CHAPTER FOURTY SIX

Kidd's Pov

Nakatawag na ako kanina sa parents ni Lexinne at sinabing kasama ko siya at nasa tagaytay kami. Nangako ako na iuuwi ko siya ngayong gabi dahil yun ang gusto ni Tito. Mukhang hindi pa buo ang tiwala ni Tito sa'kin pero ayos lang ang importante mapatunayan ko na mahal ko talaga ang anak nila at may respeto ako sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ay nag aya ako sa labas ng bahay. Nilatag ko ang picnic mat sa swimming pool na walang laman na tubig at nahiga doon. Humiga rin siya sa tabi ko at inunan ang isang braso ko.

"Ang liwanag ng buwan tapos ang dami pang bituin" mahinang sabi niya tsaka ito lumingon sakin "bakit sa Manila ang konti lang ng mga stars?" Tanong nito

"Parehas lang naman stars at moon dito at kahit saan babe, ang pibagkaiba lang mas malinis ang hangin dito kumpara sa Manila na puro usok kaya hindi mo gaano nakikita mga stars sa langit" sagot ko

"Minsan marami rin akong nakikita kapag sumisilip ako sa bintana pero madalang nga lang" sagot nito

"Gusto mo bang makakita ng maraming stars?" Tanong ko sa kanya

"Oo. Ang sarap kasi nilang tignan nakaka tanggal ng stress" sagot nito

"Sa Atacana Desert sa Chile maganda mag stargazing, magpapa book naba ako ng tickets?" Nakangiting sabi nito

"Sa Chile pa? Gusto ko sana kaso ang layo naman. Tsaka okay na ako dito sa Tagaytay pero kapag nag asawa na siguro ako pupunta ako doon" sagot nito

"Sa honeymoon natin pupunta tayo doon" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya

"As if naman magpapakasal ako sayo" sabi nito na inalis ang kamay ko sa ulo niya at lumayo sa'kin

"At bakit hindi?" Napaupong tanong ko sa kanya

"Bata pa kasi ako kaya hindi ko pa naiisip magpakasal" sagot nito na umupo din

"Babe hindi kana bata makakagawa na nga tayo ng bata eh, tsaka nangako ako sa parents mo na patatapusin kita ng pag aaral bago kunin sa kanila"

"Ano ka sinuswerte! Pumayag naba ako? Hindi ka pa nga nag po proposed sakin kasal at honeymoon na agad nasa isip mo! Tsaka Kuya wala akong balak magpakasal agad pagka graduate ko no!" Malakas na sabi nito na akala mo nasa malayo pa ang kinakausap

"Nagpaalam na ako kina Tito at pumayag na sila kaya wala ka ng magagawa. After graduation siguro mga one month magpapakasal na tayo" sabi ko

"In your dreams! Ang bata ko pa para magpakasal no! Malay ko ba pagka graduate ko dumating talaga yung lalaking para sakin" sabi nito

"Dumating na ang lalaking para sa'yo at ako yon kaya wala ng dadating pang iba"

"Di nga? Ako nga pangalawa na sayo diba? Malay ko ba kung may pangatlo pa na darating sayo" sabi nito

"Babe rereypin kita kapag hindi kapa tumigil. Basta akin ka lang at sa akin ka lang magpapakasal" seryosong sabi ko

"Hala! possessive? Basta ako hindi ako sigurado kung kanino at kung kailan ako magpapakasal" sabi pa niya kaya naman walang paalam na hinalikan ko ang labi niya. Dahan dahan ko siyang hiniga sa picnic mat habang magkalapat ang labi naming dalawa. Hindi ko maiwasan hindi umungol habang habol ang mga labi niya. Kinagat ko ang labi niya at pilit kinokontrol ang sarili sa pwedeng mangyari.

"Pigilan mo'ko kung hindi hindi na kita iuuwi sa inyo" mahinang sabi ko sa pagitan ng paghahalikan namin

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla niya akong itulak. Napatingin ako sa suot niyang uniporme at nakabukas ang apat na butones nito, nalantad tuloy sa harapan ko ang suot niyang kulay itim na bra at makinis na dibdib.

Tinignan naman niya ang tinitignan ko at bigla nitong niyakap ang sarili at tumalikod. Ang gago ko talaga, paano ko nagawang tanggalin ang pagkaka butones ng mga yon. Napasabunot nalang ako ng buhok.

