CHAPTER FIFTY FIVE

Lexinne's Pov

Hindi ako palainom pero naka tatlong cocktail din ako dahil narin sa pag push sakin nina Klea at Hailey. Mahina ang alcohol tolerance ko kaya hindi talaga ako umiinom, pero nagulat ako kay Klea na puro hard ang iniinom pero hindi tinatamaan.

Nakaramdam lang ako ng pagkahilo ng pabalik na kami ng hotel, hindi ko alam kung anong oras na iyon pero super enjoy ang gabing ito. Kanya kanyang salitan ng goodnight kami at pasok sa kanya kanyang kwarto ng makarating kami sa suite.

Umupo muna ako sa kama at nagpasyang maligo baka sakaling mawala ang hilong nararamdaman ko.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub at nilagyan yon ng bubble bath bago nagbabad doon. Naginhawaan naman ang pakiramdam ko at hinayaan pahabain ang pagbababad. Nasa dalawang pung minuto narin siguro akong nakababad ng magpasyang maligo.

Pinupunasan ko ang buhok ko ng makitang may umiilaw sa kama ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang cellphone ko kaya naman dali dali ko itong kinuha at tinignan ito?

"117 missed calls" sambit ko at puro kay Kidd lahat iyon, tinignan ko rin ang 42 messages sa inbox ko at halatang galit, nagtatampo at nag wo worry sakin.

Nag vibrate ang phone ko at sinagot agad iyon ng makita ang pangalan ni Kidd.

"Hello babe?" Kagat labing sagot ko. Narinig ko naman itong nagmura at nagpa thanks God. Napapikit tuloy ako.

"Saang Hotel kayo?" Tanong nito

"Ha?" Patay malisyang sabi ko

"Nandito ako sa Caticlan ngayon pero wala pang available na boat" sabi nito

"Ha?!" Malakas na sabi ko

"Maghihintay lang ako ng boat saang hotel kayo naka check in?"

"Wait.. paano mo nalaman? Sinabi nila Mama?"

"Importante paba kung paano at kanino ko nalaman? May paparating ng boat, saang hotel ka ngayon"

Napangiwi ako.

"Sa Ambassador" mahinang sagot ko

"Mag usap tayo pagkarating ko" sabi nito tsaka nito pinatay ang phone

Patay na. Lagot ako nito.

Sinabunutan ko ang sarili ko at nanlabas ng panjama at sinuot iyon. Lumabas ako ng kwarto at wala akong nakitang tao sa may sala. Kakatok sana ako sa kwarto ni Klea para sabihin na papunta na Kuya niya pero hindi ko na tinuloy, baka mahimbing na siyang natutulog.

Nagbalik nalang ako sa kwarto ko at nag online sa facebook. Ang dami kong naka tag na pictures galing sa mga gwapitos at kay Hailey, may video pa na nagsasayaw ako buti nalang hindi malaswang tignan. Nakita ko naman ang pangalan ni Kidd sa comment box at kausap niya si Klea. Natampal ko nalang ang noo ko sa mga nabasa ko.

Abala ako sa pag f-facebook ng tumawag ulit si Kidd.

"Babe!" Mabilis na sagot ko

"Room 408" sagot lang nito tsaka niya ako binabaan ng phone

Tumayo ako sa kama at tinignan muna ang sarili sa salamin bago muling lumabas sa kwarto. Sumakay ako ng elevator para makababa sa 4th floor, hindi naman ako nahirapan hanapin ang room 408 at nag doorbell doon.

"Good evening Ma'am" bati pa sakin ng isang taga maintenance na naglilinis

"Good evening din po" balik kong bati sa kanya tsaka naman bumukas ang pinto at hinila ako ni Kidd papasok at muling sinara iyon.

"H-hello" pilit akong ngumiti kay Kidd na ngayon ay matalim na nakatingin sa'kin. Yumuko ako at dadaan sana sa baba ng braso niya ng hapitin niya ako palapit sa katawan niya "b-babe hehe" pilit akong tumawa

"What do you think you're doing?" Seryosong sabi nito na nakapako ang mata niya sa mga mata ko

"S-sorry" nautal na sabi ko

"What are you sorry for?" Seryoso paring sabi nito kaya napakagat ako ng labi.

"Sorry po" nakayukong sabi ko. Iniangat nito ang mukha ko.

"Para saan ang sorry mo?" Malumanay na tanong nito

"Sa lahat po" sabi ko na nangingilid na ang luha. Hindi ko kasi alam kung anong uunahin ko sa paghingi ng sorry sa kanya. Ako naman kasi talaga ang mali. Well, guilty talaga ako hindi kasi ako nagpaalam sa kanya at worst nalaman lang niya kung nasaan ako dahil sa Facebook

"Ano ang lahat ng iyon?" Tanong pa nito kaya naman tuluyan nahulog ang ilang butil na luha ko na mabilis nitong pinahiran gamit ang hinlalaking daliri niya. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong umiyak.

