Chapter 17

Third Person's POV

Maagang gumising si Elzid para siya na ang maghahanda sa kakainin nila sa agahan nilang dalawa ni Aser. Masayang-masaya siya sa kaniyang ginagawa at dahil sa saya niya hindi nasunog ang kaniyang niluluto.

Narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kaniya.

“Ang aga mo naman atang gumising?” tanong ni Aser kay Elzid at agad siyang umupo sa upuan na may pagkain na.

“Masaya lang ako,” wika ni Elzid na may ngiti sa labi.

“Wow. Congrats, dahil hindi sunog ang mga niluluto mo,” asar ni Aser habang tinitikman ang mga niluto ni Elzid.

“Inspired lang,” tipid na wika nito kaya napatingin si Aser sa kaniya.

“Kanino?”

“Sa babaeng mahal ko,” sagot nito at agad na umupo sa tapat ni Aser. Kumabog naman ang puso ni Aser.

“Dahek. Ano na bang nangyayari sa akin?” tanong ni Aser si isip niya.

“Masarap ba?” tanong ni Elzid kay Aser kaya tumango nalang si Aser dahil medyo nahihiya siya, na sa buong buhay ay ngayon lang.

“Let's go out today.”

“Saan naman tayo pupunta?”

“Let's go to my office. My real office.” Tumango nalang din si Aser.

Ilang oras din silang kumain habang nag-uusap at palagi silang tumatawa.

“Grabe ang sarap,” nasabi ni Aser sa kawalan na nagpangiti ng todo kay Elzid.

“Nga pala Zid. Sorry dahil nasira ko ang kotse mo.”

“It's fine. Naayos ko na din ‘yon,” tugon nito habang kinukuha ang mga plato nila at hinugasan niya ‘yon.

“Maliligo muna ako,” paalam ni Aser sa kaniya.

“Dahan-dahan lang baka madulas ka,” ngiting-cheshire cat ang ginawa ni Elzid. Tumango naman si Aser at pumunta sa kwarto ni Elzid upang maligo.

“Maganda kaya ang katawan niya?” Isip ni Elzid.

“Makatingin nga,” ngiting aso na naman. Pagkatapos niyang magluto at maghain pumunta siya sa kwarto niya at hindi na niya narinig ang ingay sa banyo kapagkuway pumunta siya doon at nakita niyang nagbibihis si Aser. Lumunok siya pero agad ding nanlumo no’ng nakita niya lang ang umbok ni Aser.

“What the fuck are you looking at!?” sigaw ni Aser sa kaniya na nagpalaki sa kaniyang mata dahil wala naman siyang ginawang ingay kaya paano nito nalaman na nandoon siya.

“I–I'm just watching you. Baka madulas ka,” Pang-uto niya pero hindi naman nauto si Aser.

Lumapit si Aser sa kaniya na klarong-klaro ang galit nitong mukha. Itinaas naman niya kaagad ang kaniyang dalawang kamay na akala mo’y sumurender.

“H–Hindi ko ‘yon s–sinadya,” paliwanag niya. Galit pa rin ang tingin ni Aser dito.

Gusto sanang suntukin ni Aser ang mukha nito pero naaawa siya dahil ayaw niya itong mapuruhan at sayang ang pagkagwapo nito kaya iniwan niya lang itong nakataas ang kamay at pumunta sa kusina upang kumain na. Dahan-dahan namang nagtungo doon si Elzid.

Ilang minuto na ang lumipas…

“Pagkatapos mong kumain pupunta na tayo doon,” paliwanag ni Elzid kay Aser.

Tumingin lang si Aser kay Elzid at saka bumalik na sa kaniyang ginawa.

Habang kumakain sila. Walang imik ang dalawa hanggang sa nagsalita si Aser kaya napalunok si Elzid.

“May nakita ka ba?” delikadong tanong ni Aser habang nakatutok ni Elzid na akala mong gustong pumatay.

