CHAPTER FOURTY THREE
Kidd's Pov
After eight days nagka ayos na kami ni Lexinne. Hindi lang niya alam kung gaano kahirap sa'kin yung walong araw na hindi kami nakakapag usap ng matino. Napaisip pa ako na baka may nagugustuhan na siyang iba dahil kapag tinatawagan ko at pinupuntahan ko siya lagi niyang sinasabi na busy siya.
Dumating na ako sa punto na natatakot tawagan o puntahan siya. Natatakot ako na baka biglang makipag hiwalay siya sa'kin.
Kung dati minu minuto oras oras nakakausap ko siya, sa isang iglap nagbago ang lahat. Swerte ko kung tumagal pag uusap namin ng tatlong minuto.
Ilang araw din akong naging tambay sa labas ng bahay nila tuwing gabi. Nasanay kasi akong kausap siya hanggang sa makatulog siya, kaya ang ginagawa ko nalang ay tumambay sa tapat ng bahay nila at masdan yung bintana niya. Kapag pinatay na niya ang ilaw ay doon palang ako aalis para umuwi sa condo.
Naging mahirap para sa'kin yung walong araw na hindi niya ako pinapansin. Ang laki ng epektong nangyari sa'kin, napabayaan ko ang trabaho ko at lagi nalang tulala at iniisip siya. Hindi rin ako makakain at tanging almusal lang ang nagsisilbing laman tiyan ko sa buong araw. Daig ko pa nag da diet sa laki ng binagsak ng katawan ko.
Yung dating sobrang gwapong mukha ko ay naging mas gwapo nalang dahil sa mga eyebags at sa mga dark circles sa mata ko. Hindi narin ako nakakapag ahit kaya may tumutubong bigote na sa'kin. Sabi pa naman ni Lexinne dati na ang linis kong tignan. Mabuti nalang at hindi ko nakakalimutan mag toothbrush.
Walong araw kong naranasan ang impyerno kaya ngayon babawi ako. Tinignan ko ang sarili sa salamin at ngumisi. Sobrang gwapo ko na ulit. Napatingin ako sa may pinto ng kumatok at nagsalita si Mrs. Cruz.
"Sir nandito na po yung inorder niyong bulaklak" dinig ko.
"Come in" sabi ko at pumasok na nga ito. Napatingin ako sa bouquet na hawak niya at napangiti. Tumayo ako at kinuha iyon agad sa kanya. "Maganda ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Oo naman Sir sobrang ganda sigurado magugustuhan yan ni Ma'am Lexinne" sagot nito na nagpangiti sa'kin.
"Pero wala ng mas gaganda pa sa kanya" hindi nahihiyang sabi ko at inamoy iyon
"Hahaha oo naman Sir" sagot nito
"Ikaw na bahala dito hindi niya alam na susunduin ko siya ngayon" utos ko at naglakad na palabas ng office ko kasabay siya nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang pigura ni Kath sa harapan ko.
"Hi" nakangiting sabi nito na tinaas pa ang isang kamay
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na naka kunot ang noo. Nag excuse naman si Mrs. Cruz at nauna ng lumabas
"Uhm, gumawa kasi ako ng snacks at naisipan kong dalhan ka" sagot nito at iniangat ang hawak niyang paper bag
"Salamat pero busog pa ak-" hindi ko na natuloy pa sasabihin ko dahil hinila na niya ako papunta sa may sofa at inilapag niya doon ang dala niya.
"Alam kong busy ka pero hindi mo dapat pabayaan ang sarili mo" sabi pa niya habang inilalabas ang tatlo na plastic containers na nasa paper bag at isang tumbler
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Ano na naman to?" Hindi mapigil ang inis na sabi ko
"Ang ganda naman nito" tukoy nito sa bulaklak na inilapag ko sa mesa. Kinuha niya iyon at inamoy. "Lagi mo rin akong binibigyan ng bulaklak dati" dagdag pa nito tsaka nakangiting tumingin sa'kin.
"Ano ba talagang kailangan mo? Susunduin ko pa kasi sa school nila ang girlfriend ko" Diretyong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
Ngumiti ito at binuksan ang mga container na may laman na lasagna, garlic bread at fruits.
"Alam ko favorite mo mga to kaya yan ginawa ko" sabi nito.
Inilabas nito yung tinidor at nagsimulang pinaikot iyon sa lasagna. Ayoko sanang isubo iyon pero nag pumilit siya. Ayoko din naman matapon sa damit ko yung pagkain.
"Okay na? Aalis na'ko" sabi ko at kumuha ng tissue tsaka pinunasan ang bibig ko. Kukunin ko na sana ang bulaklak sa kanya pero bigla niya iyon niyakap. "Kath ano ba" sabi ko
"Naka isang subo ka palang at hindi mo pa natitikman yung bread ko, ginawa ko talaga yan para lang sayo" sabi nito na tila iiyak na
Kumuha ako ng isang garlic bread at hindi inalis ang mga mata ko sa mga mata niya habang kinakain iyon. Balak ko lang ubusin ang tinapay at kung ayaw parin niyang ibalik ang bulaklak sa'kin iiwan ko nalang yon sa kanya.
