CHAPTER FOURTY FIVE

Lexinne's Pov

Dumiretyo kami sa basement ni Kidd kung saan naka park ang sasakyan niya. Inilabas nito ang key fob at binuksan ang pinto ng suv niya.

Agad akong nag suot ng seatbelt hanggang sa makapasok siya at umupo sa driver seat. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakaupo doon na sa malayo nakatingin.

Nang bumaling siya ng tingin sa'kin ay nagka salubong ang paningin namin. Kapwa hindi nagsasalita tanging ang mga mata lamang naming dalawa ang nag uusap.

Inalis nito ang tingin sa akin at nagsimulang mag drive. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at kumunot ang noo ng mapansin na papalabas kami ng Manila. Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi nagsalita, ayokong magtanong, ayokong mabasag ang katahimikan samin dahil baka saan mapunta ang pag uusap naming dalawa.

Hinayaan ko lang siyang mag drive kahit hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin, bahala siya, siya ang may hawak ng manibela.

Halos dalawang oras na din siyang nagmamaneho ng tumigil ito. Ayon sa nadaanan namin na alam ko nasa Tagaytay kami ngayon. Inilabas nito ang phone niya mula sa suot niyang coat at lumabas ng sasakyan. Hinayaan ko lang siya at sumilip nalang sa labas.

May malaking bahay na nakatayo sa pinaghintuan namin at naglalakihang puno ang naka paligid samin. Parang bahay sa gitna ng gubat pero hindi nakakatakot, bagkus ang ganda nito.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at lumanghap ng sariwang hangin. Napaka presko ibang iba keysa sa Maynila na puro usok ang maaamoy mo.

Wala sa loob na binuksan ko ang pinto at lumabas. Gusto ko kasing makita ng buo ang paligid namin. Hindi ko naman mapigilan mapa pikit at mapa ngiti ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nasa ganoon akong posisyon ng maramdaman ang mga kamay ni Kidd na bumalot sa bewang ko. Hinayaan ko lang siya ng ipatong nito ang ulo nito sa balikat ko.

"Parating na mag asawang caretakers dito sa bahay, nasa condo kasi ang susi ng rest house" sabi nito

"Sa inyo tong bahay na'to?" Lingon ko sa kanya na muntik ng ikadikit ng labi ko sa mukha niya.

"Namana ko kay Lola, balak ko ngang ipa renovate inuna ko lang yung hotel and resort" sagot nito

"Ang ganda dito ang presko ng hangin nakakawala ng stress" mahinang sabi ko

"Christmas break niyo na niyan diba? Pwede ka magbakasyon dito kung gusto mo, ayain mo si Klea" sabi nito tsaka niya ako hinarap sa kanya at ngumiti

"Parang gusto mo'kong ma stress lagi" mahina akong tumawa. Nawala naman mga ngiti sa labi niya.

"Babe tungkol sa nakita mo ipapaliwanag ko" sabi nito na hinawakan ang dalawang kamay ko. Mapait na ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Huwag na, sapat na yung nakita at narinig ko kanina"

"Kailangan ko paring ipaliwanag, hindi ko alam kung bakit ganoon sibabi ni Kath-" pinutol ko sasabihin pa niya at umiling

"Please.. ayokong marinig ang pangalan niya"

"Pero kailangan mong marinig ang paliwanag ko" giit nito

"Hindi mo naman kasi kailangan magpaliwanag, hindi ako tanga" tumalikod ako "gusto ko ng makalimutan yung nakita at narinig ko, ayokong umiyak ayokong masaktan ako" sabi ko. Humarap siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko

"Hindi ko magagawang saktan ka at kahit kailan hindi kita sasaktan maniwala ka" nagsusumamong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko "Naranasan ko ng masaktan dahil nagmahal ako ng maling tao, alam ko yung sakit babe naranasan ko iyon ng ilang taon hanggang sa naging manhid na ang puso ko at nakalimutan ang pakiramdam na 'yon" sabi nito at may pumatak na luha galing sa mata niya "Hindi ko naisip na magmamahal pa ulit ako hanggang sa nakita kita, dumating ka sa buhay ko at naramdaman ko ulit ang pagtibok nito" nilagay niya ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya.

Pinunasan ko ang mga luha niyang dumadaloy sa pisngi niya. Ang sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak, hindi na ako ulit iiyak pero heto ako pinupunasan din niya ang mga mainit na tubig na tumutulo sa mata ko.

