Chapter 26
Asereath's POV
“I’m sorry.”
“For what? Dahil inindiyan mo 'ko?” tanong ko ng walang emosiyon. Hindi ko na uungkatin pa ang kagaguhan niya. Unless sasabihin niya sa akin.
“My college friends invited me to a party,” mahinahong sabi niya.
“Wala na 'yon,” saad ko habang nilalaro ang cards sa kamay ko.
“Palalagpasin mo lang ‘yon?” Tanong niya sa akin.
“Bakit? Ano ba kita? asawa?” tanong ko sa kaniya pabalik na nagpamulat ng diwa niya.
“I m-mean hindi ka naman gan’yan ‘pag may mali ako. Agad mo akong sinusumbatan.” Yes. Palagi. Pero ngayon ayaw ko na. Nahihirapan na ako nitong lalaking ‘to.
“Tandaan mo. Ama kalang ng anak ko at wala nang ikakahigit do’n,” walang emosyon kong wika at tinalikuran na siya.
Naiwan siyang nakatulala. Aaminin ko. Nasaktan talaga ako nang gago. Inindiyan para lang sa isang babaeng patiwarik ang mukha! Punyeta.
Kahit kailan hindi ko talaga mapigilang hindi magalit sa gagong ‘yon!
Pumasok ako sa masukal niyang kuwarto at napatingin sa higaan niya.
“Ano? Diya’n din ba ako matutulog?” Nandiri kong tanong sa sarili ko.
Pumasok ako sa banyo upang maligo na. Tinanggal ko ang silicone mask ko at nakita ko ang pumupulang mata ko. Nang biglang may tumulo sa mukha ko.
SHIT! FUCK!
Why the hell am I crying!
Don't tell me… natamaan na talaga ako sa… kaniya?
This is bullshit! Damn!
Pinahiran ko ang mukha ko. Damn it Aser! Malakas ka huwag kang manghina dahil lang sa isang lalaki.
Pinalakasan ko ang loob ko at ngumiti sa salamin. Ngiting-sakit.
Hinawakan ko ang tiyan ko.
“Guess what baby, mama was hurt by papa,” malungkot kong saad at naligo na.
Matapos kong maligo agad akong nagbihis. Sinuot ko na rin ang silicone mask ko.
Pagkalabas ko sa kuwarto nakita ko si Zid. Ang dalawang kamay niya ay nasa mukha niya. Animo’y umiiyak ito.
Umiiyak nga ba?
Biglang napataas ang tingin niya sa akin. Nakita ko na namumula ang mukha niya.
“Umm… may niluto ako, gusto mo?” masayang saad niya kahit na alam kong nasasaktan siya.
Tumango nalang ako at umupo sa sofa.
“Aser.” This time he didn't call me baby.
I look through him. I think he would tell the truth now.
“I have s–something to tell you,” sabi niya na may halong pagaalinlangan. Tiningnan ko lang siya habang sinusubo ang pagkain.
“Yeah?”
“I–I’m with a girl… yesterday,” he said and look directly through my eyes.
I looked back at him. I narrowed my eyes. Napasandal ako sa upuan.
“Why are you telling me this?” T-in-ry kong sabi ng walang halong sakit na tono.
“Dahil dapat lang malaman mo,” he pleaded.
I sighed.
“You don't have to. Wala namang tayo,” pagkasabi ko noon nakita ko ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Ito ay may halong sakit, hindi na kagaya noon na kumikislap. Yes! I'm hurting. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ‘to! This is bad!
“Tama ka. Wala ngang tayo,” malamig niyang sabi. Ang pakikitungo niya ngayon sa akin ay kagaya noong una kaming nagkilala.
Tumayo siya at inilagay ang plato niya sa lababo.
“Wash it,” malamig niyang utos. Tiningnan ko siya ng napakalamig. Kung ganito ang pakikitungo niya sa akin. Well! Magaling ako rito.
