CHAPTER FOURTY SEVEN
Klea's Pov
Kasalukuyan kaming nag aagahan ngayon at tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang naririnig naming tatlo. Pasulyap sulyap ako sa mag ina tsaka ako ngumingisi.
Nagkasalubong ang paningin naming dalawa ni Brenda at wala sino samin ang may gustong unang bumawi ng paningin,
"I'm done," sambit ni Hailey kaya naman unang inalis ni Brenda ang tingin sa'kin at tinignan ang anak "papasok na ako" dinig kong sabi pa ni Hailey tsaka tumayo
Uminom naman ako ng tubig at pinunasan ang bibig ko bago walang paalam na tumayo at umalis doon.
Narinig ko pa ang pag uusap ng mag ina dahil sa pagiging bastos ko daw. Hayy naku.. Minabuti ko nalang umakyat at bumalik sa kwarto ko
Kinalikot ko ang phone ko at agad nag text kay Lexinne pagkapanhik ko sa kwarto ko.
"Beh, masama ang pakiramdam ko parang lalagnatin ako" text ko sa kanya
Agad naman akong naka recieve ng reply niya
"Hala ka! Uminom ka naba ng gamot? Otw na ako sa school puntahan kita diyan" basa ko sa reply niya
"Naka inom na ako ng gamot wala ako sa tambayan" reply ko
"Saan ka? Pupuntahan kita"
"Dito ako sa bahay, don't worry mamaya okay na ako. May mga nag aalaga naman sa'kin dito"
"Sure ka? Sabihin ko kay Kidd na dalawin ka diyan,"
"No, huwag na mag aalala lang yon itutulog ko lang 'to"
"Okay sige, pahinga kana. Update mo'ko pagka gising mo. Kapag hindi ka nag text o tumawag after two hours pupuntahan ka namin diyan"
"Opo Ate hehe" reply ko at ibinaba na ang phone ko sa kama
Tumayo ako at lumapit sa may bintana. Nakita ko ang pag alis ng kotseng naghatid kay Hailey sa paaralan habang ang nanay nito ay kumakaway sa umaandar na sasakyan. "Tss" Wala naman talaga akong sakit, wala lang talaga akong balak na pumasok ngayong araw.
Nahiga ulit ako sa kama at tumitig sa kisame, napangisi ako ng maalala mga narinig ko kagabi. Ayaw daw niyang dito ako patayin sa bahay niya which is akin naman talaga, ilusyunada lang talaga siya.
Naligo at nag babad nalang ako sa bathtub, pagkatapos ng kalahating oras ay gumayak na ako para umalis. Nakakainip dito sa bahay isa pa gusto kong maglaro. Napangisi ako sa naisip.
Isang short sleeve white crop top at pink stripe jumper ang sinuot ko at tinernuhan ko ng black boots. Pagbaba ko ay naabutan ko si Brenda sa sala na nagbubuklat ng magazine, walang pake na umupo ako sa sofa at inilabas sa limited edition channel flap bag ang phone ko.
Nag text ako sa mga gwapitos na pumunta sa mall dahil may huhuliin kaming matinik na isda. Sumulyap naman ako kay Brenda na nakatingin sa'kin at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Saan lakad mo?" Tanong nito
"Shopping lang sa Rustan's may sale kasi ngayon" mabait na sagot ko
Ngumisi siya at ibinalik ang tingin sa magazine "bumibili ka pala sa mga sale, I didn't know" tsaka ito mahinhin na tumawa
"Of course, mas nakakamura kasi ako isa pa hindi naman sila second hand" nakangiting sabi ko at bumuntong hiningang tumingin sa phone ko at kunwari kinalikot "ewan ko ba kay Daddy bakit nang uwi dito sa bahay ng second hand, second hand na nga buy 1 take 1 pa" sarcastic na sabi ko tsaka tumayo na "aalis na'ko" paalam ko pa sa kanya at nginitian pa.
