasabi ko no’n tiningnan ko ng maigi si Skud. “Watch them,” ngumuwa lang ito kaya lumabas na ako para gawin ang masama kong balak.
Ilang oras akong nag biyahe at napunta ko na ang base ng Cursed Mafia at sa pagkakaalam ko wala rito ang pinuno nila. Pinapagamot siguro ang anak na bali ang leeg.
Sumampa ako sa dingding sa likod ng malaking bahay nila. Madami-dami rin sila pero kakayanin ko ‘to. Papatayin ko ang lahat na nandito na walang iniiwang buhay. Pinagmasdan ko sila habang ako ay nakaupo sa dulo ng dingding.
“Bang,” pagkasabi ko no’n agad akong tumalon at ginilitan sa leeg ang lalaki gamit ang kutsilyo ko.
“Argh,” sigaw nito. Inipit ko ang leeg niya sa mga bisig ko.
Anaconda's Grip.
Bumulagta ito sa lupa. Nag-iisa lang siya kaya walang makakaalam. Nagtungo ako sa loob at nagulat sa dala-dala kong kutsilyo.
“Palpak talaga! Argh! Ang bobo mo Elzid!” sigaw ko sa sarili ko. Pa 'no ba?
Imbis na ang sarili kong kutsilyo ang gagamitin ko nakuha ko ang kutsilyo na pang kusina! Holeh fuck.
“Bahala na!” saad ko at tumakbo ng napakabilis habang walang iniiwang tunog.
Naramdaman kong may nagtatakbuhan na tao sa labas at sa tansiya ko alam na nila na namatay ang isa sa kanila.
I smiled.
Napunta ako sa labas. Tsk. Pumasok sa loob, ang labas din sa labas din. Engot. Nakita ko na nagkukumpulan sila kaya nagtago ako sa sanga ng kahoy.
“Sinong may gawa nito?” tanong ng isa habang bitbit ang AK-taya o mas kilala sa tawag na AK-74.
“May traydor ba rito?” sabi ng isa habang isa-isa niyang tinutukan ang lahat na nando’n.
“Oy, oy, oy, hindi ako,” pagkasabi ng isa nag-hindi-an na ang lahat.
“Sabihan natin kay boss!” Akmang babalik ito sa loob nang pinigilan siya ng isa.
“’Wag na, kaya na natin ‘to,” sabi ng kakarating lang.
“Ser, ano pong dapat gawin natin?” Tanong ng isa habang tinitingnan ang lalaki sa lupa.
“Mag handa kayo nandito lang ang salarin,” pagkasabi niya no’n tumalon na ako at hinarap sila.
Agad nila akong tinutukan ng baril at kinilabit nila ang gatilyo kaya patalon-talon ang gawa ko. Sa bawat talon ko may namamatay hanggang sa parami ng parami sila.
Puta ang dami! Pero kakayanin!
Mahigit nasa limampung tao na ang nakahandusay sa lupa. ‘Yung Sir nila natakasan ako kaya pumasok ako sa loob para hanapin siya at bawat takbo ko sa sulok may namamatay.
“We need back up here!” sigaw ng kilala kong boses. Bingo!
“What! Hahayaan niyo lang kami!” sigaw nito sa telepono.
“Tang—” hindi ko na siya pinatapos pa at binulaga ko siya kaya nabitawan niya ang telepono.
“T–Teka…”
“Sucks,” pagkasabi ko no’n inihagis ko sa kaniya ang kutsilyo na pang kusina sa noo niya. Nakahiga ito habang nakamulat ang mata.
Lalabas na sana ako sa kuwarto nang may suminag sa mukha ko.
“Punyeta! Sumikat na ang araw!” Agad akong lumabas upang umuwi na dahil nangako ako sa sarili ko na uuwi na ako kapag sumikat na ang araw.
Nandito ako ngayon sa taas ng dingding at hinintay ang mga natitirang pasaway upang magpaalam na rin. Pagkakita nila sa akin agad nila akong pinapaputukan. Bago ako tumalon, sumaludo muna ako sa kanila.
Mabilis pa kay Naruto ako tumakbo kaya agad akong nakasakay sa kotse ko. Gamit ko ang kotseng maiiba ang kulay hindi ko ginamit ang baby ko dahil ayaw kong masaktan ‘yon.
From black to white. Noong malayo-layo na ako doon sa base nila hinubad ko na ang mask ko.
“Easy peasy,” ngisi kong saad. Pero nanlumo ako ng hindi ‘yon ang main base nila. Tsk bahala na, sa susunod ko nalang ulit gagawin ‘yon.
Pagkauwi ko sa mansion agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis. Pumunta ako sa kusina upang kumain nang may tumabi sa akin. Hindi ko na siya tiningnan pa dahil alam ko naman kung sino siya, sa aura palang niya alam na alam ko na.
“You changed,” bungad niya. Bagot na tumingin ako sa kaniya.
“Thanks,” sagot ko at kumain pa dahil sobra akong nagutom kanina sa pinaggagawa ko.
