Chapter 32: CHAPTER THIRTY ONE
Lexinne's Pov
"Tambayan ka ng tambayan bahay na kaya to" pilit ko kay Klea na laging sinasabi na tambayan niya lang ang bahay niya na nasa back building ng school
"Tambayan ko nga lang to kaya huwag mo ng ipilit okay?" Kulit din niya
"Bahala ka basta bahay na to" sabi ko habang nanonood kami ng eatbulaga. Kakatapos lang din namin kumain.
"Buti hindi mo kausap si Kuya ngayon?" Tanong niya pero hindi ko pinansin "nag away ba kayo?" Tanong pa rin niya pero kunwari wala akong naririnig "hoy! Break naba kayo?!" Tanong niya ulit na niyugyog pa ako
"Ano ba! Ayokong pag usapan kuya mo naiinis ako!" Sabi ko tsaka muling tinutok ang mata sa tv
"So nag away nga kayo? Para kayong bata ano na naman pinag awayan niyo?" kulit na tanong niya pa rin
"Ayoko nga siyang pag usapan" sabi ko tsaka ko inabot ang remote control at nilipat sa iba't ibang chanel ang tv
Kinuha ni Klea ang remote sa kamay ko tsaka pinatay ang tv "ano nga nangyari?" Kulit pa rin niya. Bumuntong hininga ako tsaka sumandal sa likod ng sofa
"Mukhang hindi na naman kasi siya makakauwi ngayong araw kasi nag haharvest daw sila" sagot ko tsaka bumuntong hininga
"Ano ba sabi uuwi daw ba siya ngayon?" Tanong pa ni Klea sakin
"Hindi ko na siya tinanong" sagot ko na nagkibit balikat
"Malay mo umuwi siya diba? Sandali tatawagan ko ng malaman natin" sabi pa niya na kinuha ang phone niya. Nakatingin lang ako kay Klea habang naka tapat ang phone niya sa kanyang tenga.
"Out off coverage area" sabi niya na nakatingin sakin at binaba ang phone niya
"Ewan ko sayo bakit nag abala kapang tawagan yan" sagot ko sa kanya na umiwas ng tingin sa kanya
"Kasi kahit hindi mo sabihin halata na namimiss mo siya" sabi pa ni Klea
"Baka naiinis at hindi namimiss? Huwag ka ngang gumawa ng kwento" sagot ko sa kanya na kinuha ang remote at binuksan ang tv
"Naiinis ka kasi namimiss mo siya kaya ayokong mag jowa eh" sabi pa ni Klea
"Nakakatampo naman kasi talaga siya. Tinanong ko siya kung uuwi siya ngayon tapos sagot niya sakin nag haharvest sila ngayon. Oo at hindi lang naman gusto kong marinig na sagot pero ang layo ng sinagot niya sakin. Okay lang naman kahit magtagal pa siya don pero sana naman tumupad siya sa pangako niya na uuwi nga siya diba?" Hindi ko napigilan sarili ko at tuloy tuloy na sinabi yon
"O kuya narinig mo sinabi niya? Kaya bilisan mo na bago siya sapian at hiwalayan ka" sabi ni Klea matapos iangat ang phone at nilagay sa tenga niya "kausapin ka daw niya" abot pa sakin ni Klea sa phone niya
"Babe nasa Manila na ako" dinig kong sabi ni Kidd sa kabilang linya. Tumingin ako kay Klea at ngumiti lang siya
"Ahh okay" sagot ko lang
"Huwag kana magalit please? Pansinin mo mga text and calls ko sayo" sabi pa niya
"Hindi ako galit tamad lang ako mag reply" sagot ko sa kanya
"Babe naman" sabi pa niya
"Sige na ingat ka nalang may klase pa kami" sabi ko na hindi na siya hinintay sumagot pa at pinatayan siya ng phone
"Ano sabi ni Kuya?" Tanong ni Klea
"Wala naman nasa Manila na daw siya" sagot ko tsaka tumayo "tara na baka ma late tayo" aya ko pa sa kanya
"Yiiie kunwari walang pake pero kinikilig na yan kasi nandito na sa Manila si Kuya" sabi niya na hinablot ang bag niya at sinundot sundot ako sa tagiliran
"Ano ba! Hindi ako kinikilig ah!" Deny ko
"Ay chuchu huwag na pigilan yung smile buking kana ayiiie kinikilig siya oh" asar pa niya sakin
"Manahimik ka hindi ako kinikilig" patuloy na deny ko
"Omo! Si Kuya hayan na!" Sabi niya na tila gulat
"Ha? Saan?" Tanong ko naman na tumingin kung saan siya tumingin
"Ay sus! Excited siya! Hahaha!" Malakas na sabi at tawa niya napatingin tuloy samin yung ibang naglalakad din na estudyante
"Huwag ka ngang maingay! Hindi ako exited" mariin na sabi ko na nagpatuloy sa paglalakad
Habang masayang naglalakad ay naabutan namin ang fab4 na nakatambay sa hallway. Nagkabanggan pa nga kami ng tingin ni Pearl pero umiwas nalang ako at nagtuloy tuloy sa laglalakad habang inaasar parin ako ni Klea.