“W–Wala,” pagsisinungaling ni Elzid.

Tiningnan lang siya ni Aser nang masama kaya na pa amin siya.

“Nakita ko lang ang umbok mong tiyan,” paliwanag ni Elzid upang hindi na lumaki pa.

Tiningnan siya ng mataman ni Aser kaya napalunok siya ulit. Binaba ni Aser ang kaniyang tingin at tumayo na.

“Bilisan mong kumain,” wika nito at pumunta sa balcony upang magpahangin.

Naiwan namang natulala si Elzid at pinahiran niya ang mga butil na pawis na pumapatak sa guwapo niyang mukha.

Bumalik na siya sa kwarto niya at nagbihis ng pangbusiness suit at tinawag niya si Aser upang agad silang makapunta sa kompanya nito dahil medyo traffic na.

Elzid's POV

Okay, so nandito kami ngayon sa highway at sobrang putang inang traffic kaya ‘yun hiniram ni Aser ang phone ko at nagpa-music habang sumisip-sip ng chuckie niya na kinuha ko rin naman agad dahil bawal nga sa baby.

Sana hindi ko nalang ginamit ang Baby Rari ko. Tsk. Sayang ang guwapo nito dito sa Pilipinas dahil hindi talaga mawawalan ng traffic kaya hindi uunlad ang bansang ‘to.

Ilang putang inang oras din ang lumipas at nandito na kami ngayon sa kompanya ng pamilyang Zoroa na ako ang namamahala. P-in-ark ko ang aking sasakyan at bumaba naman si Aser.

“Come on,” sabi ko at inilahad ang kamay ko. Akala ko babalewalain niya lang pero tinanggap niya ‘yon kaya eto ng HHWW kami. Lol. I know that term because of Zord.

Pagpasok namin napatingin ang lahat kay Aser at sa kamay namin.

“Si Sir Elzid!” sabi nang babae kong empleyado.

“Sino ba 'yang kasama niya?”

“Girlfriend?”

“Mukhang hindi. Mukhang asawa niya… buntis, e.”

“Hala! Pumapatol pala si Sir sa mga pangit?”

“E, mas maganda ako sa kaniya, e!”

Tiningnan ko silang lahat ng masama at ang sinabi ko ang nagpapaguho sa kanilang mundong puno ng malibog. Itinuro ko ang mga tsismosa at sinabihan ng...

“You're fired,” wika ko at nanlaki naman ang kanilang mga mata. Nakita kong napatingin si Aser sa mga babae at tumingin sa akin. I smiled at her and she—she just smirked.

Nakita kong palapit ang secretarya ko.

“Sir, si Sesa po may gustong sabihin sa inyo,” sabi nang secretarya ko at tumingin siya sa gawi ni Aser at nag bow.

“Where is he?” Tanong ko.

“Nasa guest room po. Gusto sana niyang pumasok sa office mo kaso wala siyang appointment dahil biglaan ang pagrating nito,” paliwanag niya habang hingal na hingal.

“Sige.” Tumango ako para hudyat na pwede na siyang umalis.

“Are you making guns?” Biglang tanong ni Aser sa akin kaya tumingin ako sa kaniya.

“Yes,” sagot ko at hinila siya papuntang elevator dahil nasa taas pa ang Guest Room.

“Halata nga. Puro baril ang disenyo dito, e.”

Natawa naman ako. Sinadya ko talagang ipa-disenyo ang kompanyang ito ng mga baril, dahil baril din naman ang pinanggagawa namin.

“What kind of guns were you making?”

“Simple but terrible.”

“Even the bullets?”

“All of it are terrible.”

“Do you also design some?”

“Oo, gusto mong makakita?” tanong ko at nakita ko siyang mabilis na tumango at halatang-halata na excited siya.

Bumukas ang elevator at pumunta kami sa Guest Room.

“Mamaya nalang. May kakausapin pa ako,” paliwanag ko at tumango siya. Pumasok na kami at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo at tinatanaw ang siyudad.

