CHAPTER THIRTY NINE
Lexinne's Pov
"Good morning!" Bati ko kay Kidd na kadarating lang sa bahay para ipagluto ako ng breakfast. Mabilis akong humalik sa pisngi niya na kinagulat niya. Hindi kasi ako nagkukusang humalik sa kanya. Medyo nahiya pa ako kaya mabilis akong yumuko at nagpatay malisya.
"Good morning babe mukhang maganda ang gising mo ah" sabi nito na hinawakan ang baba ko at iniangat iyon para matignan siya ng maayos. Bakit ba kasi ang tangkad niya nagmukumukha tuloy akong pandak.
Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya at yumakap sa kanya. Gumanti naman ito ng yakap at hinalikan ako sa ulo.
"Sana araw araw maganda gising mo" sabi nito tsaka mahinang tumawa
"Special kasi ang araw na'to" malapad ang ngiting sabi ko
"Talaga? Anong okasyon?" Kumunot naman ang noo ko at inangat ang paningin sa kanya habang nakayakap sa bewang niya tsaka nakipag laban ng titigan sa kanya.
Para namang wala talaga siyang idea kung anong okasyon ngayon. Sumimangot nalang ako at pinitik ko ang noo niya. Sa sobrang pagka workaholic niya pati birthday niya nakalimutan na niya. Kaya pala hindi siya nag aayang lumabas dahil hindi niya alam.
"Wala. Busy kaba mamaya?" Tanong ko nalang sa kanya at tinalikuran siya. Kumuha ako ng apron sa drawer at sinuot yon sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko
"Wala lang gusto lang kitang dalawin sa office mo" sabi ko at tinignan siya. Ngumiti naman siya at pinantay ang mukha niya sa mukha ko
"Gusto ko yang naisip mo kaso may klase ka diba?" Sagot nito tsaka nito pinadaan ang hintuturo niya sa ilong ko.
"After class" mabilis na sabi ko
"Sigurado ka Babe? Baka mainip ka lang sa office" sabi nito
"Sabihin mo lang kung ayaw mo okay lang naman" kunwaring nagtatampong sabi ko
"Syempre gusto ko. Gustong gusto ko" sabi nito na niyakap pa ako. Yumakap din ako at tagumpay na ngumiti.
"Magluto na tayo ng breakfast, anong gusto mo? Ipagluluto kita" Mayabang na sabi ko
"Alright!" Masayang sabi niya "kahit ano babe basta luto mo" sabi pa niya
"Tss.." nakangiting sabi ko at sinimulan ang dapat gawin. Tinulungan naman niya ako sa paghihiwa.
Simpleng Savory egg and sweet potato scramble and farmers casserole lang niluto ko dahil kulang ako sa oras. Si Nanay sali naman ay sinangag yung tirang kanin kagabi at nagprito ng bacon. Favorite kasi ni Kuya ang bacon kaya hindi pwedeng mawala kapag nandito siya. May tira pa kaming bulgogi kagabi at ininit ko nalang.
"Tsaran!" Sabi ko pagkatapos kong pinakita yung niluto ko.
"Wow! Mukhang masarap" sabi naman ni Mama
"Kailan ba ako nagluto ng hindi masarap Ma?" Pagyayabang ko at binigay ang mga kape nila na tinimpla ko
"Oo nga naman honey, kahit nga yung mga cookies na binake niya nung isang araw masarap parin kahit sunog" natatawang sabi naman ni Didi
"First time ko kaya yon" bulong ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Kidd sa braso ko at tinanggal nito ang suot kong apron.
"Babe maupo kana" bulong ni Kidd sa tenga ko at pinaghila niya ako ng upuan.
"Ikaw din" mahinang sabi ko "kain kana" utos ko pa sa kanya. Ngumiti at tumango naman siya.
"Honey try mo ang eggs ang sarap ng pagkakaluto ni Lexinne" napangiti ako sa sinabi ni Mama at tumaas ng konti ang ihi ko hehe
"Babe try this" sabi ko naman kay Kidd at nilagyan ng pagkain ang Plato niya
"Thanks babe" nakangiting sabi naman niya.
