CHAPTER FIFTY TWO

Lexinne's Pov

Dahil christmas break na ay libre na kaming gumala ni Klea kahit anong oras namin gusto. Kasama namin ngayon si Hailey na pinilit lang namin dahil lagi lang siyang naka kulong sa kwarto niya. Ewan ko ba dun kina Pearl hindi man lang magawang pasyalan ang kaibigan nila, alam naman nila na may pinag dadaanan yung tao.

Wala akong hilig sa make up kaya iniwan ko sila sa Sephora at nag paalam na bibili lang ng dog shampoo dito sa may Daiso Japan. Shampoo lang naman talaga ang balak kong bilhin pero halos mapuno na ang dala kong basket dahil sa kutkutin.

"Wow! Ang cute nito beh bagay sayo" sabi ni Klea na tapos na palang mamili.

Tinignan ko naman yung maliit na ipit na nilagay niya sa buhok ko.

"Tsk! Hindi na ako bata para mag clip" sabi ko at tinanggal ito

"Try this one" abot naman ni Hailey ng isa pang clip kay Klea, napapansin kong medyo close na sila.

"Heto beh suot mo" sabi ulit ni Klea at sapilitang isinuot sa'kin

Actually cute yung ipit, hugis ribbon siya na clip din at may gems na nakapalibot dito.

"Cute pero hindi bagay sakin" sabi ko at tinanggal yon

"Ang ganda kaya! Bilhin mo na" pangungulit ni Klea

"Hindi ko naman isusuot eh, tignan mo nga ang ikli ng buhok ko" sabi ko pa

"Mahabang buhok lang ba dapat mag ipit?" Taas kilay na tanong nito. Ayokong umpisahan kamalditahan niya kaya kinuha ko sa kamay niya yung hair clip at nilagay sa basket ko. "Para 99 pesos lang titipirin mo kagandahan mo" mahinang sabi pa nito

"Hmm.. Hailey natikman mo naba ito? Alin ang masarap dito" tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya at tinignan mga tinitignan ko.

Umapaw naman ang basket ko ng ilagay nito ang mga kitkat sa istante, iba iba ang mga flavors nun. May dalawang pringles din siyang kinuha na may cinnamon and sugar flavor at white chocolate peppermint flavor. Ang weird ng mga taste niya pero pinaka nagustuhan ko yung strawberry pancake na nilagay niya, isa lang yung nilagay niya kaya kumuha pa ako ng lima, buy 5 get 1 free kasi yon hehe.

"Hep! Stop na" bawal ko kay Hailey ng maglalagay pa sana siya ng mga cup noodles na hindi ko maintindihan ang nakasulat. "Ayokong magbitbit ng marami tama na'to" pagdadahilan ko nalang.

"Okay" kibit balikat na sabi nito tsaka siya ulit kumuha ng mga tsokolate.

Nauna siyang nagbayad sa'kin at ng makita ko yung binili niya nanlaki ang mga mata ko at agad tumingin sa mga estante nun.

"Omo! Beh ikaw na muna dito may kukunin lang ako" hila ko kay Klea at mabilis na pumunta sa mga chocolates. Abot tenga ang ngiti ko ng makita at mahawakan yung mga chocolate cheesecake dips.

"Ang dami naman niyan" sabi ni Klea habang nakatingin sa mga chocolates na ibinaba ko sa counter

"Konti pa nga eh," sagot ko sa kanya. Nakangiti naman sakin yung cashier kaya nginitian ko din siya.

"Weirdo" sabi naman ni Hailey na ikina simangot ko. Heller! Mas weird kaya siya sakin. Pero hinayaan ko nalang siya, inisip ko nalang na nag mo move on pa siya sa namayapa niyang ina. Kaya chill lang muna ako at kailangan ng mahaba haba pang pasensiya.

Pagkatapos kong magbayad ay nagyaya na si Klea na kumain. Nagtatanungan pa kami kung saan namin gustong mag lunch. Si Klea gusto niya sa East Creative Asian Cuisine si Hailey naman ay nagyaya sa Bistro Ravioli ako naman gusto ko sa Jollibee.

