Chapter 13
Elzid's POV
Pinuntahan ko si Aser sa room ko para gisingin siya dahil napagpasyahan ko na magba-bonding kami. Lol. I'm just bored here, okay? Walang malisya.
Niyugyog ko siya. Tang ina! Tulog mantika.
“Aser! Wake up!” sigaw ko pero umungol lang siya, NA nagpatigas sa akin. Damn it! “Aser! On three! ‘Pag hindi ka gigising hahalikan kita!” Shet. Gusto kong sumuka sa banyo. Ako? Hahalik sa panget. Tang ina magkakamatayan muna. “1!” Sigaw ko. Look I just did that para gumising na siya.
Umungol lang siya. Bwisit na panget.
“2!”
Hindi pa rin siya gumigising. Wtf. Don't tell me gusto niyang halikan ko siya. Tsk, may tinatago pala ‘tong pagnanasa sa akin.
“3!” sigaw ko na. Pero hindi pa rin siya gumising. Pero hindi ko ginawa ‘yung sinabi ko kanina na hahalikan ko siya. Napatingin nalang ako sa kaniya. Nakita kong bumangon siya.
Tumingin siya sa akin at ngumisi. “Alam kong hindi mo magagawa 'yon. Sino bang lalaki ang kusang hahalikan ako? Pangit hahalikan? You're kiddin' me.” Humahalakhak siya at pumunta sa banyo para mag hilamos.
Naiwan akong nakatulala.
Damn that was… fuckin' epic!
Lumabas ako sa kwarto ko at nagtungo sa kusina. Naghanda ako ng pang agahan. Yung basic lang. Lol. ‘Di kaya ako marunong magluto. Kahit nakaka-turn off 'yon. IDC. Nakita ko siyang lumabas at umupo sa bakanteng upuan.
“Ikaw ba nagluto nito?” Tanong niya. ‘Di ko alam ang tono ng salita niya. Panlalait o sarkatismo?
“Halata naman,” pabalang kong sagot.
“Halata nga, puro sunog, e,” humahalakhak siya. I bit my lips from anger. “Nakaka-turn off, pero don't worry, hindi naman ako naturn-off sa'yo,” tuloy niya at kumindat pa.
What the hell is happening to me. This is not me. Fak my heart. Inhale! Exhale!
“Tsk,” sabi ko nalang at kumain na.
Tumayo siya at kumuha ng tatlong chuckie ibinigay niya sa akin ang isa habang sa kaniya ang dalawa.
“Nga pala, let's go shopping,” bungad ko at tumingin naman siya sa akin.
“Okay,” sagot niya habang sumisipsip ng chuckie.
“Hey, ‘wag ka palaging uminom ng chuckie, nakakasama ‘yan sa baby.” Tumingin siya sa akin.
Nakita ko na kumunot ang noo niya at nagsalita siya, “Okay.”
Bumuntong-hininga nalang ako at may sinabi ako sa kaniya, “Your clothes are on my luggage,” wika ko at kinuha ang plato niya at plato ko at hinugasan ‘yon.
“Okay, ‘wag ka munang papasok dahil maliligo ako. Pag nakita kitang pumasok… lagot ka sa akin,” threat niya sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.
Napasinghap ako. I wish.
Asereath's POV
Binasa ko na ang sarili ko. I’m fully naked. I don't like taking a bath with some little clothes on. Tiningnan ko ang tiyan ko at ngumisi.
“I can't wait to see you, baby,” sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.
Habang naliligo ako, nag dahan-dahan ako baka madulas pa ako. Ayaw kong may masamang mangyari sa anak ko. Tumingin ako sa salamin. Kita ko ang totoo kong mukha. Tinanggal ko ang silicone mask. My eyes were scarlet. Naalala ko tuloy na mag 1-week na kami nandito ni baby sa condo ng ama niya.
Ama? WTF corny. Ewszxcs.
Nagtapis na ako at lumabas na. Sinuot ko na rin ang silicone mask. Isinara ko ang pinto sa banyo at gano’n din sa kwarto para hindi makapasok si Zid.
Dahil nalilito ako kung anong luggage ang sinabi niya kaya sumigaw ako.
“ZID! ANONG KULAY NG BAGAHE ANG SINASABI MO!?” sigaw ko upang madinig niya.
“YUNG KULAY ABO!!” sagot niya pabalik. Hindi na ako sumigaw pabalik. Sayang lang ang laway ko.
