Chapter 14

Asereath's POV

2 weeks na kaming nandito sa condo ni Zid and its the last week of summer. It’s also the week na lagi kaming nag aaway for no reason. May policy nga akong p-in-ost sa may kusina na 'You Eat, You wash' dahil kasi ni Zid 'yan. Nagpapahugas ako sa kaniya dahil nga buntis ako at ayaw kung ma stress, e, ‘yung kumag pa kipot kaya na hantung sa isang away. Ngayon medyo piece na kami. Nandito ako ngayon sa sala at nanunuod ng cartoons. Sakto lang at kakatapos ng Phineas and Ferb. Alas Singko na sa hapon kaya pa chill-chill lang ako.

🎶There's 104 days of summer vacation🎶

“What the fuck. Hindi ko 'yan kasalanan, Dad!” Sigaw ni Zid sa telepono niya. Makikita mo sa mukha niya na galit na galit siya. Tumingin nalang ako ulit sa TV at nag-iisip nang biglang napunta sa Shawarma ang iniisip ko.

🎶and school comes along just to end it🎶

“Sinabi ko sa kanila na STICK TO THE PLAN!” Sigaw na naman niya kaya napairap na naman ako at nagiisip na naman ng shawarma.

🎶So the annual problem for our generation🎶

“E, may binabantayan ako dito! Baka ano pang mangyari sa kaniya at sa apo mo!” Galit na sigaw nito na nagpa-touch sa akin. So, he protects us? Ah no! Only this child. Try nga natin. Magpabili nga ako.

🎶Is finding a good way to spend it🎶

“Zid?” Tawag ko sa kanya.

“WHAT!” Sigaw nito sa akin, mukha niya mukhang may kulubot.

“Bili mo 'ko shawarma,” chill kong saad.

“Bumili ka doon!” sagot niya habang tinuturo ang pinto.

“Pero buntis ako,” wika ko.

“Wala akong paki kung buntis ka! Nakikita mo bang namomroblema ako dito! Sasabat ka pa!” Big word galit nag alit nga. ‘Di ko mapigilang magalit sa sinabi niya, mahinahon akong nakiusap ‘tas pagsasalitaan niya ako ng gan’yan, ‘di rin naman ako puwede lumabas kasi nga buntis ako, sobrang init pa naman sa labas.

🎶So stick with us 'cause, Phineas and Ferb are gonna do it all🎶

“Gago ka!” sigaw ko at humayo na. Padabog kong sinara ang pinto. Mabuti nalang at nakuha ko ang pitaka ko na nasa sofa lang kanina kasama na rin ang payong.

“Gagong 'yon! Kakagigil,” sabi ko habang pinipigilan kong sumuntok dahil baka matusok ako sa binigay ni Tomi sa akin noon na 'claws' ang tawag. Nasa gitnang daliri ko lang sinuot. You see, yung sinusuot sa mga daliri at ‘yung point niya nakakamatay. Kulay ginto ang binigay niya. Sinuot ko ito para defense na rin. ‘Di ako pwedeng pumatid.

Habang pababa ako nararamdaman kong may tumitingin sa akin. Palinga-linga ako pero wala akong nakikita pero may nararamdaman talaga ako. Nang nakalabas na ako sa condominium, dumaan ako sa medyo walang tao baka lalaitin lang nila ako nang biglang may tumakip sa aking ilong at dahil doon nabitawan ko ang payong, dahil sa kemikal na nasa panyo napatulog ako habang ang kamay ko ay nasa tiyan ko.

Elzid's POV

I’m not in the mood today because of my Old Man. Ako pa 'yong may kasalanan na hindi na tupad ng mga kupal ang pinagawa ni papa sa akin na pinagawa ko sa kanila. I fucking told them to stick to the plan pero putang ina nagkaaberya and to think na gusto ko silang puntahan but I can't. Last week ito nag-umpisa, may nagmamasid sa akin. And I'm afraid that, if I help them, they will ambush Aser and my child.

