Chapter 22
Elzid's POV
I just can't fucking believe na isang ROMANO ang bumili ng mga baril ko. Ahh. Fuck! This is one of a kind. Shit!
"Zid," tawag sa akin ni Aser kaya tumingin ako sa kaniya ng nakangiti ng abot sa tainga.
"Yes, baby?" masaya kong tanong at lumevel sa kaniya.
"I wanna try yours," saad niya habang nakatitig ng maigi sa akin.
Shit. Double meaning iyon ah! Maka-asar nga!
"You want... me?" asar kong tanong.
Lumiit naman ang kaniyang mata at nanlaki agad nang napagtanto niya ang ibig sabihin.
"I want you-" Fak! Nanlaki ang mata ko, shit!"-er guns," puna niya na nagpangisi sa kaniya. Shit! She got me there!
"Tsk!" saad ko at inabot ang kamay ko upang maalayan siya sa pagtayo.
Tinanggap niya ‘yon at lumabas na kami. Pumunta kami sa elevator.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong niya.
"Shooting Range," pagkasabi ko no’n. Ngumiti siya ng todo-todo!
Pumalakpak siya at agad na pinusod ang buhok niya.
Wow! Ready'eng-ready ah.
Ilang minuto rin ang lumipas at naabot namin ang SR. Pagbukas ko nakita ko ang mga trabahador na tini-test ang mga baril para hindi pumalpak. Dumaan kami at napapayuko naman sila. Nakita ko na palinga-linga si Aser at mukhang mangha na mangha siya. Well, who woudn't... this is Zoroa's afterall.
Bumitiw siya sa akin at naglakad sa isang matandang lalaki na inaayos ang Barrett. Isa itong awm na kahit na makapal na pader lulusot at lulusot pa rin.
"Hi, Ma'am!" bati ng matandang lalaki.
Ngumiti lamang si Aser.
"Ikaw po ba ang gumawa niyan?" muntik ng lumuwak ang mga mata ko dahil nag-iba si Aser. Naging maamo at mahiyain!
T H E H E CK!
"Oo po, Ma'am," sagot ng matanda habang hinihimas ang baril.
"Pahawak po, ah," wika ni Aser.
"’Wag po, Ma'am, mabigat ‘yan para sa isang babae kagay-" Hindi natapos ng matanda ang kaniyang sasabihin dahil binuhat na ito ni Aser. Nanlaki ang mata ko. Kailangan tig-dalawa ang bumubuhat niyan. Ako lang ang pwedeng mag-isa. Pero siya! Nakaya niya.
Inilagay niya ‘yon sa balikat kaya napanganga ako! Lalo na ang matanda. Ang ibang trabahador ay napatigil at napatingin sa kaniya.
Tinanggal niya ‘yon sa kanyang balikat at niyakap niya. How I wish na ako nalang ang baril na iyan! Humarap siya sa akin.
"Sa akin na itoo!" sabi niya with matching puppy eyes! Shit! Stop!
Agad akong lumapit sa kaniya dahil hindi pwedeng magbuhat ng mabibigat na bagay ang mga buntis!
"Baby, give me that," saad ko pero niyakap niya lang ito ng mahigpit at nag pout! Shit! Nagpapacute siya!
"Asawa mo, Ser?" tanong ng matanda kaya tumango ako. "Ang lakas ‘wag mo siyang pakawalan, Ser," ngumiti siya pagkasabi no’n. Binalewala ko siya at tumingin kay Aser.
"Akin na ito!" mangiyakngiyak niyang sabi! Wow! I didn't know na ganiyan pala ang dulot ng baril sa kaniya.
"Fine! Fine. Just give me back it. Its heavy!" saad ko at lumapit sa kaniya.
"It's not heavy," wika nito at ginawang isang barbel ang barrett.
"Easy there, baby!" sabi ko at dali-daling hinablot ang barrett.
Pagkakuha ko no’n ang sama ng tingin niya sa akin.
Lumapit naman kaagad ang matanda.
"Ma'am. ‘wag po kayong mag-alala. Sayong-sayo po ‘yan. Kailangan lang muna nating tapusin," paliwanag ng matanda at nakita ko naman na tumaas ang kilay ni Aser at tumango na.
I heaved a sigh! Iniligay ko pabalik ang barrett sa lamesa at agad pinagpagan ang sarili ko dahil sa dumi.
