Chapter 16
Elzid's POV
Sumakay na kami sa Baby Rari ko at umalis na pauwi sa condo.
“You know what…” panimula ni Aser kaya tumingin ako saglit sa kaniya at tumingin sa daan.
“What?” tanong ko habang tumigil dahil 'Stop Light' pa.
“I think something is going on with both of them,” sabi niya habang pinalobo ang pisngi niya at nakataas ang kilay. Ang cute niyang tingnan kahit panget siya sa totoo.
“I don't know,” I shrugged.
“Liar,” she whispered pero dinig ko.
“I'm not,” depensa ko naman habang pinaliko ang kotse.
“Then why ask Zord, ‘Don't tell me’?” she said and looked intensely into my eyes.
“That was nothing,” sabi ko.
“Bakit ‘yung mga mata niyo ay parang nag-uusap? Do you know something about this?” takang tanong niya. Napabalisa naman ako.
“No,” diretso kong sagot.
“Don't lie, will you.” Naging katakot-takot ang tono ng pananalita niya.
“I’m stating the truth.”
“I know, you know,” saad niya at tiningnan ako ng masama.
“I don't know what you're talking about.”
“Tell me.”
“Aser, don't let me repeat again.”
Kahit na alam ko naman ang totoo. Ayaw ko paring sabihin ‘yon.
“Ano nga?”
“Aser. Stop.”
“Bakit ba ayaw mo sabihin sa akin iyon?” galit niyang sabi.
“Dahil sa amin na ‘yon.”
“Tell me,” sabi niya at medyo papalapit na ito sa away.
“It’s none of your business,” medyo galit kong saad dahil naiinis na ako sa kakulitan niya.
Tumingin ako sa kaniya at nagulat nang pumula ang kaniyang dalawang mata. Napatitig ako doon. It's hypnotizing me. Pero agad ding umiwas ng tingin si Aser.
“Fine!” sigaw niya sa mukha ko. Napatulala ako sa kawalan.
Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa marating namin ang condo ko. In-nunlock niya ang seatbelt niya pero ayaw matanggal no’n. Pinanood ko siya at halatang inis na inis na.
“Ako na,” sabi ko at akmang i-unlock ‘yon nang bigla niyang tinampal nang malakas ang kamay ko.
“Alis!”
Hindi ko na siya nilabanan pa dahil may namumuong delikadong awra sa kaniya.
“Damn this!”
Palapit na sana ako sa kanya ng bigla niyang hinablot ang seatbelt at natanggal iyon sa upuan.
What the fuck?
Lumabas na siya at padabog na sinara ang pinto.
At napagtanto ko na nasira ang Baby Rari ko.
“Not my baby. Fuck!” wika ko at lumabas na. Nakita kong nasira ang pinto sa shotgun seat at kitang-kita ko ang kamay niya doon.
How the heck did she do that?
Napahilamos nalang ako sa mukha at sinabunutan ang sarili ko.
Lesson Learned: Don't make her angry.
Pumunta na ako sa loob at nadatnan kong umiinom siya ng chuckie niya. Nanunuod lamang siya ng isang movie. Hinayaan ko muna siya uminom para lumamig ang ulo niya.
“Aser look. I'm sor—” ‘Di ko natapos ang sasabihin ko dahil binato niya ako ng iniinom niyang chuckie.
Tumayo siya at pumunta sa balcony. Nagpanic naman ako ng isinirado niya ang balcony. Fuck. Dahil lang sa hindi ko sinabi magpapakamatay na siya?
“ASER! OPEN THIS GODDAMN DOOR,” bulyaw ko pero hindi ko siya nakita. Nanlaki naman ang mata ko. Dahil nahihirapan akong hanapin ang susi sa balcony kaya binasag ko nalang ang pinto na gawa sa glass at nasugatan ako.
Inilinga ko ang aking paningin at nakita ko rin siya.
