Chapter 28
Asereath's POV
Agad akong lumabas sa kotse niya pero hinawakan niya ako kaya napatigil ako. Humarap ako sa kanya at nagsalita.
“Hindi ibig sabihin nito na okay na tayo.” I gritted my teeth at bumitiw sa kaniya.
I leave him dumbfounded. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman talaga ako ganito kung hindi ko sana pinanuod ang kagagohan niya, e.
Mabibigat na lakad ang ginagawa ko. Pati mga tao rito tumitingin na sa akin.
“Ang creepy niya,” rinig kong tili ng babae sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama at napayuko siya.
Sumakay na ako sa elevator at galit na galit na tinitingnan ang pinto no’n.
Pumasok na ako sa room at pumunta sa balcony at nagpahangin.
Narinig ko na nagring ang cellphone ko kaya tiningnan ko ‘yon. Unknown iyon. Naningkit ang mata ko pero sinagot ko ‘to.
“Bunso?”
Rinig ko ang isang tinig ng babae.
“Sino ‘to?”
Matigas kong sabi.
“Agoeath ‘to!”
Natataranta nitong sagot.
“Oh, bakit, ‘te?”
Takang tanong ko. Minsan lang ito tumatawag sa akin, e.
“Remember, Larco family?”
Tanong niya sa akin. Mababakas ang bahala sa boses niya. Ano na naman ang meron?
“Oo, bakit?”
“That family is one of the eight!”
Fuck! Eight? This is bullshit.
“Sigurado ka?”
“Oo, CERBERUS SIYA!”
There was a bomb banging on my head! I ended the call at mabilis na pumasok sa loob.
Nakita ko ang gago na sumunod sa akin pagpasok sa kuwarto pero hindi siya nakapasok dahil agad ko ‘tong sinara.
Fak! This is bullshit!
No wonder ang dami ng alagad niya noong pinatay ko lahat.
Cerberus Mafia na may malaking koneksiyon sa lahat ng mafia. Sila ang tinatawag na Octupussy sa mga ibang mafia katulad namin.
Mukha kasing octupus ang lahat sa kanila—note hindi ang kanilang mukha. Ang octupus ay may 8 na galamay pati na rin sila at isa na doon ang Larco na pinatumba ko. Marami na kaming napatumba, mga apat, kasali na roon ang Larco. ‘Yung iba hindi pa namin mahagilap.
Kaya nga galit na galit sila sa ‘kin. Lalo na ang ulo. Yung ulo ng Octupussy ay siyang nakapalakas sa lahat na mafiosso. Makapangyarihan at matindi ang koneksiyon, sa buong mundo ito ang nakapalakas, noon nga hindi kami makapaniwala na may nakapasok na pinoy sa Top 5. At ngayon nakuha na niya ang trono.
Kilala siya bilang si Chrollo at ni isa wala pang nakakita sa kaniyang mukha. May nagsasabi na kapag nakita mo raw ang mukha nito, ikaw ay agad na papatayin.
Kinuha ko ang lampshade sa gilid ko at inihagis sa pinto. Kanina pa kumakatok si Elzid dito. Nakakadisturbo na, naglalaptop kasi ako para makuha kung tama ba ang sinabi ni Ate Agoeath. Tama nga siya walang kaduda-duda. Kaya pala hindi magkamayaw ang mga alipores niya.
Tsk.
Napagpasyahan kong pumunta sa bahay namin. Sa Romano. Lumabas na ako at nakita ko siyang nakasandal sa gilid.
Iminumwestra ko ang kamay ko sa baywang ko.
Napakunot ang kaniyang noo.
“Nagugutom ka?” tanong nito habang ang mga kamay nasa bulsa.
Umiling ako pumunta sa may pinto.
“Car keys,” malamig na wika ko na nagpapakunot na naman ng kaniyang noo.
“Anong gagawin mo roon?” inosenteng tanong niya. Bobo ba 'to?
“Alangang kainin ko! Tsk!” singhal ko.
“Marunong ka palang magmaneho?” nakataas na kilay na tanong niya. Naiinis na ako rito mabuti at nakayanan kong magtimpi!
“Hihiram ba ako ng hindi ako marunong?” Irap ko nito. “Bilisan mo nga!”
