Chapter 15
Elzid's POV
Isang linggo na ang lumipas noong nangyari ang oplan kidnap kay Aser. Palagi akong nasa tabi niya, kapag may pupuntahan ako dinadala ko siya para naman hindi siya mabo-bored palagi sa condo at ngayon tawa siya ng tawa dahil madaming mga mata ang nanglilisik sa kanya. Nagkakamabutihan nga kami. At sa loob lang ng ilang linggo medyo kilala ko na siya. Sabado ngayon at napagpasyahan kong mag kakape kami. Inimbita ko ang matalik kong kaibigan kasi matagal-tagal na kaming hindi nag-uusap, as well as Aser inimbita niya ang kaniyang kaibigan din.
"Ano? Tara na?" saad niya at nagpatiuna nang lumakad. Sumunod naman ako sa kaniya papunta sa car park kung saan nakaparada ang Baby Rari ko.
I opened the door for her, and she just smiled back. I don't know why... pero kapag ngumingiti siya gumagaan ang pakiramdam ko. Pumunta na ako sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Dahan-dahan lang akong nagmaneho. Hanggang sa narating namin ang God's Coffee.
Imbis na ako ang magbubukas sa pinto niya. Binuksan na niya ‘yon at agad inilibot ang mata niya.
"I bet she's still not here," sabi niya habang pumasok na.
"Good noon. Ma'am, Sir," bati ng security guard na may ngisi sa mukha.
Hindi naman binati ni Aser pabalik kaya ako nalang ang bumati. Nakita ko na umupo sa ‘di kalayuan si Aser at nakaupo sa isang table na pang-apat.
"What's yours?" Tanong ko sa kaniya habang ibinigay ang menu. Dahil siguradong-sigurado ako na male-late sila. Typical Filipino.
"Hades' Latte," aniya at nakita kong lumunok siya.
Napatingin naman ako sa kaniya no’ng may naalala ako na hindi puwedeng uminom ang mga buntis ng kape. Nabasa ko lang sa isang article sa internet.
"Coffee won't do. Just choose some desserts," sabi ko at napatingin naman siya sa akin.
"Dinala mo ba ako rito para sa desserts lang?" Taas kilay niyang tanong. Napabuntong-hininga nalang ako.
"That's not good for the baby," paliwanag ko. Napalick nalang siya sa kaniyang labi, na ang dahilan kung bakit ako lumunok na akala mo may na barang malaking bagay.
"Fine. I'll order this… what is this?" sabi niya at lumapit naman ako.
"You want that?"
"What the fuck is this?" tanong niya at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
ANG LAPIT NG AMING MUKHA. KAYA NAPAATRAS AKO AT SIYA RIN.
"A-Ah, masarap i-iyan," utal-utal kong saad. NAKNGPOTA. Hindi ako ganito. Hindi ako nauutal pero ba’t gano’n?
"Ah… sige 'yan nalang oorderin ko," normal niyang sabi na parang walang nangyari.
Tinaas ko ang kamay ko at may lumapit na babaeng waiter na halatang nagpapa-cute sa akin.
"Yes, Sir?" bungad niya at winagayway ang cleavage niya. Kaya medyo uminit ako.
"One Poseidon's Black Forest and Two Choconyx," saad ko at agad niya itong sinulat. Binilhan ko siya ng isang chocolate drink kasi ilang araw na siyang hindi umiinom ng chuckie kasi pinagsabihan ko na bawal.
"Ang tagal naman," sabi ni Aser at tumitingin sa pintoan. Napatingin naman ang babaeng waiter sa kanya at yumuko.
"I’m sorry, Ma'am," sabi nito ng nakayuko at umalis na.
"Anong nangyari doon?" Takang tanong ni Aser.
"Sabi mo kasi 'Ang tagal naman'," wika ko na nagpatawa sa kaniya.
