CHAPTER FIFTY SEVEN
Lexinne's Pov
Pang apat na araw na namin ngayon sa Boracay at bukas ng tanghali ang balik namin sa Manila. Kahit may pagka killjoy si Kidd ay nag enjoy parin naman ako at ang lahat, ewan ko lang sa kanya kung nag enjoy siya sa bakasyon namin o nag enjoy siya sa pagsuway sakin.
"Bakit ganyan na naman tingin mo?" Tanong ko kay Kidd
"Wala" sagot niya pero kung makatingin sa'kin akala mo may ginawa akong mali
"Beh halika na mag swimming na tayo" aya ni Klea sa'kin
"Sige mauna na kayo susunod nalang ako" sagot ko
"Sunod ka ha?" Sabi naman ni Hailey na ng ikinatango ko
Kinuha ko ang sunblock lotion ko at tumingin muna kay Kidd na nakatingin din sa'kin. Inirapan ko siya at hinubad ang suot kong white lace cover up. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito pero hindi ko nalang siya pinansin.
Nagpahid ako ng lotion sa paa pataas sa kamay ko, pilit kong inaabot para malagyan ng lotion ang likod ko pero hindi ko maabot, napaka imposibleng maabot ko talaga. Tumingin ako kay Kidd na nakatingin parin sakin.
"Ano hindi mo'ko tutulungan? Nakikita mo ng nahihirapan akong mag apply ng lotion nakatingin ka lang?" Inis na sabi ko dito
Kinuha naman niya ang lotion sa kamay ko at pinahiran ang likod ko.
"Wala ka nabang ibang maisusuot? Hiramin mo nalang yung one piece na suot ni Klea kahapon tapos mag short ka" sabi nito
"Ang pangit ba talaga ng katawan ko? Nahihiya ka dahil ang pangit ko? Mawalang galang na po lumayas ka sa tabi ko baka kung anong magawa ko sa'yo" inis kong sabi. Lagi nalang niyang pinag didiskitahan mga sinusuot ko.
"Babe maganda ka at maganda ang katawan mo, hindi mo na kailangan mag suot ng ganyan dahil kahit naka pantalon ka makikita nila na sexy ka" sagot nito
"So ang gusto mo magpantalon ako habang nag su swimming?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya
"Hindi sa ganoon, okay naman ang suot mo medyo sexy lang"
"Babe ganito ang mga sinusuot sa mga beach, tignan mo mga tao sa paligid mo mas sexy pa ang suot kaysa sakin. Tignan mo yun naka thong at nipples lang nakatakip pero hindi siya sinisita"
"Okay, okay" pagsuko nito "masyado ka lang sexy sa paningin ko at ayokong may ibang tumitingin sa'yo pero tama ka din naman" muli nitong nilagyan ng lotion ang balikat at likod ko "I'm sorry, naging makitid utak ko" bulong nito sa tenga ko at niyakap ako mula sa likod.
Natunaw naman ng sorry niya ang inis ko.
"Halika nga dito ng malagyan din kita ng lotion" nakasimangot na sabi ko. Lumipat naman ito sa harapan ko
"I love you' sabi pa nito at binigay ang isang braso niya
Napangiti ako "I love you too pero ang likod mo lang po lalagyan ko ng lotion kaya tumalikod ka" utos ko sa kanya
"Bakit likod lang?" Tanong nito pero tumalikod naman "dapat buong katawan" dinig kong bulong pa niya
Nakakatakam yung bulong niya pero kailangan kong maging matatag. Sa paglangay pa nga lang ng lotion sa likod niya halos hindi na ako makahinga, paano pa kaya kung buong katawan niya. Alam kong marupok ako pero hindi pwedeng pairalin iyon sa pagkakataong ito.
*******
Last night na namin ngayon at nagpasyang mag join sa pub crawl, pero bago iyon ay inimbitahan muna ako ni Kidd na mag dinner kami. Sinabi ko nga sa kanya na sabay sabay nalang lahat kami pero sabi niya gusto daw niya akong masolong kumain ngayon.
"Baka naman kasi ayaw mo lang sumali ako sa pub crawl" panghuhuli ko sa kanya
"Ayoko talagang sumali ka dun lalo na hindi ka naman umiinom, pero kasama mo naman ako kaya okay lang" sagot nito.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ano kaya ang binabalak niya.
