Chapter 23
Asereath's POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng building na ‘to na ngayon ko lang alam na may rooftop pala. Lol. Nagpapahangin ako ngayon dito dahil noong nasa baba ako biglang nandilim ang mga mata ko at matutuluyan na sana ang lalaki na ‘yon kaya laking pasasalamat ko kay Zid na pinigilan niya ako.
Heh! Hindi pa nga pala ako tapos sa mga Cafia! Bwisit! Damn it! I need a fucking fresh air na walang samang dumi ng mga sasakyan!
“Baby.” May tumawag sa akin sa likod pero hindi ko nalang siya nilingon dahil iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng gan’yan.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Zid sa akin habang ang isang kamay ay nasa baywang ko nakapulupot.
“Okay naman.”
“Do you want some fresh air? Real fresh air?” tanong niya sa akin habang inilapit ang mukha.
NAKNGTETENG!
“Oo nga!!” asik ko kasi paulit-ulit nalang siyang nagtatanong.
“Let's go to the beach then,” pagkasabi niya noon agad-agad na kumikislap ang mga mata ko.
“When?” Hinarap ko siya.
“Tomorrow, tatapusin natin ang nalalabing araw ng hunyo,” sagot nito na nagpangiti naman sa akin.
“Saan naman?”
“In my resort.”
Tumingin ako sa kaniya. Wow! Great, may sariling resort pala siya.
“Game ako diya'n.” Ngumiti ako pero agad naman akong nanlumo. Hindi ako pwedeng maligo. Baka matanggal ang silicone mask. Tsk! Tutal fresh air lang naman din kailangan ko, e, ‘di ‘yan nalang.
“Hindi ako maliligo, sisinghot lang ako ng hangin,” sabi ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya.
“Bakit?” Ngiwing tanong niya.
“Basta.”
“Okay fine. Dapat mag-ready na tayo ngayon.”
Nagmall kaming dalawa. Sunod lang ako ng sunod sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam ang mga bibilhin and every time we walk together while holding hands madaming tsismosa ang nag tsitsismis sa amin.
“Sayang pumapatol sa pangit,” rinig kong sabi ng isa habang tinitigan ako na parang nandidiri.
“Mga pangit ang anak niyan,” sabi ng teenager. Zid just squeezed my hand. As if affected ako. Tsk! ‘Wag lang sana mafall ang anak niyo sa anak ko.
“Don't mind them, baby,” bulong ni Zid sa akin.
“I will make sure na iba-busted ng anak ko ang anak nila, kung sakali,” saad ko habang tumatawa ng nakataas ang noo.
“Well, kung gwapo,” sabi niya medyo ilang.
“Believe me, guwapo ang anak ko,” wika ko at binitawan ang kamay niya.
Nakita ko siyang huminto at nag buntong-hininga.
Sa tamang panahon. Malalaman mo rin ang lahat and you will be lost for words.
Paikot-ikot kami and I'm so fucking tired. Sinama pa kasi ako nito, e, wala naman akong kuwenta rito.
Napahinto ako at tumingin sa two-piece. Pakurap-kurap ako. Ako? Magsusuot ng ganyan. Hell no! Baka magkagulo lang. Tss.
“You want that?” tanong niya sa akin habang ang kamay niya ay parang ahas na pumulupot sa baywang ko.
Tumingin ako sa kaniya at tinuro ang sarili ko. Tumango naman siya at ngumiwi naman ako.
“Never,” nakangiwi kong sagot.
“Well, ikaw, bibilhan sana kita,” saad niya habang tumitingin pa rin. “Let's go.” Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.
Okay, so, nandito kami sa Ferrari niya at nagda-drive na siya patungo sa resort 'kuno' nila.
Habang nasa biyahe umiinom ako ng chuckie and chill lang. Ilang minuto kaming nag-away ni Zid dahil nga ayaw niya akong parating umiinom ng chuckie, this time pinayagan niya ako, this would be my last drink this week.
Tinatanaw ko ang paligid. Ngayon ko lang nakita ‘to. Kasi hindi naman ako lumalabas. Tamad ako for short. Ang daming tao sa gilid na nagtitinda and sa kalaunay ang nakikita ko ay puro puno na. Mukhang malapit na kami.
Ilang minuto ang lumipas narating din namin ang resort nila. Ang daming turista. Mga bigatin din ang meron. P-in-ark niya ang kaniyang sasakyan at ang makikita mo rito ay mga luxury cars.
Tsk! Perks of being part of a mafia.
Bumaba na kami dala-dala ko ang chuckie ko at siya naman ay ang mga bagahe. Pumunta kami sa rest house niya na ngayon ko lang nalaman na meron pala siya.
“Want to inhale some fresh oxygen?” ngiti niyang saad.
Tumango naman ako. Bago pa ako lumabas nagbihis muna ako ng sarong.
Fak! Ewwww.
Lumabas ako nang una dahil gusto ko na talagang makalanghap. Iniwan ko siya dahil ang tagal niyang matapos. Nakakaumay.
Umupo ako sa buhangin na puti. Ang mga taong dumadaan ay tumitingin sa akin na may ngiting aso sa mukha. Tsk. Siguro sa isip nila. “Hindi bagay sa kanya mag sarong. Pangit nga naman.”