***********

Lexinne's Pov

"Babe sorry na" hingi paring tawad ni Kidd sa'kin habang nagmamaneho siya pabalik sa Manila. Hindi ko siya pinapansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Babe" tawag ulit niya sa'kin. Kasi naman eh! Hindi sa ayaw ko siyang kausapin, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko sa kanya dahil nahihiya ako. Kung hindi ko pa narinig yung sinabi niya na piglan ko siya baka bumigay na ako kanina. Kainis! Kasi naman siya pa nagpaalala na pigilan ko siya!.

"Kapag hindi mo'ko kinausap hindi kita iuuwi sa inyo" pananakot pa nito

"Alam kong ihahatid mo'ko sa bahay hindi mo na'ko kailangan pang takutin" sagot ko sa kanya na nakatingin parin sa labas

"Buti naman nakakapag salita kapa akala ko napipi kana" sabi nito na halatang nang aasar

"Ayusin mo ang pagmamaneho mo kung ayaw mong isumbong kita kay Didi sa mga pinag gagagawa mo. Tignan ko lang kung hindi ka ma badshot, ewan ko lang baka ibalik pa niya ako sa Korea at doon ulit papag aralin" sabi ko

Bumagal naman ang pagtakbo ng sasakyan niya at huminto sa may tabi ng daan.

"Maayos naman pagmamaneho ko Babe tsaka doble ingat ako kapag kasama ka. Don't worry about kay Didi okay lang kahit isumbong mo'ko, sasabihin ko nalang sa kanya na may nangyari na sa atin at buntis at pananagutan kita" sabi nito na literal na ikina nganga ko at tumingin sa kanya. Punong puno naman ng ngiti ang mukha niya kaya hinampas ko siya ng malakas.

"Kapal ng mukha mo!" Sigaw ko habang hinahampas at tumatawa siya.

"Ayaw mo kasi akong pansinin" tumatawang sabi niya at umiilag sa mga hampas ko. Pigilan nito ang mga kamay ko at hinalikan niya ang mga ito. Tinignan ko naman siya ng masama at marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya. Bubuksan ko sana ang pinto ng suv niya para lumabas pero ayaw mabuksan nito.

"Buksan mo'to lalabas ako!" Sigaw ko sa kanya.

Para namang hindi ito makapaniwala sa ina asal ko.

"Babe nagbibiro lang naman ako" wika nito

"Pwes! Ako hindi nagbibiro! Buksan mo'to lalabas ako!" Sigaw ko parin sa kanya

"No, walang lalabas" seryosong sabi nito at muling pinaandar ang sasakyan niya

"Sabing lalabas ako eh!"

"Bakit ka lalabas?" Diretyo lang ang tingin nito sa daan

"Uuwi na ako!"

"Babe I'm driving you home" mariin naman na sagot nito sakin

"I don't want you to drive me home!" Taas baba ang dibdib ko sa paghinga. Ewan ko ba naiinis ako sa kanya. "Let me out, I'll take a cab" mahinahon kong sabi

"No," sagot nito na mas binilisan pa ang pagmamaneho

"I said stop the fucking car!" Sigaw ko ulit sa kanya

"Do you see a muthafuckin' cab anywhere?" Mariin na sabi nito at inovertake ang bus sa harapan namin.

Madilim ang mukha ni Kidd habang nagmamaneho habang binibilisan pa nito. Kung kanina ay feeling ko na mabilis na pagtakbo namin sa 80 kph ngayon ay nasa 100 na ito at ngayon ay 120 kph na.

"Slow down" sambit ko na kinakabahan. Unti unti namang bumagal ang sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tulad kanina hininto niya ang sasakyan sa tabi ng daan. Ang pagkakaiba nga lang ay ini unlock nito ang pinto at lumabas siya. Tinignan ko lang siya na habang sinasabunutan ang sarili hanggang sa maglakad ito sa gitna ng hi-way.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya naman lumabas ako at hinila siya pabalik sa tabi ng sasakyan niya.