Tinignan ko muna ang reaction ni Kidd at tumango tango ito at tila nasarapan. Alright! Mukhang pasado sa kanya.
"Ang sarap the best ka talaga" Sabi pa ni Kidd at nag thumbs up tsaka muling sumubo ng farmer's casserole na niluto ko.
Pagkatapos naming kumain ay mabilis na umakyat ako sa kwarto ko para maligo at maghanda na sa pagpasok.
******
"Sigurado ka hindi ka busy mamaya ha?" Paninigurado ko kay Kidd habang sakay ako sa kotse niya
"Ika cancel ko lahat ng mga meetings ko this afternoon para sayo babe" sagot naman nito na may ngiti sa labi
"Edi busy ka nga, okay lang unahin mo muna mga meetings mo" malungkot na sabi ko
"Ika cancel ko nga po" sabi nito na hinawakan ang isang kamay ko at tinignan ako
"Ayusin mo pagda drive mo" malungkot paring sabi ko at hinila ang kamay kong hawak niya tumingin nalang ako sa labas ng bintana "Kung busy ka mamaya okay lang naman" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya
"Pwede naman I move sa ibang araw mga meetings ko babe, don't worry hindi sila ganoon ka importante" sabi naman niya at muling kinuha ang kamay ko "basta hihintayin kita mamaya" sabi pa nito at hinalikan yung kamay kong hawak niya. Tipid na ngumiti at tumango nalang ako.
Nang makarating na kami sa school ay tinignan ko muna ng mabuti si Kidd, Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinagmasdan 'yon at nakangiting bumuntong hininga. Hinawakan naman nito ang mga kamay ko na nasa mukha niya at nakipag titigan sa'kin.
"Ingat ka sa pag drive okay?" Sabi ko at mabilis na hinalikan ang dulo ng kanyang ilong.
"Saranghae" sabi naman niya. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya at tumango.
"Nado saranghae" sagot ko. Ilang segundo rin magkatitigan kami hanggang sa inalis ko na kamay ko sa mukha niya.
Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko para makalabas na ng kotse niya ng pigilan niya ang kamay ko.
"Babe" tawag niya sa'kin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko ma explaine pero nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Nakipag laban ako ng titigan sa kanya hanggang sa di ko na namalayan na magkalapat na ang labi naming dalawa.
Pagmulat ko ng mata ay nakapalupot na ang mga kamay ko sa batok ni Kidd habang hawak naman niya ang isang pisngi ko. Ngumiti siya ng makitang nakamulat na ako at naramdaman ko naman ang pag init ng mga pisngi ko. Isang mabilis na halik muli ang naranasan ko. Dinikit pa nito ang noo niya sa noo ko.
Dahil nakabalik na ako sa wisyo ko mabilis kong tinanggal ang mga kamay ko sa batok niya at bahagyang tinulak pa siya. Tumawa naman ito at kinalabit kalabit ang ilong ko.
"Yah!" Inis kong sabi pero tumawa lang ito "bahala ka diyan!" Sabi ko tsaka tinanggal pagkaka seatbelt ko
"Ang cute mo" tumatawa parin na sabi nito at hinawi ang buhok ko tsaka inipit sa likod ng tenga ko. Pinalo ko naman ang kamay niya at pinaningkitan ng mata.
"Pangit mo!" Sigaw ko sa kanya at binuksan ang pintuan ng kotse niya tsaka mabilis na lumabas doon.
Hindi na ako nagpaalam at walang lingon lingon na umalis nalang ako. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating agad sa may gate. Pero bago ako tuluyang pumasok ng gate ay lumingon ako sa kinaroroonan ni Kidd at ngumiti ako ng makitang naroon siya nakasandal sa pintuan ng kotse niya at kumakaway sakin. Kumaway nalang din ako hanggang sa tuluyan na akong pumasok sa gate ng school.
