Chapter 36: CHAPTER THIRTY FIVE

Lexinne's Pov

Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Tumingin ako sa wall clock 6:34 na pala.

"Lexinne kakain na" dinig kong tawag ni Nanay Sally

"Sige po Nay bababa na'ko" sagot ko na umupo muna sa kama bago tumayo.

Dinampot ko ang suklay at inignan ang sarili sa salamin. Namamaga ang mga mata ko dahil narin siguro sa pag iyak ko kanina. Dahil sa naisip ko ulit si Kidd ay tumulo na naman mga luha ko kahit pigil na pigil ko yon.

Tumayo na ako at bumaba na.

"Nandiyan kana pala, nasa may pool side na pagkain mo" sabi sakin ni Nanay Sally na nagpakunot sa noo ko

"Bakit doon tayo kakain?" Tanong ko na naglakad na palabas

"Para naman maiba at laging dito nalang tayo kumakain sa loob, buti pa don sa labas presko ang hangin" sagot niya sakin

"Sabagay" sagot ko nalang na pinagpatuloy ang paglalakad

Habang papalapit sa may pool ay may nakikita akong kakaibang liwanag. Nilakihan at binilisan ko ang mga hakbang hanggang sa makarating ako sa pool side. Nakatayo si Kidd habang pinapaypayan ang naaamoy kong liempo.

Napatingin sa kinakatayuan ko si Kidd na may malapad na ngiti sa mga labi. Iniwanan nito ang pinapaypayan niya at naglakad palapit sakin. Humakbang naman ako pa sulong habang kagat ang ibabang labi at yumuko hanggang sa makita ko ang mga paa niya sa harapan ko.

"Babe" tawag niya sakin pero hindi ko pa rin siya tinitignan "Sorry na huwag ka ng magalit nagsisisi na ako nagkamali ako" sabi pa niya "babe sorry na ayokong nagagalit ka hmm?" Kulit niya sakin "Babe tadyakan mo'ko kung gusto mo. Sampalin mo'ko sabunutan mo'ko suntukin mo'ko kung yun lang paraan para mawala galit mo pero Babe.. huwag mo naman sana akong saktan ng ganito" garalgal na boses na sabi niya na parang ilang sandali nalang ay iiyak na

"Ikaw eh" tanging sagot ko at hindi napigilan ang pag iyak umupo ako at sinubsob ang mukha ko sa mga palad ko at umiyak

"Ohh babe" tawag niya sakin tsaka niya ako tinayo at niyakap "sshh.. huwag ka ng umiyak sorry na.." sabi pa niya habang yakap yakap ako

"Akala ko umuwi kana" sumisinghot na sabi ko

"Hindi ako umuwi paano ako uuwi kung alam kong galit ka sakin" pang hahalo niya sakin

"Sinungaling!" Malakas na sabi ko sabay tulak sa kanya "nakita ko umalis ang sasakyan mo kanina!" Patuloy parin ako sa pag iyak

"Babe umalis lang ako para pumunta ng supermarket. Bumili lang ako ng sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng dinner natin" paliwanag niya tsaka hinawakan ang mukha ko at pinahid mga luha sa pisngi ko "Babe alam ko kasalanan ko pero huwag ka ng magalit ng ganon sakin kasi ang sakit dito oh" turo niya sa puso niya at kinabog yon "Nakakatakot kang magalit alam mo ba yon? Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko pero hindi mamatay matay at patuloy parin sa pagtibok at pag aalala dahil galit ka sakin" sabi pa niya na tila nahihirapan

"Mas masakit kaysa sa pagsipa ko sayo?" Nakasimangot na sabi ko habang pinupunasan mga luha ko pero umiiyak parin

"Masakit ang sipa mo pero papayag akong sipain mo ulit ako basta huwag mo lang akong tatakutin tulad ng kanina" sagot niya sakin na binigyan ako ng pilit na ngiti

"Sorry na din" sabi ko tsaka lumabi at niyakap siya ng mahigpit "kasi naman ikaw kasi eh" paninisi ko pa sa kanya tsaka umiyak na naman

"Oo kasalanan ko sorry babe huwag ka ng umiyak" sagot niya sakin na hinigpitan pa lalo ang yakap namin at sinayaw sayaw ako hanggang sa buhatin niya ako papunta sa mesa

"Yung iniihaw mo nasunog na" sabi ko tsaka tumawa

"Hindi yan tinabi ko kaya sa walang uling" sagot niya niya pero binalikan niya at tinignan "Babe tikman mo ang barbeque ko ako nag marinade nito" pagyayabang niya tsaka siya lumapit sakin dala ang isang barbeque liempo at inislice yon "try it" sabi pa niya na tumusok sa tinidor at sinusubuan ako

"Kapag ito hindi masarap malalagot ka" sabi ko bago sinubo yung binibigay niya sakin. Nginuya nguya ko yon at napatango bilang pag approve sa niluto niya

"Masarap. Nalalasahan ko yung sweetness at garlic" sabi ko "mas masarap siguro kung may suka na may sili para sawsawan" nakangiting sabi ko pa

"Meron na akong nakahanda Babe" sagot niya sakin at kinuha sa kabilang mesa yung suka na nasa sauce container na ikina ngiti ko. Puno kasi yon ng dinikdik na bawang, paminta at sili.