"Why? You don't want to be with me in the same car right?" Madilim ang mukhang sabi nito at bumuntong hininga "I think it's a good idea, I won't take you home. You need to keep yourself safe right now, I don't think driving you home is safe for you" sabi nito na tinignan ako "let's wait for a cab" iniwas nito ang tingin niya sa'kin

"Sorry na" sambit ko pero hindi niya ako tinitignan "halika na" hila ko sa damit niya

"Hindi, sandali, maghintay tayo ng taxi" mahinang sabi nito na hindi ako tinitignan

"Uwi na tayo hatid mo na'ko" hila ko ulit sa damit niya na nalukot ko na

"No Babe, I can't drive you home I'm shaking baka mapahamak ka. Let's wait for a cab susunod nalang ako sa likod niyo" sabi nito na hindi man lang lumingon sa'kin

Niyakap ko naman siya mula sa likod. Hinawakan naman nito ang mga kamay ko na nasa baywang niya. Ang init ng likod niya at naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napapikit ako at sinisi ang sarili. Bakit ba kasi ako nag inarte, bakit ngayon pa sumumpong ang topak ko, bakit kasi ang pabebe ko.

Ilang minuto narin kaming nasa ganoong posisyon ng may humintong taxi sa tabi namin. Nanlaki ang mga mata ko ng buksan ni Kidd ang pinto.

"Kuya sa Quezon City" dungaw ni Kidd sa pinto at tinignan ako.

Mabilis akong umiling. Paulit ulit na umiling at humawak ng mahigpit sa kamay niya.

"Sakay na nasa likuran mo lang ako" sabi pa nito

"Ayaw" parang batang sabi ko tsaka umiling. Sa wakas nakita kona ang mukha ngumiti siya at pinasadahan ng haplos ang ilong ko.

Nag puppy eyes ako sa kanya at muling umiling.

"Sasakay ba kayo? Sayang ang gas ko" sabi ng taxi driver

"Oo Kuya sandali lang po" magalang na sabi ni Kidd na inilapit pa ako sa may pintuan para pasakayin sa taxi

"I know how to drive, ako mag d-drive" maagap na sabi ko sa kanya habang hawak at pigil yung pintuan ng taxi

"Mas mapapanatag ako kung mag t-taxi ka" sagot nito

Mabilis tumulo mga luha ko.

"Kapag pinasakay mo'ko dito hindi mo na ako makikita kahit kailan" pananakot ko dito

"Babe this is for your own safety" malambing na sabi nito na ikinailing ko. Safe nga ako pero kumusta naman siya? Hindi pwede. Umiling ako ng maraming ulit.

"No, you're sick of me, aren't you? You don't love me anymore" hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi iyon, natakot tuloy ako sa magiging sagot niya na baka ayaw na nga niya sa'kin.

"Babe I love you God knows how much I love you."

"Kung mahal mo talaga ako you let me drive,"

"Babe"

"Okay alam ko na, let's break up" baliw na nga siguro ako, hindi ako makahinga. Ive reached my last resort.

"Matagal paba kayo?" Tanong ng taxi driver

Tuluyang binuksan ni Kidd ang pintuan at akala ko'y papapasukin parin niya ako pero kinausap lang niya ang taxi driver at nagbigay ng pera dito.

Mabilis naman pinaalis ng driver ang taxi niya.

Marahas na pinunasan ko ang mga nag uunahang luha sa pisngi ko at yumakap sa kanya.

"Sorry po" sabi ko sa garalgal na boses "Akala ko makikipag hiwalay kana sa'kin" humihikbing dagdag ko

"Ikaw ang gustong makipag hiwalay sa'kin Babe but I'm not going to let you break up with me, not like this. I'm not going to leave you." Sagot nito kaya lalo akong umiyak "I love you so much"

"Mahal din kita sobra" sagot ko

Sumakay ulit kami ng SUV niya at nangako siya na babagalan at mag iingat na siya sa pagmamaneho niya. Ayaw niya ako mag drive dahil wala daw akong lisensya, pero palagay ko palusot lang niya yon. Wala lang talaga siyang tiwala sa driving skills ko.

Nakarating kami sa bahay at naabutan pa namin sila Didi at Mama na nanonood sa sala. Na late ng twelve minutes ang pangako ni Kidd sa magulang ko na maihahatid niya ako dito sa bahay pero parang wala naman problema sa kanila. Inaya pa nga na dito nalang matulog si Kidd dahil mukhang pagod ito.

****