Mabilis kong naubos ang tinapay at hindi ko naman inaasahan ang pagtulak niya sa'kin kaya napahiga ako sa sofa. Bigla naman itong lumapit at pumatong sa'kin at hinalikan ako. Hinawakan ko ang bewang niya upang alisin siya pero ayaw niyang umalis at patuloy na hinahalikan ako.
Tumigil lang siya at napatingin kaming pareho sa may pintuan ng may marinig kaming parang nalaglag. Kitang kita ko yung nangingilid na luha ni Lexinne habang parang hindi makapaniwala sa nakita niya. Mabilis kong tinulak si Kath at lumapit kay Lexinne na nakatingin lang sa'kin.
"Sorry wrong timing pala ako pasensiya na naabala ko kayo" nakangiting sabi ni Lexinne tsaka tumingin sa may liluran ko kung saan naroon si Kath
"Babe magpapaliwanag ako" kinakabahang sabi ko. Tinignan lang niya ako at nginitian.
"Hi!" Kaway nito kay Kath at lumapit naman si Kath sa'min
"Hello" dinig kong sabi ni Kath
"Ako nga pala si Lexinne girlfriend ni Kidd" pakilala ni Lexinne sa sarili at kumapit sa isang braso ko
"I'm Kath ex girlfriend niya, yung nakita mo kanina wala lang yon. Okay lang naman diba?" Mahinhin pang sabi ni Kath. Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Lexinne
"Oo naman wala lang iyon" nakangiting sabi niya tsaka ito tumingin sa'kin tsaka ngumiti. "Ang ganda naman ng mga bulaklak mo" puna nito
"Oo nga eh binili ito ni Kidd ang sweet niya no?" Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Lexinne sa braso ko
"Babe para ta-" hindi ko naman natuloy sasabihin ko dahil inunahan na naman niya akong magsalita
"Oo nga eh sweet talaga siya pero minsan nakaka umay din siya kaya balak kona rin siyang palitan" sabi nito at mahinang tumawa
"Babe" tawag ko sa kanya at nakangiting tumingin siya sa'kin
"Bakit babe?" Nakangiting tanong niya
"Mali ang iniisip mo ipapaliwanag ko lahat ng ito sa'yo" sabi ko
"Omo! Ano ba ang iniisip ko? Nababasa mo ba nasa isip ko?" Pa inosenteng sabi nito na tinakpan pa ang isang bibig
"Babe makinig ka, yung nakita mo hindi ko iyon ginusto" sabi ko na diretyong nakatingin sa mga mata niya
"Babe! Mahiya ka nga naririnig ka ni Kath oh!" Sita nito sa'kin at pinalo pa ang dibdib ko "okay lang naman sa'kin mag share kami sa'yo tutal malapit narin akong mag sawa sayo kaya wala kang dapat i explained" mariin na sabi nito
"Ang bait mo naman pala, kung ako kasi hindi papayag may ka share sa boyfriend ko" sabi naman ni Kath
"Mabait talaga ako lalo na sa mga kapus palad at mga babaeng kagaya mo. Ayaw mong may maka share ka sa boyfriend mo pero ikaw mismo pinipilit mo ang sarili mo sa boyfriend ko" sabi ni Lexinne tsaka nito inalis ang pagkaka kapit sa braso ko
"Ito namang boyfriend ko maawain kasi, malambot ang puso at sobrang bait. Nakakahiya nga naman kung hindi ka niya patulan, lamang tiyan ka din naman" taas kilay na sabi nito na nakatingin sa'kin tsaka ito muling tumingin kay Kath
at nag cross arms. "Tulad ng sabi ko okay lang na i share si Kidd sayo, kawawa kasi siya hindi ko naibibigay ang pangangailangan niya bilang isang lalaki, conservative kasi ako. Kaya ikaw nalang gumawa kasi mukhang sanay ka naman na at ako.." tumingin ulit sa'kin si Lexinne at matamis na ngumiti tsaka muling kumapit sa braso ko. "Don't worry i d-date ko lang siya hanggang magsawa ako at hiwalayan siya, tapos libre na kayong dalawa" nakangiting sabi nito
"Kath umalis kana!" Malakas na sabi ko at tumingin sa kanya
"Babe bakit? Ayaw mo yon dalawa kaming kasama mo? Ooops! Sorry. Kath huwag ka ng umalis ituloy niyo nalang kababuyan niyo este ginagawa niyo. Ako nalang aalis sorry naistorbo ko kayo. Tawag o text ka nalang sa'kin kapag tapos na kayo" sarkastikong sabi ni Lexinne.
Aalis na sana siya pero pinigilan ko ang braso niya. Hindi ako papayag na umalis siya ng hindi kami nagkakaliwanagan.
"Paki lock nalang ang pinto ha? Thank you" sabi naman ni Kath kay Lexinne kaya tinignan ko siya ng masama
"Ang sabi ko umalis kana" nag aalab ang mga tingin na sabi ko kay Kath
"Bakit ako aalis okay nga lang daw kay Lexinne" walang pakeng sagot niya sa'kin
"Kung hindi ka aalis kami ang aalis" mariing sabi ko at hinila si Lexinne palabas "Palayasin niyo ang babaeng yan dito" utos ko sa dalawang secretary ko habang hawak at hinihila ang kamay ni Lexinne papasok sa elevator.
Pagpasok namin sa elevator ay pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko alam kung paano at kung anong unang sasabihin ko. Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Kinakabahan ako, natatakot ako.
****