Chapter 27
Asereath's POV
Madali akong bumangon sa hinihigaan ko baka may bacteria rito. Lumabas ako at nagtungo sa balcony at humikab ng napakaraming beses.
Tiningnan ko ang mga taong abala sa paglalakad sa baba habang ang kanilang cellphone ay nasa tainga nila.
Nabobored na ako rito. Walang imikan. Tsk! Nasaktan niya ako kaya sasaktan ko rin siya. Not through emotions but through physical.
Nag-iisip ako ng mga deadly pranks. I wouldn’t be called a Romano for nothing.
Nang may naisipan ako, agad ko ‘yong ginawa. Hinay-hinay ang lakad na ginawa ko baka magising ang ugok.
Pumunta ako sa banyo at kinuha ang rexona at kumuha ako ng bagong toothpaste. Inubos ko lahat ng laman ng toothpaste at linagyan ng rexona.
Agad naman akong bumalik sa higaan kahit na marumi ito. Para naman hindi niya malaman na ako ang gumuwa nito. Hindi niya talaga malalaman dahil bago ko ginawa ang kagaguhan ko, in-off ko muna ang CCTV's. Para safe.
And I was swallowed by the darkness.
“WHAT THE FUCK!” Agad akong napabalikwas sa higaan habang kusot-kusot ang mga mata ko.
Sino ba ‘yung nagsisigaw.
“FAAAAAK!” Narinig kong sigaw sa banyo. Napangisi naman ako no’ng umumbra ang ginawa ko.
Agad din naman ‘yon nawala nang lumabas ang gago na nakabusangot ang mukha.
“WHAT DID YOU DO!” sigaw ng gago sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumabas na sa kwarto. Humikab ako ng paulit-ulit at uminom ng tubig.
“What did you do, Aser!?” tanong nito habang sumusunod pa rin sa akin.
Bahala ka sa buhay mo!
Hindi ko siya tiningnan man lang at ako rito umupo sa silya habang kumakain ng prutas.
“Answer me!”
“What?” blanko kong tanong habang tinataasan siya ng kilay.
“Ano ang nilagay mo rito!?” tanong niya ulit habang turo-turo ang dinala niyang toothpaste.
“Anong kinalaman ko diya’n?” maang-maangan ko.
“I know you put this fucking deodorant on the toothpaste!” pagkasabi niya no’n gusto kong tumawa pero ‘wag na baka maepic fail pa.
“Why ask me? Tanungin mo ang babae na dinala mo sa kwarto mo,” malamig kong sabi at tumayo. “Baka ginawa niya ‘yan dahil binitin mo siya,” tumalikod na ako at ngumisi.
Nakita ko na nanlambot ang mukha niya.
Hmmm? Ano na naman kaya ang ipraprank ko?
Bumalik na ako sa loob ng kuwarto upang magbanyo. Huhubarin ko na sana ang mask ko ng may nakita akong babae? What? Babae? Fuck!
Fuck! What the fuck!? Ulo ng babae!?
Hindi naman ako takot dahil sanay na ako. Ahh, so nagpaprank din pala siya. Ano to? Revenge-revenge? Kinuha ko ang ulo noon at manika lang pala. Nagtapis ako at lumabas sa kwarto dala-dala ang ulo. Note naka silicone mask pa rin ako.
Nakita ko sa sofa ang gago na pangisi-ngisi. Inihagis ko ang ulo ng manika nang nakapalakas at sapul! sa mukha!
“What the fu–” hindi natapos ng gago ang kaniyang sabihin nang pinasadahan niya ako ng tingin—ulo hanggang paa.
Tinalikuran ko na siya at pumasok ng banyo. Padabog kong sinara ang pinto.
Sumandal ako sa pinto ng banyo at napahawak sa dibdib ko.
What the fuck was that? Bakit parang nako-concious ako sa katawan ko! Hindi naman ako ganito!
Pinagsampal-sampal ko ang mukha ko at naligo na.
Elzid's POV
W-What was that? Fuck!
Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang hubog ng kaniyang katawan. It keeps on loitering my mind!
