Chapter 18

Elzid's POV

“Do you need something?” I asked her while she's looking at the breathtaking view of the city.

“Jollibee,” she said and quickly looked at me eagerly. “Chicken Joy, Creamy Choco Float and 5 glass of gravy,” saad niya habang dinidilaan ang labi.

Gutom nga.

“Puwede ba ‘yong 5 baso ng gravy?” Tanong ko. Sa tanang buhay ko kasi hindi ko pa na try na pwede pala ibaso ang gravy.

“’Pag gusto mo makukuha mo,” wika niya habang matamang nakatingin sa akin.

I laughed.

“You heard it, Sec,” sabi ko sa telepono na naka-on call sa secretary ko para siya na ang um-order.

Umupo ako sa swivel chair habang tumitingin kay Aser nang bigla siyang tumingin sa akin.

“Madali kang matatarget ng mga snipers dito,” wika niya.

Napataas naman ang kilay ko. Pa'no niya nalaman ang sniper? O dahil sa kakanuod ng action movies?

“Stop daydreaming will you,” sagot ko at tumayo papunta sa gilid niya.

“I'm not,” depensa niya habang may itinuturo na isang building katapat sa building ko. “See that building. Sa highest floor right side, pwede kang targetin. Shoot to kill ng hindi mo nalalaman.”

Mataman akong tumitig sa kaniya. How the hell she knows the details? And yes! Tama siya puwedeng-puwede akong targetin dito. Alam ko ‘yon pero hindi ko nalang itinuon ang pansin doon.

“Sino ba kasi ang nagpatayo nito?” Gigil niyang saad habang umupo sa sofa sa office ko.

“Well… I don't remember,” pagsisinungaling ko baka mapahamak siya.

“Tss.”

“So, what do you think of my kingdom?” masaya kong sabi sa kaniya habang naghihintay sa sagot niya.

“Do I need to answer it?” Nakatitig niyang sabi sa akin. Tumango naman ako. “It's ugly” Parang bomba! ang pagkasabi niya noon sa akin. Ugly? E, dafak ako ang nagpadisenyo nito. Ako ang pumili. Ako!

“Hindi ka naman si Dracula, ‘di ba?” Taas kilay niyang tanong sa akin.

“Hindi. Ang guwapo ko naman para maging isang bampira,” I replied nonchalantly.

“Mahangin,” wika nito at kumuha ng isang magazine na doon ko lang napansin na MAGAZINE BOW pala ‘yon kaya mas mabilis pa sa kidlat kinuha ko na ‘yon.

“What the heck!” Sigaw nito sa akin.

“You can't, baby” wika ko at doon ko lang napagtanto ang sinabi ko. Sinasabihan ko lang naman siya ng baby ng hindi niya naririnig. Mukhang nadulas ako!

Nakita ko namang napakurap siya ng maraming beses at lumunok.

“T-Tss!”

“You like it do you?”

“Like what?” taas noong tanong nito sa akin. I smirked.

“When I call you… baby,” naka smirk pa rin kong sabi at kumindat. Napatawa naman siya. ‘Yong tawang hindi sang-ayon.

“Ilang babae naman kaya ang nasabihan mo ng ganiyan?” Naka smirked niyang tanong sa akin.

“None.” One word is enough.

Ngumiti siya pero halatang peke.

“You're just like the other boys,” matabang niyang sagot.

“No, I'm not, baby.” Nag-isip naman ako kung may natawag na ba ako pero wala talaga dahil minsan sila na ang nagsasabi at tahimik lang ako na nagpapasarap sa kanila.

“Call me by my name,” wika nito at kumuha ng isang magazine na hindi tungkol sa BOW.

“But I want you to call… baby,” saad ko at umupo sa tabi niya. Fak! I'm being corny here. Sa totoo hindi naman ako ganito, sa kaniya lang. Totoo ba? Totoong-totoo ba na? Nahuhulog ako sa kaniya? Fuck. Ano bang meron dito sa babae na ‘to na ang bilis nagpahulog sa akin. Hindi naman siya kagandahan! Kasuklam-suklam naman ang mukha pero may mabuting ugali. Fuck. It really looks like she's hiding something that I shouldn’t need to know.