"I’m not talking about her. I'm talking about those two people who are still not here," natatawa niyang sabi kaya napalingon ang ibang tao sa amin kasama ang nakakunot na noo nila.
Ilang minuto kaming naghintay sa aming hinihintay at pati na rin sa order nang nag-iba ang musika.
"What the fuck?" sabi niya at tumingin sa sound system, nabigla kasi.
Tumawa ako dahil sa reaksiyon niya.
Nakita naming dalawa ang limang magkakaibigang babae.
"BlackPink in your area! BlackPink in your area!" Sigaw nila sabay sayaw pa.
"Tsk! Tsk! Tsk! Teens nowadays. Wala nang hiya sa sarili," rinig kong sabi niya na may kasamang pailing-iling.
"Well, people evolve… backwards," paliwanag ko at tumawa siya dahil sa sinabi ko nang biglang itaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at iwinagayway. Nakita niya pala si Zord palapit.
"Men! Long time no see!" sabi ng gago sabay yakap sa akin kaya sinipa ko siya kaagad. Tumingin naman siya kay Aser. "Hi, Aseeeer, men!" sabi niya at akmang yayakap kay Aser ng pinigilan ko siya.
"Dahek?" Nasabi niya lang at umupo na dahil pinandilatan ko siya ng mata.
Tingin ng tingin sa akin si Zord kaya tinanong ko na siya.
"Anong tinitingin mo diya’n?" Kalmado kong sagot.
"I can't believe na magiging ninong ako," tulala niyang sabi sa akin na nagpapantay sa aking kilay.
"Tss."
"Bakit pala may isa pang upuan dito?" takang tanong ni Zord kaya tumingin ako kay Aser para siya na ang sumagot.
"Dadating ang kaibigan ko," sagot nito kay Zord at tumingin sa pintoan.
"Kaibigang panget?" Tanong niya sa akin na walang boses.
I just shrugged off. Bigla namang dumating ang in-order namin kanina at agad namang nagorder si gago. Ibinigay ko kay Aser ang dessert niya at nilantakan niya agad ‘yon nang biglang may dumating na isang babae na naka shades at maganda ang porma niya.
"You're late," cold na wikang sabi ni Aser dito habang kumakain pa rin. How did she know na may tao?
"Better late than never!" sabi nito at agad na sinuntok sa balikat si Aser ng MALAKAS.
Tumingin si Aser sa babae at nagpout?
"Kumusta ang buntis!?" Masiglang wika nito kay Aser at niyakap siya ng mahigpit.
"Okay naman," masayang sagot nito. Napatulala naman ang babae at hinawakan ang noo.
"Wala ka namang sakit. Nag iba ka... ata?" Takang tanong nito.
"Dahil siguro sa pagbubuntis ko," paliwanag ni Aser.
"Mas mabuti nga ‘yon," natatawang sabi ng babae.
"E-Ehem!" Malakas na pag ubo ni Zord upang makuha niya ang atensiyon ng dalawa. Napatingin naman ang dalawa kay Zord at napakunot naman ang noo ng babae.
Umupo sila at ipinakilala na ni Aser ang babae sa amin.
"Zid… Zord… This is Tomi," pakilala ni Aser sa kaibigan niya sa amin.
"Who's the father here?" delikadong tanong ni Tomi kaya napapitlag ako. Tinaas ko naman ang kamay ko.
"Hmm…" Tinignan niya ako. "Mukhang gwapo ang inaanak ko," nakangisi niyang sabi kaya napairap nalang si Aser.
Tumingin siya kay Zord at…
"You look kinda familiar," sabi ni Tomi habang ang kaniyang hintuturo ay nasa baba niya.
Tumingin naman si Zord sa kaniya at nagkasalubong din ang kilay niya.
"Get the fuck your shades off. Walang araw dito," saad ni Aser at agad naman iyon sinunod ni Tomi. Pagkababa ng shades niya laking gulat ko na nanlaki ang mata ni Zord.