Tumayo na ako at hinugasan ang mga plato. Pagkatapos no’n kumuha ako ng chuckie at ininom ‘yon. Nilalaro ko nalang ang phone ko nang biglang napatawag si Tomi.
Aserrrrr!
Pumunta ako sa balcony.
Yeah?
Malumanay kong sagot, wala akong ganang magsalita... lahat, lahat!
Guess what!? Niyaya ako ni Zord mag bakasyon!
I rolled my eyes. Wala din naman akong paki.
And?
Pabalang sagot ko habang tumitingin sa mga taong naglalakad sa baba.
Aren't you fucking happy for me?
Malungkot na wika nito. Agad naman akong nagpanic. Mahirap na! topakin pa naman ‘to.
I am. It's just that… I'm not in the mood today.
Paliwanag ko at sinipsip ang mga nalalabing chuckie.
Oh! Well then, I better hang up first so you could take a rest.
Saad niya at sinagot ko naman siya at in-end call ko na.
Bumalik ako sa loob at nakita kong bihis na bihis si Zid. Tiningnan ko lang siya saglit at agad na iniwas ang tingin.
Pumunta nalang ako sa mga CD's at naghahanap ng mga movies. Narinig kong nagbukas-sara ang pinto. Ibig sabihin lumabas siya ng walang paalam.
Heh! Kung ‘yan ang gusto niya! ‘Yan din gagawin ko.
Kinuha ko ang movie na NAKED WEAPON.
Idol ko ‘tong movie na ‘to. Kahit na may bastos. I don't care. They are deadly tho.
Nilibang ko nalang ang sarili ko hanggang sa hapon. Hindi pa rin umuuwi ang gago kaya nag dinner nalang kami dalawa ni baby. Pagkatapos noon ay bumigat ang mga talukap ko.
Pumunta ako sa kuwarto niya at kumuha ng bedsheet at madaming unan. Ayaw kong matulog doon ano! Not on his dirty bed.
Mas gusto ko pang matulog sa sahig.
Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko. Natulog na rin ako.
Elzid's POV
I will be cold again to her. Anak lang ang responsibilidad ko. Hindi siya. Kaya titigil na ako sa pagmamahal niya kahit masakit. I don't know the smile she meant noong nabuking ako na nasabi ko sa kaniya na mahal ko siya.
Does she have the same feelings for me?
Ayan ang masakit, e. ‘Yung hindi mo alam na mahal ka niya pero nabitawan mo na siya.
Fuck!
I'm ready to let her go. Ngayon nasa Joker's Club ako. Bilang Optimus. Hindi bilang si Elzid.
Uminom ako ng uminom pero depota hindi ako natamaan. Kaya ang ginawa ko tinitingnan ang mga nagsasayawan nang biglang may pumulupot sa mga bisig ko. Napaiktad naman ako.
“Hi babe,” malanding wika nito. Alam na alam ko kong kaninong boses ‘to. Tiningnan ko ito at hindi nga ako nagkakamali.
“Sabrina,” malamig na tugon ko.
“It's been two months, babe. Ngayon lang ulit kita nakita,” sabi nito habang hinahalik-halikan ang bisig ko.
Hinayaan ko lang siya sa ginawa niya. Wala akong paki kung ano man ang magagawa nito sa ‘kin.
Bigla siyang tumayo at hinila ako. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Sabrina ang 6th floor. Pagkatapos noon ay bumaling siya sa akin at hinalikan ako. I kissed her back while holding her ass. I kissed her torridly kaya ang dahilan napangiwi siya. Biglang bumukas ang elevator. Walang katao-tao kaya hinahalikan ko pa rin siya hanggang sa pumasok kami sa kuwarto niya.
Tinulak niya ako kaya napahiga ako sa malaking kama. Hinubad ni Sabrina ang damit niya at agad pumatong sa akin. I feel my friend down there.
Pataas-baba ang ginagawa niya. She teased me.
Nawawala na ako sa sarili ko.
