CHAPTER FOURTY
Lexinne's Pov
Naka abang kaming lahat sa pagpasok ni Kidd sa loob ng conference room at ng marinig naming nag click ang pinto ay sabay sabay kaming kumanta ng birtday song. Nagulat pa siya noong una pero mabilis na napalitan ng ngiti ang mukha nito ng makita ako habang kumakanta ng Happy Birthday hawak ang cake na binake ko papalapit sa kanya.
"Happy birthday Babe" malapad ang ngiting sabi ko
Para namang hindi ito makapaniwala at nakatingin lang ito sa'kin habang kagat ang ibabang labi niya na pinipigil yata ang pag ngiti.
"Thank you" sagot nito sa'kin at dinampihan ng halik sa labi
Nagpalakpakan naman ang nakakita at kahit medyo nahihiya ay kinapalan ko nalang ang mukha ko.
"Make a wish before you blow the candle" sabi ko sabay angat pa sa hawak kong cake.
Nakangiting nakatingin naman ito sa'kin bago pumikit at hinihipan ang mga kandilang nasa taas ng cake.
Nagpalakpakan ulit ang lahat at grineet si Kidd. Kinuha naman ni Kidd ang cake na hawak ko at ibinaba iyon sa mesa at yumapos sa bewang ko.
"Nakalimutan kong birthday ko buti kapa naalala mo" bulong ni Kidd sa tenga
"Matanda kana kasi kaya makakalimutin kana" sagot ko sa kanya at bumelat
"Kagatin ko dila mo eh" sabi naman nito kaya pinaningkitan ko siya ng mata "four years lang naman age gap natin at hindi pa matanda ang 26 years old" dagdag pa niya na pinisil ang ilong ko
"Twenty six ka palang? Akala ko thirty six na, ang matured na kasi ng mukha mo" tumatawang sabi ko
"Ikaw akala ko fourty two na" ganti naman niya
"Aba!" Sabi ko at kinurot ang tiyan niya
"Ouch!" Daing niya pero tumatawa naman ang bwisit
"Ma'am ang sarap po ng mga niluto niyo" puri ni Ms. Rhia sa mga niluto ko
"Thank you kain lang kayo" nakangiting sabi ko
"Ma'am, Sir kain na rin po kayo" aya ng iba sa'min
Nagkatinginan naman kami ni Kidd.
"Kain kana niluto ko lahat ng yan kaya dapat tikman mo" sabi ko
Kumuha ako ng disposable plate at naglagay ng pagkain doon. Pinaupo ko na si Kidd at sinabing ako na ang kukuha ng pagkain namin.
"Ang dami mo palang niluto nakaya mong lutuin lahat ng to?" Hindi makapaniwalang sabi niya
"Wala ka bang bilib sa'kin?" Tanong ko sabay subo ng spaghetti sa kanya "tinulungan ako nila Mama at Nanay Sally kung hindi nila ako tinulungan baka dinner mo na makakain lahat ng to" sabi ko pa sa kanya
"Edi pagod na pagod ka" sagot naman nito at isinubo sakin yung meatball
"Nope! Nag half day ako at tsaka sulit naman kaya hindi ako nakaramdam ng pagod" sagot ko sa kanya "tikman mo itong cake ako gumawa nito" todo ngiting sabi ko "hindi pa ako ganoon kagaling pero edible naman" sabi ko pa at sinubo iyon sa kanya
"Mmm.. masarap naman ah" sabi nito na tumatango tango pa "sakto lang ang tamis ang smooth at creamy. Cheesecake?" Patanong na sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti. "Ang galing ng misis ko" sabi pa niya
"Kailan niyo po balak magpakal ni Ma'am Lexinne Sir?" Tanong naman ng isang empleyado
Tinignan naman ako ni Kidd.
"Kung pwede sana ngayon na kaso nangako ako sa Daddy niya na after nalang niyang grumaduate" sagot naman ni Kidd
"Ohhh.. congratulations in advance po Ma'am Sir" sabi naman niya at naki congrats na din yung iba.
