EPILOGUE

After 3 years

Katulad ng iba hindi perpekto ang relasyon namin ni Kidd. Away bati, tampuhan, selosan at kahit maliit na bagay pinagtatalunan namin pero sa huli hindi kami sumuko dahil tunay at tapat ang pagmamahalan naming dalawa.

3 years ago ng mag proposed ng kasal sa'kin si Kidd at malugod na tinanggap iyon. Kaso.. hindi nangyari ang balak nito na pakasalan ako after graduation dahil tumanggi ako. Tumanggi ako hindi dahil sa ayokong magpakasal sa kanya kundi dahil gusto kong may mapatunayan sa sarili ko. Wala naman itong nagawa kundi sundin ang gusto ko dahil nakapag desisyon na ako.

Tapos na nga pala ang pinapatayo niyang Hotel and Resort sa Tagaytay, na renovate na din ang bahay niya sa Tagaytay at ilang araw na rin siya na doon umuuwi pagkatapos ng trabaho.

May asawa na ngayon si Maymay at kasalukuyang tatlong buwan na buntis pero hindi halata sa katawan niya na nagdadalang tao siya. Ang napangasawa niya ay si Greg, hindi namin alam ang kwento nilang dalawa pero masaya kami para sa kanila.

May mga girlfriends na rin ang ibang gwapitos maliban lang kay Travis na pihikan sa mga babae. Si Hailey naman ay kauuwi lang galing sa Canada, doon na kasi siya nag tatrabaho at nakadestino bilang flight attendant, may canadian boyfriend narin siya na isa namang piloto.

After ko palang gumradweyt nagtrabaho ako sa IPH kasama si Klea ng mahigit isang taon bago ako nilipat ni Kidd sa IPH Tagaytay kung saan siya ang nagmamay ari.

Si Klea naman ay ang pumalit sa posisyon ng Kuya niya bilang managing director ng Island Plaza Hotel one year ago. Bodyguards parin niya ang mga gwapitos at nililigawan niya ang Kuya ko. Yes! Siya yung nanliligaw kay Kuya Gabriel pero pabebe ang kapatid ko kaya nagpapakipot pa. Nagpasya din kaming Beh ang itatawag namin sa isa't isa dahil magkasing edad lang kami at ayaw niya talaga akong tawaging Ate dahil magiging Ate ko din daw siya in the near future.

Humigpit ang hawak ni Didi sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Huminto ako sa paglalakad at pinunasan ang mga tumulong luha niya. Natawa pa ito at suminghot singhot.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Didi at tinignan ko ang mga taong nakangiti ngayon sa akin. Nahuli ko naman si Mama na pinupunasan ang mga luha niya kaya hindi ko narin napigilan ang mga luha ko na tumulo.

What we have is timeliness

My love is endless

And with this ring I say to the world

Tuloy ng singer sa pagkanta habang naglalakad kami ni Papa palapit kay Kidd na nakatitig sakin at nangingilid ang mga luha. Nginitian ko siya at nginitian din niya ako pabalik.

So as long as I'll leave I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now till my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight

Huminto kami ni Didi sa paglalakad ng makalapit kami kay Kidd. Kinuha ni Didi ang kamay ni Kidd at nilagay sa kamay kong hawak din niya.

"Alagaan mo ang anak ko at huwag na huwag mong sasaktan, kung ayaw mo na sa kanya ibalik mo lang siya sa'kin" sabi pa ni Didi habang pinipigilan ang mga luha niya.

"Di, pangako po aalagaan ko siyang mabuti at kailanman ay hindi sasaktan" sagot naman ni Kidd.

Tumango si Didi at tinapik ang balikat ni Kidd.

Nagkatinginan naman kami ni Kidd at nginitian ang isa't isa bago naglakad palapit sa altar kung saan naroon ang paring mangkakasal sa'amin.

********

Natapos ang kasal na masaya, ginanap ang reception sa IPH Tagaytay kung saan si Kidd ang CEO at ako naman ang General Manager ng Hotel niya. Hindi pa tapos ang reception ng magyaya si Kidd na umalis na. Ayoko pa sana dahil nakakahiya sa magulang namin at sa mga bisita pero wala akong nagawa ng magpaalam na ito at buhatin ako sa harapan ng mga tao. Palakpakan at hiyawan ang mga tao habang buhat buhat niya ako palabas sa function room ng hotel.

Isang puting limousine ang naghihintay sa'min ang sinakyan namin. Nag video call agad ako kina Mama dahil hindi ako nakapag paalam sa kanila. Pagkatapos ko silang kausapin ay sina Hailey at Klea naman. Busy rin si Kidd sa pagsagot sa phone niya kaya naman pinatay niya iyon para daw walang istorbo.

Mahaba haba rin ang byahe namin dahil sa Manila pa kami pupunta. Halos makalahati na namin ang champagne ng tumigil ang limo. Binuksan ng hired chauffeur ang pintuan at unang bumaba si Kidd. Inalalayan naman niya akong bumaba.