Nakita ko na ang bagahe niya at dinala ko ‘yon sa kama. Pagbukas ko no’n nakita ko ang mga damit na sa palagay ko… Gucci. Kinuha ko ang lahat ‘yung kulay puti at itim. Noong kinuha ko lahat namula ang mukha ko.
Tang inang lalaki! Paano bang hindi mamumula ang pisngi ko ng makita kong may VICTORIA'S SECRET UNDERWEAR. Wtf! Kakagigil. Pero hindi ko din mapigilang ngumiti. I like VC's ‘ya know. Shhh. Kahit nga bestfriend ko di alam 'yan. HAHA. Kumuha ako ng pair black no’n.
Sakto siya! Saktong-sakto sa akin. Tumingin ako sa salamin. Yung makikita ang buong katawan ko. Wow! Perfect. It really suits me well. Paano na kaya ‘pag wala akong silicone mask. Nganga siya.
Teka? Paano niya naman nalaman ang size ko? Don't tell me!!!? Fuck.
Sinuot ko ang puti na Gucci dress, iba-iba ang disenyo no’n pero ito talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Kumuha ako ng converse ni Zid, white converse at sakto naman sa akin. Mukha na akong anghel nito. Tatanggalin ko kaya ang mask ko. Nah. baka mainlab siya saken. Yak naman.
Lumabas na ako at nakita kong nasa sofa si Zid hindi pa siya bihis. E, kasi naman ginamit ko ang kwarto niya.
“How do I look?” Tanong ko habang tumingin ako pababa at tiningnan ng maigi ang sarili ko.
“You look… ugly as fucking fuck,” sabi niya at humahalakhak. Pumunta na siya sa kwarto niya at binato ko siya ng unan nang napakalakas. Tawa pa rin siya ng tawa.
Ilang minuto lang lumabas na siya. Well, hindi ko maipagtatanggi na guwapo siya. Messy hair lang, white V-neck shirt at Black Slacks sinamahan pa ng white converse. Mukha siyang tiles. Hahaha. Black and white? Lol.
“Like what you lookin'?” tanong niya at ngumisi.
“You look like just like a black and white tile,” sagot ko at tumayo na.
“Geez!” singhap niya sa 'kin.
“Tara na nga,” saad ko at nagpatiunang lumabas.
Nagpunta kami sa mamahaling mall at pagkapasok namin hindi mapigilan ng iba na mapatingin sa aming dalawa. Napatawa ako.
“Why are you laughing?” nakangiwing tanong niya sa akin.
“I can't stop it. Sino ba ang hindi matatawa kung ang mga babae ang sama ng tingin sa akin,” paliwanag ko. Tumingin din siya sa mga tinitingnan ko at tumawa.
“Paano ba? Minsan lang kaya mabuntis ng guwapo ang isang panget,” sabi niya at umirap lang ako.
“Correction. Hindi mo ako nabuntis,” pangongorek ko sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.
“Hell yeah,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. HHWW nga kami rito.
“Isn't that Elzid!?”
“OMG! It's him. But what the fuck?”
“Don't tell me it's his girlfriend?”
“Bes. Mukhang asawa! Buntis eh!”
“What!? Pumatol siya ng pangit!”
“That means may pag-asa pa tayong mga panget!”
“Don't mind them,” aniya na nagpakiliti sa akin. Naramdaman ko kasi ang hininga niya.
“You're that famous?” taas kilay kong tanong.
“Yes. Kaya maswerte ka na dala-dala mo ang anak ko,” sabi niya na nagpangiwi sa akin ng sobra. Ang hangin naman nito.
Lumipas ang minuto HHWW pa rin kami nang biglang in-nintertwined ni Zid and mga daliri niya sa akin.
“What the fuck?” sabi ko sa kaniya.
“Just act,” pahiwatig niya at lumapit kami sa isang babaeng halos kita na ang kaluluwa.
“Babe? Elzid!” sabi no’ng babae na akmang yayakapin si Zid ng inilayo ko siya sa babae. Napataas naman ang kilay nang babae sa akin.
“Who the heck are you?” Galit na sigaw niya sa akin. ‘Di ako nagsalita sayang lang laway ko sa walang kwentang babaeng 'to 'no.
“Sabrina,” wika ni Elzid.
“Who is she, beeeyb!” Galit na wika nito habang dinuduro ako. Nakita ko na napapalibutan kami.
“None of your business,” malamig na wika ni Elzid nito. Napalaki naman ang mga mata ng babae.
