Chapter 20

Elzid's POV

“ZIDDD!!” Rinig kong sigaw ni Aser bago kami nagkahiwalay.

PAK DIZ SHIT! KASALANAN KO ‘TO. KUNG HINDI KO SANA SIYA DINALA RITO. YARI NA AKO SA KONSENSIYA KO. PUTANG INA!

Nakalabas ako sa loob dahil sa mga tao. Makikita ko rin sa labas na nagpapatayan ang lahat kaya nakisali ako sa kanila.

Linuwagan ko ang tie ko at lumapit sa lalaki na sa tingin ko ay miyembro ng Incubus Eye. Tinapik ko ang balikat niya kaya lumingon siya sa ‘kin. Agad kong sinuntok ang mukha niya at pinatiran ang hari niya.

Lumapit ako sa isang lalaki at Incubus Eye pa rin. Nando’n siya sa tapat ng pinto kaya napag-isipan kong pasukin ‘yon. Kinalaban ko siya gamit lamang ang mga kamay ko. Ayaw kong pumatay kong sa’n nandito si Aser.

“ZOROA!” saad nito. Aba, mukhang kilala niya ako.

Hindi ako nagsalita subalit pinatid ko ang ulo niya upang humandusay siya sa lupa. Tumalon ako at tinusok ko ang siko ko sa tiyan niya kaya dumura siya ng dugo.

Tumakbo ako upang makapasok sa pinto pero puta! nagkastampede ang mga tao kaya nasa labas pa rin ang gawi ko.

“ASERRR!” sigaw ko ulit na nagbabasakali marinig niya.

Argh. Fuck!

Narinig ko ang putok ng isang baril sa loob kaya nag panic ako.

Argh. Shit. Pumunta pa rin ako sa pinto pero hinarangan ako ng dalawang taga Succubus Eye.

“Sumama ka sa amin, Zoroa!” batid nito pero hindi ko siya pinansin. Wala akong oras para pansinin siya.

“Kung ayaw mong mamatay!” sabi noong isa. Dahil naiinis na ako, sinuntok ko silang dalawa sa kanilang bagang. Napadura silang dalawa ng dugo. Mukhang nakain nila ang dila nila.

“Bullshit!” They both said in unison.

Agad silang lumapit sa akin at pinaulanan ako ng suntok pero agad naman akong nakaiwas. Dahil sa kilala sila bilang madaya. Nandaya sila. Inilabas nila ang kutsilyo at akmang isasaksak sa akin nang pinagkasalungat ko ‘yon. Sila ang nasaksak. Habang nasaksak silang dalawa dumaan ako sa mukha nilang magagaspang.

Papalapit na ako sa pinto nang biglang may humatak sa akin palayo ro’n.

“PUTANG INA MO!” Sabi ko sa mukha ng humatak sa ‘kin.

“Bawal ka ro’n, Zoroa” Ngumisi ang putang inang ito kaya sinuntok ko siya sa mukha. Hinawakan ko siya sa kuwelyo at akmang susuntukin nang may nakita akong bulto ng babae.

Aser ♥

Agad kong binitawan sa kuwelyo ang lalaki at malakas ko siyang itinulak kaya napahiga ito sa lupa at naumbok ang ulo nito sa sahig kaya nahimatay ito.

Nakita kong pula ang mata ni Aser at hawak-hawak ang balikat niyang... DUGUAN! PAKENG SHIT!

Palinga-linga siya animo'y hinahanap ako. Mabilis naman akong pumunta sa kaniya nang may lalaking humarang sa kaniya at akmang sasaksakin siya ng bigla niya itong pinatid sa ari. Aw! Sakit noon. Nakita kong pinatiran niya ang leeg nito ng malakas. Shit! Masakit ‘yon.

Walang pagdadalawang-isip lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

“El… zid,” sabi niya at bumagsak sa mga bisig ko.

