CHAPTER FOURTY EIGHT

Lexinne's Pov

"Hindi rin pumasok si Chuck nakakamiss siya" nakangusong sabi ni Maymay

Kung siya ang iniisip ay si Chuck ako naman ay si Klea. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tumawag sa kanya, puro ring lang ito. Baka siguro tulog kaya nag text nalang ako.

"Bakit hindi mo siya itext kung namimiss mo siya"

"Nag text na ako ang sabi niya kasama niya ang tatlo at si Klea"

"Huh? Paanong kasama nila si Klea eh may sakit yung tao"

"Ewan ko, yun kasi ang sabi niya"

Napaisip naman ako.

Sabagay, bodyduard niya ang mga gwapitos kaya kung nasaan siya sigurado nandoon din sila. Nag text din siya sakin kaninang umaga na okay na siya kaya baka nag lamyerda na siya. Hayy... kahit kailan hindi siya mapirmi.

Nakakapanibago uuwi ako ng hindi kasabay si Klea at yung apat na gwapitos. Walang maiingay at makukulit sa paligid ko. Si Maymay naman ay mamaya pang ala singko ang uwian nila.

"Himala wala ang tagapagtanggol mo" hinto sa harap ko ni Pearl at ang tatlo pang kaibigan niya. Ilang araw ko na rin hindi sila nakikita akala ko pa naman magtuloy tuloy na.

Hindi ko sila pinansin at nilagpasan sila, kaso nahila na ni Abby ang buhok ko na nahpahiyaw sa'kin sa sakit. Todo lapit naman ang mga estudyanteng pinapanood lang kami at ang iba ay nag v-video pa.

Kainis! Dapat yata magpaturo na ako ng self defense sa mga gwapitos.

Isang malakas na hila pa ang ginawa ni Abby sa buhok ko na nagpa bagsak sakin sa sahig. Tawanan naman ang mga tao sa paligid at malapit na akong umiyak dahil sa kahihiyan ng biglang mapatingin ako sa dalawa kong kamay.

Hawak ko ang mga palda nina? Tumingala ako at nakita ko ang nanlalaking mata nila Abby at Pearl. Mabilis na hinila nila sa kamay ko ang mga palda nila tsaka nagsitakbuhan.

Omo! Bakit saturday ang nakasulat sa panty ni Pearl? Tuesday palang naman ngayon.

Tinulungan akong tumayo ni Michelle, kaklase namin ni Klea. Tawanan parin mga tao sa paligid ko kaya lumayo na ako habang inaayos ang maikling buhok ko.

"Nakita niyo yung hello kitty ni Abby? Putcha ang cute mga tol!" Dinig kong sabi ng mga nanonood samin kanina

"My Gosh! I didn't expect na nagsusuot ng soen panty si Pearl" dinig ko naman sabi pa ng iba na naghahagikgikan

Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko hanggang makarating sa exit gate. Wala kaming usapan ngayon ni Kidd na magkikita dahil may dinner meeting siya. Papara na ako ng taxi ng may humintong kotse sa tabi ko. Binuksan nito ang pinto at ang nakangiting si Kath ang nakita ko.

"Hop in! Ihahatid na kita" sabi nito

"No, it's okay mag t-taxi nalang ako"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya

"We need to talk" seryosong sabi nito na hindi hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ko.

Suguro nga kailangan namin mag usap. Kailangan namin magka linawan. Hindi ako papayag na guluhin pa niya ang relasyon namin ni Kidd.

Tumango ako at binuksan ang pintuan ng kotse niya at pumasok roon.

"May malapit na cafe' dito, doon nalang tayo mag usap" sabi ko

"Sige" abot tenga ulit ang ngiti niya

Wala pang limang minuto nasa Housebrew na kami. Lumapit ang isang waitress sa'min at umorder ako ng Iced Coffee at siya naman ay Chocolate delight.