“You changed a lot. Simula noong pinakilala ko siya sa ‘yo,” ngiting saad nito. Tsk!
“Okay.”
“Hindi ko rin akakalain na kinareer mo ang responsibilidad mo,” tuloy nito habang sumisipsip ng kape na kakabigay lang ng butler sa amin.
“Ano pa bang gusto mong sabihin, dad?” tanong ko sa kaniya pagkatapos kong inilapag ang kutsara sa plato.
“You're in love with her,” pagkasabi niya no’n agad akong napatingin sa kaniyang mga mata na kagaya rin sa akin. Nanatili akong tahimik. “The way I see it, you really are,” ngiting aso niya.
“Paano mo naman iyon nasabi?” Tutok na tutok ako sa kaniyang mga mata.
“Hindi ka papatay ng tao unless ang sinaktan nila ay ang mahal mo,” wika nito. Lumunok naman ako.
“Tsk,” I hissed.
“Mahal mo ba siya dahil may responsibilidad ka o mahal mo siya dahil mahal mo talaga siya?” Tanong nito na nagpatameme sa akin.
Alam ko! Alam ko ang sagot diyan pero hindi ko kayang masabi.
“Tss. You don't need to answer me. Halata na, e,” halakhak niya. “Kunin mo na baka maagawan kapa. Hindi lang dahil may responsibilidad ka kampante kana,” sabi niya sabay patid sa mga paa ko sa ilalim ng lamesa. Napaaray naman ako. Tumingin ako sa kaniya using my death glare.
“Matagal na siyang akin,” malamig na wika ko. Simula palang na dala-dala niya ang anak ko. Akin na siya.
“Gano’n ba?” Ngumisi ito.
Tumango naman ako.
“Sa simula palang,” dugtong ko.
“Hindi sa simula. Natutunan mo siyang mahalin no’ng magkasama kayo hindi sa unang pagkakita mo sa kaniya,” paliwanag nito. “Bihira na nga lang umibig ang isang lalaki sa pangit.”
“For God's sake dad! Hindi siya panget!” sigaw ko sa kaniya.
“See, mahal mo na talaga siya lalo na kapag nakikita mo siya, gumaganda siya sa iyong paningin,” halakhak niya. Tumayo na ‘to at iniwan akong nakatingin sa kaniyang papalayong pigura. Tsk! Hindi ko alam kong ano talaga ang pakay niya. Ang walang kuwenta naman ng pinag-uusapan namin.
Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ni Aser. Kinuha ko ang mono block at itinabi iyon sa gilid niya. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Skud.
I held her hand at nagsalita ako.
“Baby, patawarin mo sana ako sa mga inasal ko at pinanggagawa ko,” I held her hand tightly. Kahit na nag sorry ako sa kaniya no’n hindi pa rin ‘yon sapat. Alam kong walang kami! Pero gagawa ako ng may kami.
“Alam mo bang hindi lang ako ang may kasalanan. Ikaw din, kung hindi mo lang sinabi sa akin ‘yong masasakit na salita, e, sana ngayon sinusuyo na kita pero masyado akong nasaktan sa kataga na binitawan mo. Pero alam mo ba? Kahit na sinaktan mo ako hindi pa rin mawawala ang mantsa ng pagmamahal ko sa iyo,” wika ko. Tsk! Korni na ‘kong korni basta masabi ko lang ‘to.
Marami akong gustong sabihin sa kaniya pero pota! Nahihiya ako kaya this is my chance!
“Alam mo bang napapangitan talaga ako sa 'yo?” pagkasabi ko noon bigla akong may naalala. “Pero hindi ko alam na ang pangit na katulad mo ang nagpapatibok ng puso ko,” ngisi ko. Boom.
Sinabi ko sa kaniya ang mga kalokohan na ginawa ko kapag nakatalikod siya at sinabi ko rin sa kaniya kung saan nagsimulang tumibok ang puso ko sa kaniya.
Nang nakita ko ang oras ay tumayo na ako upang maligo ulit. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at pagkatapos hinalikan ko ang tiyan niya. I pat her tummy.
“Baby, babalik lang si da—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may pumatid sa tiyan ni Aser.
Hala!
Lumunok ako.
Pumatid ulit ito!
“B–Baby?” Tawag ko sa anak ko. Pumatid ito uli.
Shit! Ganito pala ang feeling na nararamdaman mo ang anak mo. Shit! SHIT! SHIT! Fuck! Excited tuloy akong makita siya.
This is fucking one of a kind.
Maraming beses na siyang pumatid na nagpalambot sa puso ko.
I smiled WIDELY!
Narinig ko namang ngumuwa si Skud. Tumingin ako sa kaniya.
“Mainggit ka,” halakhak na sabi ko pagkatapos ay hinalikan ko ulit ang tiyan ni Aser.
“Wait for me,” sabi ko bago lumabas at nagtungo sa silid.
Pinagsusuntok ko ang pader hindi dahil sa galit kundi sa saya at habang sinusuntok ko ito dala-dala ko naman ang mga mahiwagang ngiti ko.