Chapter 33: CHAPTER THIRTY TWO

Lexinne's Pov

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Klea na halos kaladkarin na ako

Nasa supermarket kami ngayon at bumibili ng stocks niya sa bahay kaso binitawan niya yung cart namin at ako ang hinila.

"Bilisan mo nalang" sabi niya sakin

"Ayun sila!" Dinig kong sabi ng isang lalaki ng tumingin ako sa kanya ay patakbo na siyang lumalapit samin

"Omo! Omo! Anong ginawa nating kasalanan bakit hinahabol tayo?" Natatakot na tanong ko kay Klea. Pumasok kami sa isang elevator na may nakalagay na For Employees Only nanlaki ang mga mata ko ng pumasok kami don at nagpipindot ng kung ano anong button si Klea don na tila naglalaro ng video game. "Anong ginagawa mo? Bakit tayo hinahabol ng mga lalaking yon? Nag shoplifting kaba?!" Namimilog na matang tanong ko

"Kaya nga tayo tumakbo kasi hinahabol tayo diba? Hindi mo sila nakita mukha silang mga goons sa mga pelikula what if kidnapin tayo? Tapos wala naman pala silang balak ibalik tayo at papatayin pa nila?" Sagot ni Klea sakin na ikina kilabot ko

"Bakit ba kasi ang yaman niyo? Dapat siguro mag hired ka ng body guard lalo na mag isa kalang lagi" payo ko kay Klea tsaka bumukas ang elevator pero hindi parin kami lumabas bagkus pinindot niya agad yon para sumara ulit

Naging abala si Klea sa pagtext kung sino man yon hindi ko alam, baka natatakot na rin siya at nag aalala na baka makita nila ulit kami.

"Beh mauna kana sa parking lot ha? Ihahatid ka ng mga body guard ko sa bahay niyo kaya huwag kang matakot. May kakausapin lang ako tapos susunod ako sa bahay niyo" sabi ni Klea sakin

"Kailan kapa nagka body guard? Kakasabi ko palang sayo mag hired ka" naguguluhang sabi ko

"Matagal na akong may body guard ikukwento ko nalang mamaya sayo sa bahay niyo" sagot naman niya sakin sakto pagbukas ng pinto may dalawang lalaki na tila naghihintay

"Boss!" Tawag nung chinitong lalaki kay Klea

"Pakihatid ang kaibigan ko sa bahay nila, ingatan niyo siya" sabi ni Klea dun sa lalaki tsaka niya ako tinulak palabas ng elevator

"Yah! Klea!" Tawag ko pa sa kanya pero ngumiti lang siya sakin at nag babye

"Tara na Ma'am ihahatid na po namin kayo" sabi nung isang lalaking naka shades

"Hindi Kuya okay lang mag ta taxi nalang po ako" sagot ko sa kanya tsaka nilakihan ang mga hakbang

"Ma'am malalagot po kami kay Boss Klea kapag hindi namin kayo hinatid" sabi naman nung chinito at sinabayan nila ang paglalakad ko

"Sabihin niyo nalang hinatid niyo ako tsaka saan ba pupunta yon?" Tanong ko sa dalawang lalaki

"Hindi po namin alam ang sabi lang niya ihatid po namin kayo" sagot nung chinito

"Okay lang po talaga ako kaya ko naman sarili ko" sabi ko na tumingin pa dun sa naka shades at ngumiti

"Mapapanatag lang po kami ma'am kung maihahatid namin kayo" sagot naman nung naka shades

Pagdating namin sa labas ng Mall ay may pumaradang sasakyan sa harapan naming tatlo. Binuksan nung naka shades yung pinto ng kotse at pinapasok ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagtiwala at pumasok. Pagkatapos ay sumakay sa front seat katabi ang driver yung naka shades at sa tabi ko naman yung chinito.

"Ma'am sa Queen Vill po no?" Tanong sakin nung driver na ikinatango ko.

"Paano niyo po nalaman?" Tanong ko sa driver na naka hapit na puting tshirt at naglalabasan mga muscle niya sa katawan

"Sinabi po kasi ni Boss Klea sa Queen Vill daw po sinisiguro ko lang po" magalang na sagot niya sakin

Sobrang bagal ang usad ng mga sasakyan. Kinse minutos na ang nakakaraan pero nakikita ko parin yung Mall na pinanggalingan namin. Nagbubusinaan at tila inip na inip na din mga motorista dahil sa sobrang traffic.

Muling umusad ang mga sasakyan hanggang sa mapadaan kami sa isang itim na Innova. May mga butas ang sasakyan tila may nangyaring ambush.

"Anong nangyari kaya diyan? Kawawa naman ang mga sakay" sabi ko habang nakatingin sa sasakyan.

