Chapter 35: CHAPTER THIRTY FOUR
Lexinne's Pov
Hindi ko ugaling magtanong about sa trabaho o tinatrabaho ni Kidd kaya nung sabihin niyang kailangan niyang pumunta ng Tagaytay tumango agad ako. Alangan naman mag inarte ako diba?
Wala din parents ko at bukas pa uuwi, may reunion daw ang batch nina Didi nung Elementary sila at sinama si Mama. Si Kuya naman lagi namang busy sa office at sa bar na binukas nila ng bestfriend niya.
Linggo ngayon at wala akong ibang gagawin kundi makipaglaro sa mga baby ko. Tinawagan ko din si Klea kanina inaaya siya maglakwatya kaso may gagawin daw siya. Next kong tinawagan si Lance na naging close ko na pero busy daw siya ngayon. Tinatawagan ko naman si Chuck pero hindi niya sinasagot. Si Travis naman may lakad daw sila ng family niya at ang natitirang si Greg nilalagnat naman kahapon kaya hindi ko na tinawagan.
And all the things I didn't say
Wrecking balls inside my brain
I will scream them loud tonight
Mabilis kong dinukot sa bulsa ng short ko ang phone ko ng marinig ko phone ko tumutunog.
"Hello" sagot ko agad
"Hi Babe nasa condo na ako labas tayo?" Sabi ni Kidd na ikinangiti ko
"Ang bilis mo naman yata? Saan tayo pupunta?" Masayang tanong ko
"Nag meeting lang naman kami ng mga investors at pinakita sa kanila ang Host tapos umuwi na'ko. May nagsabi sakin may masarap na Burger Resto sa BGC gusto ko sanang subukan, bukambibig kasi lagi yon ng mga empleyado sa IPH" sagot niya sakin
"Hmm.. okay hintayin nalang kita" sabi ko tsaka pinatay na ang phone
Mabilis akong naghanap ng masusuot at ang napili ko ang white off shoulder ruffle chic crop top at denim ripped skinny jeans at tinernuhan ko rin ng christian louboutin white pumps.
Mabilis akong naligo at sinuot ang mga damit na kinuha ko sa closet ko. Tinernuhan ko din yon ng christian louboutini white pumps at kate spade hand bag.
Nang marinig ko busina ng sasakyan ni Kidd ay sumilip pa muna ako sa bintana. Huling sulyap sa salamin bago ako bumaba.
"Hi" bati ko kay Kidd habang nakangiti
"Can you change your clothes babe? It's too sexy" salubong niya sakin. Napatigil ako sa hagdan habang tinitignan ang sarili ko tsaka bumaba.
"Kabastos bastos ba suot ko?" Tanong ko sa kanya na pinakita ang suot ko
"No but it's very sexy" sagot parin niya sakin
"Ahh.. sexy.. bakit hindi mo nalang sabihin na hindi bagay sakin dahil hindi ako sexy? Kung ayaw mo ang suot ko edi wag na tayong umalis kasi kinakahiya mo din naman ako" dirediretyong sabi ko sa kanya tsaka siya tinalikuran at naglakad paakyat
"Babe! Hindi kita kinakahiya saan mo napulot yon?" Sabi niya habang sumusunod sakin
"Edi hindi! Umalis kana dahil wala na ako sa mood umalis!" Malakas na sabi ko at huminto sa harapan ng kwarto ko
"Okay sige huwag kana magpalit tara na" sabi pa niya na ninawakan ang kamay ko
"Umalis kang mag isa mo!" Sigaw ko sa mukha niya at pilit tinatanggal kamay niya pero mas hinigpitan pa niya "bitawan mo kamay ko kung hindi sasamain ka" banta ko sa kanya
"Ayoko" sagot lang niya sakin habang diretyong nakatingin sa mata
"Pagbilang ko ng tatlo kapag hindi mo pa binitawan kamay ko sinasabi ko sayo magsisisi ka" sabi ko sa kanya
"Kahit anong sabihin mo hinding hindi ko bibitawan ang kamay na to" sagot pa niya sakin at tinaas ang kamay namin na tila pinapakita sakin
"Ahh okay" sabi ko na matamis na ngumiti na ginantihan naman niya ng matamis na ngiti din tsaka ko siya binigyan ng malakas na sipa dun sa ano niya na nagpabitaw ng kamay niya sa kamay ko. "Hindi ako nagkulang ng paalala sayo" sabi ko pa habang sapo ng kamay niya ang kayamanan niya bago pumasok sa kwarto at i lock ang pinto.
Tuloy tuloy ako sa kama at umupo habang pinapakalma ang sarili. Akala mo naman kasi hindi siya sanay makakita ng naka crop top! Hindi man pang victoria secret model katawan ko pero sexy parin ako!
