Chapter 34: CHAPTER THIRTY THREE

Lexinne's Pov

Nagsawa na ako kakatext kay Klea pero hanggang ngayon wala pa siya. Nag riring naman phone niya pero hindi niya sinasagot. Kahit na puro pagtulog lang ginagawa niya sa buong klase namin pumapasok parin siya pero ngayon patapos na klase namin ngayong umaga wala parin siya.

Nang matapos ang klase namin ay agad kong inayos mga gamit ko at lumabas ng classroom. Hindi pa man ako nakakahakbang ay nakita ko agad ang fab4 na tila inaabangan talaga ako.

"Wala yata ang anino mo?" Tanong sakin ni Pearl na sumilip pa sa loob ng classroom. Ngumiti lang ako at humakbang na palayo

"Bastos ka ah!" Malakas na sabi ni Maggie na hinila ako sa kamay

"Please ayoko ng away" sabi ko tsaka hinila ang kamay ko

"Bakit para kang napakabait na tupa ngayon ha? Ahh! Wala kasi yung kakampi mo" sabi naman ni Hailey na pinaikutan pa ako

"Wala akong panahon sa inyo kaya please lang lubayan niyo ako" sabi ko tsaka humakbang palayo pero hinablot naman ang braso ko ni Pearl paharap sa kanya

"Ganda ka teh? Ano ba pinagmamalaki mo? Ang yabang mo na ngayon ah!" Nakangising sabi naman ni Pearl

"Woooh away to!" Sabi ng lalaking palapit kasama ang dalawa pang lalaki tsaka huminto sa tapat namin

"Annyeong" sabi nung isang lalaki na tinanggal yung shades niya. Napanganga naman ako kasi ang gwapo niya

"Hoy hintayin niyo ako!" Napatingin naman ako sa lalaking tumatakbo at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Siya yung chinitong body guard ni Klea kahapon.

"Hello Ma'am Lexinne" bati niya sakin na may malapad na ngiti

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko tsaka tumingin sa tatlo pang lalaki

"Nag transfer kami nila Chuck" masiglang sabi pa niya tsaka inakbayan yung naka shades na lalaki. Naalala ko na siya, siya din pala yung kasama namin kahapon na naghatid din sakin sa bahay

"Ahh" tumatangong sabi ko

"May problema kaba dito ma'am?" Tanong naman nung isang lalaki na ang gwapo din at tumingin kina Pearl na nakatunganga lang sa kanila

"Wala naman, huwag niyo nga akong tawaging Ma'am parang teacher tuloy ako dito Lexinne nalang" sabi ko

"Baka mapagalitan kami ni Bossing" sabi naman nung isa

"Nasaan nga pala siya? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot" sabi ko

Tumingin naman muna si Chuck sa fab4 bago nagsalita.

"Nasa tambayan lang siya ma'am" sagot ni Chuck sakin

"Mga Miss beautiful hihiramin lang namin sandali si Ma'am Lexinne ha?" Sabi nung chinito tsaka inakbayan ako at nagsimula na kaming maglakad

"Teka ano kasing pangalan mo?" Tanong ko dun sa chinito

"Sorry po ma'am ako nga pala si Lance tapos si Chuck si Travis at si Greg" pakilala nung chinito sakin na Lance pala ang pangalan habang tinuturo kung sino naman mga kasama niya

"Nice to meet you guys pero saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila kasi hindi kami papunta sa back building kung saan tambayan ni Klea

"Napag utusan kasi kami na bumili ng pagkain at dalhin nalang sa tambayan kanina pa kami ikot ng ikot dito pero hindi namin mahanap yung canteen" sagot sakin ni Lance

"Nyek! Edi sana nagtanong kayo. Hindi dito papunta sa canteen ikot tayo don" turo ko sa may hallway na dinaanan namin kanina

"Nahihiya kasi kami magtanong mukhang ang susungit ng mga estudyante dito buti nalang nakita ka namin" sabi pa rin ni Lance na naka akbay parin sakin

"Tanggalin mo nga yang kamay mo" utos ko sa kanya pero ako na kusang nagtanggal "Iba mga utak ng mga tao dito baka kung anong isipin nila at i chismis na ako" sabi ko sa kanya

"Dito kana nga lang sa tabi ko" hila ni Greg kay Lance bale sinakop naming lima ang hallway at ako ang nasa pinaka gitna.

Pinagtitinginan kami ngayon habang naglalakad dahil narin siguro sa tatlong dahilan. Una kasi sinakop namin ang daan. Ayaw kasi nila maghiwa hiwalay na tila maliligaw sila kung mapupunta sa likuran yung isa o dalawa. Pangalawa, kasi naman ang tatangkad nila nagmukha nga akong pandak sa height nila idagdag mo pa na kegagwapo nila. Pangatlo bagong mukha sila, ngayon palang nila nakita kasi nga transferee. Pero nung ako nag transfer dito hindi naman nila pinansin.

