Chapter 9: Tinanggihan ni Kyline?

All this time, inakala ni Kyline na okay na ang relationship nila ni Zanne. Pero isang balakid ang Charito na ito sa kanilang relationship. Parati itong napunta sa resort nila sa JoZan Paradise. Dahil welcome naman ang lahat sa nasabing resort, hindi nila magawang paalisin ang babaeng ito, kahit pa pakiramdam niya ay inaagaw na nito ang atensiyon ni Zanne.

Nagmumuni-muni si Kyline nang masilayan niya ang dalawang babaeng lagi niyang binubully. It's Grace and Riri. She waved her hand and this two beautiful ladies, to notice her. "What are you doing here, akala ko ba you're both happily living with your husband huh?" bwelta niya sa mga ito. Napansin niyang umiba ang timpla ng dalawang ka-work.

"They cheated us, they have a problems. Mga lalake pero babaeng puso." Grace said at bakas na bakas sa boses nito ang galit at panghihinayang. "Ang masakit pa, they love each other at mukha kaming timang ni Grace, at wala kaming kaalam-alam na niloloko na pala kami ng mga asawa namin." Riri said while checking her phone.

"Fuck! Ang papanget na, mahihirap na, manloloko pa. Total package. Nakakadiring mga baklang iyan." She said. Nasilayan niya pa ang mga mag-nanay na aali-aligid. "Fuck another itchyworms." She said na punong-puno ng inis. Napalingon naman ang dalawa sa tinutukoy ng kaniyang paningin. Dagling umakbay sina Grace at Riri sa kaniya.

"Hindi ba't mamayang gabi, may pa-party ang magkapatid na John Karelles at Zanne Tidwel?" Riri asked her, she nodded and then she asked, "Why? You two will stay here?" she asked. Tumango naman sina Riri and Grace.

"I don't think so kung pupunta ako, you know wala akong masyadong dalang damit. Kasi alam ko vacation lang ang plan namin ni Zanne here, and we don't have a plan for the party." She said and this two girls look at her, hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. Dahil kapag may naisipan ang dalawa, hindi maaring hindi matuloy.

"This night, pagagandahin ka namin. Don't worry about us, bored lang kami ni Grace, but we will not going to ruin your relationship." nakangiting pahayag ni Riri. "Sigurado kabang ayos kalang Riri, parang iba na ang pakiramdam ko." sambit niya at tinawanan lamang siya ng dalawa.

Hindi pa man nagtatanghalian ay pumunta na sila sa isang bungalow na mayroon mini restaurant and bar sa loob, marami-rami ring tao. "Guys, sisig sa akin at saka isang big size na burger. For drinks mango juice." Riri said to them with matching turo-turo. "Ganoon din sa akin pero yung juice apple juice." napalinga siya sa dalawa. "So ako ang oorder?" nagtatakang tanong niya and they both nodding. "Napaka-tamad." Inis niyang sambit pagkuwan dumiretso na sa counter. Isang lalake na 6 feet ang tangkad ang bumati sa kaniya. Gwapo ito at talaga namang nakakaakit ang ngiti.

"Hello, order mo po?" He asked her, but she didn't respond. Hanggang sa naramdaman niya ang pagkalabit nito sa kaniya. "Ay sorry, gutom na kasi ako. 2 order ng sisig, 3 order ng big size na burger with cheese yung isa and please 1 cup of chicken soup, for drinks 1 lemon, 1 apple and 1 mango." She said then smiled at him, he repeated all of her order. "May kulang pa po ba?" He asked her. "Available ba ang carbonara and tuna pesto? Both of that kung available order din ako tig-isa." She said. "Okay ma'am dahil umabot ng 500 hundred ang order ninyo may free po kayong egg pie." He said to her. Lumaki naman ang ngiti ni Kyline dahil kahit hindi masarap ang egg pie, magugustuhan pa din niya ito. "Thanks." She said then she went back on they're table.

"Ohhh ang ganda naman ng ngiti mo, mapipilas na iyang pisngi mo sa kakangiti mo." Riri said then she smirked. "Sabi kasi ng lalake may free egg pie daw tayo." sambit niya sa mga ito. Napangiwi yung dalawa. "Siguro, hindi pa niya alam." Grace said, Riri nodded. Nakatitig lang siya sa dalawa. Kaya napatanong na siya kung ano ba ang gustong sabihin ng mga ito. "What do you mean?" She asked them.