"Dahil sa'yo naramdaman ko ulit kung paano maging masaya, maging masaya na makita ka, masaya na makausap ka, masaya na isipin ka at maging masaya kahit sa maliliit na bagay na nandon ka" ngumiti ako sa kanya at mabilis na ginawaran siya ng halik sa labi.

"Tama na masyado mo na akong pinapasaya sa mga sinasabi mo" sabi ko

"Dumating ka sa buhay ko at binigyan mo ng kulay muli ang mundo ko. Muli akong ngumiti dahil sa'yo, naranasan ko ulit tumawa at humalakhak. Nakakaramdam na din ulit ako ng selos, pangamba at takot na baka bigla isang araw iwanan mo'ko, na baka bigla nalang isang araw magsawa ka sa'kin tulad ng sinabi mo kanina" hindi ko naman napigilan ang matawa dahil naghalo na luha at sipon niya. Inangat nito ang paningin at pinahid ang ang mga luha niya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako kung ano. Muli siyang tumingin sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam mo bang ang sakit ng mga binitawan mong salita kanina? Bawat salita mo parang sinasaksak ang puso ko. Alam mo bang nanlambot ako kanina sa mga sinabi mo? Para akong natuyuan ng dugo kaya naman ng hindi ko na kaya hinila na kita paalis. Alam mo ba gaano kasakit marinig mga salitang iyon?" Sabi nito na parang sinisisi pa ako habang mahigpit siyang nakayakap sa'kin at umiiyak.

"Alam mo ba na ang saya ko kanina bago pumunta sa office mo? Bumili ako ng coffee at cake na ipansasalubong ko sayo. Hindi mawala mga ngiti ko dahil alam kong ma s-surprised ka sa pagdalaw ko. Ang kaso ako ang na surprise. Alam ko alam mo ang pakiramdam na makita mo ang taong mahal mo na may kahalikan na iba, ang malala magkapatong pa sila. Alam ko na alam mo kung gaano kasakit yung nakita ko kaya masisisi mo ba ako kung nakapag bitaw ako ng masasakit na salita?" Sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya

"Sobrang sakit alam ko." Sagot nito sa'kin "Kaya nga natakot ako, naalala ko yung nangyari noon ng makita ko siya na may kasamang ibang lalaki sa kama. Natakot ako na baka maramdaman mo rin yung naramdaman ko noon" sagot nito

"Sobrang takot at sakit ang naramdaman ko kanina ng makita ko ang mukha mo na nasasaktan dahil sa nakita mo. Pero babe hindi ko magagawa iyon sa'yo, hinding hindi ko magagawa iyon sayo" pilit na paintindi nito sa'kin "Paalis na ako ng office para puntahan ka sa school ng dumating siya. Kahit itanong mo pa sa mga secretary ko ngayon" sabi pa nito sabay abot sakin ng phone niya "Aalis na talaga ako at pupuntahan ka pagkadating ng inorder kong bulaklak kaso dumating nga siya. Ayoko siyang estimahin at sinabing susunduhin kita sa school pero hindi niya ako pinakinggan at nagpumilit siya na tikman ko yung dala niyang pagkain. Para umalis na siya tumikim ako sa dala niya at hindi ko inaasahan na itutulak niya ako kaya napahiga ako sa may sofa at bigla siyang pumatong sa'kin at hinalikan ako. Yun ang nakita mo" mahabang paliwanag nito.

"Ahh.. dahil gentleman ka hindi mo siya tinulak at inenjoy mo nalang" Taas kilay na sabi ko

"Babe tinulak ko siya at hindi ako tumugon sa halik niya, iniwas ko pa nga labi ko at sa ganoong posisyon mo kami nakita" paliwanag pa nito

"Senyorito pasensiya na natagalan kami, sumumpong kasi ang gout ko" sabi ng matandang lalaki na paika ikang lumapit sa'min

"Okay lang po" magalang na sabi naman ni Kidd at ipinakilala ako "girlfriend ko nga po pala si Lexinne"

"Kegandang senyorita bagay na bagay kayong dalawa" sabi ng matandang lalaki na ikina init ng mukha ko "ako nga pala si Leo tatay Leo tawag sa'kin nitong si Kidd" sabi nito

"Kumusta po kayo?" Tanging nasabi ko

"Mabuti naman sumumpong laang itong gout ko at sumakit, hirap tuloy akong maglakad" sagot nito

"Si Nanang po?" Tanong naman ni Kidd

"Susunod na iyon pinahuli ko laang yung manok at pinasabaw sa kanya. Galing na siya kanina diyan sa bahay at naglinis" sagot nito

Pinagsaklop ni Kidd ang kamay naming dalawa at sabay na pumasok sa loob ng bahay pagkabukas niyon.

