Chapter 21
Asereath's POV
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki na natutulog habang ang kamay ay nasa baywang ko.
Zid.
Tinitigan ko siya sa makakaya ko at im-in-emorise ang mukha niya upang hindi ko malimutan.
WATDAPAK. ANO NA BANG NANGYAYARI SA AKIN. THIS IS BULLSHIT. FUCK. BAKIT HINDI KO ITO MAPIGILAN.
Lumunok ako habang maiging nakatitig pa ein. Mukha na akong isang agila rito.
Shit. I really bet that my eyes were now red. Ito ang tinatago kong sikreto. Kapag may gusto ako or sobrang kilig na ang naidulot, hindi na makakayanan ng Eye-Tech na nasa mata ko dahil sa sobrang init. Kaya nga ‘pag galit ako pumupula ang mata ko dahil hindi na makakayanan ng Eye-Tech.
I closed my eyes for a moment and when I opened it, I saw some eyes staring directly at me.
Lumunok ako at bumangon na.
Tumingin ako sa sahig at sinara ang mga mata ko upang mawala ang nararamdaman ko na kahit ako hindi ko alam.
“Good morning, baby,” he said while stretching his toned body while yawning.
Tumingin ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
“What?” takang tanong nito.
Umiling nalang ako at pinasadahan ng tingin ang paligid.
“Where's Tomi and Zord?” tanong ko sa kaniya habang tinatanggal ko ang braided hair ko.
“Umuwi na sila kahapon, hindi mo lang nakita kasi natutulog kana sa mga bisig ko,” paliwanag niya at ngumisi nang nakakaloko.
Tumayo ako at pumunta sa may bintana. Binuksan ko ‘yon upang sana'y lumanghap nang sariwang hangin. Pero hindi e, mga hangin na madumi ang nalanghap ko. Umirap ako at sinarado na ‘yon.
Walang kwenta.
“Kailan ba ako puwedeng lumabas dito?” tanong ko sa kaniya na abalang-abala sa pag-aayos ng higaan.
“Mamaya na, pagkatapos mong maligo,” wika nito. Tumaas naman ang kilay ko. The heck? Ako maliligo? Ni wala nga akong damit.
“Are you nuts!? Wala akong dalang damit dito,” batid ko habang naka pamewang.
“Binilhan kita kahapon,” wika nito at may ibinigay sa akin na isang brown bag. Lumapit ako sa kaniya at kinuha iyon.
Binuksan ko ‘yon at nakita ang isang dress na black and yellow ang kulay. May nakita naman ako sa ilalim. Holy Fuck! Tumingin ako nang masama sa kanya.
“Just in case,” sabi nito at mabilis na pumunta sa balcony at agad niya itong sinirado. Napailing naman ako. Takot ata.
Naligo na ako at nagbihis na. Isinuot ko ang binigay niyang underwear sa ‘kin at kahit ni isa hindi siya nagkakamali, dahil talagang sakto na sakto ito sa ‘kin. Pa’no niya ba nalaman ang size ko? Tsk tsk tsk. Noon pa ako nagtataka, e.
Lumabas na ako na bihis na bihis dahil gusto ko na talagang umuwi dahil namimiss ko ang mga chuckie ko.
“C'mon,” sabi niya at inalayan ako.
Pinaupo niya muna ako sa higaan at binigyan ng isang bowl ng utan.
“Andami mo nang sugat!” singhap nito habang tinitingnan ang sugat ko sa leeg na nakuha ko sa kumidnap sa akin noon at sa balikat ko na may tama ng baril.
“Malayo naman ito sa bituka,” saad ko, mukha na akong baboy dito dahil ang dumi na ng mukha ko. Agad ko namang pinunasan ‘yon dahil baka maramdaman ni Zid ang mask ko.
“Do you want to go shopping?” tanong niya sa akin habang mataman akong tinitingnan.
Tumingin naman ako sa kaniya at nag-isip.