"You will see." Riri said.

**

Riri POV.

DAMANG-DAMA namin ni Grace yung excitement, dahil nakita naming dalawa na seryoso si Kahil sa pagtake ng order ni Ky. Hindi naman kami labag sa pag-iibigan nila ni Zanne. But one thing na sumagi sa isip namin, what if kung subukan namin ang tatag ng pag-iibigan nila.

"Pabalik na siya." Grace said, mukhang excited ang gaga.

"Ohhh ang ganda naman ng ngiti mo, mapipilas na iyang pisngi mo sa kakangiti mo." I said then she smirked at me. Nararamdaman kong may something din sa ngiti ni Kyline, dahil kaibigan namin si Zanne, hindi namin gustong sa maling tao siya mapunta.

"Sabi kasi ng lalake may free egg pie daw tayo." sambit niya sa amin. Napangiwi kaming dalawa ni Grace. Tama ba ang hinala namin?

"Siguro, hindi pa niya alam." Grace said, I nodded. Nakatitig lang siya sa aming dalawa. Kaya napatanong na siya kung ano ba ang gustong naming sabihin. "What do you mean?" She asked me and Grace.

"You will see." I said. Mayamaya dumating na si Kahil and Lara helped him to give all of our order. Grace owned this restaurant at alam ito ni Zanne.

"Miss, this is the special egg pie. I made it and check it out inside of it. And I will wait later." Kahil said. Naghagikgikan kami ni Grace. Like kilig na kilig ang aming mga tumbong dahil si Kyline na mahigit trenta na ang edad ay may magkakagusto na bente anyos lamang. Pero nabigla kami nang magsalita si Ky. At tila kinapos kami ng hininga.

"I'm sorry, if you're planning to ruin my relationship with my Zanne stop it, it will never ever happened. Lamang na lamang naman sa kagwapuhan ang baby ko saka, ang bata naman ng gusto ninyong ireto sa akin, bulok na style ninyo. Wala nang libre sa panahon ngayon." Inis na sabi ni Kyline. Natigilan kaming dalawa ni Grace at nagsimula na si Grace maging emotional.

"Wow, this is my fault. Sorry. Masyado lang kaming nadala ng inis at galit namin sa mga asawa namin, we don't want na maranasan iyon ni Zanne. Matalik naming kaibigan si Zanne, ever since siya na yung lagi naming hinihingian ng payo kapag may problema kami sa mga boyfriend namin. Sorry Kyline akala kasi namin, dahil nalaman mo na mayaman si Zanne kaya ka nagka-interest sa kaniya." sabi ni Grace.

"Ganoon na nga. Sana noon palang sinabi niya, edi sana may anakis na kami, hindi sana ko tutungtong sa edad na trenta na hindi man lang nagkaka-boyfriend. Tapos kayo pinagtutulungan ninyo pa ako, hindi niyo lang alam kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko simula noong bumalik na si Zanne galing kung saan. Ever since high school, super crush ko na siya. Naging problem lang talaga ang lintik na standard ko, pero alam kong hindi ko dapat pagsisihan iyon. Dahil fate na ang tumulong, para mabuko ko ang lahat ng sekreto niya. Saka ang cheap niyo, bakit ninyo ako ikinukumpara sa mga asawa ninyong hampas-lupa, bading at walang taste. Makaalis na nga." Akmang tatayo palang si Ky ng dumating si Zanne, nakangiti ito sa amin.

"So mahal na mahal mo pala talaga ko, check mo na yung laman ng egg pie." sambit ni Zanne. Hindi namin alam na nandirito lang pala si Zanne sa paligid. Isang singsing na may malaking bato ang nakuha ni Ky.

"Papakasal kana ba sa akin?" diskumpyadong tanong ni Zanne kay Kyline. Natatawang lumapit si Kyline kay Zanne, habang kaming dalawa ni Grace ay umupo nalang sa isang tabi. Pinanuod ang dalawa na sobrang sweet sa isa't-isa.

"Kaya mo ba kong pakisamahan sa habang buhay, saka ano ba naman iyan Zanne! Wala man lang kasweet-sweet. Gusto super romantic, ayoko nang ganiyan." natigilan kaming lahat. Ang sweet na nga nang ginawa ni Zanne. Napasigaw ako nang wala sa oras.