"Okay," sabi ko at lumapit sa isang ice cream shop "babe bili tayo" malapad ang ngiting sabi ko
Nakangiting lumapit naman siya at pinapili ako ng flavour, gabi and cheese ang napili ko at ube macapuno naman ang sa kanya. Masayang lumingkis ako sa kamay niya habang tinitignan ang mga tinitinda ng bawat madaanan namin. Nasa D' Mall pala kami ngayon at ang daming mga magagandang souvenirs na pwedeng bilhin.
Pagkatapos naming mamili ni Kidd ay bumalik na kami sa hotel, hinatid pa niya ako hanggang sa pinto ng suite namin. Naligo agad ako dahil mag d-dinner daw kami, kokontra sana ako dahil ala sinsko kinse palang, pero hinayaan ko nalang siya sa trip niya. Baka kasi kaya gusto niya ng maaga dahil sa pub crawl mamaya.
Mabilis lang akong naligo at kinuha ang damit na napili kong isuot. Dahil may pagka conservative ang boyfriend ko, napili kong suotin ay ang one shoulder olive color bow tie backless at high waist jeans, tinernuhan ko rin yon ng nude color pumps.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at nag text kina Klea na hindi kami sasabay ni Kidd mag dinner sa kanila pero sasali kami sa pub crawl mamaya.
Nag doorbell ako sa kwarto ni Kidd at agad naman niya itong binuksan. Naka suot ito ng gray balenciaga tripple s sneakers, denim shorts at wala pang suot na pang itaas. Watasayt!
"Sorry Babe hindi agad ako nakapag bihis" sabi nito at kinuha sa kama ang white shirt niya at sinuot yon.
Nakangiting lumapit siya sa'kin pagkatapos niyang mag spray ng perfume niya. Napangiti ako ng maamoy ang creed aventus na pabango niya. Katulad ko mahilig din sa mga perfumes si Kidd yun lang yata ang napag kakasunduan namin.
"Let's go" sabi nito at niyakap ang isang kamay niya sa baywang ko. Napatingin pa siya sa may likuran ko ng maramdaman niya yung balat ko sa kamay niya. Mukhang okay at approve naman sa kanya ang suot ko kaya hindi na ito nagsalita.
******
Dahil maaga pa para mag dinner niyaya ko munang maglakad lakad si Kidd. Panay naman ang picture niya gamit ang dslr camera niya. Karamihan sa mga kuha niya ay ako ang model. Ganda ko kasi choz!
Pumunta kami sa station 3 at pinicturan ang mga tinda nilang puka shells doon. Nagpunta na kami kahapon dito at nakapamili pero walang dalang camera si Kidd kaya ngayon nalang bumawi.
Hinawakan ni Kidd ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, may spot siguro siyang picturan at gusto na naman nitong ako ang mag model. #GandaSiBabe
Nanlaki mga mata ko ng makita kung saan kami patungo.
"Babe" tumingin ako sa kanya at nagtatanong ang mga mata
Ngumiti lang ito at pinagsaklop mga daliri namin.
Sumakay kami sa isang yacht.
Hinatid kami ng isang staff sa deck kung saan may rectangular table na naka dinner set up. Pinaghila ako ng upuan ni Kidd at sinimulan kaming i serve ng pagkain. Bago kami magsimulang kumain ay binigyan muna ako ng bouquet of flowers nito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko hanggang sa napansin kong umandar na ang yacht na sinasakyan namin.
"Ano to?" Hindi mawala ang ngiti sa labing tanong ko
"Gusto lang kitang makasamang mag dinner," sagot nito
"Pero bakit ganito? Pwede ba akong kiligin?" Natatawang sabi ko
"Hahaha! Yun ang gusto kong mangyari" sabi nito at nilagyan ng champagne ang wine glass ko
"Kainis ka" sambit ko pero nakangiti naman. Uminom ako ng kaunti sa champagne na binigay niya sa'kin at inaya siyang tikman ang potato soup na sinerve sa'min.
Napatango ako ng malasahan yung soup nila "masarap" sabi ko pa.