Zord's POV
Nanlaki ang mata ko nang mapagsimuno ko na siya ang babaeng hinahanap ko.
"Y-You," bulalas ko habang nakaturo sa kaniya.
"Hey! It's you! Mr. Carson," wika niya na nagpasigla sa akin.
"You fucking knew each other?" tanong ni Aser sa aming dalawa. Napatango naman kami.
"I met him when I was on my mission," paliwanag niya kay Aser.
"Zord? Don't tell me?" sabi ni Elzid habang nakatutok sa akin at agad akong napatango.
WHAT THE FUCK! Malapit lang pala siya sa akin. Kahit saan ko pa naman siya hinahanap, bestfriend lang pala sila ni Aser.
"Ano pala ang trabaho mo? At bakit ka nandoon?" Tanong ko sa kaniya.
Mukha siyang nabalisa.
"I-I’m an Agent. Yeah... Agent," sagot nito sabay tawa ng mapakla.
Napatango naman ako. Nakita ko namang ngumising parang aso si Elzid.
"Gago. Ulol." Wika ko sa kanya na walang boses ang lumabas.
Tumawa lang din naman ang gago. Agad kong nilawayan ang kamay ko at pinahid sa kilay ko. Sinabunutan ko ang ulo ko para magmukhang messy hair. At pinapula ko ang mga labi ko kahit masakit kagatin.
“I didn’t know you had a friend who’s an Agent,” rinig kong saad ni Elzid kay Aser.
“’Di ba puwedeng magkaroon ng kaibigang Agent ang isang panget?” Binigyan naman ni Aser ang kaibigan kong gago nang isang matulis na tingin.
“Wala naman akong sinabi…” mahinang sagot ng gago.
Tumingin ako pabalik sa magandang nilalang na nasa harapan ko, "Sa ganda mong 'yan nakikipagresbak ka?" sabi ko at ngumiti ng matamis sa kaniya. Ngumiti rin naman siya. Naks!
"Sa guwapo mong 'yan dumudugo ang labi mo," aniya at tumawa. Agad ko namang kinapa ang labi ko at hindi nga siya nagkakamali. Dahil ito sa kakagat ko para pumula. Pupunasan ko sana iyon gamit ang table napkin ng naunahan niya ako.
"Thank you for saving me from the bullets," wika niya at pinunasan ang labi ko. Agad naman akong napatingin kay Elzid at nakita ko siyang pinunasan ang labi at ilong ni Aser dahil may chocolate ito. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi niya nakita ‘yon.
"Im your knight in shining armor, my queen," sabi ko at kumindat sa kaniya.
Nakita ko siyang ngumiwi. Bakit?
"I hate knights you know," ani niya.
Tumawa naman si Aser at Elzid.
"Move on ka na Tomi," wika ni Aser.
Nakita ko naman sinamaan ng tingin ni Tomi si Aser.
"Shut up. Don't mind her," wika niya at ngumiti sa akin.
Ilang oras din kami nandoon at palagi kaming nag uusap, masiyado nga lang maepal ang dalawang kutong-lupang ito na sirain ang moment naming dalawa. 3 oras kaming nandoon sa coffee shop at napagpasyahan naming umuwi pero bago ‘yon hiningi ko ang number niya baka mawala siya.
Sumakay na si Aser na kakatapos lang makipagyakap kay Tomi at agad itong sumakay sa Ferrari ni Elzid. Nakita ko namang papalapit sa akin si Tomi at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI. TANG INA. SARAP.
May sinabi siya pero hindi ko marinig dahil natulala ako sa kaniya. Nakita ko siyang sumampa sa DUCATI niya at bago niya isinuot ang helmet niya ngumiti muna siya sa akin at umalis na.
At dahil doon hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko. Iba ito sa mga nararamdaman ko noon. Medyo malakas ito kesa noon.
Ano ba ang putang inang ito?