"HINDI PA BA IYON SWEET. PAANO BANG SWEET GUSTO MO?" I exclaimed, gulat siya e. Yung tono kasi ng pagkakasigaw ko, akala mo ako yung mother ni Zanne tapos galit na galit gustong manakit ng magiging daughter-in-law.

"Galit na galit. Hindi lang kasi ko nasisiyahan sa ganitong set-up. Super casual and marami nang gumawa ng ganitong klaseng proposal." sambit ni Kyline. "Oh sige akin na iyang ring." tugon naman ni Zanne. Parang timang lang itong dalawa na ito.

"Ang galing." sambit ko.

**

Zanne POV.

Pinaghandaan ko talaga ang lahat, since failed ang proposal ko. Isang bagay nalang ang naiisip ko. Ang party mamaya, kinausap ko na si Grace at Riri, regarding sa happening mamaya sa party.

I talked to Charito, and isa din siya naiisip kong pwedeng gamitin para sa plano. Galit na galit kasi si Kyline kay Charito. Baka sakali lang.

"Sigurado kaba sa naiisip mong plano, Zanne?" Tanong ng mama ni Charito. Tumango siya, pero si Charito tila wala sa sarili. Kinalabit niya ito.

"Uy. Game kaba mamaya? Plano ko nang mag-propose kay Kyline, baka sakaling magselos siya kung sakaling ikaw ang makikita niyang kasayaw ko mamaya." sambit ko sa kaniya. Pero walang sagot si Charito. Tulala lamang ito, iba pakiramdam ko ha. Hindi ko tuloy alam kung magkakasundo ang plano ko at nasa isip ni Charito.

"Charing! Kinakausap ka ni Zanne, ano ba namang ginagawa mo anak, sige na Zanne mauna kana. Baka pagod lang itong si Charito. Nakipag-party kasi ito kagabi." sambit ng ina.

"Ah ganoon po ba, okay sige po dito na ako. Charito, mamaya hah. Asahan kita sa party." sambit ko kay Charito habang tinatapik-tapik ito.

**

Charito POV.

Nakaniig ko kagabi yung isa sa kaibigan ni Zanne, hindi ko akalain na mayroon pala itong pagnanasa sa akin. I really him na, Hermoso. Bakit ba kasi ngayon lang siya nagpakita sa akin. Pero may plano mamaya si Zanne. Baka magalit sa akin si Mosso, kapag malaman niyang sasali ako sa plano ni Zanne. Alam niyang patay na patay ako kay Zanne, pero nang mag-party kagabi nagbago ang lahat. Tila nagbago yung pananaw ko at umiba ang ikot ng mundo.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Mosso sa akin, bakas na bakas ang pagkadisgusto nito sa mga sinabi ko.

"Kagabi para tayong tubig at langis na kay hirap paghiwalayin, tapos ngayon isang sabi lang ni Zanne sasama kana agad sa plano niya? Para saan pang nagniig tayo kagabi. Akala ko ba tayo nang dalawa para sa isa't-isa? Akala ko ba loyal ka?" sunod-sunod na tanong ni Mosso sa akin.

"Hermosso, alam nating dalawa kung paanong nagbago ang pagkakagusto ko kay Zanne. Alam mong ikaw lang ang pinakitaan ko ng tunay na ako, alam mong all this time lagi akong nagpapanggap sa harap ni Zanne. Pero saiyo kagabi, ako iyon. Kung may gagawin ako para kay Zanne, sana isipin mo gagawin ko lang iyon, para na din lumigaya ang boss mo. Hindi ko naman balak na halikan siya, wala naman akong balak na gawin ang bagay na ikakagalit mo. Pagseselosin lang namin si Kyline." Pahayag ko kay Hermoso na hindi alam kung pinakikinggan ba ako o talagang sabog lang ito.

"Nako! Napakataray niyang si Miss Kyline? Baka mamaya saktan ka niya, hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko na hindi siya patulan kung may gawin siya saiyo na hindi ko magugustuhan." pagtatanggol ni Hermoso sa akin.

"Ang sweet mo pala, now ko lang nalaman. Akala ko sa bed kalang sweet, maging sa labas din pala sweet ka. Ipagpatuloy mo iyan Mosso, lalo tuloy akong naiinlove saiyo. Parang gusto kitang kagatin. Hmmm..." nanunukso kong sabi.

"Hoy, bawal maglaplapan diyan sa labas. Pumasok kayo rito ang haharot ninyo." Sigaw ng pinsan kong si Eliason Wilde.