Lumunok na ako ng ilang beses at pinagpawisan ng matindi!
Tang ina! Ang init!
Hinubad ko na ang damit ko, leaving my pants hanging on.
Narinig ko ang pinto at nakita siyang lumabas. Suot-suot niya ang damit ko dahil malaki ‘yon, hindi ko na nakita ang hubog ng katawan niya.
“Tabi,” malamig niyang sabi. Kagaya na siya noon.
Hindi ako tumabi. Nakita ko lang siya sa peripheral vision ko na nakatayo lang siya.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa sofa. Yung parang inaangkin ang akin. Nang bigla akong napasubsob sa gilid.
Fuck!
Pinatid niya ako sa tagiliran kaya napasubsob ako.
“Tabi nga kasi.” She smirked.
Napatulala nalang ako sa ginawa niya. Sumandal siya sa sofa habang ang kaniyang kamay ay nasa tiyan niya.
Palaki na ng palaki ang tiyan niya.
Lumayo ako sa kanya dahil baka mapano pa ako. Nanunuod kami ng TV ng tahimik nang nakita kong kinuha niya ang cellphone niya sa lamesa.
“DAMN!”
Napaiktad ako sa sigaw niya.
“Ang bobo!”
Napatingin ako sa kanya at tiningnan kong anong ginagawa niya.
Mobile Legends? Heh. Mahina pala. Tss
Tumayo na siya at iniwan ang cellphone sa lamesa.
Nanunuod lang ako ulit ng TV nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at kita ko na bihis na bihis siya.
Where the heck is she going?
Nakasuot siya ng jeans at suot-suot niya ang T-shirt ko. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at naglagay ng headset doon. Sumingkit ang mga mata ko. Lumabas na siya ng walang paalam.
Susundan ko ba siya?
Nah, Oo! Buntis iyon gago!
Agad-agad akong nagbihis at dali-dali sinirado ang room ko. Mabilis akong bumaba patungo sa parking lot at sumakay na sa baby ko. Paglabas ng baby ko, hinay-hinay lang ang pagdadrive ko para makita ko siya.
Third Person's POV
Naglalakad si Aser patungo sa isang amusement park. Dahil nabobored na rin siya do’n sa loob tapos kasama pa ang baho ng gago kaya nagpasya nalang siyang lumabas.
Pagkapasok niya sa amusement park agad na patakbo pumaroon si Aser sa isang shooting game. Ang mga price ay mga malalaking teddy bear. Napagpasyahan ni Aser na kapag napalunan niya lahat ay ibibigay niya iyon sa mga bata.
Lumapit siya sa tindero.
“Gusto mo, hija?” tanong no’ng tindero at agad naman siyang tumango. “3 dart 100 pesos.” Napangiwi naman si Aser sa sinabi ng tindero, dahil wala naman siyang magagawa kaya kinuha nalang niya iyon.
Si Elzid naman ay hindi na mapakali dahil hindi niya pa rin makita si Aser kaya wala nalang siyang choice kundi i-track ang phone nito.
Amusement Park.
Agad naman pinaharurot ni Elzid ang sasakyan niya patungo sa Amusement Park kung nasaan si Aser.
“Oh manong? Sa akin na,” wika ni Aser ng pangisingisi. Paano ba? Sapul lahat yung may enggrandeng price. Malalaking teddy bear. Naiwan namang nakanganga ang tindero. Bitbit-bitbit ni Aser ang tatlong naglalakihan na teddy bear nang may lumapit sa kanya.
“Gusto mo ng tulong, Ms?” saad ng isang matipunong lalaki. Napatingin naman si Aser doon. Naningkit ang kaniyang mata pinararamdaman ang presensiya nito.
“Okay,” wika ni Aser na agad naman niya ibinigay lahat sa lalaki. Tulong daw, e? Kaya ibinigay niya lahat dito.
“Saan punta mo, Ms?” tanong nito na naghihirap sa pagbibitbit.
Tumigil sa paglalakad si Aser at palinga-linga nang may nakita siya isang batang babae na nakanuod sa mga pamilyang nagshoshoot para manalo at ibigay ang price sa anak nila.
