CHAPTER FIFTY ONE

Lexinne's Pov

Tulad ng plano ko tinuloy ko ang pag su swimming ko ngayong gabi, tapos na ang niluto kong pasta at kasalukuyang nag ba barbeque kami ni Nanay Sally.

Tinawagan ko si Kuya Gab at sinabing dito na mag dinner pero tumanggi agad siya dahil maraming ginagawa ngayon sa bar nila. As if naman may ginagawa siya doon.

Pagkatapos maligo kanina nila Didi ay naging busy na kaming dalawa ni Nanay Sally sa pag tuhog ng kebabs at sa pagluluto ko ng pasta. Nag marinate rin ako ng chicken drumstick at liempo na i g-grilled ko rin mamaya. Nakisuyo din si Mama na isali ang inihaw na bangus na request ni Didi

Pagkatapos maluto ng dapat maluto ay naghanda na ako para mag swimming. Seven na ng mag pasya ako ng magpalit pampaligo at kahit anong pilit ang gawin ko kay Nanay Sally ayaw talaga nitong samahan ako. Kesyo malamig daw at hindi siya marunong lumangoy.

Isang halter top at twist high white bikini set ang napili kong isuot, actually dala ko pa ito mula sa Korea at ngayon lang susuotin. Minasdan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti naman ako. Nag suot ako ng bathrobe at nagdala ng isa pang twalya bago tuluyang bumaba at nagpunta sa may swimming pool.

Naabutan ko mga kasama ko sa bahay na nasa pool area, naka pantulog na nga si Didi parang pinaparating sakin na wala talaga siyang balak mag swimming.

"Sweetheart halika na ng makakain na tayo" tawag sakin ni Didi kaya nagmadali akong lumapit sa kanila

"Bawal kumain ng pasta at barbeque ang mga hindi mag su swimming" bawal ko sa lahat

"Titikman lang namin huwag maramot" sabi naman ni Mama na nakangiti

"Kasi naman eh!" Reklamo ko parin sa kanila

"Hala sige kumain kana at baka magutom ka sa paglangoy mo" sabi naman ni Nanay Sally

"Alam niyo ba na ang pag su swimming sa gabi ay nakakatulong para mahimbing tayong nakatulog? Lalo na ikaw Ma, lagi kang nagigising sa madaling araw diba?" Sabi ko

"Kahit anong sabihin mo hindi kami mag su swimming ng Didi mo, hayan si Nanay Sally mo siya ayain mo mas maaga pang nagigising sa'kin yan"

"Ayaw din niya eh, takot siya sa tubig" simangot na sabi ko

"Sasamahan ka naman daw niya eh para hindi ka mabagot"

"Sasamahan kita hanggang alas otso dito" sabi naman ni Nay Sally

"Hanggang alas diyes ako"

"Ang tagal mo naman? Manonood pa ako ng It's okay not to be okay"

"Kumain nalang tayo, kaya ko naman mag swimming mag isa"

Masiglang kumain naman kaming lahat, naka dalawang balik pa ako sa rice cooker dahil ang sarap kumain ng naka kamay.

Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako ng konti at hinintay silang matapos kumain. Nang pumasok na si Didi sa loob ng bahay ay hinubad ko na ang bathrobe ko at pumunta sa gilid ng pool.

Niligpit na nina Mama at Nanay ang pinagkainan namin at nang iwan nalang ng pagkain ko sa may sun lounger para may makain ako kung sakaling magutom ako.

Bumaba na ako sa pool at nagsimulang lumangoy, ang lamig ng tubig. Naka ilang balik na ako sa paglalangoy ng maisipan kong umahon para uminom. Tumingin ako sa dirty kitchen at bukas parin ang ilaw. Hindi pa siguro tapos sa paglilinis si Nanay Sally kaya hindi pa ako pinupuntahan dito.

Pagkatapos kong uminom ay lumusong ulit ako sa pool. Nagpa lutang lutang ako habang pinapanood ang mga bituin na kumukutitap sa langit. Muli akong lumangoy at sumisid sa pool, pag angat ko sa tubig ay nagulat pa ako ng makita si Kidd sa sun lounger na nakangiti at pinapanood ako.

