CHAPTER FOURTY FOUR

Klea's Pov

"Nandito ka pala" salubong sa'kin ng aking magaling na madrasta

"Bawal naba akong pumunta sa sariling pamamahay ko?" Sagot ko sa kanya at tumingin sa buong sala at nakita ang haliparot niyang anak

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong nito na nakataas pa ang isang kilay habang papalapit sa amin.

"Hala siya! Bawal naba akong pumunta sa bahay ko? Nasaan ba si Dad at ng matanong ko kung bawal ako dito" sabi ko tsaka tinalikuran sila

"Wala si Daddy dito kaya umalis kana!" Malakas na sabi ni Hailey na hinila pa ako paharap sa kanya

Mabilis naman kumilos ang kamay ko at malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"Anong karapatan mong sigawan ako sa mismong pamamahay ko ha?!" Sigaw ko din sa kanya habang hawak nito ang namumulang pisngi niya dahil sa sampal ko.

"Walanghiya ka! Bakit mo sinampal ang anak ko!" Sigaw naman ng kabit ng erpat ko. Sasampalin niya rin dapat ako pero nahuli ko ang kamay niya at pinilipit iyon. Malakas ko siyang itinulak kaya naman napa upo siya sahig.

"Kayong mag ina" turo ko sa kanilang dalawa at "nagpipigil lang akong saktan kayo dahil sa respeto ko sa Daddy ko. Minsan ko lang sasabihin sa inyo 'to kaya makinig kayong mabuti" mariin na sabi ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Una! Wala kayong karapatan sigawan ako lalo na dito mismo sa loob ng pamamahay ko! Bahay ko'to at nakikitira lang kayo! Naiintindihan niyo?!" Malakas na sabi ko. Napaupo naman si Hailey sa tabi ng Mommy niya at hinawakan ito.

"Pangalawa! Huwag mong tatawaging Daddy ang Daddy ko dahil hindi ka niya anak! Anak ka ng kabit niya!" Sigaw ko dito habang nakayuko kay Hailey

"Sumosobra kana!" Sigaw naman sakin ng aking mabait na madrasta

"Hindi pa ako tapos kaya manahimik ka" sagot ko sa kanya

"Pangatlo!" Malakas na sabi ko at tumingin ulit sa mag ina "Huwag na huwag niyo akong hahawakan" matalim ang mga matang tingin ko sa kanila "tandaan niyo 'to, kahit kailan hindi kayo magiging reyna at prinsesa sa bahay na'to dahil hindi ako papayag" halos pabulong kong sabi sa kanila pero alam ko naman na narinig nila. Ngumisi ako at bahagyang tumawa. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ang mga nagkukumpulang naka unipormeng kasambahay namin.

"Kayo" tawag ko ng pansin sa mga kasambahay. "Magsumbong kayo sa'kin kapag minaltrato kayo ng dalawang 'to ha? Tignan ko lang kung saan sila pupulutin" sabi ko tsaka muling tinignan ng masama ang dalawa bago pumanhik sa kwarto ko.

***********

Galing ako kanina sa abandonadong hospital at may dalawa akong tinumba, ilang araw na din silang sinusubaybayan ng apat kong tauhan at kanina nga nahuli sila sa akto na may balak gawin sa'kin.

Kakatapos ko lang mag kape kasama ang apat na gwapitos ng may isang mabilis na motor na lumapit sa'min, nakita ko agad ang tubong hawak ng isa na inangat niya sa ere na balak ipalo sa'kin.

Mabilis ang kilos ng apat at naprotektahan agad ako ni Travis habang sina Lance, Chuck at Greg ay mabilis sinundan ang motorsiklong sakay ng dakawa.

Nahabol at nahuli ng tatlong gwapitos ang dalawang lalaking nagtangka sa buhay ko at dinala nila ang mga ito sa abandonadong hospital kung saan kami madalas kumakatay. Hinatid naman ako ni Travis sa lugar kung nasaan sila at tatlong beses akong nagtanong sa dalawang unggoy kung sino ang nag utos sa kanila.

Mukha namang hindi nila ako seneseryoso dahil ayaw nilang kumanta at tumatawa pa nga sila. Pasensiya nalang sila at wala ako sa mood makipag tawanan atsaka nangangati narin mga daliri ko kaya nilagyan ko nalang ng tig isang bala ang mga noo nila. Tutal wala naman din akong mapapala sa kanilang dalawa at madali naman akong kausap, ayaw nilang magsalita kaya hindi kona pinatagal pa ang nais nila.

Iniwan ko ang mga gwapitos at kahit hindi ako magsalita ay alam na nila ang gagawin nila. Malapit nalang ako sa bahay namin kaya naisipan kong pumunta at pasyalan si Daddy. Mukhang minamalas ako ngayong araw dahil wala si Dad at ang inabutan ko pa ay ang dalawang sampid dito sa bahay. Pero mas malas sila dahil wala ako sa mood ngayon makipag plastikan sa kanila at maging ms. goodie.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at naglakad papuntang banyo. Binuhos ko ang isang bote ng bubble bath sa bath tub at lumusong doon. Halos isang oras din akong nakababad habang pikit ang mga mata ko ng maisipan ko ng magbanlaw. Umuungol na kasi ang tiyan ko sa gutom.