Tinignan ko ang nakaparadang BMW na binili ni Dad sakin nung last birthday ko, pinatunog ko iyon at pumasok sa loob. May mga ibang kotse pa ako dito sa mansion pero hindi ko na pinapansin, pero never kong pinapagamit sa iba. Two years ago nakita kong ginamit ni Hailey yung Audi ko kaya inabangan ko siya sa garahe hawak ang isang tubo. Hindi pa siya nakakababa sa kotse ay pinag hahampas ko na yung kotse at sigaw siya ng sigaw sa loob.
Pasalamat siya naawat ako ng mga tauhan namin kung hindi baka inuuod na siya. Ilang araw din siyang nasa hospital noon dahil sa kaartehan niya, na trauma daw. Hindi ko na pinaayos yung kotse ko para everytime na makita niya yon maalala niya yung nangyari dati sa kanya at kung ano ulit ang mangyayari kapag pinakealaman pa niya mga gamit ko.
Napangisi ako ng maalala iyon, inapakan ko ang accelerator at nagmaneho ng mabilis palabas sa village at papunta sa Rustan's.
Bago ako bumaba sa kotse ay tinawagan ko muna si Lance, nasa coffee shop daw sila malapit sa entrance. Binuksan ko ang kotse ko at lumabas na doon. Nang nasa entrance na ako ay agad kong napansin ang mga gwapitos, sino bang hindi makakapansin sila. Ang ingay ingay nila.
Tumitingin tingin ako sa loob ng mga boutique habang sila naman ay nasa malayo at nakasunod lang sa'kin. Minsan pumapasok din sila sa mga pinapasukan ko pero hindi nagpapahalata na magkaka kila kilala kami. Ang galing nga nilang umakting. Tss.
Abot sa tenga ang ngiti ko ng makarating sa Jimmy Choo, ang dami kong sapatos na hindi pa nasusuot pero everytime na napapadaan ako dito ay hindi pwedeng hindi ako bumili kahit isa.
"Good morning Ms. Pimentel" malapad ang ngiting salubong sa'kin ng mga sales rep. Vip ako dito sa store kaya kilala nila ako.
Umupo ako "May bagong dating ba?" Tanong ko sa tatlong babaeng umiistima sa'kin
"Yes po Ma'am kukunin ko po" sagot ng isang babae
Pagbalik ng dalawang babaeng kumuha ng mga sapatos ay may dala silang apat na pares na ikinangiti ko. Hindi ko mapigilan ang saya ng makita ko ang mga ito.
Isang off white victoria pumps ang isa na agad kong sinukat. Napangiti naman ako sa itsura niya sa aking paa kaya inabot ko agad yon sa isang babae at sinuot naman ang isang kulay gray na tacey crystal and feather embellished slingback sandals.
Lahat ng apat na pinakita sa'kin ng mga sales rep ay binili ko. Tuwang tuwa naman sila at syempre mas natuwa ako.
Isang oras narin akong nag iikot ng maisipan kong umupo sa Starbucks. Vanilla bean frappuccino at oatmeal fudge bars ang binili ko. Umupo ako sa loob ng store at kinalikot ulit ang phone ko. Nag text ako kay Lexinne at sinabing okay na ako. Sa peripheral vision ko naman ay nakita ko sina Greg at Lance na pumasok din sa loob ng store. Nasa kaliwa ko si Greg at two tables sa kanan ko naman umupo si Lance.
Hindi ko pa nauubos ang inumin ko ay tumayo na ako. Pagkalabas ko ay may naramdaman na akong kakaiba pero pinag walang bahala ko iyon. Last shop na pinuntahan ko ay Tiffany & Co. Lahat maganda, lahat gusto ko pero lahat expensive. Sinukat ko ang isang leaf victoria diamond bracelet na may mga diamonds at napangiti ako. Maganda siya at gusto ko talaga siya kaya pikit matang inabot ko ang card ko sa store manager at binayaran iyon.