Nag reply naman ako kay Kidd ng mag text siya kung nasaan ako. Hindi ko sinabi sa kanya na kasama ko ngayon si Kath, ayoko kasing mag alala siya at alam ko din na busy siya.

Pagka alis ng babae ay nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung hinihintay ba niya akong magsalita o ano. Pinagpasyahan kong ako na maunang magsalita kahit siya ang nagyaya. Isa pa, gusto kong matapos na.

"Kath" tawag ko sa kanya at ngumiti siya. Actually ang weird niya, ano bang nginingiti ngiti niya.

"Yes?" Sagot niya

"Ano bang pag uusapan natin?" Walang ligoy na tanong ko

"It's about Kidd" nakangiting sabi nito "Diba sabi mo okay lang na mag share tayo sa kanya, natatandaan ko din nasabi ko sayo na ayokong may ka share sa boyfriend ko"

"Oo, natatandaan ko"

"May naisip kasi akong magandang idea" nakangiting sabi pa nito

Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita kaya tinuloy nito ang sasabihin niya.

"May mga friends kasi ako, mga male models" ngiting ngiting sabi niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita. "You can date them" sabi nito na ikinatawa ko ng mahina kung may iniinom lang ako baka naibuga ko na sa kanya

"Tapos?" Tanong ko sa kanya

"Once you see them sigurado magugustuhan mo sila" masayang sabi pa nito.

Dumating yung waitress at binigay sa'min mga inumin namin. Uminom agad ako at tumingin sa labas ng bintana.

"May pictures nila ako ipapakita ko sayo" sabi pa niya at inilabas ang phone niya at kinalikot iyon

"Hindi ko kailangan makipag date sa iba, may boyfriend na ako at kilala mo kung sino siya" sabi ko

Nawala ang ngiti sa labi niya.

"I know, pero magsasawa karin sa kanya at iiwan siya so bakit hindi pa ngayon? Ayokong may ka share kay Kidd kaya hiwalayan mo na siya"

"Bakit alam mo pa sa'kin? Hindi ako makikipag hiwalay sa kanya"

"That's bulkshit!" Malakas na sabi niya. Napatingin tuloy sa'min ang mga tao sa loob ng cafe. "Hiwalayan mo siya!"

"Sino ka para utusan akong hiwalayan siya? Tsaka pwede ba tigilan mo na pangungulit sa kanya, huwag mo ng ipagsiksikan sarili mo sa kanya dahil wala ka ng lugar sa buhay niya"

"Mahal ako ni Kidd!"

"Kung mahal ka niya bakit ako ang girlfriend niya?"

"Huwag kang mag alala hihiwalayan ka niya!"

"Yun naman pala eh! Edi sana siya ang pinakiusapan mo na makipag hiwalay na sa'kin at hindi ako"

"Siguradong naghihintay lang siya ng tyempo"

Tumawa ako ng nakakaloko

"Kung tyempo lang hinihintay niya dapat kagabi pa niya ginawa. Nakikipag break na ako sa kanya kagabi pero ayaw niya, so ano yung tyempong sinasabi mo?"

"Mahal ako ni Kidd! At hindi pa niya ako nakakalimutan! Marami na kaming pinagdaanan kaya babalik siya sa'kin!"

"Siguro nga hindi ka pa niya nakakalimutan. Sino ba naman makakalimot sa ginawa mo sa kanya? Baka nakakalimutan mo na nakita ka niyang nakapatong sa ibang lalaki sa mismong monthsary niyo pa"

Halata sa mukha nito ang galit.

"Ginawa ko iyon dahil sa pangarap ko! Ginawa ko iyon para sa future namin!"

"Hayy naku.. huwag mong lokohin ang sarili mo. Alam natin na ginawa mo iyon para lang sa sarili mo."

Nakita ko ang paghawak niya sa inumin niya at alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Inihanda ko ang sarili at mahigpit na hinawakan ang bag. Tumayo siya at itatapon na sana ang inumin niya sa mukha ko ng tabigin ng isang lalaki ang kamay niya at sa damit niya iyon natapon.