And to fucking think that I let Aser go out! And its fucking 9:00 in the evening. She's not back yet! Here I am at the park thinking she's maybe here! Kanina pa ako naghahanap sa kaniya pero hindi ko siya nakita. Kahit pa nga saang shawarma store pa!

Papaalis na sana ako nang may tumawag sa akin. Unknown ang nakalagay. I think it's them. Mga nagmamasid sa akin. Baka nga nasa kanila si Aser. I heave a sigh before I answered the call.

“Hello?” bungad ko at narinig kong tumuwa ng napakalas ang sino man ito.

Zoroa… Zoroa… Zoroa…

Napakunot naman ang mga kilay ko.

“Sino 'to?” Tanong ko kahit alam ko na kung sino ito.

May hinahanap ka ba?

Sabi nito at may narinig akong malakas na ungol. Fuck! Kinuyom ko ang kamao ko.

Zid! Tulungan mo ako!  Ahhhhhh! Arayyyyy! Maawa po kayooo! Buntis akooo!

Boses ni Aser iyon kaya tumaas ang dugo ko.

“Anong kailangan niyo?” sigaw ko. Nakatingin na ngayon ang mga tao sa akin.

Isang milyon. At makakalaya itong pangit na 'to.

Kidnap for ransom? The fuck! Lumang style na 'to.

“Five hundred thousand I offer,” sabi ko habang naghihintay sa sagot niya.

Gawin mong milyon!

Sigaw nito na nagpangisi sa akin. Tama nga ako. Tatanga-tanga 'to.

“Sige. Kalahating milyon,” sabi ko at tumawa siya.

Deal. Dalhin mo ang pera dito! ‘Wag kang magdadala ng alagad!

Sabi nito at in-end call ito. May nag-message at nakita ko na ang caller ‘yon. Akala ko konektado sila sa Mafia pero hindi pala. Easy to kill lang pala. Pumihit na ako gamit ang Baby Rari ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at hindi lumagpas ng limang minuto nandoon na ako. Habang nagdadrive ako, mukha akong lumilipad.

Bumaba ako at tiningnan ang lumang gusali. Kinuha ko ang walang lamang bag sa compartment at naglakad na ako papasok.

Third Person's POV

“Zid! Tulungan mo ako!  Ahhhhhh! Arayyyyy! Maawa po kayooo! Buntis akooo!” hiyaw ni Aser kahit na walang ginagawa ito sa kaniya.

“Anong sinisigaw mo diyaan!” sigaw ng isang pangit sa kaniya. Nagpailingiiling naman siya. She's just acting para matapos na. Hindi naman siya natatakot dahil sa pagkakalkyula niya mukhang mabilis niya itong mapatumba at dahil tinatamad siya kaya sumigaw siya na para bang sinasaktan siya para si Zid nalang ang bahala. Kanina pa natanggal ang lubid na nakalagay sa kamay niya at dahil iyon sa claws na binigay ni Tomi. Pachill-chill lang siya at naghihintay lang kay Zid.

“Bossing andito na siya!” sigaw ng isang alagad ng panget na kidnapper.

“ASER!” sigaw ni Elzid na nagpangisi kay Aser.

“ZID! TULONG!” sigaw niya pabalik.

Humarang ang boss 'kuno' nila sa harap ni Aser at nag face to face sila ni Zid.

“Pera,” sabi nito at nilahad ang kamay nito para kunin ang bagahe na dala-dala ni Elzid.

Binigay naman iyon ni Elzid at noong nakuha na niya ang bagahe napalukot ang mukha niya. Napagtanto niyang wala itong pera.

“ASAN ANG PERA!!” sigaw nito kay Elzid.

“Wala. Mga uto-uto,” sabi ni Elzid at umaksyon na siya.

Nasa upuan lang si Aser habang pinapanuod niyang lumaban si Elzid. Napatulala siya ng sa isang galaw niya tumba agad ito.

Lumapit naman sa kaniya ang boss at nilagay ang kutsilyo sa leeg ni Aser. Balewala lang naman siya.