Sa huli ang napili namin ay Pizza Hut, nasa tapat na kasi kami ng Pizza Hut at para walang gulo doon nalang kami pumasok at kumain.

********

"Gusto niyo mag out of town?" Tanong ko sa dalawa

"Saan naman?" Tanong ni Klea

"Wala akong pera" napatingin kami kay Hailey na patuloy lang sa pagkain

"Edi manghingi ka kay Dad" sabi naman ni Klea

"Wala bang iniwang pera sa'yo Mommy mo?" Napakagat labi nalang ako sa pagiging insensitive ko. Kapag naaalala kasi niya Mommy niya umiiyak siya.

"Meron pero konti lang iyon, kung gagastusin ko sa luho mauubos agad" sagot nito na ngayon ay nakatingin nalang sa pagkain niya. Mahinang pinalo ko ang bibig ko, kasi naman ang daldal ko.

"Itabi mo nalang kung may kailangan ka sabihin mo nalang sa'kin, huwag kang mag alala kapag nagyayaya si Lexinne palaging libre niya, nakita mo naman kanina siya nagbayad ng foods natin" sabi ni Klea

"Ha?" Inosenteng tanong ko. Oo nilibre ko sila dito kasi mura lang naman to, pero yung bakasyon sa ibang lugar para sa tatlong katao hindi na keribels ng budget ko. Kumindat naman si Klea sa'kin. "Ah! Syempre ako nag aaya kaya dapat libre ko, ganoon naman talaga diba?" Nakangiting sabi ko kay Hailey

"See" sabi naman ni Klea at muling kumindat sa'kin

"Sige kung pinipilit niyo" sagot naman ni Hailey

"Sa Boracay kaya?" Excited na tanong ni Klea. "Isasama ko yung mga gwapitos para may lalaki tayong kasama"

"Bakit hindi nalang si Kidd ang isama natin para makapag bonding din kayong tatlong magkakapatid" nakangiting sabi ko

"Great idea" sabi ni Hailey na sa wakas ay nakita ko rin ang excitement sa boses at mukha niya

"Kailan niyo gusto?" Tanong naman ni Klea

"Kayo, kung kailan niyo gusto" sabi ko

"This Sunday?" Patanong na sabi ni Hailey

"Go ako" agad sabi ni Klea kaya tumingin sila sa'kin. Napaisip naman ako, baka ako nga magbayad sa trip namin, jusko! Akala ko kami lang tatlo magsasama pa pala si Klea.

"Uhm.. okay sige" napilitang sabi ko

"Alright! Magpapa book na ako ng hotel and tickets natin" sabi ni Klea na kinakalikot na ang phone niya.

Nakangiting tumatango lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ko

"Bakit seven tickets?" Tanong ni Hailey na nakatingin kay Klea

"Ilan ba tayo? Tayong tatlo at yung apat na gwapitos edi seven" sagot ni Klea. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko buti nalang agad kong nalunok yon at ngayon ay inuubo nalang ako. Lumapit naman si Klea at hinagod hagod ang likod ko. Nagtinginan pa sa pwesto namin yung ibang tao, akala siguro napano na'ko.

"Grabe nakakahiya" sabi ni Hailey na tinakpan pa ang mukha

"Dahan dahan lang kasi sa pagkain" paninisi naman ni Klea sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Nagtinginan kaming tatlo ng matapos ang pag ubo ko at biglang nagtawanan. Nakakahiya naman kasi talaga.