Hinaplos ko ang buhok niya at kinarga ng pang bagong kasal at dumaan ako sa liblib na lugar papunta sa kotse ko. Agad kong pinaharurot ‘yon papunta sa malapit na ospital. Mabilis pa sa kidlat ang pagmamaneho ko.

Habang nag-mamaneho ako tinawagan ko si Zord.

“Yo!” Wika nito.

“Zord i-track mo ako at sundan mo dali!”

“Bakit may nangyari ba?”

“May sugat ng baril si Aser!”

“Pa'no?” Tanong nito at dahil naiinis na ako sumigaw ako.

“MAMAYA KO NA IPALIWANAG! BASTA I-TRACK MO AKO AT SUNDAN MO!”

“Oo, teka kasama ko bestfriend niya.”

“E, ‘DI DALHIN MO DIN!” wika ko at binabaan ko na siya.

Nandito na ako ngayon sa pinakamalapit na ospital at agad naman nilang isinasikaso si Aser dahil mukha akong bata dito na nagta-trantums.

Agad siyang dinala sa isang room na hindi ko alam dahil hindi naman ako doktor.

Pabalik-balik ako sa paglalakad nang biglang dumating sina Zord at si Tomi.

“WHAT HAPPENED!!” Asik ni Tomi na animo'y papatayin niya ako.

“Oo nga men, ano’ng nangyari?” Kalmadong tanong ni Zord.

Nagbuntong-hininga muna ako at sinabi sa kanila ang lahat-lahat.

“SUCCUBUS EYE AT INCUBUS EYE!!?” Sigaw na naman ni Tomi. Bakit gan’to ‘to maka react? Kilala niya ba ‘to? Sinabi ko lang naman ‘Succubus at Incubus Eye raw ang nagpasumino’

Napahawak ako sa mukha ko kung saan ako sinuntok ni Tomi.

“Kapag may mangyaring masama sa kaniya at sa bata... lagot ka talaga sa akin ZOROAAA!” Iritang sabi ni Tomi sa ‘kin. Hindi na nga ako mapakali dahil nag-alala na ako sa kundisiyon ng mag-ina ko.

Biglang nagpakita ang doktor sa ‘min.

“Sino ang asawa niya?” Tanong nito at agad naman akong lumapit kahit na hindi pa naman niya ako asawa.

“Sir, okay naman po siya. Natanggal na po namin ang bala and the baby is safe. Malayo po sa bituka ang sugat,” paliwanag nito sa akin at may pahabol pa siya, “Puwede na siyang umalis bukas,” tuloy nito. Agad namang sumabat si Tomi.

“Anong bala ba?” Taas kilay'ng tanong nito.

“Caliber,” sagot agad ng doktor.

“Ahh. ‘Yun naman pala, no worries,” sabi nito na animo'y walang masamang nangyari. Napakunot naman ang noo ko. Anong klaseng kaibigan ba ‘tong babae na ‘to.

Sinabihan kami ng doktor sa kwarto ni Aser kung saan siya inilipat. Pagpasok namin nakita kong kumain ito ng kumain.

“Aserrrrr,” sabi ni Tomi at agad kinotongan ito.

Nakita kong sinamaan niya itong ng tingin ng biglang tumingin siya sa akin. She waved her hand na nagpangiti sa akin.

“Sino pala nagsabi sayo na nandito ako?” Tanong ni Aser kay Tomi na namumula ang mukha.

“I–I'm with, Zord,” wika nito.

“Ohh, so, you are seeing each other,” sabi ni Aser at agad na sinamaan ng tingin si Zord kaya napaiktad ito.

“Shut up will you!” Hinampas ni Tomi si Aser.

“Hoy! Zord!” Tawag ni Aser kay Zord na halatang kinakabahan.

“Tawag ka, goodluck,” sabi ko at ngumisi na parang sinasabihan siya ng 'maghanda ka'.

“B–Bakit?”