"Shocks! Bakit nandito ka? Nagulat ako sayo" Tanong ko sa kanya

"Kanina pa ako tumatawag sa phone mo pero hindi mo sinasagot, nag alala ako kaya naisipan kong puntahan ka" sagot nito sa'kin

"Ano naman pwedeng mangyari sa'kin dito sa bahay?" Natatawang tanong ko

"Ewan ko, siguro miss lang talaga kita" sagot nito na ikinatawa ko

Lumangoy ako papunta sa ladder para umahon.

Pag ahon ko ay di mawala ang tingin sa'kin ni Kidd. Natawa pa ako ng pumito siya na parang nakakita ng sexy. Sabagay sexy naman ako, mas sexy nga lang yung ex niya. Paglapit ko sa kanya ay pinaikot nito sa'kin ang twalyang hawak niya.

"Thank you" sabi ko at umupo kami sa sun loungers "kumain ka naba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Nagluto ako ng pasta kanina at may barbeque pa, kumain ka muna" sabi ko at kinuha yung mga pagkain

Sakto naman dumating si Nanay Sally na may dalang juice at brownies.

"Kidd mag juice ka muna, may pagkain sa loob kung gusto mo ipaghahanda kita" sabi nito pagkatapos ay tumingin siya sa'kin "Hindi na kita sasamahan tutal nandito na si Kidd" sabi pa nito

"Sige po Nay ako na ang bahala sa kanya" sabi naman ni Kidd. Sumimangot naman ako.

"Alam mo ba pinag kakaisahan nila ako dito" sumbong ko kay Kidd

"Ha?" Kumurap kurap namang tanong niya

"Sila kasi ayaw akong samahan dito!" Turo ko kay Nanay Sally

"Alam mo naman hindi ako marunong mag langoy langoy" dipensa ni Nanay

Nakita ko naman ang pagpigil ng pagtawa ni Kidd.

"Sige itawa mo na baka mautot ka" inis kong sabi tsaka uminom ng juice

"Mga batang ire, iwanan ko na kayo diyan at manonood pa ako ng korean drama" paalam ni Nay Sally bitbit ang tray

Sinamaan ko naman ng tingin si Kidd ng hindi na niya mapigilan ang pagtawa nito.

"Ewan ko sayo!" Malakas na sabi ko at sumimangot

"Hindi, hindi sorry na" sabi nito na pinipigilan ang pagtawa.

Lumipat ito sa kinauupuan ko at niyakap ako. Nakaramdam naman ako ng init galing sa katawan niya.

"Gusto mong mag swimming?" Tumingin ako sa kanya at nag ganda mata

Seryosong tumingin din siya sa'kin.

"Babe wala akong damit panligo" napangiti ako sa sinabi niya,

Humarap ako sa kanya at matamis na ngumiti.

"Maraming damit si Kuya sa kwarto niya" malapad ang ngiting sabi ko

"Babe hindi kami mag kasing size"

"Magkasing katawan lang kayo nun! Pumili ka nalang ng kasya mo"

"Babe magagalit kuya mo kapag pinakialaman mga gamit niya"

"Hindi yun, ako ang bahala" pamimilit ko

"Babe magagalit talaga siya"

"Ako nga ang bahala" tulak ko sa kanya para tumayo at magpalit na siya

"Panonoorin nalang kita dito" yumakap siya sakin

Tumingala ako sa kanya at mabilis na dinampihan ng halik sa labi.

"Mas gusto kong kasama ka mag swimming" sabi ko

"Next time Babe" sabi nito na mabilis din dinampihan ng halik ang labi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang tinulak.

"Okay fine, kung ayaw niyo akong samahan edi huwag" sabi ko nalang at tinanggal ang twalyang nakabalot sa'kin at naglakad papunta sa pool at tumalon.

Nakaka dalawang balik na ako sa paglangoy at akala ko makukunsensiya si Kidd at sasamahan na ako pero bigo ako. Naka upo lang siya sa tabi ng pool at pinapanood ako. Sa inis ko ay tinapunan ko siya ng tubig at nabasa siya ng kaunti. Sinubukan ko ulit na basahin siya pero nakalayo at nakaiwas siya. Tumawa naman siya.

Ilang beses pa akong nagpabalik balik sa paglangoy at sumisid bago nagpasyang umahon na. Tulad kanina binalot ni Kidd sa katawan ko yung twalya pero tinanggal ko iyon at pinunasan muna ang tumutulong buhok ko.

Umupo ako at nakitang ubos na yung pasta ko, mukhang gutom nga siya.

