Chapter 12

Third Person's POV

Habang nasa labas ng bansa si Elzid, hindi magiging kumpleto ang araw niya kapag hindi siya bibili ng bagay para kay Aser, na para sa kaniya ginagawa lang niya ‘yon dahil may responsibilidad siya sa anak na dinadala nito.

At araw-araw silang nag-uusap ni Aser. No’ng una naa-awkwardan siya kasi nga dahil sa underwear nito. Dahil na trauma kuno si Aser kaya nag je-jeans ito pero yung t-shirt ay kay Elzid dahil maluwag daw ito.

Kada-araw kinukumusta ni Elzid si Aser. Paulit-ulit nila itong ginagawa kaya hindi nabo-bored si Aser doon. Mukha nga silang mag-asawang LDR.

At sa ngayong araw na uuwi si Elzid sa Pilipinas. It's still 4 o'clock at dawn. At nagising ng maaga si Aser at ngayon ay nasa balcony siya tinitingnan ang tahimik na lungsod na napapaligiran ng mga ilaw. The scene she's looking at makes her calm. Nahihirapan siya this past few days kasi nahihilo siya. Baka sa pag-bubuntis niya ito, she then asks her mom about it and she's safe kasi daw ganiyan talaga ang nagbu-buntis.

Papasok na sana siya nang may nakita siyang isang silhouette ng lalaki. Akala niya si Elzid pero hindi, magkaibang-magkaiba ang kanilang tindig. Lumapit siya dito ng dahan-dahan, mukha na nga siyang isang assassin dahil walang ingay ang paggalaw niya.

No’ng nasa likod na siya ng lalaki, she tapped the shoulders of the man at tumingin naman ito sa kanya at agad na sinuntok ang bagang niya. Napahiga ito at agad namang pinuntahan ni Aser ang switch ng ilaw.

Pagbukas ng ilaw nakita niya na namimilipit sa sakit ang lalaki. Habang papalapit siya doon inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa tiyan niya bilang pagprotekta. Nakita niyang lumukot ang mukhang ng lalaki.

"Who the fuck are you? How'd you get here!?" sigaw niya sa lalaki.

"Ako dapat ang magtanong niyan!" sigaw nito pabalik kay Aser. Tumayo ito habang bakas pa rin ang sakit ng suntok ni Aser sa lalaki.

"Abay! Gago ka ah!" sabi ni Aser at pinatid ito sa mukha. Iyon ay Aser's kick. Hindi niya gustong gamitin ang mga kilos ni Blatess. Napahiga pabalik ang lalaki sa sahig at nahimatay. Nakita niya ang sarili sa salamin at nakita niya na pumula ang mata niya. Ibig sabihin nito galit na galit siya. Hindi mapipigilan ng teknolohiya ang kaniyang mata ‘pag ito ay galit kaya kusang lumalabag ang teknolohiya na gamit niya.

Narinig niyang nagbell ang pinto. Nakita niya sa video-cam or whatever na si Elzid ‘yon na may dalang tatlong bagahe na malalaki. Itatago niya dapat ang lalaki pero mabubuking pa rin siya kaya isusumbong niya nalang ito kay Elzid.

Binuksan niya ang pinto at nakita ang nakangiting Elzid.

"Hi!" Masiglang sabi nito kay Aser.

Tumango lang siya at hinatak niya sa loob ng silid si Elzid. Napailing nalang si Elzid dahil akala ng tanga na sobrang miss siya nito, pero no’ng nakapunta sila sa sala nawala ang ngiti niya.

"Do you know him?" tanong ni Aser sa kaniya. "Wala naman akong pinapasok pero nakapasok siya," paliwanag ni Aser kay Elzid.

Tinitigan ng malalim ni Elzid ang mukha ng lalaki nang napagtanto niyang bestfriend niya ito.

"What the fuck, Zord!" sabi nito habang niyuyogyog niya.

"So, you really knew him?" Kibit-balikat na tanong ni Aser.

"He's Zord, my bestfriend. What did you do to him?" Tanong nito kay Aser, pero hindi siya galit.

"I just punched him. I thought he's a thief," she sighed in boredom.

"Well, that's what he gets for," saad nito at pumunta sa kwarto nito. When he got back, he had some pillow and blanket on his hands.

He put the pillow on his best friend’s head and covered him with a blanket.

"Bakit hindi mo siya dalhin sa loob?" Tanong ni Aser habang inilagay sa tapat ni Zord ang electric fan. Pero itinapat ni Elzid pabalik ang electric fan kay Aser.

"Don't mind him," salit ni Elzid kay Aser.

Nag-uusap ang dalawa at kinumusta nila ang isa't isa nang biglang bumangon ang natutulog na Zord.

Zord's POV

Ah, shit! Ang sarap niya! I opened her underwear, but it made me scared.

"What the fuck!" hiyaw ko habang hingal na hingal. Shit! I'm so thankful na isang panaginip lang ‘yon!

"Oh, Zord." Nakita kong nakatayo si Elzid na may kasamang panget na buntis. Napatingin naman ako sa hinihigaan ko.

"What the fuck happened to me, men?" takang tanong ko sa kaniya habang siya ay tumatawa.

"Nothing." Humahalakhak pa rin ang gago.

Napangiwi ako nang sumakit ang bagang ko.

"I'm sorry. Masakit pa ba?" tanong ng panget na babae na buntis.

Umiwas ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kilay niya.