"Hello girls" bati samin ni Pearl tsaka naglakad papunta sa harapan namin ni Klea
"Hi" sagot ko naman habang si Klea nasa tabi ko lang
"May gumugulo kasi sa isip ko at ilang araw na rin kasi" sabi ni Pearl na todo ngiti pa sakin "nalaman ko kasi may boyfriend kana raw? Sayang may ipapakilala pa naman sana ako sayo" sabi pa niya
"Ahh oo may boyfriend na ako" nakangiting sagot ko sa kanya
"Bakit ka ngumingiti?" Taas kilay na tanong niya sakin
"Ha?" Tanging nasagot ko lang
"Mayabang kana dahil may boyfriend kana?" Mataray na tanong pa niya sakin
"Hindi Pearl sinagot ko lang naman tanong mo" mahinahon naman na sagot ko sa kanya
"At marunong kanang sumagot ngayon ah! Dahil ba dikit mo ang anak ng may ari ng school na to?" Pagtataray parin niya tsaka tumingin kay Klea
"Malamang sasagot yan kasi tinatanong mo siya. Jusko! Anong katangahan namang tanong yan" sabat naman ni Klea
"Hindi kita kinakausap kaya huwag kang sumabat!" Duro ni Pearl kay Klea
"Ang tanga mo pala talaga no? Gusto mo i rewind natin nangyari?" Sabi ni Klea na hinila pa ako pa atras tapos humarap sakin "Hello girls!" Sabi niya tsaka muling naglakad at humarap kay Pearl "Kung hindi pala ako kasali sa sinabihan mong girls edi dapat sinabi mo hello girl o kaya naman hello Lexinne lang diba?" Sabi pa ni Klea
"Beh tama na yan" pigil ko kay Klea na hinihila siya pero ako hinila niya papuntang likuran niya
"Kung tanga ako mas tanga ka. Nag hello ako sa inyong dalawa pero hindi ikaw kinakausap ko kaya huwag kang umastang matalino diyan!" Sagot naman ni Pearl kay Klea
"Kung mas tanga ako sayo hindi ko sasabihin marunong pala sumagot ang tao. May nakita ka nabang taong walang bibig? Mabaho ang bibig meron pero walang bibig? Kahit nga insekto may bibig eh! Huwag kang magmagaling nagmumukha ka lang bobo" sagot naman ni Klea. Nagsimula ng dumami mga taong nag uusyosohan na pumalibot samin
"Hindi porket anak ka ng may ari ng school na to hindi na kita papatulan! Baka nakakalimutan mo kung hindi saming mga estudyante dito walang kikitain ang pinagmamalaking school mo!" Sabi pa ni Pearl na pigil na pigil ang galit
"Hay naku.. bakit naman nasali ang school sa usapan na to? Wala kana bang maibato kaya pati kita ng school dinadamay mo? Pero alam mo tama ka sa huling sinabi mo na "school mo" kasi hindi lang ako basta anak ng may ari ng school na ito kundi ako talaga may ari ng school na kinakatayuan mo ngayon" sabi ni Klea na nagpasimula ng bulungan
"Edi iyo na! Wala naman akong balak agawin sayo ang school na to kaya huwag mo ng ipagyabang" sabi ni Pearl tsaka sarcastic na tumawa
"Hahaha! Paano mo aagawin wala ka naman pera! Hahahaha! Kahit isipin huwag mo ng isipin na maagaw mo nga school na to sakin kahit kumabit kapa sa erpat ko tulad ng ginawa ng nanay ng kaibigan mo" malakas na sabi ni Klea tsaka tinuro si Hailey.
Nakita ko naman pamumula ng mukha ni Hailey at maging ako nagulat sa sinabi ni Klea na ang nanay ni Hailey ay kabit ng tatay niya.
Totoo ba yon?
Kerida mommy ni Hailey?
My God! Kabit pala Mom niya.
Dinig ko ang bulong bulungan ng mga kapwa namin estudyante sa nalaman. Maging si Pearl ay nagulat at hindi maipaliwanag ang reaksyon sa nalaman. Ang mga kaibigan naman niya ay nakatingin lang kay Hailey na tila nandidiri.