Tumayo ako at tinignan muli sa salamin ang reflection. Wala naman akong bilbil at may dede din naman ako tsaka pwet. Nung nasa Korea nga ako naiinggit ang mga ilang kaklase ko sa 34 25 34 na vital statistics ko.
Ilang minuto lang narinig ko ulit pagtawag ni Kidd at pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako sumagot at hindi siya pinagbuksan. Kumuha nalang ako ng damit pampalit at hinubad ang suot ko kanina.
"Lexinne nak buksan mo naman itong pinto, nag aalala na kami ni Kidd sayo" dinig ko namang sabi ni Nanay Sally
"Okay lang po ako nay matutulog na po ako!" Malakas kong sabi sa matanda
"Ang aga pa para matulog hindi kana nga gaanong kumain kanina tapos hindi kapa kakain ngayon? Gusto mo ba talaga akong mamatay sa pag aalala?" Pangungunsensya pa nito sakin
"Tawagin niyo nalang po ako kapag kakain na" sagot ko nalang sa kanya
"Hindi kaba lalabas diyan sa kwarto mo? Naghihintay sayo si Kidd" sabi pa nito
"Pauwiin mo na siya Nay ayoko siyang makita" sagot ko
"Napano kabang bata ka? Lumabas ka nga diyan at huwag matigas ang ulo mo!" Malakas na sabi ni Nanay Sally kaya nakasimangot akong tumayo at binuksan ang pinto
Magkalapat ang palad na tila nagdarasal si Kidd ng mapagbuksan ko ng pinto. Katabi ni Kidd si Nanay na ngayon ay hilahila ako.
"Nay gusto kong magpahinga" pigil ko sa kamay ng matanda
"Kung may problema kayong dalawa pag usapan niyo hindi yang ganyan na nagkukulong ka sa kwarto mo" sermon sakin ni Nanay Sally
"Ayoko nga siyang makita" inis na sabi ko tsaka tumingin kay Kidd at inirapan siya
"Sige po Nay hayaan nalang muna natin siyang magpahinga" sabi naman ni Kidd
"Ewan ko sa inyong dalawa bahala kayong mag usap!" Sabi ni Nanay Sally at naglakad na paalis
"Babe I'm sorry" sabi ni Kidd na ikinatingin ko sa kanya
"Okay na umuwi kana" sagot ko tsaka binuksan ang pinto ng kwarto ko at pinihit para mabuksan
"Babe I'm sorry mali ako" sabi pa ni Kidd tsaka lumuhod sa tabi ko habang nakatingala sakin
"Alam mo Kidd di kasi uubra yang ganyang drama sakin eh. Sa susunod na may gusto kang sabihin sabihin mo ng diretyo. Oo hindi ako kagandahan at kaseksihan pero kaya kong dalhin ang sarili ko. Kaya tumayo kana diyan kasi hindi ako natutuwa at hindi ako naaawa sa drama mo" sabi ko tsaka tuluyang binuksan ang pinto at nagkulong sa kwarto
"Babe hindi ka maganda kasi napaka ganda mo, hindi ka sexy kasi napaka sexy mo na. Ayoko lang naman ang suot mo kanina dahil agaw atensyon, sino ba ang hindi ka tititigan at babalikan ng tingin? Maganda at sexy kana kahit sa simpleng damit lang. Hayaan mo sa susunod hindi na kita pipigilan kung anong damit ang gusto mong suotin" sabi ni Kidd sa labas ng pintuan ko
"Seriously Kidd? Palibhasa ugali mo no? Ugali mong titigan at balikan ng tingin mga naggagandahan at sexy kaya ayaw mong magsuot ako ng ganon? Wow!" Sabi ko "hayaan mo wala ng susunod kasi wala na talagang susunod" sabi ko pa tyaga binagsak ang katawan sa kama
"Alam ko galit ka at ayokong sabayan galit mo, magpahinga kana muna at bababa na ako. Mag usap nalang ulit tayo mamaya" sabi pa niya
At ngayon lalayasan ako? Magaling! Pagkatapos ng ilang segundo ay may narinig akong mga yapak paalis. Nakakainis!
Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko naman ang sasakyan ni Kidd kaya agad akong napatakbo sa bintana at tinignan siya. Umalis na nga siya. Kagat ang ibabang labi ay pilit kong pinigilan pagpatak ng mga luha ko, kaso sadyang matigas din ang ulo nila tulad ko kaya nag unahan pagpatak ng mga to.
Bumalik ako sa kama at doon pinagpatuloy ang pag iyak. Hindi man lang siya nagpilit kausapin ako. Ano pa nga aasahan ko? Siya kasi eh! Pero kahit na kasalanan naman talaga niya. Baka naman nagalit siya sakin kasi sinipa ko siya? Lalong bumilis pag agos ng luha ko sa naisip. Hindi ko narin namalayan na nakatulugan ko na ang pag iyak.
***