"Hala? Laplapan agad, ang advance nang utak mo Eliason Keane Wilde." sambit ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay namin at pinag-usapan namin ni Mosso ang mga bagay-bagay. Pero nauwe iyon sa mainit na paglalaban aming mga dila.

"Ang hot mo, baby." he said, pero hindi na ako sumagot. Hinayaan ko nalang dalhin ako ng init na iyon kung saan. Pero tatanggalin palang sana ni Mosso ang underwear ko ay pumasok nanaman si Eliason.

"Ate! May bisita ka." sigaw ni Eliason.

"Bwesit ka talagang bata ka." singhal ko sabay bato ng malaking teddy bear. Tatawa-tawang lumabas na ito. Ano ba naman iyan. Tumigil nalang kami ni Mosso. Pero si Mosso, hinihimas-himas pa rin ako. Kung kaya't naglock na ako ng pintuan. Tatawa-tawang itinuloy namin ang naudlot na salpukan naming dalawa sa gitna ng kwarto kong punong-puno nang teddy bear na collection.

**

Grace POV.

Magkasama kami nina Riri at ni baby Kyline na naggagala. Matapos kasing ipahiya ni Kyline si Zanne, kinausap kami ni Zanne sa magiging plano niya para sa gaganaping party mamaya.

"Kyline, sigurado kabang hindi mo tatanggapin yung proposal saiyo ni Zanne? Sayang din iyong effort ng kaibigan namin. Biruin mo, nagawa niyang ipalagay yung ring sa egg pie nang hindi man lang namin nalalaman." sambit ko sa kaniya.

"Huwag na nating pag-usapan iyon, ako kasi gusto kong makaranas ng kakaibang romantic experience. Hindi gaya ninyong dalawa ni Riri, ang cheap ninyo parehas." nanglalait nanaman siya. Napatingin na lang ako sa dagat at nilibang ang sarili ko. Gusto kong maging matagumpay ang relationship ni Zanne at Kyline, ayaw naming magaya sila sa amin ni Riri, hindi pa man din nagkaanak e naloko na kaagad ng aming mga mister na pulos babae ang puso. Hindi rin sumagi sa isipan namin na mangyayare ang bagay na ito. Kaya lagi kong hinihiling kay lord na sana, hindi magbago ang pagtingin ni Zanne para kay Kyline.

"Alam mo ikaw na siguro ang pinaka-swerteng babae. Successful sa career, successful kadin as a daughter. Masasabi kong successful kadin sa love, medyo nalihis kalang, pero gustong-gusto ka ni Zanne. College kami-kami na magkakasama, ever since that day, Kyline lagi ang binibigkas niyang motivation niya sa life niya. And never siyang nagka-girlfriend kahit kami ni Grace, hindi namin siya pinatos. Kasi he always mentioned your named. Pero we never know na hindi mo pala siya gusto dahil all this time you know him as hampaslupang mataas ang lipad. Naawa talaga kami kay Zanne, dahil naging asal mo sa kaniya. All of us, alam namin na si Zanne ang nag-iisang anak ng chairman and nag-iisang kapatid ni John Karelles. Pero ikaw no idea ka. Kasi he wants you to love him, because you love him. Not you love him because of his name, money, business, and also ayaw niyang isipin nang iba na gold digger ka. Kaya he always mentioned to us na hayaan lang namin na hindi mo alam na mayaman siya at nag-iisang anak ng boss natin." paglilitanya ni Riri.

"Totoo ang lahat ng iyon, Michelle. If you still insisting to be his wife. Baka makahanap siya mamaya sa party ng babaeng tatanggap sa kaniya. As I know, sikat na sikat iyang si Zanne dito sa JoZan Paradise. Ikaw din baka pagsisihan mo din ito, pagdating ng oras." hindi makapagpigil na babala ko sa kaniya. Tila natauhan ang dalaga at nagmadaling bumalik sa hotel.

"Sandali, antayin mo kami." sigaw namin ni Riri

--End of Part 9--

###

Everybody loves you when you look beautiful to be honest, but people appreciate and going to love you too if you're truthfully kind even if you're not beautiful like them. They will know you if they saw already, how beautiful creature you are inside and out.

-Rosemarie Seda

**

She saw her beautiful white gown, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon para siyang ikakasal.