******
"Okay naba plano mo?" Tanong sakin ni Klea habang umiinom kami ng frappe sa isang coffee shop malapit sa school
"Hindi ako sure kasi nga busy ang Kuya mo pero sabi naman niya i c-cancel niya mga appointments niya this afternoon"
"Ikaw na nagsabi na i c-cancel niya mga appointments niya so it's settled then. Alam naman natin na ikaw ang priority ni Kuya kaya there's nothing to worry about"
Tumingin ako kay Klea habang nakasubo ang straw sa bibig ko.
"Wala nga ba akong dapat ipag worry? Bakit kinakabahan ako beh?" Tanong ko sa kanya at nilagay ang kamay sa tapat ng dibdib ko.
"Baka excited ka lang beh, huwag kang kabahan sigurado ako magiging okay ang lahat " walang pag aalalang sabi naman niya, kahit papaano ay nakatulong naman maibsan kahit kaunti ang kabang nararamdaman ko.
Pagkatapos ng morning class ko ay nagmadali na akong nag ayos. Nag lunch lang kami nina Klea at Maymay tsaka na ako umalis para ipagluto si Kidd at dalhin sa office nila.
Pagdating ko sa bahay ay nakahanda na ang ibang rekados na iluluto sa tulong nina Mama at Nanay Sally. Alam kasi nila ang plano ko kaya nakitulong narin sila. Nagpalit lang ako ng damit pambahay tsaka ko sinimulan lutuin ang spaghetti meat balls na favorite ni Kidd.
Sa tulong ng mga kasama ko sa bahay natapos ko agad ang niluluto ko, akala ko nga magagahol ako sa oras mabuti nalang nakayanan namin tatlo nila Mama.
Nag text ako kay Ms. Rhia at tinanong kung anong ginagawa ng Sir niya. Isa siya sa kasabwat ko sa opisina ni Kidd.
"Okay na po ang lahat Ma'am :)" basa ko sa reply niya na nagpangiti sa'kin
Huminga ako ng malalim bago nag type ng reply sa kanya.
"Thank you po paki sabi kay Mrs. Cruz at sa iba na thank you sa pagtulong :)" mabilis na reply ko tsaka mabilis kumilos para makaligo
Isang blossom print ribbon long sleeve tie ruffle blouse crop top ang napili kong isuot na tinernuhan ng black henley skinny high wasted jeans.
Hindi na ako nag abalang ayusin ang mukha ko dahil maganda na ako charot! Hahaha nag pulbos lang ako at konting lipstick at okay na. Pagtingin ko sa cellphone ko ay may dalawang text message ako, ang isa galing kay Ms. Rhia ang assistant secretary ni Kidd na nagreply ng "welcome" at ang isa naman ay galing kay Mrs. Cruz ang secretary naman ni Kidd at nagsabi na "hinihintay kana po ni Sir" nagreply ako sa kanya at nag sabing on the way na ako.
Hinablot ko sa kama ang Hermes Birkin handbag ko at sinuot ang nude pumps ko tsaka umikot muli sa harap ng salamin. Napangiti naman ako sa itsura ko at nagmadali ng bumaba.
"Yeppuda" gandang gandang sabi ni Mama sa'kin na ikinatawa ko
"Thank you Ma alis na ako" paalam ko
"Sige ingat" sabi pa nito na ikina tango ko
"Nay wala ba akong naiwan?" Tanong ko kay Nanay Sally na hinihintay ako sa labas
"Wala na nandito sa labas pati yung mga disposable na binili natin nung isang araw" sagot nito sa'kin
"Thank you Nay" sabi ko at niyakap pa siya bago ako pumasok sa kotse.
Kumaway pa ako kina Mama at Nanay Sally nung paalis na kami.
Three twenty two ng makarating kami sa kumpanya nila Kidd. Nakausap ko narin si Mrs. Cruz at may naghihintay ng tao na tutulong sa'min ni Mang Kanor sa pagbubuhat.
Pagpasok ko sa conference room ay napangiti ako ng makitang naka design iyon, may mga hanging balloons na kulay black at silver may birthday banner pa na nakalagay.
Magkatulong kami ni Ms. Rhia at ng iba pang empleyado sa pag aayos ng pagkain sa mesa hanggang sa mag text ako kay Mrs. Cruz na okay na ang lahat at papuntahin na si Kidd dito sa conference room.
***