“What the heck did you do to the poor fucking door?” tanong niya habang nakapamewang.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Nakita ko naman na nanlaki ang mata niya bago ko siya niyakap. Nagpumiglas siya pero sa kalaunay tumigil din.
“Don't do that again,” malumanay kong sabi.
“Ang alin?”
“Ang magpapakamatay.”
“What the? Bakit naman ako magpapakamatay?”
“Dahil hindi ko sinabi sayo ang gusto mong marinig,” paliwanag ko habang yakap pa rin siya.
“Gago. Ang babaw naman noon.”
“E, anong ginagawa mo rito?” sabi ko at binitawan siya at tumingin sa mga mata niyang nakikislapan sa liwanag ng buwan.
“Iniisip ko na may gusto si Zord kay Tomi. Kaya nga pinilit kita na sabihin ‘yon dahil ayaw ko nang makita pang umiiyak si Tomi kahit na malakas ang babaeng ‘yon,” mahabang paliwanag niya sa akin.
Ahh. So, nag-alala lang pala siya sa kalagayan ng kaibigan niya.
“Don't worry alam kong hindi siya sasaktan ni Zord.”
“Dapat lang. Dahil kapag sinaktan niya si Tomi, hinding-hindi niya na makikita ang araw pa,” sabi niya at pinakita ang kamao niya.
Tumawa lang ako at niyaya siya sa loob.
Mabuti naman at bumalik na siya sa dati niyang ugali. Aaminin ko natatakot ako, medyo nga lang.
Pinaupo ko siya sa sofa. At umupo ako sa tapat niya. Ewan ko ba pero may gusto talaga akong itanong sa kanya.
“Aser?”
“Hmm?”
“Ilang anak ba ang gusto mo?” biglaan kong tanong ko sa kaniya, bigla naman siyang napatingin sa akin.
Ilang segundo rin ‘yon bago siya sumagot at ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang putang inang ‘yon.
“Depende sa iyo,” sagot niya at agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Napanganga naman ako.
“W–What?” Kahit na narinig ko gusto kong uliton niya ‘yon.
“Joke lang. Gusto ko anim.” Nanlumo naman ako dahil iniba niya ang sagot niya kanina. “Hmm… pero depende nga sayo,” puna niya na nagpangiti sa akin. Damn.
“Tss,” sabi ko nalang at inis na binalewala ang naramdaman ko sa loob ko.
“Bakit mo naman natanong?” tanong niya habang tumingin sa akin.
“Wala lang.” Kahit na meron akong dahilan kung bakit ko ‘yon natanong. Dahil ang sagot ko sana ay ‘Dahil gusto kong mangyari iyon’.
Nagtanong na naman ako uli. “Anong gender naman ang gusto mo?” Hinihintay ko ang sagot niya.
“Madaming lalaki at isang babae,” sagot niya habang ngumingiti.
“Bakit ang dami ng lalaki at bakit isa ang babae?”
“Upang may mag po-protekta sa kaniya at may kikilatis sa magiging nobyo niya,” natatawa niyang sabi.
“Ang suwerte naman ng magiging anak mo.”
“Oo, pero may dadating din na bagyo at kailangan nilang harapin ‘yon,” malungkot niyang wika.
“What do you mean?”
“Wala 'yon,” aniya na nagpataka sa akin.
Bumalik na ako sa reyalidad ulit.
“Anong gusto mo sa isang lalaki?” Tanong ko na hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon.
Napahinto siya sa kaniyang pinanuod at tumingin sa akin ng walang kurap-kurap.
“Who… loves me and… accepts the real me,” sagot niya pero sa tono nito may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya kaya.
“May naging kasintahan ka ba noon?” tanong ko at nagdadasal sa diyos na sasagutin niyang ‘wala’.
“Never.”
Gusto ko sanang tumalon pero nakakahiya. WHAT? WATDAFAK. BAKIT GUSTO KO ANG SINABI NIYA? NAHIHIBANG KA NA ELZID BRINTH ZOROA! HINDI KA DAPAT MAHULOG SA PANGET NA ‘YAN.