"Ako ba talaga magsusuot nito? Baka naman hindi ito sa akin," nangangambang sambit ni Kyline sa kaniyang kawork na sina Grace and Riri. Tumango-tango lamang ang dalawa, at ambang aayusin na ang kaniyang mukha. Pero pinigilan niya dahil sa hindi siya naniniwala.

Napapailing na lang rin si Kyline at napatanong, "Sino ang nag-aksaya ng pera sa sobrang gandang gown na ito, tapos kayo simpleng red gown lang ang mga suot ninyo? Grabe ang garbo ng desenyo, tapos bolgang-bolga ang gown ko. Para saan ba ang party mamaya?" she asked to her friends, pero kibit-balikat lang siyang sinagot ng dalawa. Nagpangalumbaba siya, iniisip kung saan kumuha ng pera ang nagrent o bumili nito.

"Yayaman ka niyan, nakakailang five hundred pesos kana?" pang-aalaska ni Riri sa kaniya. "Hay nako, minsan naiinis lang talaga ko sa kaibigan ninyo. Mukhang wala siyang ideya na nagseselos ako, lalo na kapag kasama niya si Charito." inis niyang sabi. Tila lalo pang nabwesit si Kyline lalo pa nang makita niyang nang-iinis ang ngisi ng mga ito.

Nakasimangot lang siya at tila nakaramdam ng pagkapikon, "Hay nako! Diyan na nga kayo, para kayong nakakaloka sa pinupukol ninyong ngisi sa akin." sambit ni Kyline subalit pinigilan siya ng dalawa at pinagpatuloy ang pag-aayos sa kaniya. Madilim na nang sandaling iyon, abala na ang lahat para sa gaganapin na kasiyahan. Hindi niya alintana kung ano ang mangyayare para mamaya, ang importante lamang sa kaniya ay ang makasama si Zanne mamayang sa kasiyahan.

**

Excited na siya para mamaya, bukod kasi sa kasiyahan may isang bagay pa siyang nais na ipagdaos sa gabing iyon. Nandirito rin sina John, ang kaniyang papa at iba nilang ka-work. Ang mama ni Kyline ay nandirito rin.

"Zanne, mukhang malaking event itong idadaos mo ngayong gabi?" sambit ng kaniyang mommy, kahit sila ay walang idea kung anong event ang kanilang pinuntahan. Halos lahat ng mga tao sa resort ay clueless kung anong klaseng event ang magaganap sa gabing ito.

Mayamaya pa ay biglang nag-lights-off. Pumunta na siya sa unahan, at natutok ang spotlight kay Kyline. Nagsigawan ang mga ka-workmate nito.

"Woah! Congratulations sa inyong dalawa." sambit ni Riri, habang si Grace naman ay emotional na ang hilatsa. Halos hindi malaman ni Kyline kung ano ang kaniyang ikikilos, subalit napansin niyang patakbo na nitong tinahak ang kaniyang nilalakaran patungo sa kinalalagyan niya.

Lalo pang umugong ang buong resort, nang makarating si Kyline sa kaniyang kinalalagyan. Pinaghahampas nito ang dibdib niya at saka nagsimula nang maging emosyonal. Nakatitig lamang si Kyline sa kaniya at halos parang hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon nito.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit kailangan na ganito ang mangyari? Bakit ang daming tao? Gusto kong sampalin kita sa harap ng maraming tao. Pero hindi ko magawa, dahil masisira image ko!" sambit ni Kyline sa kaniya at tila wala na itong mukha upang humarap sa maraming tao. He held her hand and look into her eyes.

"Huwag mo akong takutin sa titig mo, para kang nanglulusaw sa ginagawa mong pagtitig sa akin!" sambit pa ni Kyline sa kaniya. Lalo lamang tumindi ang nararamdaman niyang pag-ibig para sa dalaga. Hindi niya ito binitiwan kahit pa nagpupumiglas ito sa kaniyang pagkakahawak.

"Huwag kang bumitaw, hindi ako susuko saiyo. Alam mo Kyline kung gaano kalaki ang pag-ibig ko saiyo. Hinding-hindi kita iiwan kahit lagi mo pa akong pasakitan at sabihan na hampaslupang nilalang. Hindi kita iiwan kahit pa na masiyadong mamahalin ang mga kapritso mo sa buhay. Ikaw lang ang nag-iisang babae na nakaukit sa puso ko, kahit maraming babae na ninanais ako- ikaw lang ang babaeng nanaisin ko!" sambit niya kay Kyline, habang ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa kamay nito at inilagay sa sariling dibdib. Batid niyang nararamdaman din ni Kyline ang mabilis at malakas na pagtibok niyon.