Papunta na ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko ng muli kong naramdaman yung mga taong sumusunod sakin. Sana lang umabot ako sa kotse ko ng maipasok ko mga binili ko. Ayokong magasgasan kahit mga paper bags lang nila. Mas mahal pa mga ito kaysa sa mga buhay nila.
Sa awa ng Panginoon nakarating ako sa kotse ko, saktong naipasok ko mga pinamili ko ng lumapit sa'kin ang isang lalaki at tinutukan ng kutsilyo ang tagiliran ko.
"Huwag kang sisigaw kung ayaw mong butasan ko tagiliran mo" sabi ng lalaki sakin
Nakita ko naman ang mga gwapitos sa di kalayuan at naka abang lang sa sasakyan.
"Kuya maawa ka po sa'kin" paawa kong sabi sa lalaki.
"Sumunod ka lang sa sasabihin ko walang mangyayaring masama sayo" sabi naman nito at inakay ako papunta sa isang Hiace van.
Halos itulak ako ng lalaki papasok sa loob ng van pero wala akong nagawa, mamaya siya sakin. Naka pagitna ako sa mga lalaking hindi ko mawari kung anong amoy, parang amoy ng sigarilyo, putok o bulok na ngipin. Tinali nila ang kamay ko kaya hindi ko magawang mag takip ng ilong.
Nagdiriwang na sila at kulang nalang ay mamatay sa kakatawa dahil magkaka pera na daw sila. Mga kawawang nilalang. Bumuntong hininga nalang ako.
Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang sementadong bahay at pinababa ako. Napapaligiran iyon ng mga puno ng saging at may naririnig din akong ingay ng mga manok. Pabagsak akong itinulak ng lalaking may hawak sakin kanina sa loob ng mabahong bahay. May isang lamesa doon at puno ng maruruming plato, mga pinaglagayan ng pulutan nila at mga bote ng alak.
"Kuya maawa po kayo sa'kin pauwiin niyo na po ako" pagmamakaawa ko kunwari sa kanila pero hindi nila ako pinapansin.
"Tawagin mo na si Ma'am para mabigay na pera natin" sabi nung isang lalaki sa kasama niya. Bale 6 lahat silang dumukot sakin at nagsasaya ngayon.
"Oo nga pre nangangati na ang mga kamay ko" sabi naman ng isa
Kinuha naman ng lalaki ang cellphone niya at tinawag ang Ma'am nila. Ini loud speaker pa niya ito para madinig ng mga kasama niya.
"Hintayin niyo ako pupunta na ako diyan" malinaw ang pagkakadinig kong sabi ni Brenda sa kanila bago pinatay ang phone. Lalo naman nag ingay at nagsaya ang mfa lalaking kumidnap sa'kin.
"Kuya dodoblehin ko ang ibabayad ko sa inyo pakawalan niyo lang ako" sabi ko sa mga ito
"Kahit triplehin mo pa hindi ka namin pakakawalan, huwag kang mag alala hindi naman magiging masakit pagka matay mo isang putok lang at wala ka ng mararamdaman" sabi naman ng isang lalaki atsaka sila nagtawanan
"Sure ka Kuya?" Nawala ang paawang boses ko at ngumisi "Alam niyo bang mas mayaman ako kaysa kay Brenda? Kung pakakawalan niyo ako at babaliktad sa kanya bibigyan ko kayo ng 20 milyon"
Nakatinginan silang lahat tila nag dalawang isip.
Kung gugustuhin ko ay pwede akong kumawala ngayon mismo at patayin sila pero mas pinili kong magpabihag dahil gusto kong mahuli si Brenda at makulong. Nasa paligid na din ang mga gwapitos at hinihintay lang ang go signal ko.
