CHAPTER FIFTY SIX Klea's Pov
Alas syete impunto ng mag alarm ang phone ko. Sinet ko talaga siya sa 7 o'clock dahil ayokong masayang ang bakasyon namin. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko tsaka naman ako lumabas at dumiretyo sa kwarto ni Hailey para gisingin siya.
"Good morning Sis" bati ni Hailey na kinukosot kusot pa ang mga mata
"Morning, bangon na mag b-breakfast tayo sa baba" sabi ko. Nang makita kong tumango siya ay lumabas na ako ng kwarto niya at pumuntang sala.
Nag chat ako sa group namin ng mga gwapitos at tinanong kung saan nila gustong mag breakfast. Agad akong naka tanggap ng reply kay Lance at sa The Sunny Side Up Cafe daw kami. Kumontra naman si Travis na gusto ay sa Ariel's House naman. Nagtalo pa silang dalawa kaya napailing nalang ako. Tinanong ko sina Greg at Chuck sa kanila at ang sagot nila ay tulog pa ang mga ito. Umangat ang isang kilay ko sa nabasa kaya sinabi kong gisingin na sila.
"Waaah! Sissy! Wala si Lexinne!" Sigaw ni Hailey na nasa pintuan ng kwarto ni Lexinne
Bumuntong hininga ako.
"Kanina pa siyang madaling araw wala diyan" sagot ko sa kanya
Nag aalalang lumapit siya sa'kin
"Saan siya nagpunta? Nag text ba siya sayo? Nasaan daw siya?" Sunod sunod na tanong niya
"Hindi ko alam kung nasaan siya pero nandito lang yon kaya huwag kang mag alala" sagot ko sa kanya
"Paano ka nakakasigurado?" Nag aalala paring sabi niya
"Basta sigurado ako" pinal kong sabi
"Pero"
"Okay nga lang yon, halika na sa baba mag breakfast na tayo"
"Ang mga boys?"
"Hayaan mo silang magutom"
"Saglit itetext ko si Lance" sabi nito at inabala ang sarili sa pag text
Sumakay na kami sa elevator pero busy parin siya sa pag tetext.
"May gusto kaba kay Lance?" Diretyong tanong ko habang nakatingin sa kanya
"Oo" mabilis na sagot niya atsaka nito iniangat ang tingin sa'kin. Napatakip naman ito ng bibig ng mapagtanto kung ano ang sinagot niya sakin.
Ngumisi ako at iniwas ang tingin sa kanya
"H-hindi wala akong gusto sa kanya, s-saan mo napulot yang t-tanong na yan" utal utal na sabi nito halatang kinakabahan
"Wala lang natanong ko lang" tumingin ako sa kanya "sure ka wala kang gusto sa kanya?" nakangising sabi ko
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay at nagkandahaba haba ang nguso niya
"W-wala nga! h-hindi ko siya type!" Pag dedeny pa niya
"Owkey" sagot ko at bumukas na ang elevator "sayang" umiiling na sabi ko
"B-bakit sayang!" Habol nito sa'kin
"Napansin ko kasing bagay kayo at balak maging matchmaker niyo pero hayaan mo na hindi mo pala siya type" sagot ko habang nakangiti. Napahinto naman siya sa paglalakad
"T-teka!" Hindi ako huminto sa paglalakad at hinayaan siyang habulin ako
********
Lexinne's Pov
Pagmulat ko ng mata ay nag unat pa ako ng katawan. Kakagising ko lang pero parang gusto ko pang matulog. Muli akong pumikit at muling napamulat ng maalala ang nangyari kagabi.
Napabalikwas ako ng bangon at saktong nakita si Kidd na naka tingin sa'kin. Nakaupo siya sa may sofa habang naka harap sa laptop niya.
"Good morning Babe" bati nito sa'kin. Naka suot siya ng white tshirt at sweatpants na kulay gray.