“Ewan ko sa iyo, gago.” Irap niya sa akin at umupo sa swivel chair ko.

“Since today. I will call you baby,” sabi ko habang itinaas ang chin nito. Fuck! Gusto ko siyang halikan. Palapit na sana ako sa kaniya nang bigla niyang ipinakita ang kamao niya sa akin.

“Want this? Dipshit.” Bagsik niyang sabi.

“Curse no more,” sabi ko at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong. Tang ina. Iba ang nalasahan ko. Wtf is dat!

“Kadiri ka!” hiyaw nito sa akin.

“Simula ngayon bawal ka na rin magmura. Ayaw kong makita na nagmumura ang anak ko dahil sa kakakinig sayo,” paliwanag ko, habang dalawang kamay ko naman ay nasa mesa.

“Kung ayaw ko?”

“Chuckie no more,” pagkasabi ko noon biglang nandilim ang mukha niya.

“Ina mo naman!”

“One curse is equal to one chuckie,” nakangiti kong sabi sa kaniya kaya napatikom ang bibig niya.

“Tsk!”

Narinig kong nagring ang telepono at agad ko iyong kinuha.

“Sige, give it to me. Kumuha ka na rin ng sayo diya’n. Of course, you can. Sige bilisan mo,” wika ko at inilagay na pabalik ang telepono.

“Who's that?”

“Why? Are you jealous, baby?” wika ko at nakita ko siyang umirap.

“In… your… dreams!” sigaw nito sa akin.

“It's just my secretary. Pinapadala ko lang ang Jollibee, ‘di ba gutom ka na?” Nakita kong nag-iba ang mukha niya. Basta pagkain mawawala ang galit.

“Gutom na gutom, right, baby?” aniya habang hawak ang umbok niyang tiyan.

“Of course, baby,” sagot ko at tumawa.

“Hindi ikaw, ‘wag assuming,” nakangiwi niyang sabi sa akin.

Asereath's POV

Gagong ‘to. Ewan ko sa kaniya. Gusto ko talagang magalit dahil kanina pa ako wala sa mood dahil sa Sesa na ‘yon. Hayop. Sana tinuluyan ko nalang siyang patayin. Sinundan ko ng tingin si Zid patungo sa pinto at may kinuha siyang pagkain na dala-dala ng kaniyang sekretarya na mabait.

“Here.” Bigay niya sa akin ng dahan-dahan baka matapon ang gravy. Gagawin ko pa naman ‘yong sabaw.

Kinuha ko ‘yon at pumunta sa desk niya.

“What are you doing, baby?” tanong niya na nagpainit sa mukha ko sumobra pa ang mask, init na init na ako.

“Kakain. Obvious naman,” pamimilosopo ko.

“On my desk?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

“May iba pa bang desk dito? Alangan ikaw ang gagawin kong desk,” nakangiwi kong sagot at kumain na kaagad.

“Pwede rin,” sabi niya at umupo sa upuan katabi ng desk niya.

Hindi na ako nagsalita pa at kain lang ng kain. Binuhos ko lahat ng gravy sa kanin at ‘yung chicken joy ay puro gravy na rin. Shet ang sarap! Busog na busog na ako, isa patong creamy choco float na sobrang sarap. Shit, mukhang lalaki pa ‘tong tiyan ko. Ay hindi! Mabubusog si baby. Habang sumisipsip ako tumingin ako kay Zid na nakatingin na pala sa akin.

“You look like a kid,” he stated. Umirap naman ako. “Siguro ganiyan ang magiging anak ko.” Tawa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Mas mabuti nga ‘yon. Lalaki siyang mabait hindi kagaya sa iyo playboy,”pPaliwanag ko, nanlaki naman ang mata niya.

