CHAPTER THIRTY EIGHT

Lexinne's Pov

"Sabi ko naman sa'yo delikado yung lugar ng bahay mo, kung hindi kapa minulto hindi mo naisipan na pumunta dito sa'min" naka pamewang na sabi ko kay Klea. Kasi naman kababae niyang tao tapos mag isa pa siyang nakatira sa back building ng school ang creepy kaya doon.

"Naunahan lang ako ng takot kagabi kaya napatakbo ako dito sa inyo, buti nalang nakita ko kuya mo at pinagbuksan niya ako ng gate niyo" sagot naman nito

"Kunin mo na yung mga damit mo sa bahay mo dito ka nalang tumira sa'min" sabi ko pa sa kanya

Sabay naman kaming napatingin sa bintana ng marinig ang kotse ni Kidd. Araw araw nagpupunta siya dito para ipaghanda ako ng breakfast. Isa pa ang kulugong ito na matigas ang ulo. Aish! Mababaliw ako sa magkapatid na'to.

"Good morning Kuya!" Nakangiting bati ni Klea kay Kidd ng pagbuksan niya ng pinto. Mukhang nagulat pa ito ng makita ang kapatid niya. Tumingin naman siya sa'kin at pinameywangan naman siya.

"Good morning" sabi niya sa kapatid at mabilis na lumapit sa'kin at humalik sa pisngi "good morning babe" bati naman niya sa'kin "anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kidd sa kapatid

"Ikaw kuya anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" Taas kilay na tanong ni Klea sa kapatid na may nanunuksong ngiti sa labi

"Daily morning routine" walang ganang sagot naman niya kay Klea

"Anong sabi ko sayo kagabi? Bakit ka nandito?" Taas kilay rin na tanong ko sa kanya galing kasi siyang Baguio at may inasikaso doon kahapon, sinabi ko rin na huwag munang umuwi at matulog muna dahil delikado ang daan pero heto siya ngayon sa harapan ko may bitbit na plastic bags sa magkabilang kamay.

"Hindi naman ako ang nag drive natulog ako sa buong byahe" sagot nito sa'kin habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa labi niya

"Good Morning" napatingin kaming tatlo sa may hagdan habang bumababa si Mama

"Good morning Tita, Ma" sabay sabay na sabi naming tatlo

"Ang dami mo naman dala ano ba mga yan?" Tanong ni Mama na nakatingin sa mga plastik bags na buhat ni Kidd

"Pasalubong Ma from Baguio" magalang na sagot nito

"Omo! Galing kayong Baguio ni Klea?" Tanong nito na napatakip pa ng bibig

"Hindi po kami magkasama Tita dito po ako natulog kagabi" sagot naman ni Klea kay Mama

Kukunin ko sana mga bitbit ni Kidd pero pinigilan niya ang kamay ko at soya na nagbaba sa may center table.

"Dito ka natulog? Hindi kita nakita kagabi" sabi naman ni Mama na naka kunot noo at inalalayan si Klea na umupo sa sofa

"Late na din po kasi Tita at biglaan lang, si Kuya Gab po nagbukas sakin ng pinto" sagot pa niya

"Oh! Umuwi pala siya" tumatangong sabi naman ni Mama "teka mag hahanda lang ako ng breakfast natin" sabi pa nito

"Tutulungan na kita Ma" sabi naman ni Kidd na sumunod kay Mama

"Buti pa si Kuya may tinatawag na Mama" nakangusong sabi ni Klea

"Edi tawagin mo ring Mama ang mama ko pamilya kana rin naman namin" sinserong sabi ko

"Don't worry beh magiging magkapamilya talaga tayo at magiging Mama si Tita kapag pinakasalan na ako ng Kuya mo" tumatawang sabi pa nito

"Push mo yan beh gusto ko yang idea mo" sagot ko sa kanya at nagtawanan kami.

********

Pagkatapos naming mag breakfast ay hinatid na kami ni Kidd sa school. Medyo nagtalo pa kami dahil ayokong maniwala na hindi siya ang nag drive ng kotse niya pero medyo okay na din kami pero may inis parin akong maramdaman sa kanya.

"Yung sinabi ko ha?" Bilin ko sa kanya na pinaningkitan ko pa ng mata

"Opo I love you" sagot naman nito sakin

"Eww.." dinig ko namang sabi ni Klea kaya hindi na ako nagsalita

Binigyan ko nalang ng matamis na ngiti si Kidd at nag finger heart sa kanya.

"Ingat sa pag drive babye" paalam ko at kumaway sa kanya. Kumaway din naman siya pabalik sa'kin.

Masayang nagkukwentuhan kami ni Klea habang naglalakad ng madaanan namin si Maggy kasama si Hailey. Naka cross arms ang dalawa at masama ang tingin samin.

