Prologue

Nakaratay siya sa isang malambot na higaan sa isang pribadong ospital. Isang ospital para sa mga napakadelikadong tao kagaya niya. Mafia, Gangster, at iba pa ang puwedeng humiga sa higaan ng ospital, hindi mga ordinaryong tao.

Natutulog siya sa isang silid. Hindi alam kung kailan gigising. Nakahiga siya doon dahil sa natamo niyang sugat galing sa misyong nalutas na. Ito ay ang kauna-unahang nakaratay siya ng dahil sa kanyang misyon.

Ilang buwan ang lumipas at nagising siya. Ang hindi inaasahan niya ay ang tiyan niyang medyo umbok. Mukha siyang nakakain ng kalahating pakwan. Nagulat siya at tanong-tanong niya ang kanyang sarili kung paano nangyari ‘yon.

Pero sa ‘di inaasahan. Doon magsisimula ang kuwento niyang medyo aksyon, madugo, at puno ng kakornihan. Doon din niya malalaman ang taong karapat-dapat sa sarili niya.