"G-good morning" utal kong sabi tsaka tinakpan ang mukha ng maalalang kakagising ko lang.
Mabilis akong tumakbo sa may banyo at tinignan ang sarili.
Wala naman akong muta o tuyong laway pero mukha akong nakuryente dahil sa buhok ko na nagsitaasan.
"Aish!" Hindi ko maiwasang sabi dahil sa kahihiyan
Nag bukas ako ng bagong toothbrush at nagsimulang mag supilyo ng ngipin. Nag hilamos narin ako at blinower ang buhok. Magsusuklay nalang ako pagbalik ko sa suite namin nina Hailey at Klea.
"Come here" palo ni Kidd sa tabi niya habang nakatingin sa'kin pagkalabas ko ng banyo. Nakangusong lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. "Nag order na ako ng brunch natin" sabi nito na ikinakunot ko ng noo
"Brunch?" Tanong ko at tumingin sa relo ko. "Omo! 10:30 na?!" Napatayo ako
"Yeah hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo" sagot nito
"Babe sina Klea! Nag aalala na sigurado yun sa'kin!" Aalis na sana ako ng hilahin ako ni Kidd na nagpaupo ulit sakin sa sofa
"Nakausap ko na siya kanina at sinabing tulog ka pa"
"H-hindi mo naman sinabi na magkasama tayong natulog diba?" Nautal kong sabi na ikinangiti niya
"Hindi ko sinabi pero obviously Babe alam na niya yon" mahina pa itong natawa ng makita ang reaction ko
"Yah!" Sigaw ko sa kanya at pinalo siya ng throw pillow "sana sinabi mo nasa labas tayo namamasyal! Bakit mo sinabing tulog pa ako!" Inis kong sabi habang hinahampas siya ng throw pillow
"What's wrong kung sabihin kong tulog kapa eh tulog kapa talaga nun" sabi nito habang umuurong at sinasangga ang mga hampas ko
Natigil ako sa paghampas ng hilahin niya ako na nagpa bagsak sakin sa katawan niya. Tatlong pulgada lang ang layo ng mukha namin kaya halos maduling ako habang nakatingin sa kanya.
Diniinan nito ang likod ko sa katawan niya at tinawid ang tatlong pulgadang espasyo sa mga labi namin. Napapikit nalang ako at kusang tumugon sa matamis at malambot niyang labi. Hindi ko alam, hindi ko namalayan ang pagbuhat niya sa'kin at paghiga niya sa'kin sa kama.
Hindi mapag hiwalay ang mga labi naming dalawa at tila uhaw sa isa't isa. Nagsimula akong nakaramdam ng init sa katawan kasabay ang paglabas ng ungol sa bibig ko ng ipasok ni Kidd ang dila niya sa bibig ko.
Gumapang ang kamay ni Kidd sa tiyan ko pataas. Napaliyad ako at napasinghap ng maramdaman ang kamay niyang nasa dibdib ko.
Napakagat ako ng labi ng gumapang ang halik niya pababa sa leeg ko, ang sarap sa pakiramdam ang sensasyong dulot nito at tanging ungol lamang ang naisusukli ko. Ipinasok ni Kidd ang kamay niya sa loob ng damit ko, naramdaman ko ang init sa kamay niya ng himas himasin ang tiyan ko pataas sa umbok ng mga dibdib ko habang hinahalikan nito ang leeg ko pababa sa collar bone ko at bumababa pa na nagpapaliyad sa'kin.
Tunog ng doorbell ang nagbalik sa kamalayan ko. Napabalikwas ako at siyang higa naman ni Kidd sa tabi ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko habang kinakalma ang sarili. Muling tumunog ang doorbell kaya naman tatayo na sana ako para buksan iyon.
"Ako na" pigil sa kamay ko ni Kidd, isang mabilis na halik sa labi ang ginawad niya sa'kin bago nito buksan ang pinto.
