Chapter 29

Asereath's POV

“Putaragis Aser!” singhal Kuya ko sa akin.

Tinagilid ko ang ulo ko at itinaas ang isa kong kilay.

“Ano'ng ginagawa mo rito!” Matalim niya akong tinignan.

Ano na naman ang nangyari sa kaniya? Pasalamat nga siya dahil inubos ko ang mga unggoy.

“Babyyyyy!” sigaw ng mama ko at mabilis akong niyakap. Lumayo naman ako sa kaniya.

“Bumisita,” inis kong sagot kay Kuya at inilagay sa upuan ang vault.

“You broke the fucking plan!” sigaw niya sa akin habang dinuduro ako. Napangiwi ako.

Tumayo ako at nilapitan siya.

“Ano'ng plano?” malamig na tanong ko, s seryoso kaming nagtitigan.

“C'mon, c'mon, chill,” mahinahong wika ni Ate Agoeath.

“Teka nga ba, bakit ba kayo nagtatago? Bakit hindi niyo hinarap ang mga 'yon?” Irap kong tanong sa kanila habang tinuro ang pinto na nagsasaad sa mga unggoy.

“Para sabihin na duwag tayo! ‘Yun ang plano!” singhal na naman niya sa akin.

“Sinisinghalan mo ba ako!?” galit kong wika at akmang papatirin siya pero inawat na ako ng dalawa kong nakatatandang kapatid.

“Easy bunso, baka mapano ang bata,” paliwanag ni kuya R sa akin. Agad naman akong huminahon.

Nakita kong umalis ang magaling kong kapatid tumungo sa isang private room.

“By the way, what are you doing here, sweetie?” tanong ni papa sa akin habang nakataas pa ang kilay.

“Bumisita nga ‘di ba? Paulit-ulit,” maldita kong sagot sa kaniya.

“Aside from that?” Tumitig siya sa akin ng malalim.

“I want to get Skud,” saad ko at tiningnan sila isa-isa.

Nakita ko naman na lumunok sila isa't-isa at dali-daling naglakad palayo.

Tsk.

“Kuya…” pagkasabi ko no’n napahinto siya. Si Kuya R.

Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin at ngumiti ng peke.

“Y–Yes?”

“Could you get him for me? Please?” saad ko at umupo. Ayaw kong lumakad kasi napapagod ako kanina sa mga unggoy.

“What are you waiting for?” mahinahon kong saad.

Narinig ko naman na bumungisngis si Ate Agoeath.

Ilang minuto lang ang lumipas, narinig ko ang isang sigaw at lumabas ‘yon. Nakita ko si Kuya na iniiwasan si Skud at hinarangan niya ang ulo niya baka kung ano pa ang magawa nito sa kaniya.

I whistled. Agad pumunta sa akin ang atensiyon ni Skud. Iminumwestra ko ang kanang kamay ko upang may patungan siya. Pumatong siya sa kamay ko and I tapped his head.

“How are you?” maligaya kong tanong. Tinig lang ng isang agila ang narinig ko. Ngumiti ako.

“May galit ba 'yan sakin, Aser?” sigaw ng Kuya ko na pinagpagan ang sarili.

Kibit-balikat lang ang sagot ko. Tumayo na ako at inilagay si Skud sa kanang balikat ko.

Skud is my long-time pet. He's an Eagle, yung pinakamaldito pero sa akin lang siya mabait. He's trained for Pete’s sake kaya maaasahan ko siya sa kahit saan. He’s, my eye. My own CCTV.

My dad got him when he's on a mission at nawalan ito ng isang mata kaya dinala ito ni papa at pinagamot sa mga siyentista sa amin. At nilagyan nila ng artificial eye na camera at konektado iyon sa system namin. My dad gave it to me as a birthday gift. I love wild animals and as far as I remember I was happy back then.

Noong nalaman ko na konektado pala siya sa system namin agad ko iyon h-in-ack at kinonect sa akin lang. Ako lang ang may alam sa lahat kay Skud. When they tried to get near him, it's now the end of the world.

Mabigat na siya. He changed for good. I'm glad.

“Sweetie?” Tawag ng erpats ko sa akin. Tumingin ako sa kaniya at itinaas ang kilay ko. “Follow me,” saad niya. Sinunod ko naman siya. Ang mga tao ay umiiwas sa akin lalo na nandito si Skud sa balikat ko. Napangisi tuloy ako.

Pumasok kami sa isang silid—full of weapons.

Pumunta si papa sa maraming baraha at kinuha ang isa at ibinigay sa ‘kin.

Kinuha ko naman ‘yon at tiningnan. Ace of Spade. Tumingin ako kay papa at may sinabi siya na i-shoot ro’n. I shoot it at ang layo nito ay half of a field and bullseye. Note it was just a card.

“Is this new?” Takang tanong ko. Bago nga dahil sa mukha palang mabilis na and it’s kinda heavy.

“Yes.”

“Can I have some?”

“Yup. You can get five of them,” sabi niya at binigyan ako ng isang box na lima ang nasa loob. This would be nice.

Lumabas na ako at nakita ko ang mama ko na nakangiti.