"Teka, akala ko ba si Kidd ang isasama natin para makapag bonding kayo?" Tanong ko kay Klea

"Naisip ko na huwag na siyang isama, magiging op kami kung maglalambingan lang kayong dalawa doon" sagot ni Klea

"Hindi naman eh, gusto ko nga mag bonding kayong tatlo" sinserong sabi ko

"Oh sure ikaw gusto mo iyon eh si Kuya? Tsaka beh mas okay lumakwatsa kapag walang boyfriend na kasama" sabi pa ni Klea

"I agree" sabi naman ni Hailey

"Okay sige kayong bahala" sagot ko nalang

"Tsaka busy si Kuya kaya huwag na muna natin sabihin sa kanya, kapag nasa Bora na tayo dun nalang natin sabihin"

"Ehh? Magagalit yon sa'kin" kontra ko

"Hindi magagalit yon sa'yo nu kaba!" Bato sakin ng tissue ni Hailey

"Kung magagalit yon sigurado sa'min at hindi sa'yo" sabi naman ni Klea

"Indeed" sabi naman ni Hailey na may kasama pang pagtango

"Kapag nagalit siya sa'kin kayo ihaharap ko" natatawang sabi ko

"So it's settled" tumatangong sabi ni Hailey. Tumango ako.

Tuloy na tuloy na talaga ang trip to bora namin. Nagpa book na si Klea sa Ambassador Resort ng dalawang suites, isa daw para samin at isa para sa mga gwapitos.

"Sure kaba na sasama sila?" Tanong ni Hailey kay Klea

"Kahit busy mga iyon sasama sila kapag sinabi ko" paniniguro ni Klea

"So... shopping na tayo? Kailangan ko ng bagong bikini" Sabi ni Hailey

Ang nagsasabi kanina na walang pera ay bumili ng limang pirasong swimsuits. Si Klea naman ay dalawang piraso habang ako ay nganga. Marami pa akong swimsuits sa bahay na hindi pa nasusuot. Kapag kasi bumibili si Mama ng swimsuit niya ibinibili narin niya ako. Hilig kasi ni Mama ang pag su swimming at yun narin ang exercise niya.

Umuwi kami ng bahay na pagod na pagod. Sa susunod na magyayaya ang dalawa na mag shopping tatanggi na ako. Iba kasi yung shopping na alam ko sa shopping nila. Ilang ulit naming inikot ang buong Rustan's at hindi kinaya ng paa ko.

Tumunog ang phone ko at agad sinagot iyon kahit hindi ko alam kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya

"Nasa bahay kana Babe?" Tanong nito. Napangiti ako ng mabosesan ko siya.

"Hmm.. kadarating ko lang"

"Kumusta naman anong nabili mo?"

"Hmm.. foods?" Patanong na sagot ko. Foods naman kasi talaga ang nabili ko "oh! Wait! Pati Rayban pala" dagdag ko

"Hahaha"

"Saya? Happy?" Tanong ko ng marinig siyang tumawa

"Sorry Babe hindi ko lang napigilan, kasama mo sina Klea diba? I'm wondering what my little sisters bought this time. Hindi naman nila binili ang buong mall diba?" Sabi nito

"Oh please.. huwag mo ng ipaalala" sabi ko

"Hahahaha!" Tumawa ulit si Kidd

"Sana pala binalaan mo'ko kanina, anyway kumusta diyan?" Nasa Tagaytay siya ngayon, may meeting siya sa mga architects at engineers kasama si Didi, may kaunting pagbabago kasi silang gagawin sa design. Ewan ko kung ano yun, basta yun ang sinabi niya sa'kin.

"Okay naman Babe, alam ko pauwi na si Didi tinatanong nga ako kanina kung hindi pa ako sasabay"

"Bakit nandiyan kapa?" Kunot noong tanong ko

"May meeting pa ako mamayang four sa possible investor, after nun uuwi na ako. Didiretyo na ako diyan sa'yo"

"Bakit hindi sa bahay niyo?" Pabebeng sabi ko na kunwari ay ayaw ko

"Kailangan kasi kitang makita para ma recharge ako" sagot nito na nagpangiti sa'kin

"Sus!" Sabi ko pero nakangiti pati butas ng ilong

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Kidd ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at makapag pahinga. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita ang fab4 na fab3 lang sa ngayon na nasa garden nila Pearl at mukhang nagsasaya.

***