Pinalagay ni Kidd sa room service ang pagkain namin sa mesa at ng makaalis na ito ay siya namang balik ni Kidd sa kama kung saan nanatili akong nakaupo at inilahad ang kamay nito sa'kin. Inabot ko naman iyon at hinila niya ako patayo.
"Kain na tayo" sabi nito na niyapos ang isang kamay niya sa baywang ko.
Nahihiyang tumango nalang ako.
"Ilang araw plano niyo mag stay dito?" Tanong nito habang nilalagyan niya ng butter ang tinapay niya
"Five days" sagot ko at sumubo ng bagel na may cream cheese.
"Hmm" tumatangong sabi niya
"Ikaw hanggang kailan ka dito?"
"Five days Babe o kung kailan kayo uuwi" balewalang sagot niya at tinuloy ang pagkain
"Seryoso ka? Paano ang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya
Tinuro nito ang laptop niya.
"Paano mga meetings mo?" Tumingin ito sa'kin at tinuro ulit ang laptop niya "Babe hindi ako nakikipag biruan" seryosong sabi ko
"Babe hindi ako nagbibiro. Kaya kong gawin ang trabaho ko kahit nandito ako, may laptop at internet ako may cellphone at fax machine din dito" sagot nito
Napatulala nalang ako sa kanya. Seryoso ba siya?.
"What if kailangan ka nila mismo doon?" Walang pigil na sabi ko
"Babe kung importante at sakaling kailangan nila talaga ako doon may sasakyan naman, may airport. Madali akong makakabalik ng Manila kung sakaling kailangan talaga ako"
"Paano ku-"
"Babe" pigil nito sa sasabihin ko "ayaw mo bang nandito ako?" Tanong naman niya sa'kin
"Gusto kaso nga yung traba-"
"Hindi ko alam kung kailan ako huling nagbakasyon, enjoy nalang natin hmm?" Putol ulit nito sa sasabihin ko.
Huminga muna ako ng malalim at tumango.
"Kain kana pasyal tayo pagkatapos mo" sabi nito "Nasubukan mo na mag kite boarding?" Tanong niya
Umiling ako "hindi pa, para kasing nakakatakot" sagot ko
"Gusto mo subukan? Island hopping tayo mamaya kasama sina Klea"
"Sige" nakangiting sabi ko at maganang kumain.
"Babe balik na'ko sa room ko magpapalit lang ako ng damit" nakangiting sabi ko
"Wait, samahan na kita" sabi nito
"Ha?" Sambit ko na ikinatingin niya sa'kin
"Babe magpapalit lang ako ng damit at ihahatid kita sa kwarto niyo"
"Okay lang huwag na, puntahan nalang kita dito pagkatapos kong maligo" sabi ko at nagmadaling lumabas ng kwarto niya at iniwan siya doon sa loob.
Pagkarating ko sa suite namin ay walang tao. Sigurado namasyal na sila ng hindi ako kasama. Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng damit na isusuot, black strapless silhouette na may ring sa chest set ang sinuot ko at pinatungan nalang iyon ng loose stripe pockets overall short para kung mag su swimming man kami madali ko nalang mahuhubad.
Mabilis akong naligo at nagpatuyo ng buhok. Nag text pa ako kay Klea at tinanong kung nasaan sila. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi siya nag reply. Napaisip tuloy ako na baka nagtatampo siya. Hayyy....
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat pa ako ng datnan si Kidd sa may sala.
"Paano ka nakapasok?" Takang tanong ko dahil hindi ko naman sinabi sa kanya kung saang room kami at lalong hindi ko sasabihin ang pass ng pinto.
Tumayo siya at hinaguran ako ng tingin. Napatingin naman ako sa sarili ko.
"Tinawagan ko si Klea nasa beach sila at nag s-surfing" sagot nito sa'kin.
Pasimpleng tinignan ko naman siya. Naka bukas ang ilang butones ng damit niya hanggang dibdib at naka boardshorts din siya.