"You okay?" Tanong ni Kidd sa'kin

Tumango ako at tumayo

"Hon" sabi ni Kath na ikinataas ko ng kilay

"Kailan kaba titigil? Kailan mo ba kami titigilan?" Mariin na tanong ni Kidd kay Kath

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa'kin, oo may nagawa akong mali noon pero nagsisisi na ako. Alam ko mahal mo parin ako hawak ko ang pangako mo sa'kin na ako lang mamahalin mo." Naiiyak nitong sabi at humawak sa kamay ni Kidd

Marahas na tinanggal ni Kidd ang kamay ni Kath at sinamaan ng tingin.

"Nangako ako sa'yo dati na ikaw lang mamahalin ko pero nasira ang pangakong iyon ng gaguhin mo'ko. Minahal kita, sinamba at sinuportahan pero tapos na kahibangan ko sa'yo. Ngayon may mahal na akong iba at kahit kailan hinding hindi ko siya bibitawan" hinawakan ako ni Kidd sa pulsuan at hinila palabas ng cafe. Iniwan namin si Kath sa loob ng cafe na galit at umiiyak.

Sumakay kami sa sasakyan niya at sinuot ang seatbelt ko. Pinaharurot naman niya paalis ang sasakyan hanggang sa makalayo kami sa cafe.

"Okay ka lang ba? Anong sinabi niya sa'yo? Bakit hindi mo sinabi na kasama mo siya?" Sunod sunod na tanong niya

"Una, okay lang ako. Pangalawa, walang kwenta lang mga sinabi niya. Tatlo, hindi ko sinabi sa'yo kasi feeling ko hindi naman kailangan"

Binagalan nito ang pagmamaneho at hininto iyon sa tabi.

"Bakit kaba nakipag usap sa kanya?"

"Sabi kasi niya gusto niya akong makausap, pumayag ako para matapos na din ang dapat kong tapusin sa kanya"

"Anong tatapusin mo sa kanya?"

"Yung issue niyong dalawa, gusto ko siyang pagsabihan na tigilan ka niya dahil hindi siya nakakatuwa. Gusto kong sabihin sa kanya na lubayan ka niya at huwag ng magpapakita sa'yo dahil kakalbuhin ko siya" gigil na sabi ko

"Nasabi mo ba?" Nakangiting tanong niya

"Hmm.. hindi eksakto pero oo. Ang tanga naman niya kapag hindi pa niya na gets yung sinabi ko na hindi ako makikipag hiwalay sayo"

"Talaga sinabi mo sa kanya yon?" Nakangiting tanong pa niya

"Oo, bakit, gusto mo bawiin ko?" Taas kilay na tanong ko

"Syempre hindi! Natutuwa pa nga ako" sagot nito na hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.

Muli niyang pinaandar ang sasakyan niya habang nakangiti at nakatingin sa daan.

"Akala ko ba busy ka today, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya

"Toxic sa office kaya naisipan kong sunduin ka, mamaya pa naman six pm ang dinner meeting ko kaya may oras pa ako para makita ka"

"Akala ko ba toxic, bakit ka umalis kung toxic pala sa office? Edi lalo kang ma s-stress niyan pagbalik mo"

"Babe, kung hindi ako umalis kanina lalong lalala ang problema. Puro palpak mga reports nila may na fired out na nga ako at ayoko naman i fired out lahat sila"

"Ganoon kalala?"

Tumango siya ng dalawang beses.

"Pero kawawa parin yung na fired out, baka pwede pang bigyan siya ng chance" mahinang sabi ko

Hindi ako masyadong nagtatanong tungkol sa trabaho niya at ayoko rin naman magtanong tungkol sa trabaho niya. Siguro nga malala lang talaga nagawa nung empleyado kaya tinanggal niya.

***