Biglang natigilan ang lahat ng magdilim ang buong paligid, isang malakas na putok ng baril ang sunod na umalingawngaw. At sinundan ito ng tinig ng pamilyar na tinig sa pandinig ng lahat ng taong naroroon, nagsimula nang lumamig at lalong nahintatakutan ang lahat. Ang lamig ng aircon na bumalot sa buong lugar ay lalong naging mas matindi dahil nadagdagan iyon ng tensiyon.

"Ang akala niyo ba papayag nalang ako ng ganoon kadali na maagaw mo sa akin si Zanne, p'wes nagkakamali ka. Pina-plastic lang kita na hindi ko na gusto si Zanne. Hindi naman talaga siya narararapat saiyo eh, puro lang naman kasi pagpapakasakit ang daranasin niya saiyo. Zanne, hindi ka dapat makasal sa kaniya. Ako nalang ang pakasalan mo, mas liligaya kapa sa piling ko." sambit ng babae na nananatili pa rin nagkukubli sa dilim.

Kahit alam na nina Zanne at Kyline kung sino ang nasa likod ng tinig na iyon, napahigpit ang kapit ng dalaga kay Zanne. Maging si Zanne ay nakadama ng pagkatakot sa maaring mangyari, hindi niya akalain na ganoon kalalim ang pagkagusto nito sa kaniya.

"Mahalin mo lang ako Zanne, ititigil ko lahat ng kabaliwan na ito. Mahalin mo lang ako, pangakong ibibigay ko ang lahat-lahat saiyo at hinding-hindi ka sasaktan!" sambit ng tinig na nagkukubli sa kadiliman.

Aminado naman si Zanne kung sakaling hindi niya nakilala si Kyline, hindi naman malabong magustuhan niya ito. Pero hindi na iyon maaaring mangyari pa, wala nang pag-asa ang isang Charito sa buhay niya dahil baliw na baliw na siya kay Kyline. At hinding-hindi iyon mababago nino man. Ilang sandali pa nakarinig muli sila ng putok ng baril.

"Zanne," mahinang sambit ni Kyline sa kaniya. Biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Nagulat ang lahat, sahil ang babaeng pinakamamahal niya ay punong-puno na ng dugo. Nakapikit na ito ng masipat niya. Agaran naglandas ang kaniyang mga luha, alerto naman ang lahat at tumawag ng ambulansa. Halos inabot ng limang minutos nang walang malay si Kyline, nagpasya siyang kargahin na Kyline at takbuhin ang pinaka-malapit na ospital.

"Zanne!" sambit nina Riri at Grace, ngunit hindi ito pinansin ni Zanne nang sandaling iyon gusto lang niyang madala si Kyline sa ospital upang malapatan ito ng lunas. Ngunit tila napaka-haba ng event hall na iyon, hirap na hirap na siya sa pagtakbo habang bitbit ang dalaga. Hindi niya na alam ang kaniyang gagawin, takot na takot siya. Pakiramdam niya ay dinudurog ang kaniyang puso, nakita niya ang paglandas ng luha ni Kyline sa namumusyaw na nitong pisngi, nangingitim na rin ang labi nito.

Nang makalabas na sila ng hall, sumakay kaagad siya sa kaniyang sasakyan bumakas iyon, naroon ang mommy ni Kyline at umiiyak.

"Tita, I'm sorry po!" umiiyak na sambit ni Zanne sa mama ni Kyline. Umiiyak lamang ito, ngunit hindi na nagsalita pa, pinaandar na ang sasakyan ng nakasakay na sila ni Kyline. Pilit na nilalabanan ni Zanne ang kaniyang takot na baka hindi na gumising pang muli si Kyline. Pigil hininga siyang tumingin sa mukha ni Kyline, hindi na kasi ito humihinga at wala nang kulay.

"Tita!!!" sambit niya sa mama ni Kyline. Umiiyak na din ito at tila naramdaman nito ang nais niyang ipahiwatig. Inihinto nito ang sasakyan at saka kinapa ang pulso ng anak. Nagsimula na itong humagolgol, hindi niya mapigilan yung hikbing malakas na kanina niya pa pinipigilan. Nang sandaling iyon, halos hindi na niya alam kung dapat pa ba siyang mabuhay o hindi na. Buong buhay niya si Kyline na ang naging mundo niya, paano na lang siya kung wala na ang kaniyang sariling mundo.