“Sa’n ba punta mo?”
“Papahiramin mo 'ko o gagawin ko ang ginawa ko sa snatcher!” pangtakot ko. Hindi naman natinag ang Zoroa.
“Kaya mo ba?” ngising tanong nito.
Hinahamon ba ako nito?
Tumalikod na ako sa kaniya at paikot na humarap sa kaniya sabay taas ng paa ko papunta sa leeg niya. Nasangga niya ito at nanlaki ang mga mata niya.
“Kapag sinabi ko. Gagawin ko,” I smirked. Nakita ko siyang napalunok at agad na initsa ang mga susi.
Bago ako lumabas sininghalan ko pa siya. Mabilis akong nakapunta sa parking lot at agad na pinaharurot ang sasakyan.
Pagkarating ko sa mansionan-mansionan namin agad akong nag palinga-linga. Tahimik at maraming dugo ang nasa lupa. Pagkapasok ko pa lang sa gate nadatnan ko na agad ang dalawang bantay na may tama sa noo nila. Agad akong pumunta sa kanila at kinuha ang anaconda na baril. Inayos ko na rin ang claw ko na kanina ko pa suot.
Nagtungo ako sa may pinto at kinausap ang anak ko.
“Hoy bata! Kumapit ka ng maigi!” sita ko dahil galit pa rin ako sa ama nito pero maya-maya hinaplos ko ito ng maigi. “Be careful,” sabi ko at pinatid ang dalawang pinto.
Pagkapasok ko, tahimik. Walang ni anino akong nakita. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa opisina ng mama at papa ko. Ano ba ang nangyari rito? Don't fucking tell me na sinugod sila? Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Dadaan sana ako sa kaliwa nang may narinig akong nagsasalita.
“Puta! Lagot na naman tayo nito! Natakasan tayo!” wika ng isang lalaki na hindi ko nakita ang mukha dahil against the light. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili.
“Hindi tayo aalis dito, hanggang hindi natin sila napapatay,” malamig na wika ng isang lalaki na kararating lang. Nagtago ako sa gilid ng pintuan.
“Ilan nalang ba tayong buhay dito!?” tanong nito sa lalaki.
“Higit sampu,” nagbuntong-hininga ito.
May nakita akong anino palapit kaya agad akong napatakbo ng walang tunog at napaupo ako sa upuan. Hindi nila ako nakikita dito dahil sobrang dilim.
“Boss… hinanap na po tayo ng Glorious,” sabi no’n at dali naman akong napatayo.
Glorious? Anong ginagawa nila dito sa amin? Sa pagkakaalam ko wala kaming ginawa sa kanila. Dali-dali naman akong nagtungo sa gilid at nakikinig lang.
“Bakit naman?” tanong no’ng lalaki na malamig ang tono.
“Dahil nakuha na natin ang gusto natin.” Napakunot ang noo ko. Ano na naman ang kinuha nila sa amin?
Third Person's POV
Nasa isang gilid lang si Aser habang mataman na nakikinig sa mga gago.
“Ang vault ba?” wika no’ng lalaki na sinabunutan niya ang ulo. Bigla naman na bahala si Aser.
“Ang vault? Fuck it!” Dali-dali niyang kinasa ang baril “Hindi ko kayo patatakasin,” pagkasabi niya no’n pumasok na siya ng walang plano. Basta mapatay niya lang ‘to.
Agad naman natigilan ang tatlo at napatingin sa babae na kakapasok lang.
“Sino k—” Hindi natapos ng lalaki ang kaniyang tanong sapagkat siya ay binawian na ng buhay dahil binaril siya kaagad ni Aser.
“Fuck!” Agad din nagkasa ang dalawa ng kanilang baril at agad na itinutok ni Aser pero sadyang mabilis si Aser at agad niya pinatiran ang dalawang baril kaya ito natapon sa malayo.
Ngumisi si Aser at pinaputukan ang lalaking sinabunutan ang ulo niya. Sapul sa noo. Nanlaki ang mata ng naiwang lalaki dahil sobrang bilis ng nangyari. Agad na pinutukan ni Aser ang lalaki pero ito ay nakailag lang. Pinaputukan ito ni Aser pero ni isa walang tumama rito.