Sa wakas nakarating kami sa canteen. Para silang mga bata at patay gutom kung umorder ng pagkain. Apat lang naman sila at kung idadagdag kami ni Klea anim lang ang kakain sa inorder nila. Ang masaklap pa puro chips ang binili at naghahanap pa ng alak.

Umorder nalang ako ng 6 na bangus belly with rice at 6 ding fried liempo baka kasi walang makain si Klea at ibato niya mga tsitsiryang pinagbibili nila sa mukha nila.

Nang makuha namin binili namin para kaming mga paninda sa palengke na sinusuri ng mga mamimili. Nakakailang pero ang apat na kasama ko wala lang sa kanila at nagbibiruan pa kung sino mas gwapo sa kanila. #MalalandingLalakiPoSila

Nakahinga ako ng maluwag ng makalagpas sa tinginan ng mga tao, ngayon naman naglalakad kami papunta sa back building kung saan naroon yung bahay ni Klea na sinasabi nilang tambayan lang.

"Buti naisipan niyo mag transfer dito?" Tanong ko sa kanila

"Kasi ma'am hindi na ligtas kay Bossing ang school na to" sagot ni Travis sakin na ikinatingin ko sa kanya sabay siko naman ni Greg sa kanya

"May mga security guard naman dito ah" sagot ko sa kanya

"Ma'am nalaman kasi namin na maraming magandang chix dito kaya naisipan naming magpa transfer para masubaybayan na din namin si Boss Klea" sagot naman ni Travis

"Basta ako nandito lang ako kasi sinabi ni Boss na mag transfer ako dito" sagot naman ni Chuck

"Nag transfer ako dito kasi nag transfer sila" turo ni Lance sa tatlong kasama

Napangiti ako sa mga sagot nila at napailing. Nag doorbell kami sa pinto ni Klea at ilang segundo lang ay binuksan niya yon at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.

"Beh! Sorry hindi ako nakapasok napuyat kasi ako kagabi" salubong niya sakin tsaka ako hinila papasok. Sumunod naman yung tatlo na nilapag ang mga dala namin sa center table.

"Saan mo ba napulot ang mga yan" pabirong tanong ko habang nakatingin sa apat na lalaki na nilalantakan na mga pagkaing dala niya

"Hindi ko nga din alam bakit ko pinulot mga yan mga sakit ulo lang sila" sagot naman niya sakin na nakangiti

"Boss Ma'am kain na tayo" aya naman ni Travis. Tumango at ngumiti naman ako

"Bakit ba hindi mo sinasagot phone mo?" Tanong ko kay Klea habang kinukuha siya ng pagkain

"Naka silent phone ko tapos sarap pa ng tulog ko" sagot niya sakin na nagsimula ng kumain

"Next time kasi huwag ng magpuyat o kaya naman mag alarm clock ka" sabi ko pa na tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig

"Beh hindi pala ako papasok ngayon pati bukas, may lakad kasi ako" sabi niya.

"Saan naman lakad mo?" Tanong ko habang naglalakad pabalik sa sala kung saan kami kumakain

"Sa malayo gusto nga kitang isama pero may klase kasi tayo, birthday kasi ng classmate ko dati ininvite ako nakakahiya naman kung hindi ako pupunta" mabilis na sagot niya sakin

"Ahh okay ingat ka nalang" sabi ko tsaka umupo sa tabi niya at kumain na din

"Kayong apat bantayan niyo si Lexinne at huwag puro landi ang gawin" utos ni Klea sa apat

"Ayoko. Hindi naman ako ang amo nila bakit nila ako babantayan?" Tanggi ko sa sinabi ni Klea

"Basta bantayan niyo siya kapag nasaktan yan masasaktan din kayo sakin alam niyo paano ako manakit" pananakot pa ni Klea sa apat

"Kahit lamok hindi makakalapit kay Maam Lexinne" sabi pa ni Travis na nag okay sign pa

"Huwag niyo nga akong tawaging Ma'am hindi ako teacher nakakailang kaya" sabi ko na binigyan ng tubig ang mga baso nila

"Ma'am ako na po" pigil sa kamay ko ni Lance tsaka kinuha ang pitchel sakin

"Ang tatawag na ma'am sakin hindi ko kakausapin" sabi ko tsaka sila tumingin kay Klea

"Sundin niyo nalang gusto niya" komento naman ni Klea

"Yes boss" sagot pa nilang apat kay Klea

Dahil hindi papasok si Klea kaming lima lang ng gwapitos ang umalis sa bahay ni Klea. Hinatid muna nila ako sa harap ng classroom namin ni Klea bago sila nag paalam sakin at umalis.

***