**

Ilang araw na ang lumipas, hindi na kinayanan ni Charito ang konsensya, palaging nagpapakita sa kaniya ang espiritu ni Kyline. Para siyang baliw na nagsisigaw nalang, lahat ng nakakasalubong nito ay si Kyline ang nakikita. Dahil sa matinding pagkabaliw at pagkakonsensiya, hindi nito kinaya kung kaya't umakyat ito sa isang mataas na skyscraper na may taas na 200th floor. Sa pinaka-tuktok siya huminto at saka doon naglagi, hindi nito alam ng sandaling iyon may lalakeng nagmamasid dito.

"Kyline, dapat lang saiyo iyan. Binalaan naman kita noon at sinabi ko saiyo na akin lang siya. Pero anong ginawa mo? Nakipag-landian ka pa, tapos ano ikaw pa papakasalan ka pa niya. Bakit ganoon, ako naman yung tunay na nagmamahal kay Zanne! Pero bakit ikaw yung pinili niya kahit na mas nagmamahal ako sa kaniya. Hindi mo siya deserved Kyline, okay na iyan nawala kana." sambit nito habang parang baliw na tatawa-tawa.

Nakatayo lang siya sa pinaka-delikadong parte ng rooftop, doon pumasok ang lalake at agaran siyang itinulak, nagulantang si Charito at hindi na nagawang sumigaw dahil mabilis na nahulog siya. Habang nahuhulog siya ang luha niya ay unti-unting bumagsak. Hindi rin siya para kay Zanne, kung kaya't naganap ang bagay na iyon.

**

Lumipas ang ilang mga buwan, hindi namalayan ni Zanne ang panahon. Naging busy na siya sa kaniyang buhay, binisita niya ang isang puntod. Umiiyak na tiningnan niya iyon, galit na galit siya sa nangyari dito. Halos hindi siya makapaniwala sa sinapit nito, matapos niyang magtirik ng kandila ay lumisan na siya. Sa pag-ihip ng hangin, tila narinig pa niya ang pagtawag nito sa ngalan niya. Hindi siya makapaniwala nagpaparamdam pa ito sa kaniya, halos hindi rin niya mapaniwalaan ang sinambit nito.

Sa kaniyang paglalakad marami siyang nakitang halaman, halos karamihan sa nakikita niya ay paboritong halaman ni Kyline. Nakita niya ang mama ni Kyline at sinalubong siya nito.

"Mama ano pong ginagawa mo dito?" sambit ni Zanne sa mama ni Kyline. Ngumiti lang ito at saka may itinuro.

"Nakikita mo ba yung museum na iyon, doon nakalibing ang papa ni Kyline. Death anniversary nito ngayon, gusto mo ba akong samahan?" sambit nito sa kaniya, tumango lamang siya at saka naglakad sila patungo sa moseleyo ng papa ni Kyline. Habang tinatahak nila ang daan patungo roon, nang biglang magsalita ang mama ni Kyline.

"Mahal na mahal mo talaga si Kyline 'no!" sambit nito sabay tumingin ito sa kaniya, ganoon din naman siya at tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinambit nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang tindi ng pagmamahal niya dito, kahit pa na napakadalas siyang itaboy nang dalaga, para pa rin siyang asong sige ang buntot sa dalaga. Halos ilang taon na rin mula noong nakilala niya si Kyline, kahit na kailan hindi nabawasan ang pagmamahal niya para sa dalaga at hindi niya malilimutan ang lahat ng masasayang bagay na nangyari sa kaniyang buhay kasama ito.

Habang naglalakad sila biglang magsalita ang mama ni Kyline. Umiiyak na siya ng sandaling iyon dahil bigla siyang hinawakan ng mama ni Kyline sa kamay.

"Anak, hiling ko lang ay lumigaya ka. Alam kong walang papantay sa pagmamahal mo kay Kyline, pero ang hiling ko ay maging maligaya ka sana." sambit ng mama ni Kyline. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang kalungkutang pumipiga sa puso niya. Napaupo nalang siya sa isang bench malapit sa kanila, hindi na niya kinaya ang sobrang kalungkutang nararamdaman.