“Kumusta? Kumusta kasama siya?” Napakunot naman ang noo ko. Sinong siya ba ang tinutukoy niya? Si Zid?

“Im fine… well…” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko naman ang mukha ng mama ko. She's mad.

“Nag-away kayo?” galit na tanong niya sa akin.

What the hell?

Hinatak niya ako sa office niya at pinaupo sa swivel chair. Mukha na akong bata na pinapagalitan niya. Hays.

“Sagot!” bigla siyang sumigaw kaya napaiktad ako.

“Hindi kami nag-away,” sagot ko nang sobrang hinahon.

“Gano’n? E, bakit galit ang mukha mo no’ng nasa Amusement Park kayo?” taas kilay niyang tanong. Nanlaki naman ang mga mata ko.

How did? How the hell she knows it!

“How did y—” hindi niya ako pinatapos at nagsalita na siya.

“Nando’n ako no’n. Gusto nga kitang puntahan kaso ‘wag nalang,” nakangisi niyang saad. Umupo siya sa tabi ko at kinuha niya ang kamay ko. “Tell me, I'm just here,” wika niya at nilalagay ang mga hibla ng buhok ko sa may tainga ko. Tumingin ako sa baba at sa kaniya pabalik. I heaved a sigh.

“I have this feeling na…” I stopped for a moment cause I’m not fucking sure!

“Are you in love with him?” diretsong saad niya, agad naman akong humindi!

“NO! It's just that. Nagsimula ‘yon nang niyaya niya akong i-date…” pambibitin ko.

“Tapusin mo nga!” sigaw niya naman.

“I waited too long for him...” saad ko at hinihimas ang ulo ni Skud.

“’Wag mo akong ibitin! You don't know me when I'm mad Asereath Riz!” Napasimangot ako. She just called me by my fucking real name! I just rolled my eyeballs.

“Okay! Okay. After that umuwi ako sa condo niya and I just heard some moans in the room! So, when I opened my phone, konektado ‘yon sa CCTV and there I saw him with a girl. After that lumabas na ako at pumunta sa bahay ni Tomi!” Mabilis kong wika! Hingal na hingal pa nga ako!

She motioned go on.

“Pagbalik ko sa condo in the morning balisa siya. I thought that hindi niya sasabihin sa akin, but he told me.”

“Tapos?”

“He apologized and ang sinabi ko ay 'wala akong paki dahil walang namang tayo',” I explained. I saw my mom's face darkened and binatukan niya ako!

“That fucking hurts!” saad niya. Ako dapat sana ang magsabi niyan! Pinasalita niya ako ulit para ituloy.

“Pumasok muna ako no’n sa kusina or sa kwarto? I don't know! Basta! Paglabas ko I saw him crying for goodness’s sake!” wika ko at ngumuwa si Skud dahil sa kakahigpit ng yakap ko sa kaniya.

“If a man cries that means he loves you, honey,” mahinahon niyang saad at ngumiti. “Your dad was like that back then,” she laughed remembering her corny past.

“Mali! I saw him cry after he told me sorry, pero sinabihan ko lang na walang akong paki. After that he became cold,” I pouted. Ano ba! Nakakamalimutin na ako.

“Tell me do you feel irritated when you see him with other girls?” Pagkasabi no’n ni mama naalala ko ang nangyari no’ng nasa resort kami nila.

“Yes, ‘yung nasa resort kami,” mahina kong sagot.

“Well, that says it all.” Napatingin naman ako sa kaniya. Ano pang ipinapahiwatig nito? Isa pa'to!

“What do you mean?” nakangiwi kong tanong.

“If a man cries infront of you and saying sorry it means! He loves you and... you!” wika niya at tinuro ako, “Nagseselos ka kapag may ibang babae na umaaligid sa kaniya and that only means one thing!”

“That thing is?” Kinakabahan kong wika.

“You are also in love!” Tili niya.

Ako?

“Say yes or no! Tell me, may nararamdaman kang kakaiba sa kaniya ‘di ba?” sabi niya with matching paisa-isa sa kilay niya. Tumango nalang ako kasi totoo naman.

“You're a lady now!” maligayang wika niya at niyakap ako.

“Am I really in love with him?” Takang tanong ko.

Maybe…

“Three months lang kayong nagsama and may nadedevelop kana para sa kaniya,” ngisi niya. Tumayo na ako at iniwan siya doon. Baka ano pang magawa niya sa akin.

I'm in love? So, ganito pala ang feeling pag in love ka!

Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti ko. Lumabas na ako sa mansiyon dala-dala ang box ng baraha at sumakay na sa kotse. Kasama ko si Skud at hinayaan kong lumipad siya. Alam ko naman kasing matalino ‘yon at susunod ‘yon sa akin.

Na traffic ako ng ilang minuto at nakita ko na masayang nag-iikot si Skud. Madami na rin ang tumitingin sa kaniya. Umusog ng konti! At sa kabutihang palad umusog na. Mabilis akong nakarating sa condo at paglabas ko nando’n na sa ibabaw ng kotse si Skud.

Kinuha ko siya at inilagay sa balikat ko at pumasok na sa loob.