Chapter 24
Elzid's POV
Naubos ang araw ng linggo na hindi ko nakikita si Aser, not literally. Nakikita ko siya pagtulog na. Grabe ngayon ko lang naranasan ang isang linggong hindi nag-uusap. Well, palagi kasi akong nauuna pero ngayon, hindi ko siya nakakausap kasi hindi naman siya lumalabas. I never got the chance tho.
Maaga akong nagising upang lulutuin ko ang umagahan namin. Binilin ko lang ito dito sa lamesa at pagbalik ko wala na, ubos na.
I cooked some fresh squid. Yung pa-adobo style. Ilang oras din ko ‘yon pinagtuonan ng pansin. Nang tumunog na ang rice cooker. Doon na ako kumain. Nag-iisa lang akong kumain. Gusto ko man sanang puntahan si Aser doon sa kwarto pero baka hahampasin niya lang din naman ako ng bakya niya. Masakit pa naman ‘yon.
Until now, hindi ko pa rin alam ang putang inang kasalanan ko, mga babae nga naman. Parati kong inaalala ‘yon pero wala talaga akong makitang mali. Tama nga ang sabi nila.
Baliw talaga ang mga babae.
Lumabas muna ako para magpahangin nang napagpasyahan kong tawagan si Zord.
Ilang kring lang sinagot na niya iyon.
Hello, men? What is it now!?
Saad niya na para bang galit. No, actually galit talaga ang gago.
I need your help. Matamang wika ko.
Pwede ba. Doon ka magpatulong kay Aser. Nag-go-goodtime ako dito kasama bespren niya!
Sigaw nong pisting gago at agad akong binabaan.
Puta.
Umupo ako sa bench na ang harap ay ang malawak na dagat. May mga naliligo na at mga babaeng naglalaro ng volleyball.
Mas mabuti na ring hindi lumalabas si Aser kasi tinotoo nga ng liderato ng Cursed Mafia na nabangga ni Aser ang sinabi niya. May mga taong nagmamasid sa amin. Pero hanggang doon lang ‘yon. If something bad happens to her, wala nang atrasan pa.
May mga babae na tumitili pag dumadaan sila palapit sa akin. Binalewala ko lang ‘yon. Gusto ko man sanang magbabad sa init habang yakap ko si Aser pero hindi puwede. Galit pa rin siya sa akin. Tsk!
May nakita akong pamilya na naglalaro kasama ang mga paslit nila.
Gan’yan din ba kami ni Aser? Gan’yan din kaya kami kasaya? Magiging kami ba?
All the questions were left behind without some answer.
I dont think so... na gan’yan kami.
Kahihinayang lang na kapag kami madaming susugod sa amin. And I don’t think na magiging kami. Putang inang sadlayp.
Isang linggo na walang katuwaan. Hays. Atleast nakapagpahinga siya. Mapride talaga siya. Tsk.
May nakita akong mga bata na nagdadala ng mga guitara at umupo sa may buhangin at sinimulan na nila ang pagtugtog.
I'll be ‘yung kanta.
Pinakinggan ko lang sila at tagos puso itong tumatak sa puso ko. Minsan ko nalang nakikita ang mga bata na nag gui-guitara kasi lahat ata babad sa selpon.
Seeing them makes me smile. Na hindi pa huli ang lahat na manarasan ang naranasan namin no’n. Although deadly ang past ko.
Paglalaki ang anak ko sisiguraduhin kong matutunan niya ang lahat na natutunan ko.
Kailan ko kaya sasabihin kay Aser ang totoo? Just... not this time.
Bumalik na ako sa bahay pagkatapos kong magpahangin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nauna ng bumukas.
After a week nakita ko na siya! Panget pa rin pero shet maganda siya sa tingin ko.
"B-Baby," nauutal kong wika. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tabi," malamig niyang saad habang ang mga mata ay parang agila na nakatutok sa akin na para bang handa niya akong atakihin. Agad akong tumabi at nakita ko siyang naglakad papalayo sa akin.
"B-Baby? Saan ka p-pupunta?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at naglakad lang siya ng walang lingon-lingon sa akin. Agad-agad naman akong pumasok at tiningnan ang hapag kainan, malinis ang nasa lamesa, mukhang hinugasan niya ang plato.
Agad akong lumabas at sinundan siya. Pa’no na! May nagmamasid nga sa amin! She's in great danger. Bullshit.
Agad kong nilibot ang paningin ko pero wala akong mahagilap ni anino niya. Kaya agad akong nagtatanong sa mga tindera sa gilid.
"Nang? May nakita ba kayong babaeng ubod ng kapangitan?" tanong ko. Hindi ko siya nilalait. Wala lang akong mailarawan sa kaniya. Hindi naman siya maganda.
"Hijo, wala akong nakita. Puro naman kasi magaganda ang narito," paliwanag niya. Tumango nalang ako at nagpasalamat sa walang kuwenta niyang sagot. Tsk.
Kahit saan ako nagtatanong hanggang sa napunta ako sa pinakadulo. Madaming tao na nagtitinda ng sampalok. Agad naman akong pumunta roon at kumuha ng mga nahuhulog na sampalok. Nang napatingin ako sa isang babae na papaakyat sa puno.
Shit! Si Aser. Agad kong binitawan ang sampalok at tumakbo paroon niya.
