CHAPTER FIFTY FOUR

Lexinne's Pov

Ngayon na ang araw ng pag alis namin papuntang Boracay at kahit hindi ako nagpaalam kay Kidd ay excited parin ako.

Nandito na kami ngayon sa airport at hinihintay nalang ang oras para sa flight namin papuntang Kalibo. Excited narin ang mga gwapitos at ready ng mang chicks.

Napansin ko naman si Hailey na pasimpleng sumusulyap kay Lance. May nararamdaman akong iba sa mga tingin at ngiti niya kay Lance pero si Lance mukhang walang idea. Napaisip ako at napangiti. Nang tinawag na ang flight namin ay agad kaming kumilos at nag board ng plane.

Pagkarating namin sa Kalibo ay nag lunch muna kami, after naming mag lunch ay sumakay naman kami papuntang Caticlan at port. Sumakay kami ng boat at bumaba naman kami sa Cagban kung saan sumakay na naman kami ng minivan papunta na sa hotel na tutuluyan namin.

Nandito na kami ngayon sa Ambassador Hotel at nagmamadali ang mga gwapitos makarating sa kwarto nila para makapag liwaliw na, ganoon din naman si Hailey at Klea na pinag uusapan kung saan sila unang pupunta, samantalang ako ay gusto ko munang magpahinga.

"Tawagin niyo na akong kj okay lang, basta dito lang muna ako sa kwarto gusto ko munang magpahinga" sabi ko ng ayain ako ng dalawa na lumabas

"Hindi ka namin iiwan dito" sabi naman ni Klea

"Bilis na for sure nasa labas na ang mga boys" sabi naman ni Hailey

"Okay lang naman ako dito kayo nalang muna" sabi ko

"No, sumama ka sa'min" kulit ni Klea

"I'm going to change muna" paalam ni Hailey na lumabas ng kwarto ko at nagpunta sa sariling kwarto niya.

Magkakasama kami sa isang suite pero may kanya kanya kaming kwarto.

"Bumangon ka nga diyan!" Palo sa pwet ko ni Klea

"Yah!" Malakas na sabi ko

Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa nakita ko ang pag ngisi niya. Ayaw na ayaw kong nakikitang ngumingisi si Klea ang weird sa pakiramdam.

"Isang tanong isang sagot. Babangon ka diyan o hindi?" Sabi nito. Sigurado may naglalaro sa utak nitong si Klea na hindi ko mabasa, pero kasi gusto ko talagang magpahinga muna.

"Hindi" buo at matapang na sagot ko

"Okay" sabi lang niya at nag shrug pa ng balikat tsaka tinalikuran ako. Nakahinga naman ako ng hindi na niya ako kulitin. Buti naman.

Mag aayos na sana ako ng higa ng biglang umupo ulit sa kama si Klea at pinag kikiliti ako. Halos maiyak na ako sa kakatawa at ang sakit na ng tiyan ko pero ayaw parin niya akong tigilan.

"Ano? Bababa ka o kikilitiin nalang kita ng walang katapusan" sabi nito na patuloy parin pagkiliti sakin

"Uy! Ano yan? Sali ako" dinig ko namang sabi ni Hailey na tapos ng magpalit ng damit

"Halika sis kilitiin natin ang babaeng ito" tawag pa ni Klea kay Hailey "ano sasama kana ba?" Sabi pa nito

"Oo na oo na tama na sasama na" sumusukong sabi ko kaya huminto na siya sa pagkiliti sa'kin.

Habol hininga ako habang naka hawak parin sa tiyan ko.

"Gusto lang pala makiliti hindi agad sinabi" sabi naman ni Hailey habang nakaupo sa dulo ng kama ko at nagsusuklay

"Magpapalit muna ako ng damit at magpalit kana rin" utos sakin ni Klea "Sis kapag nahiga yan ulit kilitiin mo hanggang mamatay ako bahala sayo"

"Ang sama mo sa'kin" sabi ko nalang

"Kapag hindi siya nagpalit ng damit pwersahan mo ikaw magpalit ng damit sa kanya" utos pa nito kay Hailey

"I got it Sissy" sabi naman ni Hailey tsaka ito tumingin sa'kin

"Kung ako sayo magpapalit na'ko" sabi ni Hailey na seryosong nakatingin sa'kin "don't worry hindi kita kikilitiin kaya safe ka sakin, pero.." tigil nito sa pagsasalita at nginisian ako. Bakit ba ang hilig nilang ngumisi? Ang weird kaya sa pakiramdam. "Pagkabilang ko ng lima kapag hindi kapa kumilos huhubaran kita" nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya "isa" umpisa niya sa bilang na kaagad kong ikinaupo

"Heto na nga po kukuha na ako ng damit ko magpapalit na po" sabi ko na bumaba na ng kama at nagsimulang maghanap ng maisusuot.