Nakangiti naman ako sa lahat habang naka kurot ako kay Kidd sa tiyan niya.
"Kailan pa ako pumayag na magpakasal sayo?" Mahinang bulong ko sa tenga niya habang nakangiti
"Saranghae" sagot lang niya sa'kin habang nakangiti at pilit iniinda ang sakit na dulot ng kurot ko sa tiyan niya.
Hindi pa tapos ang simpleng salo salo namin pero nag aya na si Kidd bumalik sa office niya. Pagpasok namin sa office niya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit at nag thank you. Ilang segundo rin kaming magkayakap bago bumitiw sa isa't isa. Inaya niya akong umupo sa sofa doon at tinanong kung gusto ko ng coffee o juice. Umiling ako dahil nabusog na ako sa kinain ko.
"Ano na? Sige na mag trabaho kana" natatawang taboy ko sa kanya dahil hindi na siya umalis sa tabi ko at nakuha pang humiga sa legs ko
"Ayoko ng mag trabaho birthday ko naman ngayon" nakapikit na sabi niya habang hawak ang isang kamay ko tsaka niya ito hinalikan
Nilaro laro ko naman ang buhok niya at hinaplos ang bawat parte ng mukha niya.
"Alam mo mas gwapo ka kapag nag tatrabaho ka" sabi ko sa kanya. Minulat naman nito ang mga mata at tumingin sa'kin.
"Okay na ako sa gwapo kung ganito naman lagi, nasa tabi kita, nahahawakan at nahahalikan" nakangiting sabi niya at hinalikan uli ang likod ng palad ko
Pinaningkitan ko naman siya ng mata "mas gusto ko yung mas gwapo" kinurot ko ulit ang tiyan niya
"Aw! Aw!" Daing niya pigil pigil ang dalawang kamay kong kinukurot siya
"Kailan kapa naging aso?" Natatawang sabi ko at tinigilan na ang pagkurot sa kanya "mag trabaho kana kasi" sabi ko pa
Umupo naman siya ng maayos pero hawak parin ang tiyan niya
"Patingin nga mga kuko mo" sabi nito at pinakita ko naman
"Bakit?" Inosenteng tanong ko
"Tinitignan ko lang baka kasi may sumama ng balat ko sa tiyan" sagot nito na nakangiwi
"Masakit?" Seryosong tanong ko
"Hindi Babe okay lang" sabi nito tsaka hinaplos ang tiyan
"Patingin nga" sabi ko naman
"Hindi okay lang Babe hindi na masakit" sabi nito
"Patingin sabi!" Sabi ko at lumapit sa kanya. Bubuksan ko na sana yung butones sa bandang tyan ng long sleeve na suot niya ng pigilan niya kamay ko.
"Babe okay lang promise" sabi pa nito
"Bakit ba! Titignan ko nga eh!" May kalakasang sabi ko. Mukhang umurong naman ang buntot niya kaya hinayaan nalang niya ako.
Bigla naman akong pinawisan ng malamig habang tumatambad ng pakonti konti ang tiyan niya sa harapan ko. Napa pikit at napa iling pa ako dahil baka tumulo ang laway ko dahil sa kamanyakan ko. Bakit ba kasi may abs ang kulugong to.
"Waahh! Ottoke?! Mianhe" naiiyak na sabi ko habang tinitignan yung namumulang tiyan ni Kidd dahil sa mga kurot ko "Sorry" sabi ko na hindi mapigilan ang pag iyak at hinimas yung mga namamagang balat niya dahil sa kurot ko.