Pagbaba ko ay dumiretyo ako sa kusina at naghanap ng makakain. Pinaghanda naman ako ng dalawang kasambahay na naabutan ko sa kusina.

"Senyorita saan mo gustong kumain?" Tanong ni Manang Gloria isa sa mga matanda ng naninilbihan sa'min.

"Dito nalang po" magalang na sagot ko

Nang ihahin nila ang pagkain sa harap ko ay niyaya ko silang sabayan ako pero tumanggi sila dahil tapos na daw sila. Aalis pa nga dapat sila pero pinigilan ko, ang boring kasi lagi nalang mag isa ako.

"Kumusta na po kayo dito?" Tanong ko sa kanila

"A-ayos naman kami senyorita" sagot ni Manang Gloria pero nauutal hindi rin siya makatingin ng tuwid sa'kin

"Yung totoo po kumusta kayo dito?" May pangamba sa mga mata niya at umiling "inaapi ka po ba ng mag inang nakikitira sa'min dito?" Tanong ko pa sa kanya

"H-hindi senyorita hindi naman sa ganoon" mabilis na nauutal niyang sagot. Tumingin naman ako sa isang kasambahay din namin na nakayuko lang.

"Ate Mildred ikaw kumusta dito?" Tanong ko sa kanya

"O-okay naman po senyorita" nautal din na sagot niya

"Nakakatakot ba ang mukha ko, bakit kayo nauutal. Nakakasakit kayo ng damdamin ha" kunwari balewalang sabi ko at sumubo ng kanin at ulam "mmm.. sarap! Na miss ko luto mo manang" sabi ko pa at nag thumbs up sa kanya

"Aaah senyorita" tawag sa pansin ko ni Ate Mildred, parang nag aalangan pa nga ito na magsalita.

"Ano yun te?" Mabait na sabi ko

"Senyorita pasensiya na po sa sasabihin ko naaawa na po kasi ako kay Manang Gloria at sa iba pang kasama ko dito" umpisa nito na kinakunot ko ng noo

Hinawakan naman ni Manang Gloria si Ate Mildred na parang pinipigilan.

"Bakit Ate? Ano bang problema makikinig ako" sabi ko

Tumingin naman sa labas ng kusina si Ate at ng makasigurado siguro siya na walang ibang tao ay lumapit na siya sa'kin.

"Senyorita nag paalam na po ako sa Daddy niyo na aalis na dito sa bahay dahil magpapakasal na po kami ng boyfriend ko at pumayag na po siya. Pero bago po iyon ay binabaan kami ng sahod ni Ma'am Brenda, ayos lang po sa'kin dahil aalis na din naman po ako pero aaminin ko malaking bagay din po iyon. Isa pa naaawa ako sa mga kasama ko dito na tinuring kona rin na pamilya katulad ni Manang Gloria" pag kukwento nito

"Bago po ang lahat gusto muna kitang icongratulate sa nalalapit mong kasal. Good luck Ate pagpalain sana kayo ng maraming anak at huwag mong kalilimutan na imbitahan ako sa kasal mo, tiyak na magtatampo ako sayo" nakangiting sabi ko

"Nakakahiya naman pong imbitahan kayo maliit na salo salo lang handa namin, mas marami at mas masarap pa ang pagkain niyo dito kapag kumpleto kayo na dito naghahapunan" halata nga sa boses nito ang pagkahiya

"Hindi naman handa ang ipupunta ko doon kundi kayo, kapag inimbitahan mo'ko sagot ko ang isang lechon baka pangako yan sayo" nakangiting sabi ko

"Ay senyorita sobra naman po yun" sagot naman nito

"Hindi nagbibiro yang si Lexinne naalala ko tuloy sina Marga at Lando ng magpakasal isang lechon baka din iniregalo niya at pinatayuan naman sila ng bahay ni senyorito at cash naman binigay ni Senyor" nakangiting sabi naman ni Manang

Dahil pakiramdam ko ay gumaan na ang paligid naming tatlo ay nagsimula na ulit akong itanong.

"Yung sinabi mo sa'kin kanina te, kailan pa kayo binabaan ng sahod ni Brenda?" Tanong ko

"Limang buwan na po niyan ngayong sahod" sagot nito sakin

"Kunwari ay hindi mo nalang narinig sinabi nitong si Mildred ayokong magkagulo pa kayo dito sa bahay" napatingin naman ako kay Manang na hinawakan pa ang magkabilang braso ni Ate Mildred

"Pero manang ang laki ng ibinaba ng sahod niyo nila Mang Densyo at Mang Anton" sabi naman ni Mildred sa matanda

"Magkano po ba ang sahod niyo dati at ang sahod na natatanggap niyo ngayon?" Tanong ko kay Manang

"Noong nandito kapa ang ibinibigay na sahod sakin ng Daddy mo ay eight thousand. Tapos bumaba iyon at naging seven thousand ng dumating na dito si Ma'am Brenda at si Ma'am Hailey. Ngayon ilang buwan narin ang sinasahod ko nalang ay four thousand. Hindi ako nagreklamo at ayoko naman magreklamo dahil baka paalisin din ako katulad ni Maria na ginawan pa ng kwento. Isa pa napamahal na kayo sa'kin" sagot ni Manang na nagpakulo ng dugo ko. Naalala ko na naman tuloy ang dating yaya namin ni Kuya na si Yaya Maria. Siniraan ng mabuting madrasta ko ito kay Daddy hanggang sa patalsikin siya.