"S-sorry hindi ako nag paalam sayo" nagsimula ng gumaralgal ang boses ko at hindi na napigilan ang maiyak. Yumakap ako sa kanya at naramdaman din ang pagyakap niya.

"I love you" dinig kong sabi nito at hinalikan ang ulo ko

"Sorry na Babe I love you too" sabi ko at tumingin sa kanya.

"Tahan na, huwag mo nalang uulitin na hindi ipaalam sa'kin mga ganitong bagay" sabi nito na pinunasan pa ang luha sa pisngi ko.

Tumango at ngumuso ako sa kanya habang pigil ang paghikbi

Napangiti naman ito at dinampihan ako ng halik sa labi.

Nakangiting nagtinginan ulit kami at muli niya akong hinalikan.

"I missed you" sabi nito habang yakap niya ako ng mahigpit

"Sorry hindi ko nasagot mga tawag mo ha? I missed you too" pumikit ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Bakit nga pala hindi mo sinasagot kanina mga tawag ko? Alam mo ba gaano ako nag aalala?" Sabi nito at niluwagan ang pagyakap sa'kin at muling tinignan ako na salubong ang kilay

"Nakalimutan ko kasi sa room ang phone ko" nakalabing sagot ko tsaka tumingin sa baywang niya kung saan ako nakayakap "sorry kung pinag alala kita"

"Halos mabaliw ako ng makita ko ang pictures niyo nina Klea kanina, para akong masisiraan ng bait ng malaman kong nasa Boracay kayo. Ang daming scenarios na tumatakbo sa utak ko kaya mabilis akong nagpa book ng ticket kaso 9pm pa ang kasunod na flight" sabi nito

"Sasabihin ko naman talaga sayo pagdating namin dito sa Boracay pero nakalimutan ko lang talaga. Ang dami ko ngang inihandang mga sasabihin sa'yo tulad ng bakit hindi ako nag paalam pero sa sobrang pagod inuna ko pa ang magpahinga. Sorry po"

Bumuntong hininga siya at hinalikan ang ulo ko

"Sa susunod kung may pinaplano kayong ganito sabihin mo agad sa'kin, papayagan naman kita eh" sabi nito at iniangat ang mukha ko. "Ang importante okay ka lang" sabi pa nito na ikinatango ko.

Ngumiti siya at niyakap ako. Nagulat ako ng umangat ako sa kinakatayuan ko at naglakad siya papunta sa kama niya at maingat niya akong hiniga.

"Matulog kana oras na" sabi pa nito at hinalikan ako sa noo

"Babalik na'ko sa room ko" sabi ko na nagtangkang tumayo pero pinigilan niya

"Dito ka matutulog"

"B-babe" nautal na sabi ko

Tumingin siya sa relos niya at muling tumingin sa'kin

"Matulog kana maliligo lang ako" sabi pa nito at tinalikuran ako "huwag kang aalis kung ayaw mong magalit ako" habol na sabi nito.

Parang alam nito na balak kong takasan siya para bumalik sa kwarto ko at doon matulog.

"G-goodnight Babe" utal kong sabi at hinila yung comporter at tinakpan ang katawan ko

Kung kanina ay antok na antok ako ngayon naman ay nawala lahat ng antok ko. Mariin akong pumikit at nag concentrate para makatulog pero lagaslas ng tubig mula sa banyo ang naririnig ko.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto sa banyo at naramdaman ang paglabas ni Kidd mula doon. Pinilit kong hindi gumalaw at pumikt at nag tulug tulugan.

Ilang minuto rin ang lumipas ng maramdaman ko ang pag galaw ng kama, naamoy ko rin ang mabangong amoy na sabon na ginamit ni Kidd.

"Alam kong hindi kapa tulog" dinig kong sabi niya.

Wait, teka, paano niyang nalaman? Ang tagal kaya niyang naligo. Sinusubukan lang siguro niya ako, kailangan kong galingan ang pag acting para maniwala siya na tulog na'ko.

Mariin akong napapikit ng maramdaman ang comporter na umangat, at napamulat ng maramdaman ang dahan dahang pag angat din ng ulo ko ng ilipat ni Kidd ang ulo ko sa bisig niya at niyakap ako.

"Goodnight Babe, matulog kana" hinalikan niya ako sa noo

Ang bilis ng tibok ng puso ko, paano naman kaya ako makakatulog nito.

***