"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, hindi ko po alam kung may papalit pa sa kaniya sa puso ko. Kahit noong college day ko hindi siya napalitan sa puso ko, siya lang yung babaeng nakikita ko palagi sa isipan ko na makakasama ko in the future, pero ngayon maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohang sasampal na lang sa akin na kahit kailan hindi na iyon mangyayari." umiiyak niyang sambit.

Niyakap naman siya ng mama ni Kyline at mismong ito nasaktan sa mga pinagsasabi niya, napakalalim at napaka-tindi kasi ng pagmamahal niya para sa dalaga. Hindi alam ni Zanne kung bakit napaka-unfair ng tadhana sa kanilang dalawa. Pilit niyang nilalakasan ang kaniyang loob, at pilit na pinapakalma ang sarili. Muling nagsalita ang mama ni Kyline.

"Anak," sambit nito. Napaangat siya ng tingin dito.

"Anak, tinanggalan na ng life-support si Kyline kaninang umaga." sambit ng mama ni Kyline. Lalong naging maulap ang kaniyang mga mata at sa saglit na iyon napa-atungal na siya. Parang hindi na niya kakayanin.

"Anak, hindi ko na kasi kayang makitang nahihirapan si Kyline. Kaya pinatanggal ko na." sambit pa nito. Magang-maga na ang kaniyang mata at inaalo na siya ng mama ni Kyline, pero para siyang naging bata na napaupo sa bermuda at doon umiyak. Tinakpan na lang niya ang kaniyang mukha upang hindi iyon makita ng mga taong nagsisidatingan upang bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.

"Zanne!" tila isang malakas na kulog para kay Zanne ang tinig. Napakalakas niyon, nanaginip ba siya o baka naman nagha-hallucinate na siya, kung kaya kung ano-ano ang kaniyang naririnig. Halos hindi pa yata lumipas ang isang oras ng idiklara ng mama nito na tinanggal na nito ang life support.

"Bakit parang narinig ko si Kyline na tinawag ako?" sambit niya.

"Zanne!" muli nanamang tinawag ang kaniyang pangalan. Napaangat na siya ng tingin at saka gulantang na gulantang nang makita si Kyline na buong-buo at masiglang-masigla ang ngiti.

"Tita, akala ko po ba tinanggal na life support ni Kyline? Nanaginip po ba ako? Nakikita ko po siya ngayon at tinatawag ang pangalan ko, Tita totoo po ba ang lahat ng ito. Parang ayaw ko nang magising kung sakaling totoo ito, ayoko nang mawala pang muli sa akin si Kyline." sambit ni Zanne, panay pa rin ang iyak niya. Naglakad siya patungo sa kinalalagyan ng dalaga at niyakap ito.

Naramdaman niya ang init ng katawan nito na nagta-transfer sa kaniyang balat. Buhay na buhay si Kyline at damang-dama niya ang init na iyon, hindi niya iyon mapaniwalaan. Pakiramdam niya tinatakasan na siya ng bait, dahil sa kaniyang pinaggagawa. Hindi niya alam kung anong himala ito, pero salamat sa himalang ito at nakikita pa niya si Kyline.

"Kamusta kana, Zanne?" sambit ni Kyline. Hindi makapaniwala si Zanne, kinakausap siya ng yumaong kasintahan.

"Magiging ayos na ako, lalo pa narito kana sa aking paningin. Mahal na mahal kita, Kyline. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin." sambit ni Zanne, labis naman ang kagalakan bumalatay sa mukha ng mag-ina.

"Anak, kaninang umaga pinatanggal ko na yung life support. Dahil nagkamalay na si Kyline sa pagkakacoma niya." sambit ng mama ni Zanne. Parang baliw na naiyak siya habang natatawa. Niyakap niya si Kyline at ang mama nito.

"Diyos ko! Akala ko iniwan na ako ni Kyline, mama. At akala ko nagha-hallucinate na lang ako na nakikita ko si Kyline." sambit niya sa mga ito. Niyakap naman siya ng mahigpit ni Kyline at halos parang ayaw nang bitiwan.

"Hindi ako basta-basta mamamatay, masamang damo yata ito. At ang masamang damo, matagal bago mamatay." biro ni Kyline sa kaniya, nagtawanan lang sila at halos hindi maipaliwanag ni Zanne ang matinding kaligayahan na kaniyang nadarama ng mga sandaling iyon.

"I love you, Kyline." sambit ni Zanne.

"I love you too, my in Zanne!" sambit naman ni Kyline at muling niyakap ang binata.

--End--