"Okay lang hindi naman masakit" sagot nito at niyakap ako "huwag ka ng umiyak tahan na. Hindi talaga masakit" sabi pa niya
"Paanong hindi masakit namamaga na nga" umiiyak parin na sabi ko
"Aish!" Sabi niya tsaka nito sinara ulit mga butones niya at nag tuck in "yan hindi na namamaga" sabi nito tsaka pinunasan ang mga luha sa mata ko "tahan na ayokong umiiyak ka" malambing na sabi nito tsaka hinalikan mga mata ko
"Sorry hindi na kita kukurutin promise" humihikbing pangako ko sa kanya
Ngumiti naman siya sa akin at tumango
"It's okay I love you" sabi nito na nagpalabi sakin. Tumulo na naman tuloy ang luha sa mga mata ko. "Bawal umiyak dito" natatawang sabi niya habang pinupunasan parin mga luha ko
Mahigpit akong yumakap sa kanya at nagpatuloy lang sa pag iyak. Niyakap din naman niya ako pabalik at pinakalma. Nung maramdaman kong okay na ako ay bumitaw na ako sa kanya at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang gift ko kay Kidd.
"Happy Birthday ulit" sabi ko at iniabot ang naka wrapped pa na maliit na kahon.
"Ohh! Thanks ang dami mo naman regalo sa'kin" sabi nito at kinuha sa kamay ko ang munting regalo ko
"Maliit na bagay lang naman yan" sabi ko "wala talaga akong maisip na iregalo sa'yo kasi parang meron kana lahat kaya 'yan nalang ang ginawa ko. Sana may silbi sa'yo"
Nakangiting binuksan naman nito ang regalo ko at lumapad ang mga ngiti ng makita ang regalo ko na Love Coupons.
"Sorry wala na akong naisip na ireg-" hindi ko na natapos sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi. Sinubukan ko na itulak siya ng may marinig akong naglalakad. Mukhang may kailangan si Mrs. Cruz sa kanya. Pero imbes na maghiwalay kami ay lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya. Para naman akong naubusan ng lakas at tumugon nalang sa mga halik niya.
Nang maghiwalay mga labi namin ay kinagat ko ang ibabang labi ko at hinampas ang dibdib niya. Tumawa naman ito ng mahina at pinakita ang isang coupon na may nakalagay na free kiss.
Natawa naman akong bigla at kinuha yung coupon na free kiss sa kanya.
"Nagamit mo na'to wala ka ng free kiss" sabi ko at mahinang tumawa
"Pwede bang i renew ang free kiss?" Tumatawang sabi nito
"Hindi na pwede isang beses lang pwedeng gamitin mga Love Coupons ko pero dipende sa'kin kung gusto kong mamigay ng special offers" hindi ko napigilan ang tumawa at kusang yumakap sa kanya.
"Isa ba'to sa mga special offers mo?" Tukoy nito sa yakap ko. Tumingala ako at sinalubong ang tingin niya at tumango.
"Tapos na special offer ko kailangan ko na maghilamos feeling ko namamaga mga mata ko" sabi ko tsaka bibitaw na sana sa kanya pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nasa baywang niya.
"Five seconds pa" sabi nito tsaka ako nagbilang
"5, 4, 3, 2, 1" pagbibilang ko tsaka tuluyang bumitaw.
Lumabas ako sa office niya para magpunta ng powder room at pagdating doon ay may magandang babaeng nag re retouch ng lipstick niya. Minasdan ko siya ng kaunti, naka fitted dress ito na nagpapakita ng bawat kurba ng katawan niya. Ang liit din ng mukha niya at may hawig siya kay Heart Evangelista. Ngumiti ako sa kanya at nginitian naman niya ako pabalik ng magkasalubong ang paningin naming dalawa sa salamin.
Pumasok ako sa cubicle at nag wiwi at nang paglabas ko ay wala na yung magandang babae. Naghilamos ako ng mukha at ngumiti sa harap ng salamin. Ang ganda talaga nung babae siguro model o artista siya. Nagkibit nalang ako ng balikat at nagsimulang ayusin ang mukha. Press powder lang naman at lipstick ang nilagay ko sa mukha ko kaya mabilis lang akong natapos. Sinuklay ko din ang maikling buhok ko at muling ngumiti sa salamin bago lumabas ng CR at bumalik sa office ni Kidd.