Paglingon ko wala na si Aser! Palinga-linga na naman ako!
"Ser, hinahanap niyo ba asawa niyo?" tanong ng matanda. Tumango naman ako sa kaniya. Tinuro niya si Aser na nasa Rifle Session. Nagpasalamat naman ako sa matanda.
Nakita kong tumititig sa kaniya ang mga trabahador at ngumiwi. Shit! Mukhang napapangitan sila kay Aser! Tsk! I don't fucking care! Sa mata ko maganda siya!
Nakita kong hinawakan niya ang m12s at ngumiti siya.
"Baby!" Tawag ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at iwinagayway ang baril na dala-dala niya. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata ng trabahador.
"Asawa ni Ser? Ang pangit!" mahinang sabi nang isa. Binalewala ko nalang iyon.
"Can I shoot?" tanong ni Aser sa akin. Tumango naman ako.
Wait! Does she know how?
Kumuha siya ng isang magazine at inilagay sabay cock niya rito. Napatigil ang marami at naghihintay sa pagshoot niya.
Third Person's POV
Dahan-dahang inilapit ni Aser ang baril para mashoot niya ito sa noo ng board doon. Para bullseye. Malakas ang tensiyon doon at ang iba ay nagpipigil ng tawa. Bakit? Dahil babae nga tapos marunong bumaril? Katatawa ‘yon.
Agad pumostura si Aser dahilan upang lumaki ang mga mata ng mga trabahador. Paano ba? Ang postura niya ay tama.
"How the hell she knows that pose?" tanong ni Elzid sa isipan niya. Hinintay niya lang shu-moot si Aser.
Ilang segundo ang lumipas at shu-moot na si Aser. Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa nakasaksi sa ginawa nito.
"Hah! Paano niya iyon nagawa!" Windang sabi ng lalaking may edad na.
"Imposible!" sabi ng isa habang tumatagilid ang ulo.
"Talagang imposible! Walang rifle na isang bala lang ang lumalabas. Isang pindot mo lang sa gatilyo, sunod-sunod na ‘yon!" hangang saad ng isang lalaking matanda.
"Heh! Bullseye pa!" Pagkasabi no’n ng isa agad silang tumingin sa board at tama nga.
Bullseye!
Naiwang nakanganga si Elzid sa ginawa ni Aser. Tumingin lang siya ni Aser na sayang-saya. Agad siyang lumapit dito.
"Baby… how... d-did you do that?" tanong niya dito dahil ‘yon ang hindi niya pa magawa. Practice pa siya ng practice sa trick na ‘yon.
"Do what?" takang tanong ni Aser.
"’Yung ginawa mo kanina? Paano mo nagawa na isang bala lang ang lumabas?"
"Tsamba," wika ni Aser at kumindat dito. Kahit ang totoo t-in-rain siya ng kaniyang ama no’ng bata palang siya.
Naiwan namang nakalutang sa ere si Elzid.
"Fuck! She's really one of a kind!" he whispered under his breath and smiled widely.
Sinundan niya si Aser at pumunta sa may Knife Session. Hindi lang baril ang nandito pati na rin mga kutsilyo pero hindi nila ito binibenta.
"Obsidian," narinig niyang wika ni Aser na tinitingnan ang kumikislap na obsidian na kutsilyo.
"Teka nga baby, ba’t ang dami mo atang alam sa mga bagay na ‘to?"
"I'm fond of it."
Nakita niya na kumuha siya ng isang kutsilyo at tiningnan niya ito ng maigi.
"You will add some poison here, right?" tanong ni Aser kay Elzid na nakatulala na naman ngayon.
"Y-Yeah."
"Halata nga, e, may malaking hole kasi," saad ni Aser at ibinalik niya ito kung saan niya man ito nakuha.
Agad namang kinuha ni Aser ang obsidian dahil kating-kati na ang kanyang kamay na hawakan ‘to.
"Dahan-dahan lang, hija, masakit ‘yan baka magkasugat ka pa," wika ng lalaki na buhat-buhat ang madaming bato na obsidian.
Ngumiti lamang si Aser at pinaikot-ikot niya ang kutsilyo sa palad niya.
Nanlaki naman ang mata ng lalaki at naiwan na! namang! nakatulala si Elzid.
"Paano niyo nalaman iyan, Ma'am?" takang tanong nang lalaki habang inilalagay niya sa lamesa ang dala niya.