"May mga kailangan po ba kayo dito?" Tanong ni Kidd sa matanda na nasa tabi lang namin

"Wala naman, naubos narin namin yung mga pinadala mo dito. Sayang kasi at baka masira kaya kinuha nalang namin ng mapakinabangan" sagot nito

"Para sa inyo naman po talaga iyon" sagot ni Kidd

"Nakakapanibago ang lungkot na dito" wika ng matanda

Nginitian siya ni Kidd.

"Salamat po sa pag aalaga nitong bahay" sabi ni Kidd "sino kaya pwede nating utusan? Hindi kasi kami nakakain sa daan kanina"

"Walang problema sa pagkain yung pinaluto kong sinabawang manok sa tanglad para talaga sa inyo. May gusto paba kayong iba? Magpapabili ako" sagot naman ng matanda

"May gusto ka paba ibang kainin babe?" Tanong nito sa'kin. Umiling ako?

"Okay na yon" sagot ko

"Salamat Tay yun nalang po" sabi ni Kidd sa matanda

"O siya iiwan ko muna kayo diyan ng makapag pahinga kayo, babalik lang ako sa bahay ng matulungan si Tilde" sabi nito

"Sige po ingat kayo" sabi ni Kidd

Pinaupo ako ni Kidd sa may sofa at tumabi sa'kin.

"Kailan ka huling dumalaw dito?" Sabi ko na tinitignan ang buong paligid. Tumayo ako ng may mapansing larawan at nilapitan iyon. "Mukhang ang dami mong memories dito noong bata kapa" sabi ko at hinawakan ang isang frame. "Ikaw ba'to at si Klea? Ang cute niyo" nakangiting sabi ko habang hawak at pinapakita yung larawan

Kinuha nito yung frame sa'kin.

"Bata palang ako gwapo na kaya hindi ako cute, si Klea lang ang cute na ngayon ay katacute na" sabi nito

"Ang ganda kaya ni Klea!" Tanggol ko kay Klea. Ayaw pa naman nun na sinasabihan siyang hindi maganda.

"Maganda ba siya? Hindi ko napapansin. Ikaw lang kasi kilala kong maganda" sagot nito

"Ehh? Palagay mo mabobola mo'ko? Akala mo yata nakalimutan ko na yung kanina" taas kilay na sabi ko

Mabilis naman niya akong niyakap mula sa likod.

"Babe hindi nga kasi ganon iyon" sabi nito tsaka siniksik ang mukha sa leeg ko

"Eh ano pala iyon? Anong gusto mong isipin ko? Kahit sinong makakakita sa inyo ganoon din sigurado iisipin nila" sabi ko dito at naglakad at tinignan yung mga painting na nakadikit sa mga pader.

"Hindi magandang tignan pero nagsasabi ako ng totoo" sabi nito na pumunta sa harapan ko at tinaas ang kanang kamay na sumusumpa.

"Okay" tanging sabi ko at nilagpasan siya. Tinignan ko ulit yung painting na nakasabit sa dingding na gawa ng isang sikat na pintor.

"Babe naman" sabi nito na hinarangan

Nameywang naman ako sa harapan niya at tinaasan siya ng isang kilay. Nagulat naman ako ng buhatin niya ako at iniakyat sa second floor ng bahay.

"Yah! Jugule?!" Sigaw ko sa kanya tsaka niya ako ibinaba sa may terrace

"Anong jugele?" Tanong nito pero hindi ko na nasagot dahil sa view na nakikita ko. Nililipad lipad pa ng hangin ang maikling buhok ko.