"Imbes na itaas ang sahod mo binabaan pa niya, walanghiya talaga siya. Ang laki naman ng ibinaba? Ano daw po bang dahilan niya?" Tanong ko sa matanda habang pinipigilan ang sarili na lusubin ang walanghiya sa kwarto niya

"Ang sabi niya kasi daw matanda na ako at hindi na nakakapag trabaho ng mabuti, pinapagamot din nila ako kaya binawasan nila" sagot nito

"Alam ba'to ni Dad?" Tanong ko ulit

"Hindi ko alam" umiiling na sagot nito

"Yung iba magkano ang ibinaba?" Tanong ko ulit sa kanila

"Si Mang Densyo at Mang Anton tig apat na libo nalang din po natatanggap na sahod. Kami naman pong kasambahay na dati tig pitong libo ngayon ay limang libo na lamang po" sagot ni Ate Mildred sa'kin

"Hayaan niyo po gagawa ako ng paraan, asahan niyo babalik ang sahod niyo sa dati ngayong buwan" sabi ko at napatingin sa pagkain na nasa harap ko. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya pinaligpit ko nalang ito.

Balak ko sanang kausapin ngayon si Brenda pero baka paglamayan na siya kinabukasan kaya naman kailangan kong magpigil at bukas nalang siya kausapin.

Umakyat na akong muli sa kwarto ko at nahiga. Mukhang nasanay na ang katawan ko na disoras ng matulog kaya hindi ako dalawin ng antok. Naisipan kong kalikutin nalang ang cellphone ko at nag online nalang sa mga social media accounts ko. Napangiti ako ng maalalang nag picture picture kami nina Lexinne at Maymay kanina. Agad ko iyong pinost sa facebook at itinag sa kanila. Dahil hindi ako famous naka apat na react lang ako na galing pa sa mga gwapitos.

Dahil bagot at hindi makatulog nakipag chat nalang ako sa apat. Gumawa naman ng group chat si Greg dahil ang bagal daw ng reply ko sa kanya, halata na inuuna ko yung iba. Kung pabebe si Greg kabaligtaran naman niya si Travis na seryoso, si Lance naman ay makulit at komedyante habang si Chuck naman ay gwapong gwapo sa sarili. Hindi ko alam kung papaano ko sila napagsama samang apat pero sa lahat ng mga tauhan ko silang apat ang gusto ko.

Alas dos y medya ng madaling araw ng maisipan kong bumaba. Dahil naka dalawang subo lang ako ng kain kanina kaya kumulo na naman ang sikmura ko. Balak kong gumawa nalang ng sandwich at mag timpla ng gatas para naman makatulog na ako ng may mapansin akong mga anino na gumagalaw sa labas ng bahay.

Sumilip ako sa bintana kung sino sila at bakit gising pa sila pero hindi ko sila makita. Tanging mga anino lang nila na nasisinagan ng ilaw galing sa poste ang nakikita ko. Binuksan ko ang pinto para sabihan na mag situlog na sila ng bigla akong mapaurong at dahan dahan nagtago ng mapansin na hindi namin sila tauhan.

Inihanda ko ang sarili sa pwedeng mangyari at dahan dahan lumapit sa kanila. Dinig na dinig ko ang pag uusap ng apat at hindi ako pwedeng magkamali, boses yon ni Brenda.

"Mga wala kayong silbi puro lang kayo pera pero hindi niyo naman magawa gawa inuutos ko sa inyo" dinig kong sabi ni Brenda

"Inutusan na namin mga tauhan namin Ma'am, bukas pangako magkakaroon kayo ng magandang balita" sabi ng isang lalaki

"Hindi ko lang makontak yung dalawang tao ko malamang ayos na pinapagawa niyo" sabi naman ng isa

"Gago! Paanong magiging ayos eh nasa loob siya ng bahay ko at mahimbing na natutulog!" Gigil na sabi ni Brenda

"Kung nasa loob siya ngayon tirahin na natin" sabi naman ng isa

"Oo nga ma'am" sang ayon ng dalawa

"Mga tanga! Kapag namatay yan sa loob ng bahay ko anong sasabihin ko sa ama niya! Palagay niyo hindi ako magiging suspect mga bobo kayo!" Napangisi naman ako dahil g na g si Brenda sa mga tauhan niya.

Maging ako manggigigil kung ganyang katanga mga tauhan ko at malamang sabog ang utak nila kung magkaroon man ako ng ganyang klaseng tauhan. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig sa kanila hanggang sa umalis yung tatlong lalaki at nakapasok sa loob si Brenda.

***