"Movie."
Hindi nakunteto si Elzid sa dahilan niya kaya nagkaabot ang mga kilay ni Elzid.
Nakita ng lahat ang ginawa ni Aser. Tinapon ni Aser ang obsidian upang ito ay mabasag.
"Aser!" sigaw ni Elzid dahil sa ginawa ni Aser.
"These all-obsidian thingies are fake," walang kabuhay-buhay'ng sabi ni Aser.
"How can you say so?" tanong ni Elzid.
"Obsidians don't break."
"Sure?"
"Yes."
"Pero, Ma'am, galing pa ‘to sa ibang bansa na may maraming obsidian," saad ng matanda.
"Mukhang may traydor dito," wika ni Aser. Ang lahat ng trabahador ay napatingin sa kaniya lalong-lalo na si Elzid.
"What do you mean?"
"In my calculations when this obsidian was supposed to be delivered here its original. Sa tingin ko may traydor dito. They will exchange it to fake at ibibigay sa ibang kompaniya," paliwanag ni Aser habang nakatingin sa isang lalaki.
"Zid? Ano ba ang ka rival mong kompaniya?" tanong ni Aser na hindi pa rin umaalis agg tingin sa lalaki.
"Cafia."
Ngumisi si Aser at lumapit sa lalaki na kanina pa niya tinitigan.
Simula pa lang ng umapak siya sa loob nito. Itong lalaki lang ang nakakuha ng atensiyon niya. Iba ang porma nito kaysa sa lahat. At nakita niyang kumikislap ang hikaw nito.
"Where are you going, baby?"
Isa lang ang ibig sabihin nito. Kilala ni Aser ang Mafia Cafia na ang trademark ay ang hikaw na kumikislap, may camera ang loob nito.
"Umupo ka," malamig niyang wika sa lalaki.
Hindi kaagad umupo ang lalaki kaya nainis si Aser at lumabas ang masamang awra na ngayon lang ulit lumabas.
Dahil sa pangangamba umupo ang lalaki.
"Aser, what are you doing?" tanong ng tanong si Elzid pero hindi niya ito sinasagot.
Hinawakan ni Aser ang hikaw nito at tinanggal pagkatapos ay inapakan niya at nakita nila ang maliit na camera.
"Cafia," wika ni Elzid.
"’Yan ang rason kung bakit peke ang obsidian Ninyo," paliwanag ni Aser.
Agad naman nag-init ang ulo ni Elzid.
Pinakuha ni Elzid ang lalaki sa mga guards at pumipiglas ito.
"ZOROA! KUNG SA TINGIN MO IKAW AY MAKAPANGYARIHAN. PWES! CAFIA ‘YON!" saad nito habang pumipiglas pa rin.
"Tumahimik ka," wika ni Aser. Galit siya dito dahil gusto niya ang obsidian para sa kadena niya. Gusto niya nga sana angkinin kanina kaso nakita niya na peke ito.
"IKAW'NG BABAE NA PANGIT! MAG-INGAT KA!" Tinitingnan lang siya ni Aser na parang hindi buhay.
"At bakit?" sabi ni Aser at dahan-dahang lumapit sa lalaki. Sinundan naman siya ni Elzid dahil baka ano pa ang kayang gawin ng lalaki kay Aser. Buntis pa naman ‘to.
"You will be on the blacklist!" sigaw nito sa mismong mukha ni Aser.
Agad na sinampal ni Aser ang lalaki kung saan nandoon ang finger claw niya. Kaya nag-iwan ito ng malaking hiwa sa mukha ng lalaki.
"You. Will. Be," saad ni Aser sa lalaki.
Ang lahat ay natulala. Well, hindi naman sila natakot dahil ang lahat ng trabahador dito ay miyembro ng ZOROA MAFIA.
"ASER!" sigaw ni Elzid dahil muntikan nang makapatay si Aser.
"I need some fresh air," wika ni Aser dahil ilang segundo siyang nawala sa kaniyang sarili. Naiwan namang nakatulala si Elzid.
"Bakit bagay sa kanya ang sumasakit ng tao?" saad ni Elzid sa isip niya at sinundan palabas si Aser. Sinabihan niya ang dalawang guwardiya na sila na ang bahala sa traydor. Puwede nilang gawin kung anong gustong gawin nila.