Hindi nalang sana namin sila papansinin dahil maaga pa at ayoko sa gulo kaso ng paglagpas ko kay Maggie hinila nito ang buhok ko.

"Ano ba!" Sigaw ko at hinampas siya ng bag ko pero hindi parin niya binibitawan ang buhok ko. Nahablot ko naman ang mahaba niyang buhok na nagpaiyak sa kanya.

Mabilis naman ang kilos ni Klea at nasabunutan rin niya si Maggie kaya napabitaw ito sa buhok ko at ngayon ay umaatungal at humihingi ng saklolo.

Napansin ko naman si Hailey na akmang tutulungan ang kaibigan niya pero hindi ito nakaporma dahil ako naman nanghila sa buhok niya.

"Bitch! Bitawan mo'ko!" Sigaw ni Hailey sakin at kinalmot ako. Buti nalang hindi niya naabot ang mukha ko pero nadali naman niya ang braso ko.

Nagulat nalang ako ng biglang hatakin ni Klea si Hailey at pinilipit ang kamay nito habang si Maggie naman ay nasa ground at umiiyak.

"Nakalimutan mo na yata kung sino ka" May gigil sa boses na sabi ni Klea tsaka niya binigyan ng mag asawang sampal ang mukha ni Hailey "Ang lakas ng loob mo manakit at best friend ko pa talaga napili mo" mariing sabi pa nito at malakas na sampal ulit ang dumapo sa pisngi ni Hailey.

Mabilis ko naman hinila si Klea dahil baka kung anong magawa pa nito kay Hailey ang lakas kasi niyang manampal dumugo na nga ang labi ni Hailey at mukhang wala siyang balak tumigil kung hindi siya pipigilan.

Inawat ko na ang kamay ni Klea na akmang aabutin pa ang buhok ni Hailey na umiiyak habang hawak ang mga pisngi niya.

"Pinapauna ko na sa inyo! Huwag na huwag na kayong magpapakita sa'kin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa inyo!" Gigil na banta ni Klea sa dalawa

"Isusumbong kita kay Mommy!" Sigaw naman ni Hailey kay Klea

"Sige magsumbong ka! Pagbuhulin ko pa kayo ng nanay mong kabit" Sabi naman ni Klea na pilit kinakalma ang sarili

"May araw karin sakin!" Sigaw pa ni Hailey bago tuluyang umalis kasama si Maggie

Hinila ko nalang paalis si Klea at dinala na sa classroom namin baka habulin pa niya sina Hailey.

"Grabe ka ang lakas mong manampal yung tunog ng sampal mo kulang nalang mag echo. Naawa pa ako kay Hailey" sabi ko habang nakatingin sa kanya

"Nagpipigil pa ako nun kung hindi baka nabura na mukha niya" nakangising sagot niya sa'kin "ikaw naman bakit mo hinayaan na masabunutan ka ng Maggie na yon?" May inis sa boses na sabi niya

"Hindi ko inaasahan na sasabunutan niya ako" paliwanag ko

"Dapat lagi kang alerto lalo na traydor mga kalaban mo" payo pa niya

"Hindi naman kasi ako makikipag away at hanggang kaya kong uniwas sa gulo iiwas ako" sabi ko

"Okay lang umiwas pero dapat matuto kang lumaban"

"Bakit ako lalaban kung iiwas nga ako" natatawang sabi ko

"Hindi sa lahat ng bagay kailangan mong umiwas kaya matuto kang lumaban" naniningkit ang mga matang sabi niya

"Oo na napaka amazona mo talaga" sabi ko nalang at tipid na ngumiti

"Bossing!" Napatingin kami ni Klea maging ang mga kaklase namin dahil sa sigaw ng gwaputos na ngayon ay pumasok na sa loob ng classroom namin. "Napa away daw kayo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Travis na nag aalangan lumapit kay Klea

Bumuntong hininga muna si Klea bago niya binatukan yung apat. Napangiwi naman ako dahil alam kong masakit ang mga yun, bakit ba ang lakas ni Klea puro kain at tulog lang naman ang ginagawa niya.

"Kung kailan kailangan namin kayo doon kayo missing in action" sermon ko sa apat

"Sorry ma'am Lexinne napa sarap kain namin sa canteen" kumakamot sa ulong sabi ni Lance

"Ayos lang, okay naman kami pero dahil body guards kayo ni Klea dapat lagi kayong nasa tabi niya. Hindi siya nasaktan ngayon pero hindi natin alam sa susunod lalo na pinagbantaan siya ni Hailey" sabi ko sa apat

"Yes Ma'am" sabay sabay pang sabi nilang apat

Pumasok na ang prof namin kaya naman umalis na yung apat. Nag simula na ang klase at nagsimula narin matulog si Klea.

***