“Tell me!” sabi niya pa habang tinutulak ako pero mabuti naman na hawak pa rin ako ni Zid.
“Don't you dare hurt her.”
“Heh. Nawala lang tayo ng tatlong buwan nakabuntis ka! Sa pangit pa naman” Wika nito na nagpagalit kay Zid. Ako nga dito tawa lang ng tawa.
“Shut the fu—” Hindi natapos ni Elizd ang sasabihin niya nang nagsalita ang babae at tumingin sa akin.
“You're so… ew. Akalain mo nabuntis mo ang isang ‘to. I didn't know you had a bad taste, Elzid. Mukhang mas magaling pa ako sa kama kaysa nito.” Tumawa siya na mukhang isang mangkukulam.
Magsasalita sana si Zid nang tinapik ko ang balikat niya. Napatingin siya sa akin at binigyan ko siya ng tingin na nagsasabi ng Let–me–handle–this–shit look.
“Miss Sabrina whoever you are,” napatigil ako at tiningnan siya pataas hanggang sa baba. Bitchy or my natural mode on. “Dahil panget ako, ibig sabihin niyan wala nang taste si Zid? Baka nagkakamali ka, baka nga ikaw ang hindi magaling sa kama. As expected magaling ako kaya nabuntis niya ako,” sabi ko habang naka HEAD CHIN UP with matching taas kilay pa. Yak! This is not me. Mas makakabuting hindi ako maging cold baka lumabas ang tinatago kong aura. Mas mabuting ganito ako. Mahirap na ‘pag magalit ako.
Pagkasabi ko noon hinatak ko na si Zid at tumakbo kami kahit saan.
“You're...” Sabi ni Zid ng tumigil kami.
“What?”
“Nothing,” natatawa niyang sagot.
Tsk! Ayoko talaga ng binibitin ako.
“Ano 'yon?” sabi ko.
“Wala nga, e,” sabi niya pero tumatawa pa rin. Gago, mukhang naka shabu!
“Ah, gano’n pala, ah.” sinuntok ko siya sa tagiliran kaya agad siyang napangiwi, mahina lang naman ‘yon. Masiyadong oa ang lalaking ‘to.
“Damn it! Ano ba!?” sigaw niya sa akin, pero mahina pagkasigaw niya, sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Ayaw ko ng binibitin ako. Kaya pagpasensiyahan mo ako,” wika ko at lumayo sa kaniya. Gagong 'yon. Nararapat iyon sa kanya. Tss.
Iniwan ko siyang namimilipit sa tagiliran, ‘di ako sigurado kung mahina ba pagkasuntok ko o malakas, bahala siya. Nandito ako ngayon palakwatsa-kwatsa. Lubos-lubosin ko na rin ito dahil minsan lang ako mamasyal. No’ng papaliko ako may nasinghot akong masarap na amoy. No’ng nilingon ko iyon 'yon pala Shawarma pala. Pumunta ako kaagad do’n at um-order. Nang ibinigay na sa akin ng tindero iyong in-order ko, agad ko namang kinuha iyon. Pero napatingin ako sa kamay ng tindero. Gago. Nanghihingi ba 'to?
“Ano?” malamig kong tanong sa kanya. Napapitlag naman siya.
“U-Um, Miss, bayad niyo po,” pagkasabi niya noon kinapa-kapa ko ang sarili ko at ngumiti.
Patay! Im doomed!
“Nakalimuta—” ‘Di ko natapos ang sasabihin ko nang may nagbayad para sa akin.
“Here. Punan mo nang lima,” sabi nito at tumingin sa akin. Agad ko namang iniwas ang mga mata ko. Nakokonsensiya kaya ako. O dapat ba akong makonsensiya?
“Come here,” sabi nito at pinaupo ako sa upuan.
Habang kuma-kain ako, tinitingnan niya ako. Kakailang.
Tumingin ako sa kaniya at nagkatinginan kaming dalawa.
“I’m sorry,” sabi ko nalang.
What the hell? Hindi ako ito. Hindi ako nagsosorry. Tch! Don't tell me gawa mo ito baby?
Hinihimas ko ang tiyan ko.
Epekto ba 'to sa pagbubuntis o gawa talaga to ng anak ko na gustong humingi ako ng patawad sa ama niya?
“Tss,” sabi niya lang at pinahiran ako sa gilid ng labi ko.
Ano 'to? Anong nangyayari sa akin!?