“Sesa,” tawag ko rito.

Nakita kong bumaling ang tingin ni Sesa sa amin at may naramdaman akong kakaibang awra na namumuo dito kaya tiningnan ko ‘yon at nakita ko na kay Aser ‘yon. Bumaling ako sa kaniya.

“Are you okay?” tanong ko pero hindi siya nagsalita at tumingin lang kay Sesa ng masama.

“Young Zoroa, who is that young lady? Bakit ang sama ata ng tingin sa akin?” Natatawang tanong ni Sesa habang tumitingin kay Aser.

“Ah, maybe it’s just becauase she's pregnant,” sagot ko at pinaupo ko silang dalawa, pero nandito sa gilid ko si Aser. Baka ano pang masama ang gustong gawin ni Sesa kay Aser. Masamang damo pa naman siya.

“So? What do you need?”

“I need your latest gun. The black cobra with some high bullets.” Pagkasabi niya tumaas ang kilay ko.

“It's still not out yet, Sesa,” paliwanag ko.

“But I need it fucking now!” Halatang galit na galit ito.

“Pero hindi pa nga sa–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang tumayo kaya tumayo ako at hinarangan si Aser upang proteksyonan.

Asereath's POV

“Pero hindi pa nga sa–” Hindi natapos ni Zid ang kaniyang sinabi dahil tumayo ito kaagad. Tama nga ako wala pa ring kupas ang ugali niya. Maliit pa rin ang pasensiya nito kaya ang sama ng tingin ko dito kanina pa lang.

Humarang si Zid sa akin dahil siguro upang proteksiyonan ako. Or assuming lang ako.

“If you won't give it to me. Then I will take it by force!” wika nito at susuntukin si Zid pero nakailag siya.

Agad na lumayo si Elzid sa akin dahil baka matamaan ako nilang dalawa. Nagpandekwatro akong upo at nanunuod sa kanila.

Sinipa ni Zid si Sesa kaya natumba ito pero agad din tumayo. Sa nakikita ko hindi ibinigay ni Zid ang lahat kung tutuusin nasa 20% lang ang ginamit niya 20 out of 100%.

Dahil madaya si Sesa kahit noon pa, nandaya rin siya ngayon. Kinuha niya ang isang ballpen stand at ibinato papunta sa akin at dahil medyo malayo ako hindi nakuha ni Zid ang binato nito kaya palapit pa rin ng palapit sa akin ang ballpen stand.

Tumayo ako at kinuha ang putang inang iyon at agad na kinuha ang laman no’n. Isa-isa kong tinanggal ang takip nito at agad kong ginawang dart board si Sesa. Inisa-isa ko ‘yon at ang sign pen na may nakakamatay na pen point ay pinuntirya ko sa noo niya at inihagis ang mabigat na ballpen stand papunta sa ari niya.

Nakita kong napanganga si Zid kaya kinindatan ko nalang siya.

“Give him the Final Blow,” masigla kong wika at tumawa naman siya.

Nakita kong pinatiran niya ng malakas si Sesa at napahandusay sa sahig. Hindi pa ‘yon patay, nawalan lang ng malay. Agad akong pumunta sa gilid kong saan nandoon ang mga pagkain at kumuha ng isang saging. Nakita kong may tinawagan si Zid pagkatapos noon lumapit siya sa akin.

“How did you do that?” Tanong nito.

“Sa kakanuod ko ng action movies,” pagsisinungaling ko at d-in-ip ang saging sa nutella na nakuha ko sa gilid.

“Don't do that again. Let me do it. Ayaw kung may mangyaring masama sa ‘yo,” ani nito sa akin at pinaupo ako. Nakita kong may pumasok na mga lalaki at binitbit ang katawan ni Sesa. Nilinisan naman ng isa ang floor at lumabas na.

“Come on, I'll show you my kingdom,” wika ni Zid at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.