Madami na ang napatumba ni Elzid pero marami parin ang lapit nang lapit sa kanya. Nang may papalapit na lalaki na dala-dala ang baseball bat at handang-handa na siya'ng hampasin nito pero agad niyang kinuha ang kamay nito at binali, napasigaw naman sa sakit ang lalaki.

May sasaksak sana sa kanya ng kutsilyo nang bigla siyang tumalon, humawak sa ulo nito at pinaikot. Agad namang natumba ang lalaki na namimilipit sa sakit.

May isang papalapit dala ang isang axe na handa siyang chop-chopin, malaking lalaki kaya nagslide siya sa ilalim nito. Tumayo at pinatid ang nagtatagong araw. Napahawak naman ang lalaki. Gusto niya sanang gawin ang moves niya na kayang pumatay kaso ayaw niyang makita ni Aser ‘yon.

Paulit-ulit niya itong ginawa sa tao at minsan hinahampas niya ito sa batok na nagpatulog sa kanila.

Isa nalang ang naiwang nakatayo at ‘yon ay ang boss nila na nakay Aser.

“H-Huwag kang lalapit!” hiyaw nito at diniin ang kutsilyo sa leeg ni Aser. Poker face lang pa rin si Aser.

Lumapit si Elzid sa lalaki pero napatigil nang nakita niyang may dugong lumabas sa leeg ni Aser dahil sa kakadiin sa kutsilyo. Nagalit naman ng sobra si Elzid at kinuyom ang kamao. Tumingin lang si Aser sa mga mata ni Elzid habang nagiisip para mawala ang atensiyon ng lalaki kay Elzid at upang magawang masuntok ni Elzid ang lalaki.

“Itigil mo na ito,” kampanteng sabi niya. Napatingin naman ang lalaki sa kaniya.

“At bakit?”

“Ibibigay ko ang sarili ko sa 'yo. Huwag mo lang siyang sasaktan,” kalmadong sagot niya pero sa kaloob-looban niya gusto na niyang tumawa.

“Hindi ako papatol sa panget!” sabi nito at tumingin pabalik kay Elzid nang bigla siya nitong sinuntok at agad na hinawakan ni Elzid ang kutsilyo at binato sa malayo. Binugbog niya ito sa harap ni Aser at pinatid ang araw ng lalaki, paulit-ulit niyang ginawa ‘yon hanggang hinampas niya ang batok nito na nagpatumba sa lalaki.

Easy to defeat. Elzid wins.

Tumayo na si Aser na nagpatulala kay Elzid.

“’Di ba ginapos ka nila?” Takang tanong nito kay Aser.

“I freed myself. Bago ka pa dumating hindi na ako nakagapos,” paliwanag nito. Tumango nalang si Elzid. Nakita naman ni Elzid na hinawakan ni Aser ang leeg niya.

Agad namang lumapit si Elzid at kinuha ang panyo niya sa bulsa.

“Here. Pahiran mo,” saad nito at ibinigay niya kay Aser. Agad namang pinahiran ni Aser ang sugat na natamo niya.

Napatigil si Aser sa pagpahid ng biglang lumevel si Elzid sa tiyan niya.

“Thank God! You're okay!” Sabi nito at hinalikan ang tiyan niya na nagpakiliti sa kaniya. Tumayo na si Elzid kaya nagpahid ulit siya.

Biglang kinuha ni Elzid ang panyo at nagkusa siyang pahiran iyon. Nang biglang…

HINALIKAN NITO ANG SUGAT SA LEEG NI ASER!

Hindi mawari ni Aser ang ibig sabihin no’n. Kaya medyo nanginig siya dahil unang pagkakataon niyang mahalikan sa leeg.

“I'm sorry,” pahinging tawad ni Elzid kay Aser.

Tumingin si Aser kay Elzid at tumango nalang. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng nararamdaman niya.

Hinawakan ni Elzid ang kamay ni Aser palabas at pabalik sa condo. “Sorry for everything,” he thought at hinigpitan ang pagkahawak niya sa kamay ni Aser na ayaw niya itong mawala ulit.