Heh. Wala akong pake sa kanila. Umihip ang napakalamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Hmm. Ngayon ko lang ulit ito nararamdaman. Tumitingin ako sa mga tao na naliligo nang may napansin ako. Mga nagkukumpulang babae na binababa nila ang bra nila pero hindi literal na tits na ang nakita kulang nalang, e, makikita na nila ang nipol, lol. Dahek? Anong meron. May pa stretch-stretch pa silang nalalaman. Pagkatapos no’n ay pasayaw-sayaw pa sila. Ang tingin nila ay pareho nasa likod ko.
Lumingon ako sa likod ko at napatulala.
Zid.
Fak! Him! Fak to the fakkk!
Lumunok ako.
NAKNGPUTA!
Kita ko dito ang kaniyang nag-aalab na abs! Fak! Kaya pala mainit. Naka-trunks lang siya na itim na may disenyo sa kanan na mga apoy. Fak! Nag-aalab na talaga siya. Pero ang hindi ko inaasahan! ay ang TATTOO NIYA! May tattoo siya sa kaniyang right collarbone! Isinisigaw nito na isa talaga siyang ZOROA! Fak! May mga butil ng pawis ang pumapatak sa buhangin na nanggaling sa akin!
Fak! Nakita ko ang lahat na tumitigil sa kanilang ginagawa habang pinapanuod siyang lumakad palapit sa akin. Narinig kong naghiyawan ang mga babaeng uod sa likod ko!
Ngayon ko lang nalaman na may tattoo pala siya. HIS TATTOO MAKES HIM HOTTER THAN EVER! IT MAKES HIM RISE MORE! DAMN! He makes all the GODS KNEEL BEFORE HIM! OH, HOLY SHIT!
“Mabuti at hindi ako natunaw,” saad niya nang nasa tapat na siya sa akin. I was lost in my mind.
“You're too hot,” tulala kong saad. Nakita ko siyang ngumiti ng todo. Fak! Ano ba’ng sinasabi ko! “I m–mean... ang pangit mo!” sigaw ko sa mukha niya at tumingin na ako ulit sa mga tao na naliligo dahil sa kahihiyan.
“Walang bawian” Humahalakhak siya.
Namumula na ako rito.
Fak! Ang init kasi. Argh!
“Bakit ba ang init!!” Inis na wika ko.
“Nandito kasi ako,” wika niya. Umupo siya sa likod ko at ginapos niya ako sa mga bisig niya. Bale, back hug na nakaupo! O, holeh fak! Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa kaliwang bahagi ng balikat ko! FAKK! BAT NAGING GANITO AKO! I feel his fucking heavy breathe.
Nakita ko na napanganga ang mga babaeng uod sa ginawa ni Zid sa akin.
“Tabi nga!” Pagpumiglas ko, pero hindi niya ako binitawan.
“Tara ligo,” kumbinsi niya habang nakatingin sa akin. I face left to right. Meaning AYAW KO.
“Tsk. Bakit?” tanong niya. Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang dahilan pero ‘wag nalang baka mahimatay siya pag nalaman niyang maganda ako kesa sa mga EX's niya. Hmph.
“I already told you my purpose,” paliwanag ko. ‘Di ba niya na gets? Ano ba’ng utak ang meron ang isang ‘to!
“If you're insecure. Don't be. Maganda ka pa rin sa paningin ko,” wika nito at inilagay ang dalawang kamay sa umbok kong tiyan.
Anong tingin niya sa akin? May pangit na katawan. Kumakain ako ng marami pero FIT pa rin ako. I HAVE MY OWN CURVES! BULLSHIT! JUST SO YOU FUCKING WAIT!
“Why would I?” Mahinahon kong tanong kahit na gusto ko nang sumabog.
“So hindi ka na i-insecure sa kanila?” tanong niya sa akin habang hinihimas na parang ulo ng bata ang tiyan ko.
“I have my own beauty, boy,” wika ko. “Why don't you swim?” tanong ko.
“Tatayo palang ako,” tumayo nga siya at pinagpagan ang sarili.
“Better not flirt,” masamang wika ko. DAHEK! ANONG ISPIRITO ANG PUMASOK SA AKIN. MASAMA ITO.
“Yes baby, I won't,” sagot niya at tumakbo na papunta sa dagat. Kita ko naman na lumapit ang mga babaeng uod.
I won't daw. E, kitang-kita ko sa mga mata ko ang mga uod!
I don't know what they're talking about pero tsansing ang uod na ito!
Hinayaan ko lang sila at tiningnan ng mabuti. But the freak just crossed the line! Dahil sa laki ng alon nakayakap na siya ngayon kay Zid. Ang kamay niya nasa dibdib ni Zid! ngumiti si Zid. I don't know if that's a genuine smile or a smile na may masamang mangyayari ‘pag ‘di siya lumayo sa babae.
HINALIKAN NG BABAE ANG BALIKAT NI ZID KAYA GALIT NA AKO. DAHIL HINDI KO NA KAYA ANG NAKITA KO KINUHA KO ANG BAKLAY NA SUOT KO AT SINAPUL SA ULO NI ZID!