“I gave you, my blessing. Pero…” Tumigil muna ito at sinamaan ng tingin si Zord na para bang may nagawang malaking kasalanan ito, “–once na sinaktan mo siya. Hindi ka na sisikatan pa ng araw,” paliwanag nito. Nakita ko namang lumunok ang gago kaya natawa ako. Nakita ko itong tumango.

Lumapit ako kay Aser at umupo sa tabi niya.

“Are you okay now?” tanong ko habang inilagay ang mga hibla ng buhok nito sa tainga niya.

“Of course,” masayang wika nito. Ngumiti naman ako.

“I’m relieved.”

“Nag-alala ka 'no?” taas kilay'ng tanong niya sa akin.

“Super.”

Nakita kong ngumiti siya.

“I'm sorry at dinala pa kita roon,” wika ko na may halong paghihinayang.

“Tss. Okay lang ‘yon!” sabi niya at tumayo at ini-stretch ang mukha ko para magmukha akong nakangiti.

“Aser,” tawag ni Tomi sa kaniya kaya nawala ang atensiyon ni Aser sa akin.

“Bakit?”

“Halika dito,” sabi nito habang tinatap ang sofa sa gilid nito.

“Anong gagawin mo sa akin?” Takang tanong nito.

“I'll braid you.”

“Sige ba,” masayang saad ni Aser kaya napangiti ako.

Seeing her happy makes my heart melt. Argh. Shit! Malapit na. Malapit na talaga!

“Hoy,” wika ng gago habang kinakalabit ako.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Ang saya mo ata?” tanong nito sa akin.

“Bakit? Hindi ba pwede?” I ask him nonchalantly.

“Mukhang delikado na 'yan,” sabi niya sabay bunggo ng gago sa akin.

“Sinasabi mo?”

“Nahulog ka na 'no?” tanong nitong parang nang-iinis.

“H–Hindi 'no!” depensa ko.

“Oh, e, ba't nauutal ka at may depensa-depensa ka?” Ngising asong tanong sa akin.

“Gago ka ulol.”

“Kilala kita. Hindi ka gan’yan dati, ngayon lang simula noong dumating siya,” saad nito.

“I think you already know the answer,” wika ko at tumingin kay Aser na binibraid ni Tomi.

“Men? Are you s–serious?” tanong ni Zord habang hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Tumingin ako sa kaniya at tumango.

“I don't know why did I,” pahiwatig ko at nagbuntong-hininga. “It's so sudden.”

“Tsk. Tsk. Tsk. Ang tip ko lang sa ‘yo.” Tumingin ito ng maigi sa akin. “Protect her,” pagkasabi niya no’n bigla namang bumalik ang nangyari kanina. Hindi ko siya na protektahan man lang.

“I will,” sagot ko.

I will do everything just to protect her. Even if it will cost my goddamn life.

“Sinabi ko na kasi sa ‘yo noon pa na dapat ka marunong magbraid! Paano na kapag babae ang anak mo!” bulyaw ni Tomi rito habang hinihigpitan ang pagbibraid.

“A-Aray, gusto mo bang baliin ko ‘yang kamay mo? At ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na ayaw ko nang babae na anak because I don’t WANT HER TO SUFFER,” sigaw nito kaya umirap nalang si Tomi.

“Fine!”

“Tsk.”

“E, paano na kapag babae ang anak mo?” Naghihinayang na tanong ni Tomi.

“Then I don't have any choice,” nanlumong wika ni Aser.

“Done!” Masayang wika ni Tomi habang tinitingnan niya ito sa harap.

Tumingin sa akin si Aser at ngumiti.

“How do I look?” Tanong niya sa akin.

“It's perfect, baby,” sagot ko at lumapit sa kaniya habang tinitingnan ang nakabraid niyang buhok. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na na estatwa ang dalawa.

“Bakit?” tanong ko kay Tomi at Zord.

Umiling-iling lang si Zord at nakangiting aso naman si Tomi.

I think alam ko ang nasa-isip nila. Tsk. Those two!