Nasa Manila Bay kami ngayon at isang malaking yacht ang naghihintay sa'min. Alam ko lang sa IPH ang punta namin at doon gagawin ang ahem.. first night namin. Mga paandar talaga ng asawa ko nakaka gulat. Hekhek. Yes, asawa ko na siya ngayon hindi boyfriend o fiance kundi asawa.

Sumakay kami sa yacht at sinalubong kami ng mga staff ng masayang pagbati. Nalaman kong inarkila ni Kidd ang buong yate para mag cruise.

Masayang sinelebrate namin ang unang araw namin bilang mag asawa at ang unang gabi naming dalawa.

Two weeks ang vacation namin ni Kidd, gusto nga niya isang buwan kaso inaalala ko ang kumpanya. Nakasakay kami ngayon ng eroplano papuntang Chile para mag stargazing, three days lang kami doon at didiretyo ng Maldives para doon tapusin ang honeymoon namin.

********

After 10 months...

Nakahawak sa isang kamay ko si Kidd habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa bakal sa may taas ng ulo ko kung saan ako lumalambitin kapag umiire ako.

"Doc i cesarean niyo na ako hindi ko na kaya" pagmamakaawa ko sa ob gyne ko. "Ahhhhhhh!!!!" Sigaw ko ng muling humilab ang tiyan ko. "Kasalanan mo'to" hinihingal na sabi ko kay Kidd na halata ding nasasaktan sa pagkakahawak ko sa kanya. Tama lang sa kanya na damayan ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon para alam nito kung gaano pala kahirap manganak.

"Babe kaya mo yan, kaya mo yan" pag cheer ni Kidd sakin.

"Kaya mo yan misis, magkaka peklat ka sa c-section sayang ang tiyan mo." Sabi nito

"Okay lang po hindi ko na kaya" sagot ko sa kanya

"Sige bigyan mo'ko ng isang mahabang ire, kapag hindi mo talaga kaya i si c-section kita" sagot ng doktor ko sakin

Isang mahabang ire ang pinakawalan ko at pinaire pa ulit nila ako dahil nakikita na ang ulo. Lumakas naman ang loob ko ng sabihin nila na nakikita na ang ulo. Ang sabi pa ng doktor ay huwag daw akong titigil sa pag ire dahil bumabalik ang ulo ng baby ko sa loob na delikado para sa kanya.

Isang mahabang ire ulit ang ginawa ko hanggang sa makaramdam ako ng ginhawa.

"It's a baby boy" masayang sabi ng doctor

"Ang cute niya" sabi naman ng mga nurse

Naramdaman ko naman ang pagbitaw ni Kidd sa kamay ko, akala ko ay pupuntahan niya ang baby namin pero hinimatay pala ito.

******

Inilipat na ako sa kwarto ko matapos ang ilang oras sa recovery room. Naroon na sina Mama, Didi, at Daddy sa kwarto habang buhat buhat ni Kidd ang baby namin na pinangalan namin na Xian Reed G. Pimentel.

"Babe" nakangiting tawag sakin ni Kidd. Lumapit ito sa'kin at pinakita ang baby namin.

Tumayo ako mula sa wheelchair at tinignan ng mabuti si Reed. Maluha luha pa ako ng hawakan ang maliit na kamay niya at ng kumapit ito sa daliri ko.

"Ohh" bigkas ko habang hawak nito ang daliri ko. "Kilala mo ba ako? Ako to si Mommy" sambit ko habang may luhang tumutulo sa mga mata ko. Mas naiyak naman ako ng ngumiti ito.

"Ang cute ng apo ko kilala niya ang mommy niya" sabi naman ni Mama

Bumitaw na sa pagkakahawak sa daliri ko si Reed at kinuha ko siya kay Kidd. Niyakap naman ako ni Kidd mula sa likod habang tinitignan ang baby namin.

"I love you Babe thank you for giving birth to Xian" bulong nito habang nakatingin parin kay Reed.

"No need to thank me Babe I love you too" sagot ko sa kanya

"Mabuti pa mahiga ka baka mabinat ka, akin na yang cute na apo ko si Halmoni muna ang kakarga" sabi ni Mama

Inayos ni Kidd ang higaan ko at pinahiga ako. Nagsitinginan naman kami sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok si Klea at ang apat na gwapitos na may dalang basket ng prutas at mga lobo. Sunod naman dumating si Kuya at halatang iniiwasan nito si Klea.

Naging magulo sa loob ng kwarto ko dahil pinagtatalunan nila kung sino ang kamukha ng baby namin. Ayaw naman magpatalo ni Mama na nakisali sa gulo na siya daw ang kamukha. Tumawag naman si Nanay Sally at pinaalam na nanganak narin si Queenie, apat na malulusog na puppies daw ang mga anak nito at puro lalaki.

Naging tahimik lang ang kwarto ng magsi alisan na sila, tapos na kasi ang oras ng bisita at isa lang ang pwedeng maiwan.

Nagkatinginan kami ni Kidd at puno parin ng ngiti ang mga labi namin. Hinalikan niya ako ng mariin at gumanti naman ako sa halik niya. Naputol lang ang halik na iyon ng umiyak si Reed na ikinatawa naming dalawa.

**********