Biglang nainis si Aser. Kinalkyula na niya agad ito. Binilin niya ang isang bala at agad na itinapon sa gilid upang maisip ng lalaki na wala na itong bala.
Lumapit si Aser dito at agad itong pinatiran pero nasangga niya ito. Nakuha no’ng lalaki ang paa ni Aser at binuhat ito upang ihambalos sana si Aser nang biglang lumukot ang isang paa ni Aser sa ulo ng lalaki. Bali nakabitay na si Aser sa leeg ng lalaki gamit ang isang paa niya. Agad namang hinarap ni Aser ang lalaki at sinampal ang lalaki sa leeg kung saan nando’n ang claw niya.
Agad nagsilabasan ang dugo ng lalaki. Nabitiwan ng lalaki ang paa ni Aser pero naka bitay pa rin si Aser sa leeg. Napahiyaw sa sakit ang lalaki habang dahan-dahan namang bumaba si Aser sa lalaki dahil baka mapano pa ang bata!
Agad siyang pumunta sa baril na itinapon niya at itinutok sa lalaki.
“Bang…” saad niya at kinalabit ang gatilyo.
Napasalampak sa sahig ang lalaki na wala ng buhay.
Agad niyang tinapon ang anaconda at agad na kinuha ang dalawang baril. Isa sa kanan at isa sa kaliwang kamay.
Sa labas ng mansiyon…
Lalabas na sana ang siyam na tao sa gate nang bigla silang nakarinig ng putok sa loob kung saan nando’n pa ang tatlong kakontsaba nito.
“Puntahan niyo bilis!” Maawtoridad na saad ng isang lalaki habang dala-dala ang vault na kinuha nila. Agad naman sumunod ang apat na lalaki at naiwan ang lima sa labas.
Pagpasok sa apat na lalaki doon napahinto sila ka agad dahil may isang bulto na papalapit sa kanila.
“’Wag muna,” saad ng isa no’ng pupuntahan sana ng isa pa ang bulto ng tao.
Agad napakunot ang noo nila nang nakita nila ang isang babae na may baril sa tig isang kamay.
Agad ‘yon itinaas ng babae na mas kilala sa tawag na Blatess. Agad ‘yon itinutok ni Aser sa dalawang nasa gitna at pinaputokan sila at sumunod ang nasa gilid. Hindi nakakilos ang apat dahil narin sa bilis ni Aser na parang kidlat.
Ang lima na nasa labas na agad naman napatingin sa loob.
Agad pumasok ang apat sa utos na rin noong may dala sa vault.
Nakita nila ang isang babae na may isang kakilabot na ngiti.
“Paputukan si—” hindi na rin natapos ng lalaki ang kaniyang sasabihin ng bigla-bigla siyang paputukan ni Aser. Mahilig si Aser na hindi papatapusin ang sinasabi nila dahil ayaw niya ng madaldal puwera nalang kay Elzid.
Pagkakita ng tatlo agad nilang pinaputukan si Aser pero agad itong nakailag sa lahat at minsan ay nahahati ang mga bala dahil narin sa bala ni Aser.
No’ng nakalapit na si Aser sa isa ay agad niya itong sinampal at umagos ang dugo nito. Pinaputukan niya ang lalaki sa likod niya at ibinato niya ang baril sa lalaki habang nakayuko upang iwasan na din ang bala. Pagtayo niya agad niyang binaril ang sinampal niya at pinuntahan ang lalaking hinagisan niya at binaril na rin.
“Isa, isa nalang,” saad niya at lumabas sa pinto. Nakita niya ang paandar na kotse ng bigla niyang barilin ang gulong nito sa unahan at sa hulihan at agad na nagpakawala ng dalawang putok si Aser patungo sa driver. Ang isang bala para sa glass window at ang isa ay sa lalaki. Sapul! Sapul sa sintido.
Agad siyang napangisi at lumapit sa sasakyan at binuksan ang pinto at agad niya namang nakita ang vault. Kinuha niya ito at agad na pumasok pabalik sa loob at pumasok siya sa isang lagusan kung saan nando’n ang lahat ng tauhan at ang pamilya niya.
Hindi naman sa duwag ang pamilya niya kundi pinapaisip lang nila ang mga taga Glorious Mafia na sila ay mahina parating sa pakikipag-away.