Sunod sinerve yung chef salad pagkatapos ay tenderloin steak. Wala akong masabi kundi masarap. After ng main course ay cheesecake bites naman ang chinibog ko, busog na busog ako kulang nalang ay dumighay ako.
Inaya ako ni Kidd umupo sa may sofa doon habang pinapanood ang dagat. Naka akbay ito sa'kin habang naka hilig naman ang ulo ko sa kanya.
"Ang ganda" sambit ko habang nakikita ang pag iiba ng kulay ng mga ulap at ang pag lubog ng araw.
Hindi naman maawat si Kidd sa pagkuha niya ng picture sa'kin kahit tinatakpan ko na ang mukha ko. Muli niyang nilagyan ng champagne ang glass ko tsaka nakipag cheers pa sakin bago niya ubusin ang natitirang champagne ng baso niya.
"Sana hindi na matapos ang gabing ito" sabi ko sa kanya
"Happy?" Tanong nito
Tumango ako. "Super happy, thank you Babe" sagot ko at ngumuso para halikan siya
Hinapit naman nito ang baywang ko at ang balak kong mabilis na halik ay tumagal ng hindi ko namamalayan.
"I love you so much" wika nito
"I love you more" sagot ko sa kanya
"Nah, I love you more than you love me"
"I love you more than moon and stars and everything else above" ayaw magpatalong sabi ko
Tumawa ito at muli akong hinapit sa katawan niya.
"I love you Babe so much more than life" sabi nito at muling hinalikan ang labi ko.
Madilim na ang paligid at pabalik na ang yacht na sinasakyan namin ng magsimulang mag bilang si Kidd. Nilagyan ulit nito ng champagne ang glass ko at muling tumingin sa relo niya. Inaya niya akong tumayo at niyakap niya ako mula sa likod"
"3.. 2.." bulong nito sa tenga ko tsaka naman may mga fireworks na nagpakulay sa kalangitan.
"Wow! Ang ganda!" Tuwang tuwang sabi ko habang minamasdan ang mga fireworks na sumasabog sa kalangitan.
"Mas maganda kapa rin" muling bulong nito sa tenga ko na ikinatingin ko sa kanya
"Bolero" nakangiting sabi ko
Unti unti itong lumuhod sa harapan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang alam ko na ang susunod na mangyayari pero hindi ako sigurado kung tama ba ang naiisip ko.
"Ilang beses ko ng sinabi ito sa'yo pero hindi mo'ko sineseryoso siguro dahil sa wala ako nito" dinukot ni Kidd mula sa bulsa niya ang isang maliit na kahon, binuksan niya yon at pinakita sa'kin.
Literal na napanganga ako kaya ng makita ang diamond ring na hawak niya.
"Babe" tanging nasabi ko
"Sabi mo bata kapa, siguro nga maaga pa para magpakasal tayo pero babe hindi kana bata" sabi nito tsaka bahagyang tumawa. Kinagat ko naman ibabang labi ko para hindi matawa. Mukhang kinakabahan din kasi siya.
"Alam ko nangako ako sa magulang mo na patatapusin kita ng pag aaral bago kita kunin sa kanila, tutuparin ko iyon" seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Mahal na mahal kita higit kanino at ano paman kaya sana payagan mo akong pakasalan ka. Babe... will you marry me?" Tanong nito habang nakaluhod ang isang paa nito at pinapakita ang singsing na hawak niya.
Mabilis akong tumango at tinapon ang sarili ko sa kanya. "Yes" tanging nasabi ko at paulit ulit na tumango habang nakayakap sa kanya. Hindi ko namalayan na sa kabila ng pagngiti at ang pagtawa ko ay lumuluha narin pala ako sa sobrang kasiyahan.
Inilagay ni Kidd ang singsing sa palasingsingan na daliri ko "I love you" bigkas nito bago niya ako hinalikan sa labi.
Malakas na palakpakan naman ang narinig ko. Nagulat ako ng makita sina Klea at ang iba pa, pati mga staff at captain ng yacht na pumapalakpak at binabati kami. Nakayakap lang ako kay Kidd at hindi mawala ang ngiti habang tinatanggap ang mga pagbati at mga wishes ng mga tao sa'min.
***