“Nah, I want to see your guns, you promised me,” paliwanag ko nito at nakita ko naman siyang nag buntong-hininga.
“Sure, baby.”
“Teach me how to use it!” Nagagalak kong sabi kahit na alam ko naman paano gumamit. Minsan nga lang dahil kadena ginagamit ko na may punyal.
“If you can, baby,” ngisi niya sa akin.
“I’m a fast learner, honey,” may halong inis na saad ko. Nakita ko naman siyang lumunok.
“You're really into guns,” aniya habang nakangisi.
“That's Aser for you,” sabi ko at kumindat.
“That's really my baby,” wika niya at ipinatong ang kamay sa balikat ko habang dala niya sa isang kamay ang mga gamit namin dito.
Pinaandar na niya ang sasakyan patungo sa kompanya niya. Narating na namin ‘yon nang walang patayan. Lol.
Pagpasok namin agad kaming binati ng mga empleyado niya.
“Good morning, Sir, Ma'am,” bati ng isang plastic na employee.
Tiningnan lang siya ni Zid kaya tiningnan ko rin. Hindi ako bumati dahil hindi naman ako gano’n simula palang. Wala akong paki kong nasa isip nila ay, “Pabida ito! Mukha ba namang maganda”.
Nakita ko naman ulit ang sekretarya niya na takbo papunta sa amin.
“Sir, may naghi-hintay po sa inyo sa guest room,” hingal na hingal na sabi nito.
“You should've just called me,” matigas na wika ni Zid.
“Tinawagan ko po kayo, Sir, pero mukha pong naka-off ang phone niyo.”
“Gano’n ba?” Umalis na ako sa kanila at tumingin sa naka display na Double Barrel na lumang style na.
Ilang segundo ang lumipas naramdaman kong may kamay na humaplos sa bewang ko.
“Mukhang magiging mamaya na naman ang pagtingin-tingin natin sa mga baril ko. May bigating guest kasi,” saad nito. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at nagtungo na sa guest room niya.
Parating palang kami doon. Ramdam ko ang panginginig ni Zid. Nagtaka naman ako.
“Okay ka lang? Bakit nanginginig ka?” takang tanong ko.
“Bigatin kasi ang guest at once in a lifetime lang ako may bisitang gan’to. Nasa isang sikat na pamilya siya,” paliwanag niya at pinahiran ang noo niyang may pawis. Ngumiti ako dahil mukha siyang bata na pinapagalitan ng kanyang ina.
Pagpasok namin ramdam na ramdam ko ang matinding awra na nakapalibot at ito ay pamilyar na awra. Sa ‘di kalayuan nakita ko ang silhoutte ng isang lalaki. Makisig at teka… lumingon ito sa amin kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Welcome, Mr. Romano,” bati ni Zid pero natigilan ako. What the hell. Si Kuya. Tsk! Ano naman ang balak niya.
Tumango lang siya habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Nakita kong tumingin siya sa akin at ngumisi. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
Ano na naman kaya ang mission ng nito.
Acereath's POV
Nandito ako ngayon sa kompanya ng asawa ng kapatid ko dahil sa ermats ko.
Pinapabisita lang niya ako upang tingnan kung lumaki na ba ng parang isang buong pakwan ang tiyan ni Aser. Tang ina. Kaya heto ako ngayon nagpapanggap.
“Zoroa,” wika ko at tumingin kay Aser na ang sama pa rin ng tingin sa akin.
“Ano po ang maililingkod ko sa inyo, Mr. Romano?” Wow. Ang galang niya naman sa akin. Siguro nga dahil makapangyarihan ang pamilya namin.
“He wants some guns, Zid,” sabat ni Aser sa sobrang malamig na tono.
“It's obvious, baby, para sa mga baril naman talaga ang kompanyang ito,” wika nito kaya nanlaki ang mata ko.