"You done checking me Babe? Let's go" aya nito na ikina ikot ng eyeballs ko
"Wala naman ichi check" bulong ko habang naglalakad palabas, alam kong narinig niya ang sinabi ko kaya natawa ito
Paglabas namin ng hotel ay agad naming pinuntahan yung sinabing lugar ni Klea. Agad ko naman silang nakita kaya tumakbo ako papunta sa kanila. Nakasunod naman sa likuran ko si Kidd na akala mo ay model kung maglakad.
"Ma'am kanina kapa namin hinihintay" bungad sakin ni Chuck
"Napasarap kasi ang tulog ko" totoong sabi ko at pinanood sina Hailey at Klea pati narin sina Travis at Lance na nag s-surf
Yumapos naman si Kidd sa tabi ko.
"Good afternoon Sir" bati ni Chuck kay Kidd at ganoon din si Greg na yumuko pa
"Good afternoon" ganting sabi naman ni Kidd sa kanila "kumain naba kayo?" Tanong pa nito sa kanila
"Halos kakatapos lang Sir nung tumawag ka kay Ma'am Klea" sagot ni Chuck. Tumango tango naman si Kidd at pinanood ang mga nag s-surf.
"Wow! Ang galing naman nun" sambit ko habang nakatingin sa lalaking nag s-surf at sumusunod sa mga alon
"Tsk!" Napatingin ako kay Kidd na salubong ang mga kilay
"Go sis!" Sigaw ko ng mag try ulit siyang tumayo sa board. Tinuturuan nga pala siya ni Lance.
"Gusto mo mag surf?" Tanong sa'kin ni Kidd
Umiling ako "hindi ako marunong panonoorin ko nalang sila" sagot ko
"Tuturuan kita" napatingin ako sa kanya
"Marunong ka?" Gulat pang tanong ko. Alam ko kasi busy siya sa trabaho at never kong naisip o maiisip na marunong siyang mag surf.
"Konti lang, pero mas magaling dun sa lalaking sinabi mong magaling" nakangising sabi nito
"Yabang mo, baka katulad ka lang din ni Hailey na beginner palang"
"Tss" sagot lang nito sa'kin at nagsimulang hubarin ang damit niya.
Literal na napanganga ako dahil sa ganda ng katawan niya. Bumubukol din ang mga pandesal niya sa tiyan parang ang sarap tuloy haplusin at hawakan.
"Babe you are drooling over my body" bulong nito sa tenga ko habang sinusuot sa'kin ang damit niya. Napahawak naman ako sa bibig ko pero wala naman. Tumawa naman siya at kinindatan ako bago siya naglakad papunta kung saan may nagpapa rent ng mga surfboards.
Nakatingin ako sa likod ni Kidd habang naglalakad siya, napansin ko rin mga babaeng napapatingin din sa kanya. Hindi ko alam kung magiging proud ba ako dahil ako ang girlfriend o tusukin nalang mga mata nila para hindi na makita pa si Kidd. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa bumalik ito na may dalang dalawang surfing boards.
"Tara?" Aya nito sa'kin at binigay ang foam na surfboard tulad ng ginagamit ni Hailey. Speaking of Hailey, palapit siya ngayon sa'min
"Kuya anong oras ka dumating?" Agad na tanong nito kay Kidd
"Kanina lang" sagot naman ni Kidd sa kanya
"Mag s-surfing din kayo? Sakto ang sarap ng tubig" sabi pa ni Hailey at inabot sakin ang sunblock lotion niya "Muntik na akong malunod kanina buti nalang naka alalay sakin si Lance" kwento nito
"Ang galing mo na nga eh, ako nga hindi ko pa nasusubukan mag surfing" sagot ko sa kanya
"Problema ba iyon edi magpaturo ka kay Kuya o kaya..." inikot nito ang paningin "sa mga yun oh!" Turo nito sa grupo ng mga lalaking may hawak na surfing board,
Umubo naman si Kidd.