"How dare you bitch! Hindi kabit ang Mommy ko!" Sigaw ni Hailey at malakas na sinampal si Klea
Ngumisi si Klea kay Hailey tsaka hinawakan ang namumulang mukha.
"Alam mo ba dahil sa ginawa mo binigyan mo ako ng pagkakataon para patulan ka? Hindi kita pinapatulan dahil may respeto ako sa erpat ko. Pero dahil sa ginawa mo pasensyahan nalang tayo!" Sabi ni Klea tsaka niya binigyan ng mag asawang sampal ang mukha ni Hailey "Kung hindi kabit ang nanay mo anong tawag pala sa kanya? Parausan ng erpat ko? Dipa parang mas pangit pakinggan?" Sabi pa ni Klea na nakangisi habang hawak ni Hailey ang dalawang pisngi
"Walanghiya ka!" Sigaw ulit ni Hailey na umatake kay Klea. Hahablutin na sana ni Hailey ang buhok ni Klea ng pigilan yon ng isang kamay. "K-kuya" naiiyak na banggit ni Hailey sa tinawag niyang Kuya
"Kuya Kidd!" Tawag naman nina Abby at Maggie na lumapit pa kay Kidd maging si Pearl ay lumapit din na umaarte ngayon na tila maiiyak
"Anong kaguluhan to?" Seryosong tanong ni Kidd habang nakatingin kay Klea at sakin
"Sila ang nauna!" Sumbong agad ni Abby
"Bumaliktad yata?" Natatawang sagot naman ni Klea
"Nananahimik si Hailey dito pero kung ano anong kasinungalingan sinasabi mo!" Malakas na sabi naman ni Abby na yumapos pa sa braso ni Kidd
"Sorry Kidd pero kahit sinong tanungin mo dito kilala yang si Klea na asal hayop" sabi naman ni Pearl
"Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kidd kay Pearl
"Kilala kasi yang malditang yan dito sa school dahil sa ugali niyang skwater. Nasabihan na sila may ari ng school pero wala naman siyang pinagaralan palibhasa puro pasikat ang alam" sagot ni Pearl
"Kung meron man nakaka kilala kay Klea dito walang iba kundi ako. Nagiging ugaling skwater lang ang kapatid ko kung ang mga kausap niya mga walang modo" sagot ni Kidd na tinignan sina Pearl at Abby
"What happened to your face? Who did that to you?" Tanong ni Kidd kay Klea na hinawakan pa ang mukha nito at inexamin
"Someone had the guts to slap me Kuya but this is nothing" sagot ni Klea sa kapatid tsaka ngumiti
"My God! Sino ba talagang kapatid ni Kidd sa inyo?" Rinig ko pang tanong ni Abby kay Hailey
"Klea is my only sister" sagot ni Kidd na nakatingin kay Abby
"What?! You told us na brother mo si Kidd!" Malakas na sabi ni Pearl na namewang pa sa harapan ni Hailey
"Does it matter? I treat Hailey like a real little sister mababawasan ba pagkakaibigan niyo kung hindi ko talaga siya kapatid? Is that how you treat your friends? Are you really a good friend of my girlfriend like you told me?" Tanong naman ni Kidd kay Pearl
"It doesn't matter but at least she should have told me! Lexinne and I are bestfriends!" Sabi pa ni Pearl na hindi mapigilan ang paglakas ng boses. Sigaw na nga yatang matatawag yon.
"Tama na yan let's go pinagtitinginan na tayo" mahinang sabi ko na hinihila ang msgkapatid
"And where the hell do you think you're going?!" Mataray na tanong ni Pearl sakin na nakataas ang kilay
"Pearl pwede please tama na? Hindi kaba nahihiya sa mga taong nanonood satin?" Tanong ko sa kanya
"Bakit ako mahihiya? Wala akong ginagawang masama! Palibhasa ang dami mong bahong tinatago na ayaw mong mabunyag! Takot ka no?!" Sagot sakin ni Pearl tsaka tumawa pa
"Pearl kung may baho man akong tinatago utot ko lang yon. Kung meron ka pang alam na baho ko sige makikinig kami sayo libre mong ikalat sa buong school wala akong pake. Kaya excuse us wala kaming panahon sa mga sentimyento mo sa buhay. Mag bagong buhay kana tigilan mo na pag aadik walang maitutulong yan sayo" sagot ko kay Pearl tsaka hinila na ang dalawa.
Ayoko sanang patulan si Pearl pero nakakairita din kasi kasinungalingan niya.
***