"Hindi namin tatraydorin si Ma'am Brenda" sagot sa'kin ng isang lalaki na sinang ayunan pa ng iba
"Kung magpapaloko kami sayo sigurado sa kulungan ang abot namin" napangisi ako, matalino din pala ang mukhang aswang na'to
Fifteen minutes na nakalipas buhat ng sabihin ni Brenda na papunta na siya ibig sabihin nasa kinse minutos nalang din natitirang oras ko bago siya makarating dito.
"Sigurado naba talaga kayo sa desisyon niyo? Bibigyan ko ulit kayo ng tatlong minuto para mag isip, kung hindi... mamamatay kayo"
"Ikaw muna ang mamamatay bago mo kami mapapatay!" Sigaw ng isang lalaki at nginisihan ko siya
"Umaandar ang oras niyo" sabi ko at tumingin sa wall clock na hindi naman nagana
"Manahimik ka baka hindi ako makapag timpi hindi kana abutan ni Boss!" Sigaw ulit ng lalaki
10, 9, 8, 7, pagbibilang ko sa isip.
"6, 5, 4..." pagbibilang ko na ikinatingin nila sa'kin "2... 1" sabay ng pagtatapos ko sa pagbibilang ay siya namang sipa ni Travis sa pintuan. Mabilis kong natanggal ang pagkakatali ko dahil sa abnoy ang mga tauhan ni Brenda. Parang nagtali lang ng sintas ng sapatos na konting hila lang ay matatanggal na.
Nakatutok ngayon ang mga baril ng mga gwapitos sa mga lalaking kumidnap sa'kin habang naka taas ang mga kamay nila at namumutla. Nasa sahig naman at walang malay ang isang lalaki habang may sugat sa balikat ang isa.
"Kung nakinig sana kayo sa'kin hindi na tayo aabot sa ganito" sabi ko
Kinuha ko yung kutsilyo ng lalaking lumapit sa'kin kanina sa parking lot at pinaglaruan yon sa harapan niya. Nakikita ko naman ang isang lalaki sa gilid ng aking mga mata na para bang may binabalak siya.
Bago pa makuha ng lalaki ang baril na nakasukbit sa likuran niya ay binato ko na sa kanya ang kutsilyong hawak ko. Napadaing naman ito sa sakit habang hawak ang kanang kamay na duguan.
"Huwag kayong gagawa ng kahangalan kung ayaw niyo pang mamatay" walang emosyon na sabi ko
"Patayin mo na kami kung gusto mo!" Sigaw ng isang lalaki
Nakita ko naman bumulagta ang lalaking sumigaw at napatingin ako kay Greg na parang wala lang ginawa. Nag urungan naman ang mga lalaki at tila takot na takot.
"Sabi niya patayin ko na kayo pero inuna ko na siya, ang selfish kasi ng kaibigan niyo gusto pa niya kayong isama sa kamatayan niya. Bakit? Gusto niyo bang sumama na sa kanya?" Mabilis naman silang umiling
Ayoko naman talaga silang patayin dahil alam ko naman kung sino nag utos sa kanila, kaso mainitin ang ulo ng mga gwapitos wala akong magagawa.
Rinig namin ang paghinto ng isang sasakyan. Pinatayo ko yung lalaking sigaw ng sigaw sakin kanina at tinutukan naman siya ng baril ni Chuck.
"Galingan mo ang pag arte kung ayaw mong sumabog ang utak mo" bulong ni Chuck sa kanya. Sumilip naman ako sa bintana at nakita si Brenda na naglalakad papalapit.
Binuksan ni Travis ang pinto at pina dungaw namin doon ang lakaki na nakangiti. Malapad ang ngiti at walang pangamba na tuloy tuloy lang si Brenda hanggang sa makapasok ito ng bahay.
Agad pinulupot ni Travis ang kamay ni Brenda na ngayon ay gulat na gulat. Tinaas naman ni Lance ang kamay niyang may hawak na baril sa may bandang likuran ko at dalawang lalaki ang bumagsak. May they rest in peace.
***