"Ako na magtuturo sa'yo" sabat ni Kidd sa usapan namin ni Hailey
"Ayoko natatakot ako baka mas marunong pa sayo si Klea" tanggi ko at kumpara ko pa dito sa kapatid niya
"Ako kaya ang nagturo kay Klea!" Lumakas ang boses niya
"Weh?" Pang iinis ko pa dito.
"Tss" sagot nito
Malakas na palakpakan naman ang narinig namin. Yung lalaking nag surfer sinasabayan yung malalaking alon. Napa palakpak din kami ni Hailey.
"Go Kuya!" Sigaw ni Hailey na tumayo pa. Pagbaling ko ng tingin ay wala na sa tabi ko si Kidd. "Waaaahhh! Ang galing!" Sigaw pa ni Hailey. Nang tignan ko ang tinitignan niya ay nakita ko si Kidd na parang nakikipag paligsahan pa dun sa lalaking surfer. Naniniwala na ako kanina na marunong nga siya tulad ng sabi niya pero hindi ko inaasahan na napaka galing pala niya.
Nahulog si Kidd sa board niya at napatakbo ako sa pag aalala, tapos nakita ko ang ulo niya at lumalangoy ulit palapit sa'min.
"Hahaha! Efic fail si Kuya" tumatawang sabi ni Klea habang nakaupo sa surfboard niya
"Ang galing kaya niya" naka ngusong sabi ko
"Paanong magaling eh nahulog" sabi ni Klea tsaka tumawa
Nakalapit na sa'min si Kidd na shinake pa ang ulo at sinuklay pataas ang buhok gamit ang mga daliri niya.
"Hahahaha! Pakitang gilas palpak! Hahahaha!" Tumatawang sabi ni Klea
"Hindi ko lang nakita yung alon!" Kinatok ni Kidd ang ulo ng kapatid
"Paano mo makikita kay Lexinne ka nakatingin!" Sagot naman ni Klea sabay layo dahil baka makaltok na naman siya ng kuya niya. Bumelat pa ito bago muling nag umpisang mag surfing.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Kidd "akala ko nalunod kana" sabi ko at bahagyang tumawa
"Babe hindi ako malulunod" sagot nito
"Bakit syokoy kaba?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa ni Hailey pati ang mga gwapitos
Sinamaan naman niya ako ng tingin at binuhat.
"Waaah! Babe ibaba mo'ko!" Sigaw ko habang buhat buhat niya
"Maligo kana munting serena ikaw nalang ang hindi nababasa dito" sabi nito tsaka niya ako hinulog sa dagat.
"Yah! Nabasa tuloy ang damit natin!" Palo ko sa dibdib niya ng maka ahon ako. Pinalo naman niya ang tubig papunta sa'kin at sakto sa mukha ko iyon "ah gusto mong ganyan ah!" Sigaw ko habang patuloy parin ng pagtapon niya ng tubig sa mukha ko. Gumanti ako sa kanya pero mas malakas talaga siya.
Nang nakikita niyang hindi ako makaganti ganti sa kanya ay tumigil ito at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa labi at ang sumunod na eksena ay nasa ilalim na kami ng tubig at naghahalikan.
"Tignan mo ang ginawa mo" tukoy ko sa mga damit namin. Hinubad ko yung damit niya at piniga iyon tsaka inabot sa kanya. Sinuot naman niya yon.
Sunod kong ginawa ay hinubad ang suot kong overall kaya tumambad sa harapan niya ang two piece bikini ko.
"Babe!" Sambit nito kaya napatingin ako sa kanya "anong ginagawa mo?" Sabi nito na salubong ang mga kilay
"Ano?" Tanong ko sa kanya
Hinubad ulit nito ang damit niya at muling sinuot sa'kin.
Noong una ay nagtataka ako pero sa huli ay napangiti ako.
***