"Ma'am" tawag sakin ni Mrs. Cruz tila pinipigilan akong pumasok pero nabuksan ko na yung pintuan ng office ni Kidd at nakita si Kidd na nakatalikod sa'kin habang yung babaeng nakita ko naman kanina sa CR ay nakapalupot ang kamay niya dito, nakatingkayad at kahalikan ang boyfriend ko.
Ilang segundo akong natulala sa nakita ko bago iniwas ang tingin sa dalawa.
"Ma'am" nag aalalang lapit sakin ni Ms. Rhia at Mrs. Cruz inalalayan pa nila ako at ng tumingin ako sa kanila ay napakagat ako ng labi at hindi na napigilan pa ang nag uunahang luhang dumadaloy sa pisngi ko.
"P-pasensiya na po sumama ang pakiramdam ko p-paki sabi nalang po kay Kidd umuwi na ako" nauutal na sabi ko sa dalawa
"Ayaw niyo po bang hintayin si Sir?" Alalang tanong ni Ms. Rhia. Pilit akong ngumiti sa kanya at umiling iling habang pinupunasan ang mga luha ko
"Pero Ma'am" tumingin ako kay Mrs. Cruz at umiling
"Okay lang po ako" sabi ko
"Rhia ihatid mo muna si Ma'am Lexinne, siguraduhin mong safe siyang makakauwi sa kanila" utos ni Mrs. Cruz kay Rhia hindi ko na siya napigilan dahil mabilis kumilos si Rhia na kinuha agad ang bag niya at inalalayan pa ako sa paglalakad.
"Okay na ako" nakangiting sabi ko kay Rhia habang nakasakay kami ng elevator pababa. Pinakalma ko ang sarili ko at pinunasan mga luha ko.
"Ma'am ang totoo ayaw papasukin ni Sir Kidd si Ms. Kath pero nagpumilit pumasok si Ms. Kath at kung may nakita man kayo na hindi niyo nagustuhan sigurado ayaw yun mangyari ni Sir Kidd" nakangiting tumango ako kay Rhia para mabawasan pag aalala niya.
"Mukhang na miss understood ko lang nakita ko, may tiwala ako kay Kidd" nakangiting sabi ko
"Opo Ma'am mahal na mahal po kayo ni Sir Kidd" nakangiting sabi nito
Pagbukas ng elevator ay sabay ulit kaming lumabas. Gusto niyang ihatid ako sa bahay tulad ng utos ng superior niya pero hindi ako pumayag at sinabing okay lang ako at uuwi na.
Nakarating ako sa bahay at naabutan sina Nanay Sally at Mama sa sala na nanonood ng korean drama.
"Bakit nandito kana? Si Kidd?" Tanong ni Mama na tumingin pa sa likuran ko
"Maagang natapos yung party eh tsaka sarap na sarap sila sa mga foods natin. Medyo busy lang si Kidd kaya hindi na ako naihatid, may biglaang big client kasi sila kaya nauna na akong umuwi ayoko naman maging sagabal sa trabaho niya" paliwanag ko at umupo sa gitna nila at lumingkis sa braso ni Mama
"Ganoon ba, tama ang ginawa mo lalo na kung big client yung ka meeting niya" sabi ni Mama. Tumango tango naman ako bilang pag sang ayon.
Sa tv screen naman ay naghalikan ang dalawang bida at tila bumalik sa isip ko yung imahe nila Kidd at nung magandang babae kanina habang nag hahalikan.
"Hindi ko maintindihan pinapanood niyo aakyat na ako" paalam ko at mabilis na umalis sa sala.
Bawat hakbang ko ay siya namang tulo ng mga luha ko. Buti nalang hindi napansin nila Mama at Nanay.
Nagkulong ako sa kwarto ko at umiyak ng umiyak. Nakaka apat ng missed calls si Kidd at ngayon ay tumutunog na naman ang phone ko sa tawag niya.
****