“Ohhh, so, you want a baby boy?” tanong niya na may halong ngiting aso.

“Yes, mas guwapo pa sa ‘yo,” nakangiwi ko namang sabi.

“So, you're sayin' na guwapo ako?” may ngiting tanong niya. Tiningnan ko siya sa mata at sa kaniyang mukha na nagkikislapan. Dahil hindi din naman ako makakapagsinungaling kaya sasabihin ko na ang totoo.

“Yes, ever since, nangagamba nga ako na baka pangit ang tatay at baka pangit ang anak ko,” paliwanag ko habang matamang nakatingin sa kaniya habang umiinom ng creamy choco float.

“Nagsalita,” tawa niya.

“Oh, bakit tumatawa ka?” taas kilay kong tanong.

“Pangit naman talaga ang magiging anak natin,” sagot niya. Fuck did he just say natin? Oh God. Putang ina ano bang nangyayari sa akin, “–magmamana kasi sa ‘yo. Kaya expected na,” pahabol niya.

“Jologs ka,” bulalas ko habang sinamaan ko siya ng tingin. Yung mukhang makakapatay ka.

“Don't worry, baby, mamahalin ko naman kayong dalawa,” sabi niya. Kung alam niya lang ang totoo. Na magiging maganda ang lahi namin. Tsk. But it’s not time to reveal myself. Baka mahimatay pa siya once na makita niya ang mukha ko.

Hindi nalang ako kumibo at tumingin sa gilid when something caught my eye. Tumayo ako at lumapit doon.

Shit! This is mine. Bracelet ko ‘to na nawala nang lumaban ako.

“Where did you get this?” tanong ko habang hinawakan ko ang glass.

“I got it from my… love, my first love.” Pagkasabi niya noon medyo potanginaaaaa! Nasaktan ako.

“Sino?” Tanong ko habang tumitingin pa rin sa glass.

“Actually, I don't know her, but she really caught my attention.” He walked to me his hands on his pockets.

“What's her name?” Tanong ko.

“They call her Blatess,” nanlaki ang mga mata ko sa ibig niyang ipahiwatig. Don't tell me? Sa akin nga ito, “But she's… dead.” Tumingin ako sa kaniya at may nakikita akong sakit sa mga mata niya. Lumunok ako.

“I–I'm sorry”

“Sorry for what?”

“Nothing...” Kahit mayroon. Sorry sa lahat-lahat. Sa mga pagsisinungaling ko sa ‘yo. Na hindi ko sinabi ang totoo. Pero dadating din ang panahon na sasabihin ko ang lahat-lahat.

“Wala ‘yon,” sabi niya habang hinahawi ang mga hibla ng buhok ko.

Nandoon kami sa sitwasyon na iyon ng may kumatok sa pintuan.

“Come in,” wika ni Zid habang ang mga kamay nasa bulsa niya pa rin. Nakita kong pumasok ang sekretarya niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumango naman ako.

“Sir, someone sent you an invitation,” wika nito at ibinigay kay Zid ang isang eleganteng sobre.

“Kanino to galing?” Wika ni Zid habang tinitingnan ang sobre.

“Succubus Eye,” ani ng kaniyang sekretarya na nagpalaki sa mga mata ni Zid at ang dahilan kung bakit tumaas ang kilay ko.

Succubus Eye. That clan is afraid of us Romano's and especially me. Heh. At ngayong wala na ako, diya’n na rin sila magsisimula dahil wala nang eepal pa. Hah!

“Okay.” Tumiim ang bagang niya at lumabas na ang sekretarya niya.

Hinilot niya ang kaniyang sentido at nag-iisip. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na GO ako. Pero ‘wag nalang.

I saw him sighed and look at me.

“We have no choice but to go,” wika niya at ngumisi naman ako. Yes!

I also have a bad feeling about this. Mukhang mayroong magaganap na digmaan.

I need to get ready for this.