“Sumunod ka lang sa akin,” malamig na wika ni Aser dito sa lalaki. Napaiktad naman ito.
Lumapit na silang dalawa dito. Tinawag ni Aser ang bata at agad naman itong tumingin sa kaniya. Lumapit si Aser sa bata at lumevel doon.
“Gusto mo ba ng teddy bear?” Tanong ni Aser habang iniipit sa tainga ang mga hibla ng buhok ng bata. Tumango naman ang bata.
Pinalapit ni Aser ang lalaki at nakita ni Aser na nagkikislapan ang mata ng bata.
“Pumili ka,” may ngising sabi ni Aser. Ang napili ng bata ay ang royal blue na teddy bear at binigay niya iyon.
“Salamat, Ate, ah,” tuwang-tuwang sabi ng bata na yakap-yakap ang teddy bear nito.
She just tapped the kids head at nagpaalam na rito.
Nakapasok na si Elzid sa amusement park at hinahanap nalang niya si Aser. Palibot-libot siya at bawat libot niya walang babae ang hindi tumitili.
Naka poker face lang siya dahil naiirita na siya sa mga bunganga ng mga tao rito.
Nang bigla siyang napahinto sa kaniyang paglalakad ng nakita niya si Aser kasama ang isang lalaki na nakabitbit ng isang teddy bear. Agad niyang sinundan ang dalawa na nagtungo sa isang bata na nakatanaw sa labas ng amusement park. Nagtago lang siya dito hanggang sa nagpaalam na ang dalawa sa bata.
Nakita niyang tumigil ang dalawa at nagtitigan ang mga ito. Nakita niyang nagsalita ang lalaki pero nanatiling tahimik si Aser.
“Wala man lang bang thank you diya’n?” tanong ng lalaki habang kinakapa ang leeg niya na animo’y nahihiya ito.
Tinignan lang siya ni Aser ng walang ka emosyon-emosyon.
“Bakit naman ako magpapasalamat? Hindi naman ako humingi ng tulong. Nagkusa ka,” wika ni Aser habang kinuha ang phone niya upang tingnan ang oras nang biglang may humablot dito.
Bago pa nakatakas ang salarin agad na niya itong nahawakan sa kuwelyo.
Ipinaharap niya ito sa kaniya at agad pinatamaan sa mukha. Pinatid niya ang junjun nito at agad na kinuha ang cellphone niya. Namimilipit pa rin sa sakit ang lalaki.
Madaming tao na ang nakatangin dahil sa ginawa ni Aser. Tiningnan ni Aser ang cellphone nang biglang napasigaw ang lahat na tao na nakapaligid sa kanila.
Tumayo pala ang snatcher at akmang sasaksakin si Aser ng biglang itinaas ni Aser ang isang paa niya at hinampas ng napakalakas sa ulo ng lalaki.
Agad na nahulog ang cellphone ni Aser dahil napalakas na naman niya ang pagpatid. Effect noon? Nakatagilid na ang ulo ng lalaki.
“Sorry,” paumanhin niya sa lalaki na namimilipit sa sakit.
“Hindi ka dapat mag-sorry diya’n, Miss,” sabi noong lalaki na tumulong sa kaniya at akma nitong ipapatong ang kamay sa balikat ni Aser nang may biglang lumayo kay Aser dito.
“Aser,” bulong ni Elzid sa tainga ni Aser na nagpakiliti naman sa kaniya.
“Dalhin natin siya sa ospital,” wika ni Aser habang tinitingnan niya ang lalaki.
“No need,” sagot ni Elzid na agad na hinarangan si Aser sa lalaki na tumulong dito.
“Sino ka?” Sobrang tigas! na tanong ni Elzid sa lalaki.
“Umm,” palinga-linga ito sa dalawa.
“Let's go home,” sabi ni Aser na tumitingin sa lalaki na nakatagilid na ang ulo.
Tiningnan lang siya ni Elzid at no’ng lalaki.
Kinuha ni Elzid ang kamay ni Aser at humayo na sila patungo sa condo nito.