"Ang ganda dito!" Masayang sabi ko kay Kidd na yumakap mula sa likod ko

"Noong bata ako umaakyat pa ako sa handle diyan para mas malawak ang makita ko" sabi nito

"Talaga? Akyat din ako hawakan mo'ko" excited na sabi ko

"Hindi pwede luma na yan baka bumigay" sagot nito

"Kaya nga hawakan mo'ko diba? Sabihin mo nalang kasi na ayaw mo" kunwari nagtatampong sabi ko

"Heto na nga po binubuhat na kita" sabi nito na kinarga ako at iniupo sa may railings

"Waaah! Ang ganda!" Sabi ko at tumingin sa baba. Tinignan ko ang babagsakan ko sakaling mahulog ako.

"Huwag masyadong malikot baka bumigay kinakaupuan mo" sabi nito

"Sabihin mo nalang kasi na mabigat ako dami mo pang sinasabi" nakatingin na sabi ko sa kanya

"Babe pinapag ingat lang kita" sabi nito. Lumabi naman ako at inismiran siya

"Dapat talaga akong mag ingat sa'yo" sambit ko at yumakap sa leeg niya at tumalon sa kinatatayuan niya

"Woah!" Sambit nito na hindi inaasahan ang pagtalon ko buti nalang hindi ako nasubsob at nabuhat pa niya ako.

"Thank you!" Malakas na sabi ko at tinulak siya ng malakas. Talong hakbang rin ang nagawa niya na ikina ngisi ko. "See? Ganyan dapat tumulak" sabi ko

"Yan na naman tayo eh, tinulak ko nga kasi siya" paliwanag ulit nito

"Tinulak mo ng konti" pambibwisit ko pa sa kanya

"Babe malakas iyon" sabi nito

"Oh talaga? Tignan ko nga yung malakas" sabi ko at sinandal ko siya sa pader at hinalikan sa labi. Naramdaman ko naman yung kamay niya sa bewang ko na imbes na itulak ako ay inilapit pa niya sa katawan niya.

"Ganyan ka pala tumulak? Hinahapit mo lalo sayo imbes na palayo" sabi ko at tatalikuran na sana siya pero hinila naman niya ako

"Bakit kita itutulak hindi naman ikaw siya" may kalakasang sabi niya "sige nga ikaw itulak mo'ko" sabi nito

Kung kanina ay siya ang nakadikit sa pader ngayon naman ako ang nakadikit sa pader. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at idinikit din iyon sa pader bago niya ako hinalikan.

Noong una ay nagpumiglas ako pero hindi ko siya maitulak dahil naka pinned sa pader ang mga kamay ko. Sa huli ay tumugon nalang ako sa halik niya at hindi napansin na nakapalupot na dalawang kamay ko sa leeg niya.

Halos maubusan ako ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin at nakakalokong ngiti ang nakita ko sa mga labi ni Kidd.

"Ngayon naniniwala kana?" Tanong nito

"Saan?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"Na kapag ang humalik sayo ay taong mahal mo hindi mo siya maitutulak sa halip ihahapit mo pa siya sayo" sagot nito

"Madaya ka! Hinawakan mo kaya mga kamay ko!" Malakas na sabi ko

"Babe sa bewang mo'ko nakahawak nasa batok ko ang mga kamay mo" ngiting ngiting sabi nito. Tinignan ko naman mga kamay ko at mabilis na tinanggal iyon sa leeg niya.

"Yah! Madaya ka! Kanina hawak mo eh!" Hampas ko sa dibdib niya

"Kung hawak ko man kanina niluwagan ko rin naman, ikaw ang nagkusang lumambitin sa leeg ko" tumatawang sabi niya na inaasar pa ako

"Ahh ganyan?! So akala mo okay na tayo nakakatawa kana, parang kanina lang naghahalo luha at uhog mo" sabi ko sa kanya at nginisihan niya

"Ano na naman ba, okay na tayo eh" sabi nito tsaka bumuntong hininga. Lumapit ito sa'kin at niyakap ako "Sorry na po I love you" sabi pa niya tsaka hinalikan ang noo ko tapos ang ilong ko tapos ang dalawang pisngi ko tapos tinakpan ko ang bibig ko. Alam ko kasi doon dadapo ang kasunod.

Nakipag titigan ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaki na'to at ang laki ng tiwala ko sa kanya. Totoo nga yata yung kasabihan na love is blind at yung kapag nagmahal ka magiging tanga ka.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis na hinalikan siya sa labi. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at ngumiti. Naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya, naniniwala ako sa pagmamahalan naming dalawa.

****