CHAPTER FIFTY THREE

Lexinne's Pov

Hinihintay ko ngayon sa bahay sina Hailey at Klea, may usapan kasi kami ngayon na mag s-sleep over sila at mag m-movie marathon kami dito sa bahay. Ang sabi nila kanina sakin on the way na sila kaya malapit nalang niyan sila.

Napangiti ako ng may bumusina sa labas kaya naman dali dali akong tumakbo palabas ng bahay para pagbuksan sina Klea.

Pagbukas ko ng gate ay siya namang labas ni Pearl kasama ang mga kaibigan niya, sina Maggy at Abby. Naka ekis ang dalawang kamay sa braso ni Pearl na naglakad palapit sa'min habang nakasunod ang dalawang kaibigan niya. Bumaba si Klea sa kotse niya at lumabas rin ang naka yukong si Hailey.

"Well well well, long time no see bitch" sabi ni Abby kay Hailey na tinulak pa ang braso nito

"Huwag mo ngang hawakan ang kapatid ko" harap ni Klea kay Abby at tinago sa likuran niya si Hailey

"Kapatid? Kailan pa?! Hindi ba anak lang siya ng kabit ng Daddy mo" sabi naman ni Maggy

Nanlilisik ang mga mata ni Klea na nakatingin kay Maggy.

"Ano ngayon kung anak siya ng kabit ng Daddy ko? Ginusto ba niya yon? Kung makapag salita ka parang napaka perpekto mo, sino ba ang perpekto dito? Sana kung hindi ko nalang alam na pabagsak na ang negosyo niyo. Ano gusto mo sulsulan ko ang Daddy ko para i turn down ang request ng Daddy mo?" Tuloy tuloy na sabi ni Klea

"What? Bankrupt na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Abby sa kaibigan

"Eh ano ngayon sa'yo? Ayaw niyo na din siyang maging kaibigan dahil bagsak na sila? Bakit ikaw ba Abby kumusta ang pamilya mo? Balita ko lulon sa casino ang mommy mo at nag do droga kapatid mo, sana lang maging strong parin mga franchise business niyo" sabi pa ni Klea at tumingin kay Hailey.

Sinalubong naman ni Hailey ang tingin ni Klea na tila walang tinatago o kinakatakutan.

"Ang dami mong sinasabi hindi naman ikaw ang gusto naming makausap" sabi ni Hailey kay Klea

"At sinong gusto niyong makausap? Si Hailey? Kung gusto niyo talaga siyang kausapin noon pa kinausap niyo na siya hindi dito sa daan. Kung kaibigan niyo siya dapat kinukumusta niyo siya at dinadalaw lalo na sa panahon na kailangan niya kayo! Alam niyo ang plastik niyo, mga mang gagamit kayo. Kapag may kailangan kayo sa tao ang babait niyo, kapag wala na kayong mahihita sa kanya itatapon niyo nalang na parang wala ng silbi"

Pumalakpak naman si Pearl at lumapit kay Klea.

"Ang galing mo naman saan mo napulot yang sinasabi mo? Dapat sayo mag sulat ng kwento online ang lawak kasi ng imagination mo" sabi ni Pearl

"Kumpara sayo magaling talaga ako, hindi ko kailangan mag imagine dahil alam nating dalawa na true story sinasabi ko. Pero pwede rin akong mag imagine at gawan ka ng kwento kung gusto mo. Anong genre at plot ba gusto mo?"

"Isulat mo nalang kung anong gusto mo basta sa kwentong isusulat mo siguraduhin mong nandoon ka, isang loser na heridera at isang selfish brat" sabi nito tsaka tumingin sa'kin at ngumisi

"What if ganito nalang, isang loser, isang selfish brat at isang pakantot na pasosyal. Oh My God! Spg pala genre ng ikukwento ko kung ganoon." Takip sa bibig na sabi ni Klea "bale iikot ang kwento sa bidang babae na sosyalerang pakantot which is syempre ikaw iyon tapos magkakaroon ka ng selfish na bff at si Lexinne iyon, ayaw ka kasi niyang pautangin kaya selfish siya don. Tapos may isang loser na papasok sa eksena at sa kasamaang palad ako yon tapos mahuhuli kitang magpapakantot sa mga lalaki for the sake of money. Oh shit! Parang papunta na yung kwento sa true story" sabi ni Klea at bumulong kay Pearl.

Hindi ko narinig kung ano ang ibinulong niya basta nakita ko nalang na nanigas sa kinakatayuan niya si Pearl at hindi makapag salita.

"Sis pasok kana sa kotse kanina pa nakabukas ang gate nila Lexinne" tawag pansin ni Klea kay Hailey. Pumasok naman si Hailey sa kotse at umurong ako para tuluyang makapasok ito.

Pagkapasok ni Klea sa kotse niya ay iniwan ko ang tatlong babae sa tapat ng gate namin. Hindi parin nagsasalita si Pearl na nanginginig ngayon habang sina Maggy at Abby ay nagtatalo.

*******

Parang walang nangyari sa labas kanina at ang sigla ng dalawa habang naghahanap ng mapapanood online. Actually nag download na ako ng dalawang movie The Psychopath at Peninsula pero dahil movie marathon daw iyon, hindi daw sapat ang dalawang movie lang.

Nakapili sila ng tatlong movie at kasalukuyang dina download ngayon. Nang tignan ko mga dina download nila yung Frozen 2 lang ang nagustuhan ko. Sa makalawa narin ang alis namin papuntang Boracay, nakapag paalam na ako sa parents ko at pinayagan ako, ang problema lang si Kidd, hindi pa ako nakakapag paalam sa kanya. Bahala na si batman.