Wait! Did I just say mahulog?
Napatangin ako sa kaniya habang siya ay nanunuod uli sa TV.
HINDI MAAARI. No. This can't be. Hindi ako pwedeng mahulog sa panget na ‘yan. Pero, bakit wala na akong paki kung pangit siya? Ahh! Nababaliw kana Elzid. Tandaan hindi ka dapat mahuhulog sa kaniya dahil responsibilidad mo lamang ang bata na nasa sinapupunan niya!
“Nagugutom ako.” Narinig kong sabi niya at nagtungo sa kusina.
“FUCKING BULLSHIT!” sigaw ko at sinabunutan ang sarili. Ilang oras din akong napatulala dahil sa kaniya. Bumalik siya rito at binigyan ako ng niluto niyang manok.
Kinain ko ‘yon baka nagugutom lang ako. Pero tang ina! Ngumiti siya sa akin na naramdaman ko naman ang—ewan ko kung anong tawag nito.
“Matutulog na ako,” sabi niya pagkatapos niyang hinugasan ang pinggan kaya tumango nalang ako.
Ilang oras rin akong narito sa may sala at nalilito sa nararamdaman ko. Napagpasyahan ko nalang na matulog. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, isang kamay niya nasa kama at ang isa ay hawak ang tiyan niya na animoy pinoprotektahan ito.
Humiga ako roon at pinagmasdan ang mukha niya. Maamo ito at ang gandang tingnan. Kahit na pangit siya pero sa paningin ko maganda siya. Ilang minuto ko siyang tinitigan at hindi maalis sa mukha ko ang ngisi. Sa pagkakataong ito napahulog ang loob ko sa isang pangit pero hindi ko pa rin makumpirma kung totoo ba itong nararamdaman ko sa kaniya.
Iniligay ko ang mga hibla ng kaniyang buhok sa tainga niya dahil natatakpan nito ang mukha niya. Itinaas ko ang kumot para hindi siya ginawin. Nakita kong sumulyap ang buwan na nagpatingkad sa kagandahan niya.
Pero nang may naalala ako bigla akong nalungkot.
“Pag-inibig kita, ang buhay mo ay delikado na,” malungkot kong wika sa isip ko. Gusto ko nang patayin lahat ng gustong pumatay sa akin upang magkaroon ako ng matiwasay na buhay kasama siya at ang mga anak namin.
“Kahit na delikado ka sa akin. Handang-handa naman akong ibuwis ang buhay para sa ‘yo,” isip-isip kong sabi at hinawakan ang pisngi niya.
Ilang sandali lang ay nagsalita ako dahil alam kong hindi niya iyon maririnig.
“Baby, I can't fight this fucking feeling anymore,” wika ko, at sa kauna-unahang tawag ko sa kaniya ng baby. Pagkatapos noon ay hinalikan ko ang tungki ng kaniyang ilong at natulog na.
Third Person's POV
Sa hindi alam ni Elzid, gising pala ang diwa ni Aser. Binuksan ni Aser ang kaniyang mga mata at nakita si Elzid na nakatalikod sa kaniya.
“Ilang oras din akong nakahiga dito at inaalam ang totoo kung nararamdaman para sa iyo. At sa pagkakataong ito. Pareho tayong nalilito. Pero handa naman akong magbuwis buhay para sa ‘yo. At handang-handa kong hihintayin na sabihin mo na mahal mo ako sa tamang panahon,” saad ni Aser sa kaniyang isip habang tinitingnan ng maigi si Elzid.
Pero ang hindi alam ni Aser. Gising pala si Elzid at nakita nito ang repleksyon niya na ngumiti sa isang salaming litrato ni Elzid sa may lamesa, at ‘yon ang dahilan kung bakit naiihi si Elzid. “Puta! Mukhang narinig niya. Wala nang bawian pa ito!”