"Galing! Sige na umupo kana ng makakain na tayo bigla akong nagutom" sabi ko na ngumiti at kumuha ng rice

"Babe nagluto din kasi ako ng burger steak, medyo palpak lang pero masarap naman daw sabi ni Nanay Sally gusto mong tikman?" Medyo alangan na tanong niya

"Yeah nasaan ba? Inubos niyo na yata eh" pabirong sabi ko.

Muling tumayo si Kidd at kinuha sa kabilang mesa yung burger steak na sinasabi niya. Kung titignan mo yung burger steak ay parang mukhang tortang giniling na lumalangoy sa gravy. Pero sabi nga nila don't judge the book by its over at napatunayan naman ni Kidd yon.

"Mmm masarap siya kaso anong nangyari bakit nagka durog durog?" Tanong ko tsaka kumuha nung steak at nilagay sa plato ko

"Napasobra kasi ng evaporated milk kaya hindi siya buo. Nung i grilled ko nagkahiwa hiwalay kaya ginawa ko pan fry nalang para hindi masayang" sagot niya sakin

"Nag add ka nalang sana ng bread crumbs pero masarap naman talaga tikman mo" sabi ko pa

"Yeah, natikman ko na kanina okay naman pero mas okay sana kung buo yung burger" nahihiyang sagot niya

"Gusto mo talaga ng burger? Maaga pa naman pwede pa natin puntahan yung sinasabi mo" sabi ko sa kanya

"No okay lang, mas gusto kong nakikita kang kinakain ang luto ko. Kahit ano namang kainin ko ayos lang basta't kasama kita" sagot niya sakin. Pakiramdam ko nag init ang mukha ko kaya iniwas ko tingin ko sa kanya at muling sumubo ng pagkain

"Kumain kana nga lang ang dami mo pang sinasabi" kunwaring natatawang sabi ko tsaka pinagpatuloy ang pagkain ko

Pagkatapos naming kumain ay binabad namin mga paa namin sa pool. Napangiti ako kasi ang liwanag ng tubig dahil sa mga lotus shapes floating candles. May mga hanging glass candles din sa mga puno at glowing in the dark jars na nasa lupa na dinaanan ko naman kanina.

"Paano mo nagawa to?" Nakangiting tanong ko kay Kidd pero sa mga floating candles nakatingin

"Nakita ko kasi mga yan kanina sa supermarket, naisip ko baka sakali makatulong at mawala galit mo kaya binili ko. Ang pinroblema ko paano ko yung pagsindi sa mga kandila kasi baka tunaw na bago mo makita" sagot niya sakin tsaka tumawa

"Ang ganda kaya nila" sabi ko na ngumiti at tumingin sa kanya

"Pero hindi kasing ganda mo" sagot naman niya sakin

"Bolahin mo pa ako ihuhulog kita sa pool" pananakot ko sa kanya at kunwari ihuhulog nga siya

"Palagay mo ba papayag akong mahulog mag isa? Subukan mo lang isasama kita" sabi niya tsaka yumakap sa baywang ko

"Abaa.. tinatakot mo'ko?" Tanong kong nakangiti sa kanya

"Nagbibiro lang" sagot niya tsaka tumawa pero hinigpitan pag yakap sakin

"Hep! Bitawan mo'ko ang init init dikit ka ng dikit" sabi ko tsaka naman niya niluwagan pagyakap sa baywang ko

"Kiss mo'ko tatanggalin ko kamay ko sayo" sabi niya na ngumuso

"Ahh.. kiss.." sabi ko na tumango tango at tinanggal kamay niya sa baywang ko "halikan mo kaya ang tubig at magpakasawa ka?" Sabi ko sabay tulak sa kanya sa pool

"Babe di ako marunong lumangoy!" Malakas na sabi niya habang kinakampay mga kamay niya sa tubig

"Ha?! Bakit hindi mo agad sinabi?!" Sabi ko pa na natataranta at hindi alam kung anong unang gagawin.

Naghanap ako ng stick sa paligid ko pero ng tignan ko si Kidd palubog na siya. Kaya bago ko makuha at naisip yung net ay tumalon na ako at sumisid para masagip siya.

Hindi ko alam paano ko nadala si Kidd sa gilid ng pool ang alam ko lang nag aalala ako at natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya.

"Kidd Kidd" tampal ko sa pisngi niya pero ayaw niyang dumilat "Kidd, Kidd" naiiyak ng tawag ko habang niyuyugyug siya "Babe, Babe" tawag ko pa rin pero walang response galing sa kanya. Wala akong alam sa mouth to mouth resuscitation at hindi ko pa yon nasusubukan kahit kanino pero kailangan kong subukan.

Inangat ko ang ulo ni Kidd pinisil ang ilong at hinanda ang bibig ko para bigyan siya ng hangin. Dalawang beses ko siyang sinubukan bigyan ng hangin at nakita ko naman na umangat ang dibdib niya.

"Kidd, Kidd" tawag ko ulit sa kanya pero wala parin siyang response. Pinisil ko ulit ang ilong niya at nilapat ang labi ko sa bibig niya para bigyan sana ulit siya ng hangin pero gumalaw na ang labi niya at ang mga kamay niya na kanina'y nasa gilid lang niya ay ngayon nasa likod ko na.

Umiiyak akong pinagpapalo siya habang siya naman ay tawa ng tawa. Sobrang nag alala ako sa kanya pero nagbibiro lang daw siya. Muli niya akong niyakap at hinalikan pa sa pisngi at nag sorry at di na daw niya uulitin.

***