"Huwag kang maawa sa mga yan ma'am narinig ko kanina mga pushers yan at nanlaban sa mga pulis kaya niyare nila" sabi nung driver

"Ang dami naman pwedeng pagkakitaan bakit drugs pa kasi naisip nila. Isa pa yang si Klea kanina pa hindi nagrereply sa mga text ko" nakasimangot na sabi ko

"Busy po niyan si boss ma'am" sabi naman ng katabi ko

"Kahit sobrang busy niya hindi ba niya kayang mag reply para mapanatag loob ko? Nakakatakot kaya nangyari samin kanina tapos ngayon imbes na siya ang binabantayan niyo kasama ko kayo. Kailan paba niya kayo naging body guard bakit ngayon ko lang kayo nakita?" Tanong ko sa kanila

"Mga pitong buwan palang ako sa kanya" sagot ng katabi ko "mahigit isang taon naman na kami ni Chuck sa kanya" sagot naman nung driver na tumingin pa sa rearview mirror

"Si Klea po sino kasama niyan?" Nag aalalang tanong ko

"Huwag niyo pong masyadong alalahanin si boss kaya nun sarili niya kahit mag isa lang siya" sabi ng driver

"Hindi ko po maiwasan ang hindi mag alala lalo na hindi siya nagrereply tapos imbes na protektahan niyo siya ako ang kasama niyo ngayon" sabi ko

"Kasama naman po niya mga kasamahan namin hindi po maaano si Boss Klea"

Hindi na ako sumagot sa sinabi nung driver at nagdasal nalang na sana ay okay nga lang si Klea.

******

Lumipas ang mga oras at sa wakas tumawag din si Klea kanina pa kasi talaga ako nag aalala sa kanya. Agad niya akong kinumusta at ang sabi niya sorry beh gabi na kasi kaya hindi na kita mapupuntahan sa inyo magkita nalang tayo sa school bukas dahil nalaman kong okay naman pala siya napanatag na loob ko.

*******

"Good morning!" Masiglang bati ko kay Mama at humalik sa pisngi niya

"Good morning babe" bati naman sakin ni Kidd na naka apron pa

"Good morning" balik ko naman sa kanya

"Sweetheart pagbawalan mo na nga itong boyfriend mong mangealam sa kusina ko kada umaga, mas nagugustuhan na ng Didi mo ang luto niya kaysa sa mga luto ko" pagbibiro ni Mama

"Matigas ulo niyan kaya huwag kana umasa makikinig siya sakin Ma, ilang beses ko ng sinabi din sa kanya yan pero tignan mo naman kada araw nag iimprove mga luto niya" natatawang sabi ko

Buhat ng umuwi si Kidd sa Manila galing Davao every morning at walang mintis na siya nagluluto ng breakfast namin. Noong una nahihiya pa si Mama pero sa mahigit dalawang buwan na niyang ginagawa nasanay na rin siya. Kapag nasa out of town si Kidd at hindi niya kami maipagluluto ng breakfast hinahanap hanap namin ang omelet na luto niya lalo na si Didi.

"Kidd ilang ulit ko naman na sinabi sayo na huwag mong obligahin sarili mo sa pagluto ng agahan lalo na't para samin. Alam namin na busy ka sa trabaho mo at ayaw naman namin syempre na mapwerwisyo ka dahil samin" sabi ni Mama habang nakatalikod si Kidd at nagluluto

"Ma masaya ako sa ginagawa ko, masaya akong makita kayo every morning at makasalo sa breakfast. Lagi akong abala sa trabaho at hindi ko na din baka ipagpalit ako ni Lexinne kaya kahit sa breakfast lang maasikaso ko sana siya ng malaman niya na kung gaano ko siya kamahal" sabi ni Kidd na ikinapula ng mukha ko. Bakit ba kasi kailangan pa niyang sabihin na mahal niya ako #ShynessAttack

"Hindi naman tanga si Lexinne para ipagpalit ka, kung sakali na tanga pala itong anak ko at nakuha kang ipagpalit itatakwil ko siya. Wala akong anak na tanga" tumatawang sabi ni Mama

"Sinong ipagpapalit?" Napatingin kami kay Didi na ngayon ay papasok ng kusina habang inaayos ang necktie niya

"Ikaw. Ipagpapalit na kita kasi hindi ka marunong magluto" natatawang sabi ni Mama kay Didi "ang tanda mo na pero hanggang ngayon hindi ka parin marunong mag tie nito" Sabi pa ni Mama habang inaayos ang necktie ni Didi

"Napaka komplikado naman kasing gawin yan kaya nga lodi kita honey" sagot naman ni Didi na tumawa tawa

"Lodi anong lodi? Ako'y huwag mong pinagloloko at baka ibitin kita gamit necktie mo" sagot ni Mama na sinikipan ang pagkaka tie ng necktie ni Didi tsaka tumawa

"Noong una akala ko kung ano yung lodi na yan, lagi kasing binabanggit sa opisina pati sa site kaya natanong ko kay pareng google at idol pala ibig sabihin non" sagot pa ni Didi

"Di mag coffee ka po muna malapit ng matapos itong sinangag konti nalang" sabi naman ni Kidd na inabot ang tinimpla niyang kape

"Salamat petmalu ka talaga hahaha" sabi naman ni Didi na tumawa

"Werpa" sagot naman ni Kidd na pinakita ang muscle tsaka tumawa

Masayang nagsimula ang araw ko at sana magtuloy tuloy.

***