"Babe pasok na tayo sa bahay, maliligo lang ako saglit tapos kain tayo, nagutom ako sa paglangoy" nakangiting sabi ko at kinuha yung bathrobe tsaka sinuot

Naka lingkis ako sa braso niya habang naglalakad papasok sa bahay, naabutan namin sina Mama at Nanay Sally sa sala na nanonood ng Korean Drama.

"Manood ka muna maliligo lang ako" paalam ko kay Kidd at iniwan siya sa sala at nagmadali naman akong umakyat para makaligo.

Mabilis na hot shower lang ang ginawa ko tsaka ako nagpatuyo ng buhok at nagmadaling bumaba. Muntikan pa akong mahulog sa hagdanan buti nalang naka hawak ako sa handle. Juiceko! Muntik na akong ma tsugi.

Pumunta ako sa likuran ni Kidd at niyakap siya kahit may sagabal na upuan saming dalawa. Busy ang dalawang kasama niya sa panonood kaya tinawag ko na siya para makakain kami.

Mabuti nalang may natitira pang kanin sa rice cooker kahit magana kaming lahat kumain kanina. Sinandok ko lahat ang natitirang kanin at inilapag iyon sa mesa. Chinop ko yung nag iisang liempo na natira at gumawa rin ng sawsawan. Naghanda narin ako ng juice para sa inumin namin.

Tumingin ako kay Kidd na nakangiting nakatingin sa'kin. Hinubad ko yung apron na suot ko at nanghila ng upuan para maupuan ko pero hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya.

Yumapos siya sa'kin at narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya

Sinalubong naman nito ang paningin ko

"Hindi," malamlam ang mga matang sagot nito "gusto ko ng kiss" sabay nguso nito na ikinatawa ko.

Dampi lang talaga sa labi ang ibibigay ko sa kanya at hindi ko inakala na lalalim ang halik na iyon. Halos mawalan ako ng hininga pero sa kalooban ko ay gusto ko pa. Nakasumpong na naman ang pagka malandi ko. Bago tuluyang mawalan ako sa katinuan lumipat na ako ng upo sa upuan ko at nag behave.

"Kain na tayo nagugutom na ako" painosenteng sabi ko na parang walang halikan na nangyari sa pagitan naming dalawa.

Halos ilagay ko lahat yung kanin sa plato niya habang dalawang kutsara lang ang inilagay ko sa plato ko.

"Bakit ang konti ng sayo?" Kunot noong tanong niya at akmang lalagyan pa ng kanin ang plato ko pero pinigilan ko

"Babe gabi na, hindi ako masyadong kumakain pagkatapos ng seven o'clock. Tsaka kumain na ako kanina, gusto ko lang kumain ulit" sabi ko na ikinatango niya

"Akala ko nag da diet ka" sabi nito bago sumubo

"Hindi uso ang diet sa'kin kaya nga hindi ako sexy" sabi ko na pinaikot pa ang eyeballs ko bago tumusok ng liempo at sinubo iyon

"Ang payat mo na kaya" sabi naman nito

"Edi hindi nga ako sexy" sabi ko.

Mabilis ko siyang binigyan ng juice ng bigla siyang maubo. Uminom siya at pagkatapos ay pigil ang pagtawang nagsalita habang nakatingin sa'kin.

"Babe kung hindi ka sexy anong tawag mo sa katawan mo?"

"Sexy!" Mabilis na sagot ko at tinaasan ng isang kilay "sexy ako pero mas sexy ang ex mo"

"Si Kath? Paanong naging sexy yon e buto buto yun"

"Maliban kay Kath meron pang iba?!" Masungit na sabi ko na mabilis niyang ikina iling

"Wala na" mabilis na sagot niya "huwag mo ngang ikumpara sarili mo sa kanya, iba ka at iba siya"

"Alam ko" mahinang sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa matapos

Pinanood ko si Kidd habang kumakain, kahit sa pag nguya niya ang gwapo parin niya. Tinignan naman niya ako na parang naiilang kaya kapag sumusubo siya ay tinatakpan niya yung side niya para hindi ko siya makita.

"Yah!" Malakas na sabi ko hanang tinatanggal yung kamay niyang tumatakip sa mukha niya. Tawa naman kami ng tawa hanggang sa kiniliti ko siya.

Napatingin kaming dalawa ni Kidd sa may pinto ng kusina at nakitang nakatayo doon sina Mama at Nanay Sally na nakangiti at pinapanood pala kami. Habol hininga naman si Kidd at yakap ang sariling tiyan.

***