Napili namin unang panoorin ay ang 21 Bridges, ang totoo wala akong interes sa mga action movie pero syempre magkakaiba tayo kaya magkakaiba rin ang gusto natin.

Nakatutok sa panonood ang dalawa at maging ako rin naman, hindi ko lang maiwasan pagmasdan ang dalawa. Parang kailan lang hindi nagpapansinan ang dalawa at kung sakali mag krus ang landas nila siguradong away na. Ngayon naman hindi sila mapaghiwalay at natutuwa ako dahil sa nakikita kong closeness nilang dalawa.

"Kukuha lang ako ng snacks natin sa baba" paalam ko at umalis mula sa pagkakaupo ko sa kama.

"Beh huwag mong kalimutan ang juice ha? O kaya kahit water lang nauuhaw ako" bilin ni Klea

"Opo senyorita" nakangiting sagot ko atsaka tumingin kay Hailey na nakatingin sa'kin "kayo po Madame ano pong gusto niyo?" Tanong ko sa kanya

"Just bring everything, I'll choose nalang here" sagot ng loka loka sakin

"Everything" ulit ni Klea na ngayon ay nakatingin sa'kin

"Susubukan ko po Madame at Senyorita" sagot ko sa dalawa at tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi mawala ang ngiti ko habang hinihintay maluto ang popcorn na nilagay ko sa microwave. Kumuha rin ako ng brownies na binake ni Mama at yung isang jar ng cookies. Syempre hindi pwedeng mawala ang mga chips kaya kumuha ako ng dalawang malaking pack ng sitsirya. Balak ko sanang gumawa ng tacos pero mamayang gabi nalang, baka hindi na sila makakain ng dinner.

Bumalik ako sa kwarto ko kasama si Nanay Sally dala mga pagkain namin, naabutan namin ang dalawa na seryosong nanonood. Nakakahiyang mang istorbo kaya naman nilapag ko nalang ang pagkain sa tapat nila.

Tumunog ang alert tone ng phone ko at tinignan iyon.

Nag text si Kidd.

"Busy?" Basa ko sa text niya.

Tinignan ko muna ang dalawang kasama ko na hindi mawala ang mga mata sa tv screen.

"Nope!" Reply ko

"Paalis na ako ng office may gusto kang ipabili?"

"Wala po, ingat sa pag drive pauwi"

"Uwi lang ako sa condo tapos punta na ako diyan"

Kung wala lang dito yung dalawa siguradong matutuwa ako sa text ni Kidd kaso binilin ni Klea sa'kin kanina bago sila pumunta dito na huwag ko munang papuntahin si Kuya niya dahil sa nauumay na siya kapag nakikita kaming dalawa.

"Huwag kana munang pumunta dito"

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nag reply.

"Bakit?"

"Wala, basta huwag muna. Magpahinga ka nalang sa condo magkita nalang tayo bukas"

"Gusto kitang makita ngayon"

Ako din naman gusto ko kaso nga... aish!

"Bukas nalang busy ako ngayon"

"Ano bang ginagawa mo? Tulungan kita"

"Huwag na pagod ka"

"Babe"

Napanguso ako. Para kasing naririnig ko siya na tinatawag ako.

"O?"

"Paalis na ako pupuntahan kita diyan"

"Huwag nga sabi!"

Tumingin ako sa dalawa at talagang seryoso sila sa panonood nila.

"Pagdating mo sa condo mo magpahinga ka, magluto ka ng dinner mo"

Medyo kinakabahan ako kaya nag text ulit ako sa kanya.

"Mag ingat ka sa pag drive I love you"

Lumapit ako sa dalawa at nakipanood na din. Nakipag agawan rin ako sa popcorn at ginulo sila. Parang maganda yung movie pero hindi ko maintindihan kaya ang dami kong tanong sa kanila. Mabuti nalang nasa mood sila at hindi ako tinapon palabas ng kwarto ko.

*****

Napatingin kaming lahat sa pinto ng may kumatok.

"Pasok" sabi ko at inakalang si Nanay Sally lang yon

Literal na nanlaki ang mga mata at tinakpan ang bibig ng makita si Kidd ng buksan nito ang pinto. Napatingin naman ako sa dalawang kasama ko. Patay.

"Hi Kuya!" Kaway ni Hailey sa kanya

Mabilis akong bumaba sa kama at sinalubong siya

"Pina akyat na ako ni Mama sinabi niya nandito daw kayo" sabi ni Kidd

"Dun ka nalang sa baba Kuya hindi ka belong dito" sabi naman ni Klea

"Anong ginagawa mo dito? Sabi ko naman sa'yo huwag ka munang pumunta" mahinang sabi ko kay Kidd na kinurot pa ang tiyan niya. Napangiwi naman siya sa sakit.

"Sabi mo kasi busy ka kaya naisipan kong tulungan ka, kung alam ko lang na heto pinagkaka busyhan mo hindi na ako pumunta"

"Pwede ka ng umalis Kuya" sabi naman ni Klea. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kidd

"Ang sakit ng likod ko dito na muna ako, ano ba yang pinapanood niyo?" Lumapit si Kidd sa kama habang hawak ang kamay ko at tinignan kung ano ang pinapanood namin "maganda yan, ililigta-"

"Ssshhhh" sabay pang tumingin sina Hailey at Klea kay Kidd. Tinaas naman ni Kidd ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko. Buti nga sa kanya may pagka spoiler kasi siya.

Muling nabaling ang panonood ng dalawa sa movie at ako naman ay dinampihan muna ng halik sa labi si Kidd bago lumapit sa dalawa at tinuloy ang panonood. Naramdaman ko naman nahiga sa kama si Kidd at hinayaan ko nalang. Bahala siyang mainip, sinabi ko naman kasi sa kanya na huwag pumunta pero pumunta parin.

***