"Ikaw na nga 'tong tinutulungan iiwasan mo pa. Tsk!" asik niya at pumunta sa ref at kumuha ng isang chuckie?

"Don't stare at her too much," saad ni Elzid na masama ang tingin sa akin.

Napatingin ako kay Elzid nang may naalala ako.

"Men! Who the fuck punch me!?" galit kong sigaw sa kaniya.

Agad namang lumapit sa akin ang panget na babae.

"Ako," walang kabang sabi nito.

Tumayo ako sana para saktan siya, pitikin ang noo ng malakas! Sinaktan niya ako. Ang gwapo kong mukha! Ayaw ko maging bungi! Pipitikin ko na sana siya sa noo nang biglang humarang si Elzid.

"Men! Move!"

"Don't you dare hurt her, Zord," sigaw ni Elzid sa akin.

"Bakit!? Sabihin mo? Alam mo naman wala akong pinipili!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

"Hurt me. You die," malamig na sabi no’ng babae na nagpatayo ng balahibo ko at ang nagpatigil kay Elzid.

What the fuck was that!? Bakit sobrang nakakatakot siya. May ibang aura akong nararamdaman sa kaniya. Pero no’ng tumingin ako sa kaniya mukhang hindi naman. Pero ika nga nila ‘Looks can be deceiving’.

"Just, don’t," mahinahong sabi ni Elzid.

Tumingin ako sa kanya.

"She's pregnant... with my child." Hindi ko alam na matatawa ba ako o hindi. Gagong to hindi rin pala mapigilan! Sa panget pa niya pinasok.

"You're unpredictable, men!" Tumawa ako.

"It's not what you think." Depensa pa ng tanga. "Pero ano palang ginagawa mo rito?"

"To surprise you!" Pangdadahilan ko.

"I know you don't. You're supposed to get something," nakangiwi niyang sagot.

"Bingo! Pero hindi ko alam na hindi mo pala pinigilan ang sarili mo... at… at pumatol kapa sa panget!" Halakhak ko no’ng may naramdaman akong tumama sa mukha ko. Masakit ah! Nakita kong nanlilisik ang mata niya at bigla itong pumula.

"What the fuck!" sabi ko habang tinuturo siya. Kumurap ako pero naging itim na ito. Ano ‘yon? guni-guni ko lang ba 'yon?

"Ipapaliwanag ko sayo, Zord. Gago ka pa naman," saad ni Elzid na hinihilot ang sentido niya.

Umupo ako. Magkatapat kami ni Elzid at ‘yung babaeng nabuntis niya. Lumipas ang oras at natapos niyang ipaliwanag ang lahat. I didn't know na may balak pala si Tito sa kaniya. Mas mabuti na 'yon. Hahahaha. Mabuti naman hindi maganda. Hahahaha gago, e, ‘yun na karma.

"Sorry sa pakikitungo ko kanina. By the way I'm Zord Carson Villareal," pakilala ko at inabot ko ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya ‘yon tinanggap. Napahiya ako doon, ah.

"Aser," aniya at tumayo. Pumunta siya sa balcony.

Nakita kong nag buntong-hininga si Elzid.

"You should protect her, men," sabi ko bigla. Napatingin naman siya sa akin.

"I know," sagot niya habang ginugulo ang buhok niya.

"Mukhang nasa wrong timing si Tito, men." Napatango naman siya. "Don't worry I'll also watch her for you, men." Nag smile ang gago at napangisi naman ako.

"’Wag nalang." Sumimangot siya.

"You really know me, men!" Halakhak ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Nakita kong bumalik si Aser at pumunta sa harap ni Elzid.

"Can I sleep in your room?" Tanong nito kay Elzid.

"Okay. Gigisingin nalang kita pag 8 na." Tumango ito bilang sagot pero bago pa siya humayo papunta sa silid ni Elzid, tumingin muna siya sa akin at binigyan ako ng isang masigarbong masamang tingin. I gulped.

"Kahit panget siya kakaiba siya. Napatakot niya ako ng wala sa oras, men!"

Humahalakhak lang ang gago.

"Ano bang gusto mong kunin?" Tanong nito sa akin.

"’Yung iniwan ko sa 'yo dahil gamit na gamit 'yon sa akin, men."

"Bakit ba hinahanap mo siya? Hindi naman kayo kilala, ah."

"Kahit ilang oras kaming nagsama sa mission ko. Natamaan na ako. Kaya nga ‘di ba! Kaya nga madaming babae ang nilalaro ko baka sakaling malimutan ko siya, men! Pero hindi eh! Ayaw tumalab," paliwanag ko sa kaniya.

Tumayo siya at pumunta sa isang sikretong lugar at no’ng bumalik na siya ibinigay niya sa akin ‘yon. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan niya ito.

"Babalik ako. Ewan ko lang kung kailan, men," paliwanag ko sa kaniya at nakipag bro-fist. "Congrats pala, men." Humalakhak ako at lumabas na sa condo niya. Pumunta ako sa car park at sumakay sa DUCATI ko. Oo, nabasa niyo? D U C A T I.

Kahit saan ka mang lupalop nakatira hahanapin kita, dahil ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko at ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Mahahanap at mahahanap din kita. Maghintay ka lang.

Pinaandar ko na ang motor ko at nilisan ang lugar na pinanggalingan ko at sinimulan ko na ang pag hahanap sa babaeng karapat-dapat para sa akin.