"Whoa there, baby! Get down!" sigaw ko sa kaniya. Holy shit.
Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.
"For Pete's sake, baby. BUNTIS KA!" sigaw ko especially sa huling salitang binitawan ko.
Agad akong lumapit sa kaniya at minumwestra ang kamay ko na sasaluhin siya.
"Get down, baby," wika ko na may halong pagpapanic. Shet, I think she's craving. This is bull! Why not asked me!
Nakita ko ang irita sa mukha ni Aser nang napagtanto niyang hindi siya puwedeng umakyat dahil nga buntis siya.
Bumaba siya kaya agad ko siyang nilapitan. Pinagpagan niya ang kaniyang sarili at tumingala sa puno. Lumunok siya at parang naglalaway.
Agad kong hinubad ang damit ko upang pahiran siya pero winakli niya lang iyon at agad nag walk-out.
Napatulala nalang ako.
Guess. I need to climb this fucking tree. For the sake of my craving, baby girl.
Asereath's POV
Bumalik ako sa bahay pagkatapos kong tinalikuran si Elzid. Gustuhin ko man sanang akyatin kaso buntis ako at may nararamdaman akong nagmamasid sa akin.
Nagsimula ito nang baliin ko ang leeg nong babae. As far as I know, gano’n pa rin ang leeg no’g babae. Poor her.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang tukador. Tumayo ako nang may nakita akong mga baraha. Kinuha ko ‘yon at pumunta sa balcony.
Makapag-try nga. Medyo hindi na kasi ako nakapaggamit nito. I’m chained with my chains.
Kaya ako lumabas dahil gusto kong itry ito sa lalaking kanina pa nakamasid sa akin.
Kinuha ko ang joker at pinaikot-ikot sa kamay ko. Isang pitik ko lang nito, hiwa agad balat niyo. Pinakiramdaman ko muna ang presensiya no’ng lalaki. Inilagay ko ang dalawang siko ko sa railings at tinitingnan ang mga tao sa dagat para hindi halata. Tinitingnan ko lamang siya sa peripheral vision ko. Akmang ititira ko na sana nang bumukas ang pinto.
Nakita ko ang hingal na hingal na Zid.
"Ginagawa mo rito?" tanong ko habang iniikot ang dalawa kong daliri kong saan nakaipit ang baraha.
"I got you this," saad niya at itinaas ang supot.
SAMPALOK! Kanina pa ako nagke-crave niya’n.
Dahil wala akong mood para sa kaniya dahil galit pa rin ako. Although maliit nalang. Tss. Ewan ko ba bakit nagseselos ako. What the hell!? Sinabi ko ‘yon?
"Here," wika niya at ipinakita ang supot na punong-puno ng sampalok. Animo’y tinatawag ako nito na kainin siya.
Tiningnan ko lang ang supot at tumingin sa mga mata niya. Ngumiti siya habang inilalahad ang supot.
At dahil ilang araw akong nagke-crave niyan kinuha ko pa rin iyon ng walang pag-aalinlangan kahit na galit pa rin ako sa kaniya. Medyo humupa na rin ng maliit ang tensyonado kong awra.
Kinain ko ‘yon sa harap niya. Nakita ko naman siyang nakangiting aso kaya iniluwa ko ang mga buto ng sampalok at inihampas sa mukha niya!
"Baby, peace na tayo," wika niya at akmang yayakapin ako pero pinatid ko siya.
"Tsk."
"Teka, ano ba ang naging kasalanan ko?" takang tanong niya.
Hindi ko ‘yon sinagot. BAHALA SIYANG ALAMIN ANG KASALANAN NIYA.
"Come on, baby, tell me," wika nito at kumuha ng isang sampalok. Agad ko namang hinampas ang kamay niya kaya napahiyaw siya.
Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin dahil malapit kong nakalimutan ang lalaki na kanina pa nakamasid sa akin… sa amin.
Tumigil muna ako sa pagkain ng sampalok. Kinuha ko ang isa pang joker at inipit sa kaliwang dalawa kong daliri. Pumustora ako.
Tiningnan ko ang lalaki at kitang-kita ko na nanlaki ang mata niya. Nagtataka siguro siya kong paano ko nalaman na ando’n siya. For whoever's sake, he's an assassin. Hindi mararamdaman ng normal na tao ang presensiya ng isang assassin hindi katulad ko na naensayo ko na simula pagkabata ko pa.
"What are you doing?" tanong ni Zid sa akin na nakataas ang kilay.
"Watch me," saad ko at mabilis kong tinarget ang lalaki gamit ang dalawang card.
Kampanteng-kampante ako na matatamaan siya at hindi nga ako nagkakamali. Magaling pa rin ako rito. Nakita ko na nakatusok ng malalim ang dalawang card sa magkabilang pisngi niya.
"What was that?"
"I’m a sharpshooter," wika ko at nagsimula nang kumain ng mga sampalok.
Takang tumingin sa akin si Zid at tumingin sa baba kung nasaan lumabas ang lalaking assassin habang duguan ang mukha.
"D-Did you just?" Turo ni Zid sa akin. Tinaas ko lang ang kilay ko at nagsalita na.
"I wanna go home."
Tiningnan ko siya sa mata. Ayaw ko na rito baka makapatay lang ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Sure. If that's what my baby wants."