Napatingin naman ako sa suot ni Hailey na bowknot crop top at high waist short. Siguro mag so short nalang din ako. Nilabas ko yung high waist sexy hallow back shorts ko at tinernuhan iyon ng white off shoulder long sleeve crop top.

Pumasok agad ako sa banyo para magpalit ng damit at mag hilamos na din. Saktong paglabas ko ay nandoon narin si Klea nakaupo sa kama ko. Naka high neck shirt crop top na kulay black ito at naka denim shorts na kulay abo.

"Tara na?" Tanong ni Klea sa'kin

"Wait lang naman baka pwedeng magpolbo at mag suklay muna ako" sagot ko sa kanya

"Sa totoo lang beh ang bagal mong kumilos" sabi naman nito na hindi ko pinansin

Pagkatapos kong mag pulbos, maglagay ng lip balm at mag spray ng perfume ay okay na ako. Konting suklay lang naman kasi kailangan ng buhok ko dahil maikli lang iyon.

"Tara na" aya ko sa naiinip na dalawa pagkatapos kong isuot ang kulay white ankle strap flat sandals ko.

Nakangiti kaming tatlo habang naglalakad palabas ng Ambassador Hotel.

******

"Beh dito!" Tawag ko kay Klea ng may makitang nagtitinda ng souvenirs

"Ang cute nito" sabi ni Hailey habang hawak ang isang straw bag. Kumuha rin ako ng isang straw totes bag at tinanong sa tindera kung magkano iyon.

"Mamaya na kayo bumili ng mga yan nagugutom na ako" sabi naman ni Klea na lumapit sa'min

"Nagugutom na nga rin ako eh" sabi ko sabay hawak sa tiyan

"Nasaan na kaya sina Lance?" Sambit ni Hailey habang nagkakandahaba ang leeg

"Hayaan mo na mga iyon, kakain din sila kapag nagutom" sagot ni Klea sa kanya

Dahil maaga pa for dinner naisipan nalang namin na mag burger muna kaya naman pumasok kami sa Steampunk at nag order ng isang malaking burger at iced tea.

"Lance!" Sigaw ni Hailey na tumayo at kumaway. Tinignan naman namin kinakawayan niya at nakita ang apat na gwapitos

"Wow! Sakto daan namin dito ah!" Sabi ni Greg na nakatingin sa burger namin

"Umupo kayo" utos ni Klea sa kanila

"Here, dito ka nalang" hila ni Hailey sa isang upuan para makaupo si Lance

Nagkatinginan naman kami ni Klea. Para kaming sina B1 at B2 na pareho ang takbo ng iniisip. Ngumisi si Klea habang ako naman ay yumuko at tinago ang ngiti.

Nag tawag ulit si Klea ng waiter at tinanong ang mga gwapitos kung anong gusto nilang kainin. At dahil magulo sila at gusto lahat ang pagkain ay pinag order nalang din sila ng burger at iced tea ni Klea. Hindi nalang sila kumibo kahit nagsisisihan sila sa tinginan nila.

******

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad kami, hinayaan nalang namin na bumuntot ang mga gwapitos sa'min. Nag live video naman si Hailey sa facebook at nag comment si Maymay na enjoy! na ngayon ay nasa Bohol at doon daw mag c-christmas with her family.

Wala ring katapusan ang pag g-groupie naming pito, sayang lang naiwan ko yung phone ko sa hotel room namin. Sabagay may bukas pa naman kaya babawi nalang ako bukas. Malapit ng dumilim ng magpasya kaming bumalik sa Hotel.

"Sis smile!" Masayang sabi ni Hailey na yumakap sakin at kumuha ulit ng picture. Hindi ko alam kung ilang pindot ang ginawa niya at nakita ko nalang na kasama na namin sa ibang pictures ang mga kasama namin na iba iba pa ang posing.

"Pre bilisan mo! Nangangawit na ang panga ko sa pagngiti" reklamo naman ni Chuck habang nagpapa picture ito kay Greg

"Kingina! Paano ba itong phone mo hindi ko alam gamitin!" Sagot naman ni Greg sa kanya

Tawanan naman kami habang papasok sa loob ng elevator.