Did he just fucking call my sister baby? Wow just wow! Hindi naman siya umangal. Pero kapag ako tinatawag siyang gan’yan o prinsesa. Mukhang may hindi talaga ako nalalaman sa mga binabalita ni Tomi sa amin. Well, bff niya iyon kaya hindi lahat sasabihin niya.
“Bravo, young lady,” salita ko at pumalakpak. Lalo namang sumama ang tingin niya sa akin.
“So, what kind of guns you want, Mr?” tanong ni Zoroa sa akin.
Hindi ko naman alam anong klaseng baril ba ang meron siya kaya nag-iisip ako ng maigi ng nagsalita ang magaling kong kapatid.
“Dessert Eagle Gold,” wika nito na nakatingin sa akin. Tsk! Mukhang pinaparating niya sa akin na gusto niya no'n. Paghindi ko iyan bibilhin mag-aalburuto iyan.
Lumunok nalang ako.
“D. E Gold then,” salita ko at tumango naman si Zoroa.
“Ilan ang gusto mo, Mr?”
“Just one.”
“Okay then. That would be 500 thousand pesos,” nawindang naman ako sa mahal. Wow ang dollar naman dito. E, ‘yong mga baril naming, e, hanggang 15k lang. Ito 500 talaga. Baback-out na sana ako ng tumingin ako kay Aser, masamang-masama na talaga.
“Okay.”
Nakita kong tumayo si Zoroa at kumuha ng isang papel. A contract. Agad ko naman ‘yong sinagutan at ibinigay ulit sa kaniya.
“This Saturday, we will deliver it,” ani nito at pumunta kay Aser. Nakita ko namang tumango si Aser at agad na lumabas si Zoroa sa pinto.
Kaming dalawa nalang ni Aser ang nandito.
Tumayo siya habang naka crossed arms.
“Ano'ng ginagawa mo rito, Kuya?” Malamig niyang tanong.
“Utos ito ni mama kaya wag kang magalit.”
“Utos nga ba?”
“Yeah.”
Tiningnan niya ako nang maigi. Kinikilatis kong nag sasabi ba ako nang totoo o hindi.
“Tsk. Yong baril na binili mo sa ‘kin na iyon, ha,” paliwanag niya at umupo na. Bigla namang pumasok si Zoroa.
“Thank you for buying here Mr. Romano,” sabi niya at nakipagshakehands sa akin. Hindi ko naman ugali mag shake hands pabalik pero masama na naman ang tingin ni Aser. Kaya tinanggap ko ‘yon nang walang pag-aalinlangan.
Marami pang sinasabi sa akin si Zoroa at tango lamang ang sagot ko. Tumingin ako kay Aser at nagsalita siya ng walang boses ang lumalabas.
Layas ang makikita kong galaw ng bibig niya. Hindi na ako nag-dalawang isip pa na lumayas agad.
Agad ko namang tinawagan si ermats.
Helloooooo
Napa-tsked ako.
Ma! Walang problema sa kanya! Umbok na umbok na!
Saad ko kahit na hindi pa naman gano’n ka umbok.
Ohhhh! Gusto ko nang manganak siyaaaa!
Nagbuntong-hininga naman ako. Agad akong pumasok sa BMW ko na pangdalawahan lang ang pwedeng sumakay.
E, ‘di paanakin mo agad.
Wika ko at inis na nagmaneho.
Kasalanan mo kasi ‘yan. Tagal mo kasing mag-asawa. Tatanda kang walang anak. Tse.
At binabaan niya ako. Wow! Heh! E, hinihintay ko kasi ang pagkakataon.
Binaba ko na ang phone ko at tumingin sa daan at biglang kong itinigil ang sasakyan ko dahil may babaeng mabilis na tumakbo, ‘yung parang pang NARUTO.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at nakita ko ang isang babae na naka itim na panlalaki na damit.
“HEY!” sigaw ko.
“SORRY BRAH!” wika nito at sumaludo sa akin. What the actual fuck?