Napahiyaw ang mga uod. Tumingin sa akin si Zid at ANIMAL! NAGBABASAKALING NAHIMATAY! HOLEH FAK. KITA KO NA AGAD-AGAD INAKAY NG MGA BABAE SI ZID AT AGAD NAMAN TUMULONG ANG MGA TAO. NAG-UUSAP ANG MGA UOD NG BIGLA SILANG NAPATINGIN SA AKIN.
“YU! IDEYET” sigaw ng uod na humalik sa balikat ni Zid habang may paturo-turo sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“WA DID YA DE TE HIM!!” sigaw niya sa akin. Napangiwi naman ako dahil mali-mali ang ingles niya.
Tiningnan ko lang siya na parang walang kwenta. Tumalikod na ako pero hinablot niya ang buhok ko! Fak! WALA NA AKO SA MOOD!
Pagbaling ko sa kaniya agad kong sinipa ang ulo niya at nadamay ang lahat na kasama niya!. Damn! Napalakas ko ata.
Madami ang nagsigawan. Napahiyaw naman sa sakit ang mga babae na ngayon ay nakahiga sa buhangin.
Nilapitan ko sila.
May nakita naman akong may edad na lalaki na lumapit sa amin.
He looks kinda familar to me.
Demmit. He really does.
Nang nakita ko ang buo nito napagtanto ko na siya ay ang liderato ng… Cursed Mafia.
Ang mafia na lagi kong inaasar. Ang lagi kong pinupuntirya ‘pag bored ako.
“ANONG GINAWA MO SA ANAK KO!” sigaw nito sa mukha ko. Nilapitan niya ang anak niya at pinatayo. Yung ulo niya nakatagilid na. Holy shit! Medyo napalakas ko nga!
“Dadi. I can't m–move my ne–ck. Dadi I hurs,” iyak nito. Napa oops nalang ako.
Tiningnan ako ng masama sa lalaki.
“ANONG PANGALAN MO!” sigaw niyang tanong sa akin habang akay-akay pa rin ang anak na nabali ang leeg.
Hindi ako sumagot.
Inulit niya ang tanong niya pero hindi pa rin ako sumagot.
“Baby,” sigaw ni Zid na nakabalik tumayo na simula nang nakita niya ang sitwasyon ko. Nilapitan niya ako.
“Zoroa kilala mo ba siya!” sigaw na naman ng lalaki sa mukha ni Zid.
“She’s, my wife. Got a problem with that?”
“Asawa pala! Tingnan mo kung anong ginawa niya sa anak ko!”
Tinignan naman ‘yon ni Zid at napamura siya.
“Tandaan niyo ito, lalo na ikaw!” Turo niya sa akin. “Protektahan mo ang sarili mo dahil hindi mo alam kailan ka mamamatay!” puna nito. Naramdaman ko naman na napapitlag si Zid. Tiningnan ko lang ang matanda ng masama.
“If you... can,” panghahamon ko.
“Simula bukas. Magiging impyerno na ang buhay niyo!” wika nito at ibinigay niya ang anak niya sa mga kasama niya at tiningnan ako ng masama.
Madami pa siyang sinabi na BABALA raw dahil simula bukas o whatever impiyerno na ang buhay ko. Hindi niya ba alam na simula palang na pinanganak na ako... nasa impyerno na ako.
Tinigil ko siya sa kadadaldal niya. Tiningnan ng maigi at nagsalita na ako habang yakap pa rin ni Zid.
“’Wag kang mag-asta ng gan’yan,” saad ko, naiirita na.
“At sino ka naman para sabihin ‘yan!”
Tumingin ako sa kaniya. Giving him my deadliest glare, nakita kong nanlaki ang mga mata niya at napa-atras siya.
“No one,” wika ko at kumurap na. Nakita ko siyang pakurap-kurap at inalam kong totoo ang nakita niya o naghahallucinate lang siya.
“Ikaw ang dapat humanda,” my last word for him bago ako tumalikod sa kaniya habang akay-akay ako ni Zid.
Bumalik kami sa rest house niya.
“Ano ba’ng ginawa mo sa anak niya?” nag-alalang tanong niya sa akin.
“Pinatid ko lang naman.” Ngumuso ako. Napalakas ko nga lang pagpatid.
“E, bakit nakatagilid na ang ulo no’n?”
“Napalakas ko ata,” mahinang sagot ko.
“Baby, you're supposed to relax, pero anong ginawa mo,” he hissed at me. He looked at me in the eyes full of disappointment and anger. Ngayon lang niya ito ginawa sa akin. Pota! Naiiyak ako. Hindi ko naman sinadya yon, e!
“KASALANAN MO ‘YON BOSET KA!” pagkasabi ko no’n tumakbo na ako patungo sa kwarto at nagkulong.
Tinurture ko ang unan na parang isang napakalakas na nagwawalang leon.
THIS IS NOT ME! FUCK! BULLSHIT! EPEKTO BA ‘TO NG PAGBUBUNTIS KO? DARN! ANO BA ‘TO!
ARGH!