“Aser...” bulalas ko kaya napatigil si Sabrina sa ginagawa niya.
“Who the fuck is that!” sigaw nito.
Agad akong napatayo ng napagtanto ko ang kabalastugan ko.
Fuck! Fuck me! Fuck!
Agad akong tumayo at tinulak si Sabrina. Mabuti nalang at safe ang kaibigan ko sa baba.
Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.
Agad akong pumunta sa sasakyan at pinaharurot ito papunta sa Race Track.
Walang katao-tao roon at dahil gusto kong palamigin ang ulo ko kaya pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan. Hindi ko na mabilang ilang lap ang naikot ko basta mawala lang ang init ng ulo ko.
I didn't even know na nahulog na talaga ako sa kaniya. I told her the truth kasi nga mahal ko siya. Kahit ilang months palang kami magkilala. I dont care! It’s just that something is pulling me to her. I dont fucking know ano ‘yon.
Gusto kong pumatay! Gustong-gusto ko talaga. Pero depota! Pinatigil na kasi ako ni dad para matuon ko ang ang atensiyon sa mag-ina ko pero! Fuck!
Noong sinabi niya sa akin na wala siyang pake dahil nga walang kami! Do’n ako nasaktan ng husto! Kingina! Sumakit bigla ang dibdib ko.
Pagkatapos ng ilang laps ay umuwi rin ako. Umuwing nasaktan. Pagkapasok ko sa room ay agad akong napatingin sa sahig.
Fuck! She's sleeping on the cold floor. Tang ina! Ano bang pumasok sa utak nito. Bakit siya natulog dito.
Tsk! Gusto ko man sana itong hayaan kaso nag-alala ako. Kaya binuhat ko siya papasok sa kuwarto ko.
‘Pag galit ako, doesn't mean na wala na talaga akong paki. I’m not that kind of a person. Hindi ako pinalaki ng mama ko ng gan’yan na hinahayaan ang isang tao, lalo na ‘pag mahal mo.
Alam kong magagalit siya sa akin ‘pag nasa tabi akong natulog sa kaniya. Kaya doon nalang ako matutulog sa sahig.
Bago pa ako humiga nakita ko ang isang disc sa lamesa. Pagbasa ko agad nanlaki ang mata ko.
Naked Weapon!
Matagal ko na itong hinanap! Andiya’n lang pala ‘yan. Gusto ko ‘to, alam mo na. Pero may iba ring dahilan.
Napagpasyahan kong panuorin ito kahit na gabing-gabi na. Wala rin namang magagalit sa ‘kin.
Malapit nang matapos ang pinapanood ko no’ng biglang bumukas ang pinto no’og kuwarto ko. Agad naman akong napahiga at nagpanggap na natutulog.
Hawak-hawak ko ang remote nang bigla niya itong kunin sa akin. Narinig ko na in-off niya ang TV at ang DvD.
Naramdaman kong biglang siyang lumapit sa akin at sininghot ako.
“Anak ng puta, ang baho ng tanga!” rinig kong sabi niya. Nagpapanggap pa rin akong tulog nang bigla siyang umupo sa gilid ko at hinubad ang damit ko. Naramdaman kong tumayo siya at narinig ko na may kinuha siya at ini-spray sa akin.
“Ayan amoy bulaklak na, hindi na amoy imburnal.” Ramdam ko ang ngisi nito.
Binuksan ko ng pakalahati ang mata ko at nakita kong bumalik siya sa kuwarto. Tatayo na sana ako nang biglang itong lumabas pabalik kaya napahiga na naman ako.
Naramdaman kong kinumutan niya ako. Ngumisi ako pero agad din ‘yong natanggal nang lumagpas sa ulo ko ang kumot.
“Ar… ay… pi…” Rinig kong sabi nito na may halong bungisngis at bumalik na sa kwarto.
Bumangon ako at napasigaw sa isip ko.
I'M NOT FUCKING DEAD!