"Bossing punta tayong Epic mamaya maganda don!" Sabi ni Lance

"Oo nga boss! Inom tayo!" Sabi naman ni Greg

"Game ako!" Taas kamay na sabi naman ni Hailey at hinawakan ang kamay ko na tinaas din niya. Nagsitaasan din ng kamay sina Travis at Chuck.

"Mag dinner muna tayo sa baba mamaya bago pumunta doon" walang emosyong sabi naman ni Klea. Tuwang tuwa naman si Hailey na kulang nalang magtatalon sa loob ng elevator.

"Alright!" Sabi naman ni Greg at nakipag fist bumps sa mga kaibigan.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Iniangat ko ang kamay kong may suot na relo at tinignan ang oras. Alas sais kwarenta na, may isang oras pa ako para magpahinga. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayang nakatulog.

Nagising ako dahil sa yugyog sa balikat. Nakita ko si Klea na naka tayo at naka krus ang balikat habang si Hailey naman ay nakaupo sa tabi ko at ginigising ako.

"Gising na mag c-clubbing pa tayo" dinig kong sabi ni Hailey

"Hmm" sabi ko at pinilit na umupo. Tinignan ko ang oras at nakitang alas otso na.

Tumunog ang doorbell at umalis si Klea para tignan iyon.

"Sorry nakatulog ako" sabi ko at bumangon na

Wala sa sarili na dumiretyo ako sa banyo at naghilamos. Paglabas ko ay siya namang pasok ni Klea sa kwarto ko.

"Nasa sala na ang mga gwapitos" sabi ni Klea

"Puntahan ko na muna sila, mag ayos kana" sabi naman ni Hailey

Inabot sakin ni Klea ang suklay at nagsuklay ako. Konting polbo at lip balm lang ulit ang ginawa ko at tapos na, lumabas na kami ng kwarto ko at naabutan ang mga kasama namin sa sala. Natawa pa ako dahil todo porma sila habang kaming girls ay hindi na nag abala pang magpalit ng damit.

"Ayos ang pormahan natin ah" hindi mapigil na sabi ko kulang nalang kasi mag coat and tie sila, maliban lang kay Chuck na naka cuban collar at ripped jeans.

"Ma'am Lexinne ang tawag sa ganito ay disente" sabi naman ni Lance na nakatupi ang kulay navy blue niyang long sleeve hanggang siko.

"Ohh" natatawang sabi ko habang tinitignan sila

"So anong tawag mo sa suot namin, hindi disente?" Taas kilay naman na sabi ni Hailey

"Binagay lang naman namin ang mga suot namin sa inyo" sabi naman ni Travis na naka tuck in ang polo shirt at may suot na denim jackets.

"Anong ibig niyong sabihin? Kamukha namin kayo?" Naniningkit ang mga matang tanong naman ni Klea

"Tara na tara na para makarami tayo" aya naman ni Greg

"Tss" sabi nalang ni Klea at lumabas na kami ng suite namin

"Mukha kayong power puff boys" sabi ni Hailey na ikinatawa ko at ni Chuck

"Kayo mukhang -"

"Mukhang ano Lance?" Tanong ni Klea na nagpaputol sa sasabihin sana niya

"Yan loko! Hindi mo nalang kasi tanggapin na mukha kayong power puff" pigil ang pagtawang sabi ni Chuck

"Mukha kayong mga prinsesa boss hehehe" sagot ni Lance tsaka niya binatukan si Lance

"Tss" angil nalang ni Klea para hindi na humaba pa

Namangha agad ako ng makita ang Epic na sinasabi ng gwapitos. Maraming mga turista ang naroon at nagsasayaw, marami ring umiinom habang nag kukwentuhan. Pumili si Travis ng mauupuan namin at ng masiguro nila na okay na kami doon ay lumusob na sila sa dance floor at sumayaw. Supportive naman si Hailey na vinideohan pa sila.

Muntik ng matapon ang cocktail na iniinom ko ng hilahin ako ni Klea para magsayaw. Ibinigay ko naman yon kay Hailey at kinuha naman niya ito.

Hinila ako ni Klea papunta sa gitna ng dance floor at nakigulo sa mga sumasayaw doon. Nang may mga lalaking nagsilapitan samin ni Klea ay to the rescue naman ang mga gwapitos at iniwan ang mga kasayaw nila. Tawa kami ng tawa ni Klea habang nagsasayaw at sa huli ay sumali na rin si Hailey sa'min na ngayon ay kasayaw si Lance.

***